You are on page 1of 6

Batayang Kaalaman sa

Pagsulat
 Maraming dahilan ang ato sa kanyang pagsusulat.
Kadalasan ito’y udyok ng pangangailangang
magpahayag ng kanyang kaisipan at damdamin lalo
na iyong inaakala niyang pakikinabangan ng
kanyang mambabasa. Sa isang estudyante lagi nang
ang dahilan ng kanyang pagsusulat sapagkat ito’y
isang pangangailangan sa klase bilang pag sasanay
at pagpapahusay sa pagpapahayag.
Depinisyon ng Pagsulat

 Ang pagsulat ay pagsasalin sa papel o sa anumang kasangkapangmaaaring magamit na


mapagsasalin ng mga nabuong salita, simbulo at ilustrasyon ng isang tao o mga tao sa layuning
maipahayag ang nasa kanyang kaisipan (mamuyak, Papa at Sauco, 1998).
 Isang paraan ng pagpapahayag ng mga saloobin, damdamin at kaalaman ang pagsulat katulad ng
pagsasalita. Sa apat na makrong kasanayang pangwika (pakikinig, pagsasalita, pagbasa at
pagsulat), ang pagsulat ang sinasabing pinakamahirap matutuhan. Hindi tulad ng pagsasalita,
hindi mga tunog kundi may mga titik ang simbolong ginagamit ng manunulat upang
makapagpahayag. Bumubuo siya ng makahulugang salita mula sa mga titik, at ng mga
pangungusap at kabuuang diskors mula sa mga salita.
 Ang pagsulat ay ekspresyon ng pagpapagalaw ng isipan at emosyon ng tao. Ang mga bagay na
hindi kayang sabihing pasalita ay ginagawa sa paraang pasulat. Maaring sumulat ng pansarili o
personal; kasabay ng pag-unlad ng sariling ideya tungkol sa sarili at karanasan. Ang ganitong uri
ng pagsulat ay makatutulong sa pagpapabuti ng kasanayang ito sapagkat ang paksang isusulat
ay pinakamalapit sa interes mo.
Ang pagsulat ay maaring bigyan pansin
batay sa tatlong dimensyon bilang isang
anyo ng sining ayon ky Badayos(1999)
1. Ang masining at istetikong (artistic and aesthetic appeal) ng mga malikhaing sulatin na
siyang pinakatampokna herarkiya kung saan tinutuklas at minamalas natin ang mahiya
sa ating sariling wika.
2. Ang paggamit ng wika kung nais nating magbigay ng ulat katulad ng wikang ginagamit
sa mga pahayagan ay tinatawag na expressive purpose ayon kay Samuel (1998)
3. Ang pinakagamiting demensyon hinngil na paghikayat sa pagsulat ay ang functional
purpose. Kabilang sa demensyong ito ang pagsulat ng luham sa editor ng isang
pahayaga. Ang mga kombensyong ginagamit sa ganitong uri ng pagsulat ay mga
panimulang gawaing magagamit ng guro sa paglinang ng mga kasanayan hinggil sa
paglalahad ng mga detalye,pakiusap, pag susumamo, at iba pa laging isaisip na palagay
ang sinumang tao kung alam niyang tinatanggap na balana ang wikang ginagamit.
Mga Uri ng Kahalagahan ng Pagsulat

Kahalagahang Panterapyutika
 Ang taong may kahinaan sa pagsasalita ay mahilig sumulat para mailabas lamang ang nasa
kalooban may mababasa man o wala. Gumagaan ang kanilang pakiramdam pagkatapos
makapagsulat. Para bang naibsan sila ng isang mabigat na dalahin.
Kahalagang Pansosyal
 Sumusulat ang mga tao dahil may namamagitang katahimikan o mga bagay na siyang nagpapalayo
sa isang relasyon ngunit likas ng tao ang magkarelasyon. Kung nasasaktan ka at hindi mo masasabi
ng tuwiran ang iyong nadarama, isulat mo lang iyon. Madali ang ugnayan sa pamamagitan ng
pagsulat. Ang isang mamamayang sosyal ay sandatang panulat ang ginagamit para maipadama ang
kanyang saloobin tungkol sa mga pangyayari sa kanyang kapaligiran.
Kahalagang Pang-ekonomiya
 Ang tao’y sumusulat dahil kailanga para siya’y mabuhay sa medaling salita ito’y nagiging kanyang
hanapbuhay. Pang-araw-araw na Gawain niya ang pagsusulat at paghahanap ng mga dapat isulat.
Lalo na pag may hinahabol na deadline.
Kahalagahang Pangkasaysayan
 Ang panulat ay mahalaga sa pagrereserba ng ating kasaysayang pambansa at ang
mga naisasatitik ay nagsisilbing dokumento para sa mga sumusunod na
henerasyon.

You might also like