You are on page 1of 2

PONOLOHIYA

• Ang Ponolohiya ay ang mga makabuluhang tunog ng wikang Filipino. Hango ito sa
dalawang salita, “pono“ na nanggaling sa salitang Engles na “phone” na
nangangahulugang tunog at “lohiya” na nangangahulugang pag-aaral.
• Ito ay isang bahagi ng lingguwistika na sumusuri sa kahalagahan ng ponema o tunog
na siyang pinakamaliit ngunit may kabuluhang/kahulugang yunit ng tunog sa isang
wika.

PONEMANG SEGMENTAL

PONEMANG PATINIG
• Ang ponemang patinig ay binibigkas sa ating dila na binubuo ng harap, sentral, gitna at
likod na bahagi. Ang mga bahagi ng dila ang siyang gumagana sa pagbigkas ng mga
patinig na binibigkas ng mataas, gitna at mababa ayon sa posisyon ng pagbigkas.

Tsart ng mga Ponemang Patinig sa Filipino

AYOS BAHAGI NG DILA


NG HARA SENTR LIKO
DILA P AL D

MATAA
i u
S
GITNA e o
MABA
a
BA
DIPTONGGO
• Alinman sa ponemang patinig na /a/e/i/o/u/ na sinusundan ng malapatinig na /w/ at /y/
sa loob ng isang pantig at tinatawag na diptonggo. Ang mga diptonggo ay: aw, ay, ey,
iw, iy, oy, ow, uw, at uy.
HALIMBAWA:
• Ba-liw • Sa-baw
• Ba-hay • Ka-hoy

KLASTER (Kambal-Katinig)
• Ang klaster na maituturing na kambal katinig at binubuo ng dalawang magkasunod na
katinig sa isang pantig.
HALIMBAWA:
Inisyal • Asambleya
• Blusa
• Kwenta Midyal
• Dragon • Sombrero
• Ekspresyon Pinal
• Ark
• Kard
• Biks
PARES MINIMAL
• Ito ay binubuo ng pares ng salitang magka-iba ang kahulugan ngunit magkatulad sa
bigkas.
HALIMBAWA:
• Pala – “shovel” • Misa – “mass”
• Bala – “bullet” • Mesa – “table”

PONEMANG MALAYANG NAGPAPALITAN


• Ang mga ponemang malayang nagpapalitan ay binubuo ng pares ng salitang
nagtataglay ng magka-ibang ponemang matatagpuan sa magkatulad na kaligiran na di-
nababago ang kahulugan.
HALIMBAWA:
• Marami/Madami • Tutuo/Totoo
• Nuon/Noon • Babae/Babai

PONEMANG SUPRASEGMENTAL
DIIN
• Ito ang pagbibigay ng pansin sa pagbigkas ng isang salita. Ginagamit dito ang
simbolong /./ upang ipahiwatig na ang bahagi ng salita at may diin.
HALIMBAWA:
• /bu.hay/ - “Life”
• /buhay/ - “Alive”

TONO
• Ginagamit ang tono kapag tinutukoy ang tindi ng damdamin sa pagsasalita. Sa tono ng
pagsasalita, malalaman ang kahulugan ng pahayag na kanyang gustong sabihin.

INTONASYON

• Nauukol ito sa pagtaas at pagbaba ng tinig sa pagsasalita na maaaring maghudyat sa


kahulugan ng isang pahayag.

HALIMABAWA:
• Totoo ang sinabi niya. (Nagsasalaysay)
• Totoo ang sinabi niya? (Nagtatanong)
HINTO/JUNCTURE
• Ito ang saglit na pagtigil kung nagsasalita. Ang hinto ay nakapagpapabago sa
kahulugan ng pangungusap kung nag-iiba ang hinto sa bahagi nito.
HALIMBAWA:
• Tito Jose Antonio ang kaibigan ko//
(Ipinakikilala ang buong pangalan ng kaibigan niya)
• Tito/Jose Antonio ang kaibigan ko//
(Ipinakikilala sa kanyang Tito si Jose Antonio)
• Tito Jose/ Antonio ang kaibigan ko//
(Ipinakikilala ang kaibigan nagngangalang Antonio sa kanyang Tito Jose)
• Tito Jose Antio/ ang kaibigan ko//
(Ipinakikilala ang kaibigan kay Tito Jose Antonio)

You might also like