You are on page 1of 6

ANTAS NG WIKA

1. Balbal
• “slang”
• Pinakamababang antas ng wika
• patunay ng pagiging dinamiko (dynamic) ng wika
• Karaniwang ginagamit sa lansangan (street)
Halimbawa:
• Parak (pulis)
• Istokwa (naglayas)
• Eskapo (takas ng bilangguan)
2. Kolokyal
• Ginagamit sa pang-araw-araw na hinalaw (derived) sa pormal na mga
salita
Halibawa:
• alala (naalala)
• lika (halika)
• naron (naroon)
• antay (hintay)
3. Lalawiganin
• salitang karaniwang salita o diyalekto ng mga katutubo
• ‘gaya ng Cebuano, Bikolano, Batangenyo at ibp.
• palatandaan ay ang punto o accent
Halimbawa

Tagalog Ilokano Cebuano Bikolano

aalis pumanaw molakaw mahali

kanin inapoy kan-on maluto

paa saka tili bitis

4. Pambansa
• Ginagamit sa mga aklat, babasahin at sirkulasyon pangmadla
• Ginagamit sa paaralan at sa pamahalaan
5. Pampanitikan
• pinakamayamang uri
• ginagamit ang salita sa ibang kahulugan
• mayaman sa paggamit ng idyoma, at tayutay
• ginagamit ng mga manunulat, dalubhasa, at mananaliksik
Halimbawa:
• Mabulaklak ang dila
• Balat-sibuyas (iyakin)
• Taingang kawali (bingi)
SANGKAP NG WIKA
1. Ponolohiya
2 anyo ng Ponolohiya
a. Ponemang Suprasegmental
• a, e, i, o, u
b. Ponemo
• Diptonggo
• Magkasunod na patinig at katinig (w at y) sa isang
pantig
• nabubuo sa pagsasama ng alinman sa limang patinig
(a,e,i,o,u) + w o y.

Halimbawa:
Sayaw —> Sa / yaw
• Diptonggo ang yaw
• Mayroon titik na y + a + w
Sanaysay —> Sa / nay / say
• Diptonggo ang nay at say
• Mayroon titik na a + y
• Klaster
• “kambal katinig”
• magkasunod na katinig sa isang pantig

Halimbawa:
Klaster —> Klas / ter
• Magkasunod na katinig na k at l
Transportasyon —> Trans/ por / tas / yon

• Pares Minimal
• Katulad na bigkas, hindi katulad na kahulugan
maliban sa isang ponema

Halimbawa:
Me/sa - Mi/sa
• pareho sila meron s at a
U/so - O/so
• Pareho sila meron s at o
• Malayang Nagpapalitan
• Hindi katulad na bigkas, katulad kahulugan

Halimbawa:
Lalake - Lalaki
2. Morponolohiya
• “salitang ugat”
• morpemang panlapi (unlapi, gitlapi, hulapi, kabilaan, at laguhan) at
morpemang salitang ugat

Halimbawa:
Magsayaw —> Mag / sayaw
• “Mag” ay ang morpemang panlapi (unlapi)
• “sayaw” ay ang morpemang salitang ugat
Iyakan —> Iyak / an
• “an” morpemang panlapi (hulapi)
• “iyak” morpemang salitang ugat
Magsayawan —> Mag / sayaw / an
• “mag” at “an” morpemang panlapi (kabilaan)
o mayroon unlapi at hulapi
• “sayaw” morpemang salitang ugat
Pinagsumikapan —> Pinag / s / um / ikap / an
• “pinag”, “um”, at “an” morpemang panlapi (laguhan)
o Mayroon unlapi, gitlapi at
hulapi
• “sikap” morpemang salitang ugat
• Nagbabagong Morpoponemiko
1. Asimilasyon
2. Pagkaltas ng Ponema
3. Metatesis

Halimbawa:

Asimilasyon
Pamahalaan
• Pang + bahala + an
• ng + b = m
• Pamahalaan
• dahil magkasama ang “ng” at “b” inalis ang “ng” at
ginawang “m”
Pagkaltas ng Ponema
• pag-alis ng “b” sa Pang + bahala + an
Metatesis
• paglipat ng panlapi
Halimbawa:
yakapin —> yakap + in —> niyakap
• nalipat ang panlapi “ni” sa
unahan

3. Kultura
• tradisyon at paniniwala ng isang bansa
• Wika at Kultura ay “kambal”
4. Talasalitaan
• Bokabularyo o vocabulary
• Kalipunan (grupo) ng salita na may kahulugan
• Talatinigan (Dictionary) - pronunciation

Barayti ng Wika
1. Idyolek
• paraan ng pagsasalita ng isang tao o ng pangkat
• “Dabarkads” - Eat Bulaga
• “Excuse me po” - Mike Enriquez
2. Diyalek
• ananalika o varyasyon ng wika ng bawat lugar/probinsya
• “Tagalog-Batangas” “Tagalog-Manila”
3. Sosyolek
• nakabantay sa dimensyong sosyal
• Pormal ang tawag sa mga wika na gamit ng mga propesyonal o yung may
mga mataas na natatapos tulad ng mga guro, doktor, nars at enhinyero.
• Di-pormal na naman sa mga salitang naimbento lamang ng mga
ordinaryong tao sa lipunan.
• “Beki Language” “Astig”
4. Ekolek
• salita ng nabuo sa loob ng tahanan
• CR (Palikuran)
5. Etnolek
• nilikha mula sa mga etnolinggwistikong na grupo (kapatid sa bundok)
• Aeta (wika sinasalita ng kabundukan)
6. Pidgin
• wikang walang pormal na estruktura
• pinaghalo-halong salita ng iba’t ibang wika
• “Taglish”
7. Kreolo/Creole
• produktong Pidgin
• nagkakaroon ng pormal na estruktura
• Espanyol at Filipino
8. Rejister
• espelialikado na salita
• “medical field o “professional”

TUNGKULIN/GAMIT NG WIKA
Ayon kay Micheal A.K. Halliday:
1. Instrumental
• tumutugon sa pangangailangan ng mga tao sa paligid
• lalo na kung mayroon katanungan na dapat sagutin
• Aking pagka intindi: Mga sagot sa tanong

Halimbawa:
L: Maari ba akong umakyat ng ligaw sa iyo?
B: Walang problema (sagot)
2. Regulatori
• pagkontrol ng ugali o asal ng ibang tao at nagbibigay ng direksyon.
• Aking pagka intindi: Mga panuto o kontrol sa mga tao

Halimbawa:
Islogan ng MMDA: Bawal ang umihi dito. Multa 500 Php (kontrol)
Gorio: Naku, saan kaya ako maaaring umihi? Bawal pala dito

3. Interaksyunal
• paraan pakikipag talakayan ng tao sa kanyang kapwa; nakikipag biruan,
pakikipagtalo tungkol sa partikular na isyu.
• Aking pagka intindi: ginagamit ang mga biro at nakipaglaban upang pag-
usapan ang partikular na isyu

4. Personal
• sariling pala-palagay o kuro-kuro sa paksang pinag-usapan
• Aking pagka intindi: opinyon sa paksa

Halimbawa:
Beth: Talaga? Nanalo ako ng 100 milyon? Yahoo!
Kreng: Ang swerte mo naman! Balato naman diyan! (opinyon niya)

5. Imahinatibo
• malikhaing guni guni ng isang tao sa paraang pasulat o pasalita.
• Aking pagka intindi: Mga pangungusap na malabo mangyari o base
lamang sa libro at galing sa imahinasyon

Halimbawa:
Gringo: Kung makikilala ka ng genie, ano ang hihilingin mo sa kanya?
(imahinasyon)

6. Heuristiko
• pagkuha o paghahanap ng impormasyon na may kinalaman sa paksang
pinag-aaralan
• Aking pagka intindi: Mga impormasyon na base sa pinag-aralan

Halimbawa:
Ngayon ko lang nalaman na ang Dalmatian ay isang wika, isang
halimbawa ng patay na wika o frozen language. (impormasyon)
Conative - pag-uutos
Informative - pagbibigay impormasyon
Labeling - Pagbabansag
Phatic - nagsisimula ng isang usapan (small talk)
Emotive - bugso ng damdamin
Expressive - binabanggit ang saloobin
• opinyon
• Proponent - opinyon ng iba
• Opinionated - opinion mo
• Mixed - opinion ng iba na relevant sa iyo

You might also like