You are on page 1of 6

Aray salitang gusto kong sabihin pero hindi ko alam kanino ko ba dapat sabihin ang sakit- sakit

ng puso ko para bang tinutusok ng karayom… alam mob a ang pakiramdam na ang bigat-bigat
ng nararamdaman mo gusto mo man umiyak hindi mo naman magawa dahil sa mga taong
nakapaligid sayo ng mga matang mapanghusga… bakit ganoon ginawa ko naman lahat ng
makakaya ko pero…pero… pero bakit ganito ang kinalabasan bakit ako nabigo? Hindi pa ba
sapat ang ginawa ko para magtagumpay?kulang pa ba ang araw’t gabi ko para magtagumpay ni
pagtulog nga inilaan ko na pero bakit ganito ang kinalabasan… bakit…bakit…bakit? Pakiusap
ipaunawa mo naman sa akin ang dahilan kung bakit ko pinagdadaanan ang problemang ito?
akala ko ba kapag nagsikap ka may mararating ka akala ko ba kapag ginawa mo ang lahat
magiging matamis ang kalalabasan? Bakit… bakit… bakit ako nabigo?

]siguro hindi mo ako mauunawan gaya ng iba tama ba? Ngayon uumpisahan ko sa simula…
simula ng aking pangarap hanggang sa tuluyan ng maglaho…

Isa akong guro bagong lipat sa bayan noong una medyo nahirapan ako dahil ang layo ng
pagkaka-iba ng siyudad sa baryo sa baryo. Pahirapan demo rito, interview doon, punta ka kay
ganito, pumunta ka kay ganyan… at sa wakas natapos na angisang linggo kasabay na iyon
nakuha na ako… hindi pa roon natatapos wala pang mga bata/mag-aaral pero kaming mga
guro’y para nang nakikipaggiyera sa mga papeles na dapat matapos bago magpasukan…

kaya ko naman lahat ibigay sayo lahat ibibigay ko para sayo kaibigan kaya sana kaibigan ako
nalang mahalin mo.

mahal kita pero alam ko kahit kailan Hindi ako magkakaroon ng puwang jan sa puso mo.

Sana dumating ang araw na makalimutan na kita... Dahil kaibigan hindi ko na kayang makita
kang masaya sa piling ng iba.

Oo, nga pala kaibigan mo lang ako hindi ka-ibigan.


kaibigan pagod na ako umasang mamahalin mo ako dahil may kayo at walang tayo, ang sakit-
sakit para akong pinapatay ng paulit-ulit sa tuwing sinabi mo na mahal na mahal mo siya.
kaibigan hindi ba pweding ako nalang ako nalang mahalin mo.

Sana lahat ng mga anak kayang ibalik and pagmamahal na ibinigay ng kanilang mga magulang;
wala na sigurong mas sasaya pa sa ina na maibalik lahat ng pagmamahal na ibinagay niya sa
kanyang anak.

Ma,pa, pagdumating ang araw na tumanda kayo asahan niyong aalagaan ko kayo at Hindi ako
magsasawang umunawa sa inyo gaya ng isang milyong ibinibigay niyo sa akin sa tuwing
nagkakasala ako
Iniiwasan na titigan ka nagbabakasakali na mawala itong nararamdam; pilit na lumalayo kahit
na pilit sinasabi ni puso na wag umalis sa tabi mo dahil sayo lang sumasaya itong pusong sawi,
pilit na umiiwas pero matigas talaga si puso hindi mapigilan na mapalapit sayo...

Tumulong ka wag mo ipapakita sa iba...


Kung ang hangad mo ang makatulong Hindi mo kailangan ipakita o ipagsabi kung ano ang
iyong ginawa sa iyong kapwa. Kay sarap tumulong hindi ba? Yung pakiramdam na sa simpleng
pagtulong mo lang ay napalaki na ito sa iba.

Isang ilaw kung ako'y iyong ituring sa bawat paglalakbay mo ako ang lagi mong kasama.

Sa bawat pagkakamali mo lagi akong nandito para itama lahat ng pagkakamali mo ganyan ang
magkaibigan hindi ba? laging nasa tabi sa bawat problemang dumadating at magkatulong natin
tong himaharap...
Isang araw habang ako'y naglalakbay biglang dumilim ang paligid Hindi ko mawari ang gagawin
ko pero nakita kita kaya lahat ng pangamba'y napalitan ng

galak dahil alam ko tutulungan mo ako pero bakit ganoon tinalikuran mo ako tumakbo ako ng
tumakbo para mahabol kita pero sa bawat hakbang ko tuluyan kang naglalaho ng parang bula.
Kaibigan nga ba ang turing mo sa akin o ako lang ang umasa na magkaibigan tayong tunay.

Pangarap... Pangarap... Pangarap... Salitang pinag-ugatan ng lahat; isang sandigan para mabago
tayo oo, tayo tayong nagsimula sa paslit na may munting pangarap hanggang sa paglaki'y
lumaki rin ang pangarap pangarap na akala mo'y mapapabuti pero hindi nang maglao'y nabago
ang kahulugan ng pangarap ito'y napalitan ng salitang gahaman...

kay sakit isipin na dating matamis na pangarap ngayo'y mapait na katotohanan na...

lahat ng tao mayroon nito H'wag mong pakataas dahil kapag nahulog ka siguradong malakas
ang bagsak mo... Baka di kana makatayo
Sa pagsalubong ni haring araw mga yapak na di mo wari saan nagmumula na tila ba nasa isang
syudad na di magkamaliw sa dami ng tao pero bakit ganito tumingin ako sa kanan wala akong
natatanaw kaya nagbakasakaling sila'y nasa kaliwa pero ... Wala! Oo wala... Walang ibang
naroon kundi ako kaya tumakbo ako nang tumakbo sinundan ang mga yapak na maglalabas sa
aking kulungkutan. Sandali, bakit ganito wala akong ibang matanaw kundi malawak na lupain
na para bang disyerto... Nararamdaman ko na ang pagbagsak ng aking mga balikat kasabay ng
pagbagsak ng aking kagustuhan na makawala sa hawla...

You might also like