You are on page 1of 12

PAGSULAT Isa sa mga makrong kasanayang dapat mahubog

sa mga mag-aaral

Kahulugan ng Pagsulat ayon kay Cecilia Austera, Ang pagsusulat ay isang kasanayang naglulundo
et al. ng kaisipan at damdaming nais ipahayag ng tao
gamit ang pinakaepektibong midyum ng
paghahatid ng mensahe, ang wika

Kahulugan ng Pagsulat ayon kay (Edwin Mabilin, Ito ay isang pambihirang gawaing pisikal at mental
et al. dahil sa pamamagitan nito ay naipahahayag ng tao
ang nais niyang ipahayag sa pamamagitan ng
paglilipat ng kaalaman sa papel o anumang
kagamitang maaaring pagsulatan.

Kahulugan ng Pagsulat ayon kay Mabini (2012) Isang Pagpapahayag na ng kaalamang


kailanma'y'di maglalaho, magpapasalin sa bawat
panahon

DAHILAN NG PAGSUSULAT 1. Libangan


2. Pag-aaral/edukasyon
3. Bokasyon/Trabaho

Ayon kay Mabelin (2012) Ang layunin sa pagsasagawa ng pagsulat ay


maaaring mahati sa dalawang bahagi.
A. Personal o Ekspresibo
B. Panlipunan o Pansosyal

Personal o Ekspresibo Ang layunin ng pagsulat ay nakabatay sa


pansariling pananaw, karanasan, naiisip, o
nadarama ng manunulat.

Ang ganitong paraan ng pagsulat ay maaaring


magdulot sa bumabasa ng kasiyahan,
kalungkutan, pagkatakot, o pagkainis depende sa
layunin ng taong sumusulat

Ang karaniwang halimbawa nito ay ginagawa ng


mga manunulat ng sanaysay, maikling kuwento,
tula, dula, awit, at iba pang akdang pampanitikan

Panlipunan o Pansosyal Ito naman ay panlipunan o pansosyal kung saan


ang layunin ng pagsulat ay ang makipag-ugnayan
sa ibang tao o sa lipunan na ginagalawan.

Ang ibang halimbawa nito ay ang pagsulat ng


liham, balita, korespondensiya, pananaliksik,
sulating panteknikal, tesis, disertasyon, at iba pa.

KAHALAGAHAN NG PAGSUSULAT Mahahasa ang kakayahang mag-organisa ng mga


kaisipan at maisulat ito sa pamamagitan ng
obhektibong paraan.

Malilinang ang kasanayan sa pagsusuri ng mga


datos na kakailanganin sa isinisagawang
imbestigasyon o pananaliksik.

Mahuhubog ang kaisipan sa pamamagitan ng


mapanuring pagbasa sa pamamagitan ng pagiging
obhektibo sa paglatag ng mga kaisipang isusulat
batay sa mga nakalap na impormasyon.

Mahihikayat at mapauunlad ang kakayahan ng


mag-aaral at makikilatis ang mahahalagang datos
na kakailanganin sa pagsulat.

Maaaliw sa pagtuklas ng mga bagong kaalaman at


pagkakaroon ng pagkakataong makapag-ambag
ng kaalaman sa lipunan.

Mahuhubog ang pagbibigay pagpapahalaga nang


paggalang at pagkilala sa mga gawa at akda.

MGA GAMIT O PANGANGAILANGAN SA ● Wika


PAGSULAT ● Paksa
● Layunin
● Pamaraan ng Pagsulat
● Kasanayan Pampagiisip
● Kaalaman sa Wastong Pamamaraan ng
pagsulat
● Kasanayan sa Paghahabi ng Buong Sulatin

WIKA Nagsisilbing behikulo para maisatitik ang mga


kaisipan, kaalaman, damdamin, karanasan,
impormasyon, at iba pang nais ipabatid ng taong
nais sumulat.

Dapat matiyak kung anong uri ng wika ang


gagamitin upang madaling maunawaan sa uri ng
taong babasa ng akda.

Nararapat magamit ang wika sa malinaw,


masining, tiyak, at payak na paraan.

Paksa Ang pagkakaroon ng isang tiyak at maganda na


tema ng isusulat ay isang magandang simula dahil
dito iikot ang buong sulatin.

Kailangan na magkaroon ng sapat na kaalaman sa


paksang isusulat upang maging makabuluhan, at
wasto ang mga datos na ilalagay sa akda o
komposisyong susulatin.

Layunin Ang layunin ang magsisilbing gabay sa paghabi ng


mga datos o nilalaman ng isusulat.

Pamaraan ng Pagsulat May limang paraan ng pagsulat upang mailahad


ang kaalaman at kaisipan ng manunulat batay na
rin sa layunin o pakay sa pagsusulat.

A. Pamaraang Impormatibo
B. Pamaraang Ekspresibo
C. Pamaraang Naratibo
D. Pamaraang Deskriptibo
E. Pamaraang Argumentatibo

Pamaraang Impormatibo Ang pangunahing layunin nito ay magbigay ng


bagong impormasyon o kabatiran sa mga
mambabasa.
Pamaraang Ekspresibo Ang manunulat ay naglalayong magbahagi ng
sariling opinyon, paniniwala, ideya, obserbasyon,
at kaalaman hingil sa isang tiyak na paksa batay
sa kanyang sariling karanasan o pag-aaral.

Pamaraang Naratibo Ang pangunahing layunin nito ay magkuwento o


magsalaysay ng mga pangyayari batay sa
magkakaugnay at tiyak na pagkakasunod-sunod.

Pamaraang Deskriptibo Ang pangunahing pakay ng pagsulat ay


maglarawan ng katangian, anyo, hugis ng mga
bagay o pangyayari batay sa mga nakikita,
naririnig, natunghayan, naranasan at nasaksihan

Pamaraang Argumentatibo Naglalayong manghikayat o mangumbinsi sa mga


mambabasa. Madalas ito ay naglalahad ng mga
isyu ng argumentong dapat pagtalunan o
pag-usapan.

Kasanayang Pampag-iisip Taglay ng manunulat ang kakayahang maganalisa


upang masuri ang mga datos na mahalaga o hindi
na impormasyon na ilalapat sa pagsulat.

Kailangang makatuwiran ang paghahatol upang


makabuo ng malinaw at mabisang pagpapaliwanag
at maging obhetibo sa sulating ilalahad

Kaalaman sa Wastong Pamamaraan ng Pagsulat Dapat ding isaalangalang sa pagsulat ang


pagkakaroon ng sapat na kaalaman sa wika at
retorika partikular sa wastong paggamit ng malaki
at maliit na titik, wastong pagbaybay, paggamit ng
batas, pagbuo ng talata, at masining at obhetibong
paghabi ng mga kasipan upang makabuo ng isang
mahusay na sulatin.

Kasanayan sa Paghahabi ng Buong Sulatin Ito ay tumutukoy sa kakayahang mailatag ang mga
kaisipan at impormasyon mula sa panimula
hanggang sa wakas na maayos, organisado,
obhetibo, at masining na pamamaraan ang isang
komposisyon.

MGA URI NG PAGSULAT • Malikhaing Pagsulat


• Teknikal na Pagsulat
• Propesyunal na Pagsulat
• Dyornalistik na Pagsulat
• Reperensiyal na Pagsulat
• Akademikong Pagsulat

Malikhaing Pagsulat (Creative Writing) • Pangunahing layunin nito ay maghatid ng aliw,


makapukaw ng damdamin, at makaantig sa
imahinasyon at isipan ng mga mambabasa.

• Karaniwang bunga ito ng ating malikot na


imahinasyon o kathang-isip lamang.

• Halimbawa: Maikling kwento, dula, nobela,


komiks, iskrip ng teleserye, pelikula, musika, at iba
pa.

Teknikal na Pagsulat (Technical Writing) • Layuning pag-aralan ang isang proyekto o kaya
naman ay bumuo ng isang pag-aaral na kailangan
lutasin ang isang problema o suliranin.

• Halimbawa: Feasibility Study on the Construction


o Platinum Towers in Makati, Project on the
Renovation o Royal Theatre in Caloocan City,
Proyekto sa Pagsasaayos ng Ilog ng Marikina.

.Dyornalistik na Pagsulat (Journalistic Writing) Ito ay tungkol sa sulating may kaugnayan sa


pamamahayag.

• Mahalagang ang mga taong sumusulat nito ay


maging bihasa sa pangangalap ng mga totoo,
obhetibo, at makabuluhang mga balita at isyung
nagaganap sa kasalukuyan na kanyang isusulat sa
pahayagan, magasin, o kaya naman ay iuulat sa
ardyo at telebisyon.

• Halimbawa: balita, editoryal, lathalain, artikulo, at


iba pa.

Reperensiyal na Pagsulat (Referential Writing) • Layunin ng sulatin na mabigyang pagkilala ang


mga pinagkunang kaalaman o impormasyon sa
paggawa ng papel pananaliksik.

• Halimbawa: Review of Related Literature (RLL),


Sanggunian

Akademikong Pagsulat (Academic Writing) • Ito ay isang intelektuwal na pagsulat.

• Ang gawaing ito ay nakatutulong sa pagpapataas


ng kaalaman ng isang indibidwal sa iba’t ibang
larang.

• Ito ay isang masinop at sistematikong pagsulat


ukol sa isang karanasang panlipunan na maaaring
maging batayan ng marami pang pag-aaral na
magagamit sa ikatataguyod ng lipunan.

• nilalaman ng introduksiyon, gitna na nilalaman ng


mga paliwanag, at wakas na nilalaman ng
resolusyon, kongklusyon, at rekomendasyon.

• Ilan sa mga halimbawa ay abstrak, bionote,


talumpati, panukalang proyekto, replektibong
sanaysay, sintesis/buod, lakbaysanaysay,
synopsis, at iba pa.

• Mahalagang matutuhan sapagkat kung marunong


sumulat nang maayos at may kabuluhan ang isang
tao, maituturing na nakaaangat siya sa iba.
(larangan ng edukasyon at pagtatrabaho)

• lumilinang, sumasanay, at humuhubog ng


kasanayan at kaalaman ng mga mag-aaral
sa pagsulat gamit ang akademikong Filipino.

• Ang lahat ng pagsasanay sa pagsulat na


naranasan ng mga mag-aaral
Mga Uri ng Akademikong Sulatin • Abstrak
• Posisyong Papel
• Sintesis/Buod
• Rekplektibong Sanaysay
• Panukalang Proyekto
• Pictorial Essay
• Agenda
• Talumpati
• Katitikan ng Pulong

Mga katangiang dapat taglayin ng akademikong 1. Obhetibo


sulatin 2. Pormal
3. Maliwanag at Organisado
4. May Paninindigan
5. May Pananagutan

Obhetibo Mahalaga ang tunay at pawang katotohanan ang


mga impormasyon. Iwasan ang mga pahayag na
batay sa aking pananaw o ayon sa haka-haka o
opinyon.

Pormal Iwasan ang paggamit ng mga salitang kolokyal o


balbal. Sa halip, gumamit ng mga salitang pormal
na madali ng maunawaan ng mga mambabasa.
Ang tono o ang himig ng impormasyon ay dapat
maging pormal din.

Maliwanag at Organisado Sa paglalahad ay nararapat na maging malinaw at


organisadong mga kaisipan at datos. Nakikitaan ng
maayos na pagkakasunodsunod at
pagkakaugnay-ugnay ng pangungusap na binubuo
nito. Ang pangunahing paksa ay dapat
nabibigyangdiin sa sulatin.

May Paninindigan Mahalagang mapanindigan ng sumusulat ang


paksang nais niyang bigyangpansin o pag-aralan,
ibig sabihin hindi maganda ang mapagbago-bago
ng paksa. Maging matiyaga sa pagsasagawa ng
pananaliksik at pagsisiyasat ng mga datos para
matapos ang pagsulat ng napiling paksa.

May Pananagutan Ang mga sanggunian na ginamit sa mga nakalap


na datos o impormasyon ay dapat na bigyan ng
nararapat na pagkilala. Ito ay isang etika at
pagbibigay galang sa awturidad na ginamit bilang
sanggunian.

PAGSULAT NG IBA’T IBANG URI NG ➢ ABSTRAK


PAGLALAGOM/PAGBUBUOD ➢ SINOPSIS O BUOD
➢ BIONOTE

PAGLALAGOM/PAGBUBUOD Pinakasimple at pinaikling bersiyon ng isang


sulatin o akda.

MGA KASANAYAN SA ✓Nahuhubog ang kasanayang maunawaan at


PAGLALAGOM/PAGBUBUOD makuha ang pinakanilalaman ng teksto
✓Natututuhan ang pagtitimbang ng kaisipang
nakapaloob sa binabasa
✓Natututuhang magsuri ng nilalaman ng teksto
✓Nahuhubog ang kasanayan sa pagsulat, na
tamang paghahabi ng mga pangungusap
✓Nakatutulong sa pagpapayaman ng bokabularyo

Abstrak isang uri ng lagom o buod ng isang papel


pananaliksik, artikulo, tesis, disertasyon, rebyu,
reports at iba pang mga akademikong papel o
sulatin

sa simula o unahan ng pananaliksik pagkatapos ng


title page o pahina ng pamagat.

Talaan ng Nilalaman Pasasalamat


Abstrak
Kabanata I – INTRODUKSIYON
Kabanata II – MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL O
LITERATURA
Kabanata III – DISENYO AT PARAAN NG
PANANALIKSIK
Kabanata IV – PRESENTASYON AT
INTERPRETASYON NG MGA DATOS
Kabanata V – LAGOM, KONGKLUSYON AT
REKOMENDASYON
Bibliyograpiya

MGA URI NG ABSTRAK NA SULATIN Impormatibo at deskriptibo

Deskriptibong Abstrak •Ito ay maiksi lamang na uri ng sulatin.


•Binubuo lamang ito ng isang daan o kulang isang
daan na mga salita. (50-100)
• Kabilang dito ang kaligiran, layunin, at pokus ng
papel ngunit hindi kabilang ng metodolohiya,
resulta at kongklusyon.

Impormatibong Abstrak • Detalyado at malinaw ang mga inpormasyon na


makikita sa babasahing ito. Kabilang dito rito ang
kaligiran, layunin, pokus, pamamaraan, resulta at
kongklusyon.
• Ito ay mahaba kumpara sa deskriptibong abstrak.
• Kumpleto ito at binubuo ng halos dalawang daan
at limampong salita o higit pa.

Ayon kay Philip Koopman (1997) sa kanyang aklat na, “How to write an Abstract”
bagamat ang abstrak ay maikli lamang, tinataglay
nito ang mahalagang elemento o bahagi ng
sulating akademiko

BAHAGI O ELEMENTO NG ABSTRAK 1. Introduksyon o Panimula


2. Saklaw at Delimitasyon
3. Metodolohiya
4. Resulta
5. Konklusyon

1. Introduksyon o Panimula nagpapakita ng malinaw na pakay o layunin at


mapanghikayat ang bahaging ito upang
makapukaw ng interes sa mambabasa at sa
manunulat.

2. Saklaw at Delimitasyon - Ito ang tumutukoy sa kabuuan ng isyung napiling


pag-aralan. Ito ay nagpapakita nang hangganan ng
pananaliksik.
3. Metodolohiya Isang plano sistema para matapos ang isang
gawain.

4. Resulta Sagot o tugon para mapunan ang kabuuan ng


nasabing sulatin

5. Konklusyon Panapos na pahayag na naglalaman ng ideya o


opinyon na mag-iiwan ng palaisipan kaugnay sa
paksa.

PAMANTAYANSA PAGSULAT NG ABSTRAK 1. Lahat ng mga detalye o kaisipang ilalagay rito ay


dapat makikita sa kabuoan ng papel
2. Iwasan ang statistical figures o table sa abstrak
3. Iwasan ang paggamit ng sariling opinyon
4. Dapat ito ay hindi lumagpas sa isang pahina at
naka dobleng espasyo at isulat lamang ito sa isang
talata.
5. Gumamit ng mga malinaw at direktang mga
pangungusap
6. Maging obhetibo sa pagsulat
7. Gawin itong maikli ngunit komprehensibo
8. Maaaring maglaman ng 250 o higit pa na salita

MGA HAKBANGSA PAGSULAT NG ABSTRAK 1. Basahing mabuti at pag-aralan ang papel o


akademikong sulatin na gagawan ng abstrak.
2. Hanapin at isulat ang mga pangunahing kaisipan
o ideya ng bawat bahagi ng sulatin mula sa
introduksyon, kaugnay na literatura, metodolohiya,
resulta at konklusyon.
3. Buuin gamit ang mga talata ang mga
pangunahing kaisipang taglay ng bawat bahagi ng
sulatin. Isulat ito ayon sa pagkakasunod-sunod ng
mga bahaging ito sa kabuuan ng mga papel.
4. Iwasang maglagay ng mga ilustrasyon, grapiko,
talahanayan, at iba pa maliban na lamang kung
sadyang kinakailangan.
5. Basahing muli ang ginawang abstrak. Suriin
kung may nakaligtaang mahahalagang kaisipang
dapat isama rito.
6. Isulat ang pinal na sipi nito.

Mga Katangian ng Mahusay na Abstrak 1. Binubuo ng 250 o higit pa na salita


2. Gumagamit ng mga simpleng pangungusap
3. Walang impormasyong hindi nabanggit sa papel
4. Nauunawaan ng target na mambabasa

Sinopsis o Buod isang uri ng lagom na kalimitang ginagamit sa mga


akdang nasa tekstong naratibo

maaring buuin ng isang talata o higit pa o maging


ng ilang pangungusap lamang.

mahalagang maibuod ang nilalaman ng binasang


akda gamit ang sariling salita.

naglalayong makatulong sa madaling pagunawa sa


diwa ng seleksiyon o akda, kung kaya’t nararapat
na maging payak ang mga salitang gagamitin.

Layunin din nitong maisulat ang pangunahing


kaisipang taglay ng akda.

Sino? Ano? Kailan? Saan? Bakit? Paano?

mahalagang maipakilala sa mga babasa nito kung


anong akda ang iyong ginawan ng buod sa
pamamagitan ng pagbabanggit sa pamagat,
may-akda at pinanggalingan ng akda.

Iwasan din ang magbigay ng iyong sariling


pananaw o paliwanag tungkol sa akda. Maging
obhetibo sa pagsulat nito.

Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Sinopsis o 1. Gumamit ng ikatlong panauhan sa pagsulat nito.
Buod 2. Isulat ito batay sa tono ng pagkakasulat ng
orihinal na sipi nito.
3. Kailangang mailahad o maisama na rito ang
mga pangunahing tauhan maging ang kanilang
mga gampanin at mga suliraning
kanilang kinaharap.
4. Gumamit ng mga angkop na pang-ugnay sa
paghabi ng mga pangyayari sa kuwentong binubuo
ng dalawa o higit pang talata.
5. Tiyaking wasto ang gramatika, pagbabaybay at
mga bantas na ginamit sa pagsulat.
6. Huwag kalimutang isulat ang sangguniang
ginamit kung saan hinango o kinuha ang orihinal
na sipi ng akda.

Mga hakbang sa pagsulat ng Sinopsis o Buod 1. Basahin ang buong seleksyon o akda at
unawaing mabuti hanggang makuha ang buong
kaisipan o paksa ng diwa.
2. Suriin at hanapin ang pangunahin at di
pangunahing kaisipan.
3. Habang nagbabasa, magtala at kung maaari ay
magbalangkas.
4. Isulat sa sariling pangungusap at huwag lagyan
ng sariling opinyon o kuro-kuro ang isinulat.
5. Ihanay ang ideyang sang-ayon sa orihinal.
6. Basahin ang unang ginawa, suriin at kung
mapaiikli pa ito ng hindi mababawasan ang
kaisipan ay lalong magiging mabisa ang isinulat na
buod.

BIONOTE ginagamit sa pagsulat ng personal profile ng isang


tao

higit na maikli kompara sa auto/biography

ginagamit sa paggawa ng bio-data, resume, o


anumang

pagbanggit ng mga personal na impormasyon


tungkol sa sarili at maging nagawa o ginagawa sa
buhay.

Batay kay Duenas at Sanz (2012) ang bionote ay tala sa buhay na naglalaman ng
buod ng kanyang academic career na madalas na
makikita sa mga dyornal, aklat, abstrak ng mga
sulating papel, websites, at iba pa
Mga bagay na dapat tandaan sa pagsulat ng 1.Sikaping maisulat lamang ito sa nang maikli.
Bionote Mga bagay na dapat tandaan sa pagsulat (200 salita, lima (5) hanggang anim (6) na
ng Bionote pangungusap)
2. Magsimula sa pagbanggit ng mga personal na
impormasyon o detalye tungkol sa iyong buhay.
3. Isulat ito gamit ang ikatlong panauhan
4. Gawing simple ang pagkakasulat nito
5. May ibang gumagamit ng kaunting pagpapatawa
6. Basahing muli at muling isulat ang pinal na sipi
ng iyong bionote.

Memorandum • Ang pagpupulong o miting, lalo na ang business


meeting ay bahagi ng buhay ng maraming tao sa
kasalukuyan.
• Ito ay karaniwang gawain ng bawat Samahan,
Organisasyon, Kompanya, Paaralan, Institusyon at
iba pa.
• Labis na pinahahalagahan sa kasalukuyan ng
bawat isa ang pagbabahaginan ng mga ideya at
epektibong pagpaplano ng mga proyekto na
mabisang maisagawa sa pamamagitan ng
pagdaraos ng epektibo at maayos na
pagpupulong.
•Dito nakasaad ang layunin o pakay ng gagawaing
miitin

Ayon kay Prof. Ma. Rovilla Sudprasert (2014) Isang kasulatang nagbibigay kabatiran tungkol sa
ggaawing pulong o paalala tungkol sa isang
mahalagang impormasyon, gawin, tungkulin, o
utos.

Ayon kay Dr. Darwin Bargo (2014 Ang mga kilala at malalaking kompanya at mga
instituson ay kalimitang gumagamit ng mga colored
stationery para sa kanilang mga memo

Puti Kulay ng memo na pangkalahatang kautusan,


direktiba, o impormasyon

Pink o Rosas Kulay ng memo para sa request o order na


nanggaling sa purchasing department

Dilaw o Luntian Kulay ng memo para sa nanggagaling sa


marketing at accounting department

Pulong Ito ay karaniwang gawain ng bawat samahan,


organisasyon, kompanya, paaralan, institusyon at
iba pa.

Ayon kay Bargo (2014) may tatlong ur ng a. Memorandum sa Kahilingan


memorandum b. Memorandum sa Kabatiran
c. Memorandum para sa Pagtugon

Mga Impormasyong Dapat Taglayin ng isang 1. Makikita sa letterhead ang logo at pangalan
Maayos at Malinaw na Memorandum ng kompanya, institusyon o organisasyon
gayundin ang lugar kung saan
matatagpuan ito.
2. Bahagi “Para sa/Para, Kay/ Kina” ay
naglalaman ng pangaan ng tao o grupong
pinag-uukulan ng memo.
3. Ang bahaging “Mula kay” ay naglalaman ng
pangalan ng nagpadala ng memo
4. Isulat ang buong pangalan ng buwan o ang
dinaglat na salita nito
5. Bahaging paksa ay mahalagang maisulat
nang payak, malinaw, at tuwiran upang
agad maunawaan ang naisaipabatid nito
6. “Mensahe” ay maikli ngunit detalyado:
sitwasyon (paniula o layunin), Problema
(suliranin na dapat pagtuonan), Solusyon
(inaasahang gawin), Paggalang o
Pasasalamat (wakas)
7. Huling bahagi ay ang lagda. Sa ibabaw ng
kanyang pangalan sa bahaging mula kay

Adyenda ayon kay sudaprasert (2014) Nagtatakda ng mga paksang tatalakayin sa pulong

Kahalagahan ng Pagkakaroon ng Adyenda 1. Ito ay nagsasaad ng sumusunod na mga


impormasyon: (a) Paksang tatalakayin, (b)Taong
tatalakay o magpapaliwanag ng mga paksa at (c)
Oras na itinakda para sa bawat paksa.
2. Ito ang nagtatakda ng balangkas ng pulong tulad
ng pagkasunod-sunod ng mga paksang tatalakayin
at kung gaano katagal pag- uusapan ang mga ito.
3. Ito ay nagsisilbing talaan o tseklist na lubhang
mahalaga upang matiyak na ang lahat ng paksang
tatalakayin ay kasama sa talaan.
4. Ito rin ay nagbibigay ng pagkakataon sa mga
kasapi sa pulong na maging handa sa mga
paksang tatalakayin.
5. Ito ay nakatutulong nang malaki upang
mapanatiling nakapokus sa mga paksang
tatalakayin sa pulong.

Mga Hakbang sa Pagsulat ng Adyenda 1. Magpadala ng Memo


2. Lagdaan ito bilang katibayan ng kanilang
pagdalo/email naman kinakailangang
magpadala sila ng kanilang tugon
3. Gumawa ng balangkas
4. Ipadala ang sipi ng adyenda
5. Sundin ang nasabing adyenda sa
pagsasagawa ng pulong

Mga Dapat Tandaan sa Paggamit ng Adyenda 1. Tiyaking ang bawat dadalo sa pulong at
nakatanggap ng sipi ng mga adyenda.
2. Talakayin sa unang bahagi ng pulong ang
higit na mahahalagang paksa.
3. Manatili sa iskedyul ng agenda ngunit
maging flexible kung kinakailangan.
4. Magsimula at magwakas sa itinakdang oras
na nakalagay sa sipi ng adyenda.
5. Ihanda ang mga kakailanganing dokumento
kasama ang adyenda.

Katitikan ng Pulong Opisyal na tala ng isang pulong Kalimitang


isinasagawa nang pormal, obhetibo at
komprehensibo o nagtataglay ng lahat ng
mahahalagang detalyeng tinalakay sa pulong
1. Heading
2. Mga Kalahok o dumalo
3. Pagbasa at pagpapatibay ng nagdaang
katitikan ng pulong
4. Action items o usaping napagkasunduan
5. Pabalita o patalastas
6. Iskedyul ng susunod na pulong
7. Pagtatapos
8. Lagda

Heading Nakalagay dito ang pangalan ng


kompanya,samahan,organisasyon o kagawaran,
Petsa,lokasyon at oras ng pagsisimula ng pulong

Mga kalahok o dumalo Nakalagay kung sino ang nanguna sa


pagpapadaloy ng pulong

Pagbasa at pagpapatibay ng nagdaang katitikan Makikita kung ang nakalipas na katitikan ng pulong
ng pulong ay napagtibay o may mga pagbabagong isinagawa
sa mga ito

Action items o usaping napagkasunduan Makikita ang mahahalagang tala hinggil sa mga
paksang tinalakay

Pabalita o patalastas Hindi ito laging nakikita ngunit kung mayroon mang
mula sa mga dumalo tulad halimbawa ng mga
suhestiyong adyenda para sa susunod na pulong
ay maaaring ilagay sa bahaging ito

Iskedyul ng susunod na pulong Itinatala rito kung kailan at saan gaganapin ang
susunod na pulong

Pagtatapos Inilalagay rito kung anong oras nagwakas ang


pulong

Lagda Mahalagang ilagay rito ang pangalan ng taong


kumuha ng katitikan ng pulong at kung kailan ito
isinumite

Mga dapat gawin ng taong naatasang kumuha •Hangga't maaari ay HINDI PARTICIPANT sa
nasabing pulong
•Umupo malapit sa tagapanguna o predider ng
pulong
•MAY SIPI ng mga pangalan ng mga TAONG
DADALO sa pulong
• Handa sa mga sipi ng adyenda at katititkan ng
NAKARAANG PULONG
•NAKAPOKUS o nakatuon lamang sa nakatalang
adyenda
• Tiyaking ang katitikan ng pulong ginawa ay
nagtataglay ng tumpak at KUMPLETONG
HEADING
• Gumamit ng RECORDER kung kinakailangan
•Itala ang mosyon o PORMAL NA SUHESTIYON
nang maayos
•Itala ang lahat ng paksa at isyung
napagdesisyonan ng koponan
• Isulat o Isaayos agad ang mga datos ng katitikan
pagkatapos ng pulong

Bago ang Pulong - Tiyaking handa ang lahat ng mga


kagamitan bago magsimula ang
pagpupulong tulad notbuk, papel ,bolpen ,
laptop ,recorder
- Tiyaking ang gagamitin mong kasangkapan
ay nasa maayos na kondisyon. Kung ikaw
ay gagamit ng laptop siguraduhing ito ay
may sapat na baterya na kakailanganin
para sa kabuohan ng pulong.
- Gamitin ang adyenda para gawin nang mas
maaga ang outline o balangkas ng katitikan
ng pulong. Maglaan ng sapat na espasyo
para sa bawat paksa.

Habang isinasagawa ang pulong - Ipaikot ang listahan ng mga taong kasama
sa pulong at hayaang lagdaan ito ng bawat
isa.
- Kilalanin ang bawat isa upang madaling
matukoy kung sino ang magsasalita sa
pulong.
- itala kung anong oras nagsimula ang
pulong.
- Itala ang mahalagang ideya o puntos.
- Itala ang mga mosyon o suhestiyon,
maging ang pangalan ng taong nagbanggit
nito, gayundin ang mga sumang-ayon ,at
ang naging resulta ng botohan.
- Itala at bigyang-pansin ang mga mosyon na
pagbobotohan at pagdedesisyunan pa sa
susunod na pulong.

Pagkatapos ng pulong - Gawin kaagad ang katitikan ng pulong


pagkatapos na pagkatapos habang sariwa
pa sa isip ang lahat ng mga tinalakay.
- Huwag kalimutang itala ang pangalan ng
samahan o organisasyon, pangalan ng
kometi , uri ng pulong (buwanan ,
lingguhan), at maging ang layunin nito.
- Itala kung anong oras ito nagsimula at
natapos .
- Isama ang listahan ng mga dumalo at
maging ang pangalan ng nanguna sa
pagpapadaloy ng pulong. Lagyan ng
“Isinumite ni” kasunod ng iyong pangalan
- Basahing muli ang katitikan ng pulong bago
tuluyang ipasa sa kinauukulan pasa sa
huling pagwawasto nito
- Ipasa ang sipi ng katitikan ng pulong sa
kinauukulan o sa taong nanguna sa
pagpapadaloy nito.

You might also like