You are on page 1of 2

Ang sarap kumain lalo na kung mainit ang sabaw na kahit alam mong mapapaso ka

ipagpapatuloy mo parin kasi alam mo sa bawat pagsigop mo ng sabaw sarap ang iyong
malalasahan kahit na ito ay may kaakibat na sakit dahil sa init nito. Parang ang pag-ibig alam mo
na masasaktan ka sa huli pero ipagpapatuloy mo parin. Palawigin natin ang salitang pag-ibig…
pag-ibig na kaya malagpasan basta nagmamahalan kayo…pag-ibig na hahamakin lahat
masunod ka lamang…pag-ibig kayang ibigay lahat para sa taong mahal natin kahit ito'y may
magdudulot ng kapahamakan Inaakala ko noon lahat ng mga nakikita ng mga mata at
nahahawakan ng mga kamay ay totoo. Hindi pala ito pala'y isang kathang-isip lang na sa
sobrang perpekto'y kailan may hindi magiging totoo. Akala ko sa bawat haplos at sa
pagmamahal mapapatunayan na totoo ang kanilang pinapakita ngayon pala'y isang panagip
lang pala na gusto ko nang magising.

Mahal naalala mo pa ba yung araw na una tayong magkita? Ang sarap balikan mga araw na
nagsisimula palang umusbong ang ating pagmamahalan...

Pagmamahalan nga bang maitatawag kung ako lang pala ang nagmamahal. Naalala mo ba yung
araw na una tayong nag-asaran at sa huli ako ang laging nananalo anong sayang aking
nararamdaman sa tuwing kasama kita ito ba yung timatawag nilang poreber? Na walang
hanggang pagmamahalan..

pero bakit ganon wala nga bang forever? Akala ko habang tumatagal lumalalim ang
nararamdaman natin sa isa't isa akala ko masaya ka gaya ng nararamdaman kong saya tuwing
magkasama tayo. Tayo matatawag ko bang tayo kahit sa simula pala wala naman tayo ang sakit
pala sa pakiramdam na umasa ka akala ko meron akala ko meron tayo kaso wala. Habang
tumatagal ang pagiging magkaibigan natin ay lalo akong nasasaktan mahal, alam mo ba para
mo akong sinasaksak ng paulit-ulit sa tawing pinangungunahan mo ang mga asaran at lagi
mong pinagdidikdikan na kahit kailan hindi ka magkakagusto sa akin oo alam ko biruan lang
iyon pero sana kaibigan dahan-dahan sa pagsasalita dahil sa bawat paglabas ng mga letra sa
bibig sa katumbas ay pighati sa aking puso. Oo alam ko pangit ako Hindi ako maganda tanga
ako sa lahat ng bagay. Lalo na sa pagpili ko ng mahalin akala ko tama na itong nararamdaman
ko akala ko sa unang pagkakataon meron akong nagawang tama kaso tama ka nga siguro na
kailan man walang magmahal sa akin.

at minsan ginagawa natin ang alam na makakabuti sa kanila na Hindi na binibigyan linaw kung
bakit natin ito ginagawa kaya minsan nagkakaroon tayo ng maling akala na Hindi nila tayo
pinahalagahan... Na pinabayaan nila tayo pero ang totoo ibinigay nila lahat para sa ikakabuti
mo lang.

may mga bagay na dapt ng kalimutansapagkat kalian ma’y hindi na babalik pa

You might also like