You are on page 1of 8

Tuguegarao Archdiocesan Schools System

Saint Joseph’s College of Baggao, Inc.


Baggao, Cagayan, Philippines
Transforming Lives, Shaping the Future
MODYUL 3
TUNTUNIN SA PAGBAYBAY AT PARAAN NG PANGHIHIRAM SA SALITANG DAYUHAN

Course PAGTUTURO NG FILIPINO SA ELEMENTARYA Course Code: FIL 301


Title: 1-ESTRUKTURA AT GAMIT NG WIKANG FILIPINO
Instructor: Baby Grace V. Cacatian, MAED Term & AY: 1st Sem, AY 2021-2022
Email: babygrace.villegas.cacatian023@gmail.com Contact no.: 09150836985

I. Pangkalahatang Ideya (Overview)


Pasalitang pagbaybay Paletra ang pasalitang pagbaybay sa Filipino. Ang ibig sabihin ay isa-isang pagbigkas sa maayos
na pagkakasunod-sunod ng mga letrang bumubuo sa isang salita, pantig, akronim, daglat, inisyal, simbolong pang-
agham, atbp. Sa pangkalahatan,natutupad pa rin ang payak na tuntuning “Kung ano ang bigkas, siyang sulat” sa
pagbaybay na pasulat. Siyempre, hindi ito nasusunod sa “mga” na isang pagpapaikli sa lumang anyo nitóng “manga” at
ginagamit hanggang sa bungad ng ika-20 siglo. Mahalaga ring pag-aralan kung kailan ginagamit ang maikling “ng” at
ang mahabàng “nang,” isang tuntuning pinairal mulang Balarila at bumago sa ugali noong panahon ng Espanyol na
mahabàng “nang” lagi ang isinusulat.

II. Nilalayon ng mga Resulta ng Pagkatuto (Intended Learning Outcomes)


Sa pagkumpleto ng modyul na ito, ang mga mag-aaral inaasahang:
A. nailahad ang uri ng palabaybayan at mga tuntunin.
B. naisa-isa ang mga tuntunin at paghihiram sa mga salitang dayuhan.
C. nakagagawa ng salin mula sa sariling dayalekto at salitang dayuhan.

III. Mga Mapagkukunan ng Pag-aaral at Sanggunian (Learning Resources &References)


Remedios A. Sanchez (2018) KOMUNIKASYON SA AKADEMIKONG FILIPINO (IKALAWANG EDISYON).
UNLIMITED BOOKS LIBRARY SERVICES & PUBLISHING INC. Intramuros, Manila

IV. Nilalaman/Buod ng Aralin (Learning Content/ Summary of Lesson)

I. MGA TUNTUTUNING PANLAHAT SA PAGBABAYBAY


PASULAT PAGBIGKAS
Salita boto /bi-o-ti-o/
plano /pi-el-ey-no/
Fajardo /kapital ef-ey-jey-ey-ar-di-o/
vinta /vi-ay-en-ti-ey/
jihad /jey-ay-eych-ey-di/
Pantig it /ay-ti/
kon /key-o-en/
trans /ti-ar-ey-en-es/
pa /pi-ey/
tsart /ti-es-ey-ar-ti/

AKRONIM
MERALCO (Manila Electric Company) /em-i-ar-ey-el-si-o/
KWF (Komisyon sa Wikang Filipino) /key-dobolyu-ef/
CAR (Cordillera Administrative Region) /si-ey-ar/
ASEAN (Association of Southeast Asian Nations) /ey-es-i-ey-en/
DAGLAT
Bb. (Binibini) /kapitalbi-bi/
G. (Ginoo) /kapitalji/
Gng. (Ginang) /kapitalji-en-ji/
Kgg (Kagalang-galang) /kapitalkey-ji-ji/
Dr. (Doktor) /kapitaldi-ar/

Inisyals ng Tao/Bagay
MLQ Manuel L. Quezon /em-el-kyu/
CPR Carlos P. Romulo /si-pi-ar/
JVP Jose Villa Panganiban /jey-vi-pi/
LVS Lope K. Santos /ey-key-es/

Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya 1-Estruktura at Gamit ng Wikang Filipino- FIL 301 Pahina 1 | 9
AGA Alejandro G. Abilla /ey-ji-ey/
TKO (Technical Knockout) /ti-key-o/
CPU (Central Processing Unit) /si-pi-yu/
AIDS (Acquired Immune Deficiency Syndrome) /ey-ay-di-es/
DOA (Dead on Arrival) /di-o-ey/
Inisyals ng Samahan/Institusyon/Pook
KKK (Kataas-taasang Kagalang-galangang Katipunan) /key-key-key/
BSP (Bangko Sentral ng Pilipinas)/bi-es-pi/
EDSA (Epifanio de los Santos Avenue) /e-di-es-ey/
PLM (PamantasanngLungsodngMaynila) /pi-el-em/
MSU (MindanaoStateUniversity) /em-es-yu/
LRT (Light Railway Transit) /el-ar-ti/
Simbolong Pang-agham/Pangmatematika
Fe (iron) /ef-i/
lb. (pound) /el-bi/
kg. (kilogram) /key-ji/
H2O (water) /eych-tu-o/
NaCI (sodium) /en-ey-si-el

PAGBAYBAY NA PASULAT
Sa pangkalahatan,natutupad pa rin ang payak na tuntuning “Kung ano ang bigkas, siyang sulat” sa pagbaybay na
pasulat. Siyempre, hindi ito nasusunod sa “mga” na isang pagpapaikli sa lumang anyo nitóng “manga” at ginagamit
hanggang sa bungad ng ika-20 siglo. Mahalaga ring pag-aralan kung kailan ginagamit ang maikling “ng” at ang
mahabàng “nang,” isang tuntuning pinairal mulang Balarila at bumago sa ugali noong panahon ng Espanyol na
mahabàng “nang” lagi ang isinusulat.
Gamit ng Walong Bagong Titik. Isang radikal na pagbabago sa pagbaybay na pasulat ang paggamit ng walong (8)
dagdag na titik sa modernisadong alpabeto. Pangunahing gamit ng mga ito ang pagpapanatili ng mga kahawig na tunog
sa pagsulat ng mga salita mula sa mga katutubong wika ng Filipinas. Ang mga titik na F,J,V, at Z ay napakaimportante
upang maigalang ang mga kahawig na tunog sa mga katutubong wika. Hindi tulad noong panahon ng abakada na ang
“Ifugaw” ay isinusulat na “Ipugaw” o ang “Ivatan” ay isinusulat na “Ibatan.” Narito pa ang ilang halimbawa:

1. Pananatili ang orihinal na anyo ng mga salitang mula sa ibang katutubong wika sa Pilipinas.
vakul (Ivatan) pantakip sa ulo na yari sa damo na ginagamit bilang panangga lang sa ulan at init ng araw.
payyo (Ifugaw) pangkalahatang tawag sa palayan ng mga Ifugaw
safot (Ibaloy) sapot ng gagamba
masjid (Tausug, Maranaw mula sa Arabe) tawag sa gusaling sambahan ng mga Muslim
falendag(Tiruray) plawtang pambibig na may nakaipit na dahon sa ihipan
kuvat (Ibaloy) digma
feyu (Kalinga)pipa na yari sa bukawe o sa tambo
jalan (Tausug) daano kalsada
zigattu (Ibanag) silangan
vuyu (Ibanag) bulalakaw
bananu (Hudhud) sa halip na hagdan-hagdang palayan (rice terraces)
tnalak o t’nalak (T’boli) habi na yari sa abak ng mg T’boli
butanding (Bicol) sa halip na whale shark
cabalen (Pampango) kababayan
hadja babaeng Muslim na nagsasagawa ng banal na paglalakbay sa Mecca.
2. Sa pagbabaybay ng mga hiram na salita sa mga banyagang wika, panatilihin ang orihinal nitong anyo.
status qou bouquet French fries
pizza pie samurai Hamburger

3. Sa pagbaybay ng mga salitang mula sa Español, baybayin ito ayon sa ABAKADA.


familia –pamilya baño – banyo cheque –tseke maquina – makina

4. Sa pag-uulit ng salitang-ugat na nagtatapos sa patinig na “e” hindi ito pinapalitan ng letrang “i”. Kinakabitan
ng pang-uganay/linker (-ng) at ginagamitan ng gitling sa pagitan ng salitang-ugat.
berde- berdeng-berde kape- kapeng-kape karne- karneng-karne
libre-libreng-libre suwerte- suwerteng-suwerte
5. Sa pag-uulit ng salitang-ugat na nagtatapos sa patinig na "o hndi ito pinapalitan ng letrang "u". Ginagamitan
ng gitling sa pagitan ng salitang-ugat.
ano ano-ano sino sino-sino pito pito-pito piso piso-piso
halo halo-halo (magkakasama ang iba't ibang bagay) buto buto-buto bato bato-bato
May mga salitang nabubuo sa pag-uulit ng salitang-ugat na hindi ginagamitan ng gitling. Ang hindi paggamit ng
gitling ay nagpapahiwatig na hindi na taglay ng salitang-ugat ang kahulugan nito, at sa halip, nagkakaroon na
ng bagong kahulugan ang nabuong salita tulad ng:
haluhalo (pagkain) salusalo (piging/handaan) batubato (isang uri ng ibon)

Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya 1-Estruktura at Gamit ng Wikang Filipino- FIL 301 Pahina 2 | 9
6. Kapag hinuhulapian ang huling ng salitang-ugat na nagtatapos sa “e”,ito ay nagiging “i” at ang “o” ay ang
“u”.
korte- kortihan balot- balutin
atake-atakihin hinto- hintuan
salbahe-salbahihin bato-batuhin
Gayunman, may mga salitang nananatili ang “e” kahit hinuhulapian.
sine- sinehan onse- onsehan
bote- botehan base- basehan

7. Makabuluhan ag tunog na “e” at “o” kapag inihahambing ang mga hiram na salita sa mga katutubo o hiram
na salita.
mesa: misa
uso: oso
tela: tila

8. Gayunman hindi pwedeng palitan ng “i” ang “e” at “o” ng “u”. Dapat pa ring gamitin ang baybay na matagal
na o lagi nang ginagamit.
babae, hindi babai
buhos, hindi buhus
sampu, hindi sampo

II. ANG PANTIG AT PALATINIGAN


1. Ang Pantig- ay isang titik ng dila o walang antalang bugso ng tinig sa pagbigkas ng salita. May isa (1)
lamang sa bawat panig.
Halimbawoa: oras - o.ras ulo - u.lo ilaw - i.law asin - a.sin alam - a.lam
2. Kayarian ng Pantig Tinutukoy ang pantig ayon sa kayarian nito sa pamamagitan ng paggamit ng
simbolo: K para sa katinig, P para sa patnig.
Kayarian Halimbawa
P i.log
KP bu. nga
PK us.bong
KPK bul.sa
KKP pri.to
PKK eks.perto
KKPK plan.tsa
KKPKK trans.portasyon
KKPKKK shorts
3. Pagpapantig- ang pagpapantig ay paraan ng paghahati ng salita. Ito ay binabatay sa grapema o nakasulat na
simbolo.

3.1. Kapag may magkasunod na dalawa o higit pang patinig sa posisyong5 inisyal, midyal at pinal ng salita, ito
ay hiwalay na mga pantig.

Halimbawa:
Salita Mga Pantig
aakyat a.ak.yat
aalis a.a.lis
alaala a.la.a.la
uuwi u.u.wi
totoo to.to.o
3.2. Kapag may magkasunod na katinig sa loob ng isang salita, katutubo man o hiram, ang una ay kasama sa
patinig na sinusundan at ang pangalawa ay sa kasunod na patinig.
Halimbawa:
Salita Mga Pantig
aklat ak.lat
bunso bun.so
isda is.da
usbong us.bong
3.3. Kapag may magkasunod na katinig sa loob ng isang salita, katutubo man o hiram, ang una ay kasama sa
patinig na sinusundan at ang pangalawa ay sa kasunod na patinig.
Halimbawa:
Salita Mga Pantig
eksperto eks.per.to
transpormer trans.por.mer
ekskomunikado eks.ko.mu.ni.ka.do
transportasyon trans.por.tas.yon

Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya 1-Estruktura at Gamit ng Wikang Filipino- FIL 301 Pahina 3 | 9
3.4. Kapag ang una sa tatlong magkakasunod na katinig ay m o n at ang kasunod na dalawa ay alinman sa bl, br,
dr, pl, tr, ang unang katinig (m o n) ay sa sinusundang patinig kasama at ang huling dalawa ay kasunod na
patinig.
Halimbawa:
Salita Mga Pantig
alambre a.lam.bre
balandra ba.lan.dra
empleyado em.ple.ya.do
Kontrol kon.trol
templo tem.plo
3.5. Kapag may apat na magkakasunod na katinig sa loob ng isang salita, ang unang dalawang katinig ay
kasama sa patinig na sinusundan at ang huling dalawa ay sa patinig na kasunod.
Halimbawa:
Salita Mga pantig
ekstra eks.tra
eksklusibo eks.klu.si.bo
ekstradisyon eks.tra.dis.yon
eksplosibo eks.plo.si.bo
4. Ang pag-uulit ng pantig Ang mga tuntunin sa pag-uulit ay ang sumusunod:
4.1. Kung ang unang tunog ng salitang-ugat o batayang salita ay patinig ang patinig lamang ang inuulit.
Halimbawa:
Salita Mga pantig
alis a.alis
iwan i.iwan
ulan u.ulan
alamin a.alamin
orasan o.orasan
IV.2. Sinusunod din ang tuntuning ito kahit may unlapi ang salita.
Halimbawa:
Salita Mga pantig
maiwan ma.i.i.wan
uminomn u.m.i.nom
mag-agiw mag.a.a.giw
mag-aral mag.a.a.ral
umambon u.ma.am.bon

Kung ang unang pantig ng salitang-ugat ay nagsisimula sa KP, ang katinig at kasunod na patinig lamang ang inuulit.
Halimbawa:
Salita Mga pantig
ba.ha ba.ba.ha mag.ba.ba.ha
pu.lot pu.pu.lot magpu.pu.lot
su.lat su.su.lat mag.su.su.lat
pu.tol pu.pu.tol mag.pu.pu.tol
la.kad la.la.kad mag.la.la.kad
IV.3. Kung ang unang pantig ng salitang-ugat ay may kambal-katinig o klaster, inuulit lamang ang unang
katinig at patinig.
Halimbawa:
Salita Mga pantig
plan.tsa pa.plan.tsa.hin mag pa.plan.tsa
pri.to pi.pri.tu.hin mag pi.pri.to
III. Ang Paghihiram
Ang mga tuntunin sa paghihiram at pagbabaybay ng mga hiram na salita ay ang sumusunod:

1. Tumbasan ang kasalukuyang leksikon sa Filipino ang mga salita ay hiram o banyaga.
rule = tuntunin
narrative = salaysay
skill = kasanayan
banquet = salusalo
tranquil = panatag, tahimik, tiwasay, payapa

2. Gamitin ang mga natatanging mga salita mula sa mga katutubong wika sa Pilipinas at panatilihin ang
orihinal na baybay.
Bana (Hiligaynon at Sugbuanong Bisaya) tawag sa asawang lalake.
Butanding (Bikol) whale shark
“imam” (Tausug) tawag sa paring Muslim
“cañao” (Igorot) pansremonyang sayaw
“banhaw” (Bisaya) muling pagkabuhay
“chidwai” (Ivatan) biloy (dimple)
Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya 1-Estruktura at Gamit ng Wikang Filipino- FIL 301 Pahina 4 | 9
“gahum” (Cebuano, Hiligaynon, Waray) kapangyarihan

3. Mga salita sa Español.


3.1 Bayabayin ang salita ayon sa ABAKADA.
vocabolario=bokabularyo
telefono= telepono
celebracion=selebrasyon
maquina= makina
psicologia= sikolohiya

3.2 Bayabayin ang salita ayon sa ABAKADA.


estudyante=hindi istudyante
estilo=hindi istilo
espiritu=hindi ispiritu
estruktura=hindi istruktura
desgrasya=hindi disgrasya
espesyal=hindi ispesyal

3.3 Sa mga salitang hiram sa Español na may “o”, panatilihin ang “o”.
politika=hindi pulitika
opisina=hindi upisina
tradisyonal=hindi tradisyunal
koryente=hindi kuryente
tornilyo=hindi turnilyo

3.4 May mga salita hiram sa Español na nababago ang kasunod na katinig ang “o” ay nagiging “u” sa
ilang salitang sinusundan ng “n” o pailong na katinig. At ang “n” ay nagiging “m”.

Español Filipino
convencion kumbensiyon
conferencia kumperensiya
convent kumbento
conforme komporme
convulsion kumbulusiyon
4. Mga salitang hiram sa Español at Ingles: Kung hindi tiyak ang pagtutumbas, hiramin ang orihinal na
Español at Ingles.

Español Filipino Ingles


imagen imahen image
dialogo diyalogo dialogue
prioridad priyoridad priority
*hindi ipinapayong panumbas ang mga sumusunod
imyeds-imahe (para sa image)
dayalog- diyalogo (para sa dialogue)
prayoriti- prayoridad (para sa priority)

5. Panghihiram sa wikang Ingles: Kung wikang Ingles at iba pang wikang dayuhan ang pinag-hiraman,
panatilihin ang orihinal na ispeling kung makalilito ang pagsasa-filipino ng bayabay.
Habeas bouquet depot
Corpus spaghetti reservoir
toupee
6. Panatilihin ang orihinal na bayaby ng mga salitang pantangi, teknikal, pang-agham at mga simbolong
pang-agham at matematika.
Manuel Quezon Biñan, Laguna Ablaze Bldg. Jose Reyes Hospital
varicose vine chemotheraphy videotape x-ray
carbon dioxide Fe (iron) C (carbon) ZnO (zinc oxide)
v (velocity)

A. Ginigitlingan ang pangngalang pantangi at salitang-hiram kapag inu-unlapian.


maka-Diyos
maka- Ingles
pa-Davao
*Sa aspektong kontemplatibo (pang-hinaharap), inuulit aug unang katinig at patinig (KP) ng salita. mag-Pal
magvi-Vios
magfo-Ford
magjo-Johnson

Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya 1-Estruktura at Gamit ng Wikang Filipino- FIL 301 Pahina 5 | 9
B. Sa paglalapi at pag-uulit ng mga salitang hiram, idinurugtong ang tunog ng KP sa unlapi. magju-juice
magdu-duty
magfo-photocopy
magfo-Ford magji-jeepp
magdo-drawing

C. Pangmaramihang anyo ng mga salita sa pagsulat.


c.1. Ginagamit ang "mga" sa pagsulat ng maramihang anyo ng salita.
mga painting
mga opisyal
mga computer
c.2. Hindi ginagamitan ng "mga" ang salitang hiram na nasa anyong maramihan.
paintings = hindi "mga paintings
opisyales = hindi "mga opisyales
computers = " hindi "mga computers"

c.3. Hiindi ginagamitan ng "pamilang" at "mga" ang mga salitang aba anyong maramihan.
Kalalakihan= hindi "mga kalalakihan"
hindi "limang kalalakihan"
kababaihan= hindi "mga kababaihan"
hindi "anim na kababaihan"
kaguruan= hindi "mga kaguruan
hindi "tatlong kaguruan
kabataan(youth) hindi "mga kabataan"
hindi "sampung kabataan
c.4. Pagbuo ng Pang-uri.
Ginagamit ang panlaping makauri sa salitang-ugat na hindi orihinal na pang-uri.
pang-akademya/akademiko = hindi "pang-akademiko"
pangkultura/kultural = hindi "pangkultural
paningguwistika/ lingguwistik = hindi "panlingguwistik"

D. Mga salitang may Digrapo.


d.1. Sa mga salitang Ingles na nagtatapos sa "ct", ang "ct ay nagiging "k" kapag binabaybay sa Filipino.
abstract - abstrak
impact - impak
addict - adik
contract - kontrak
connect -konek
d.2. Sa mga salitang hiram na nay cn tatlong paraan ang maaaring gamitin
d.2.1 Panatilihin ang orihinal na anyo.
chess - chunks
chat – charger
chips - chimes

d.2.2 Palitan ng ts ang ch at baybayin sa Filipino.


chinelas = tsinelas
chapter = tsapter
chart = tsart
chocolate = tsokolate
cheque = tseke

d.2.3 Palitan ng k ang ch at baybayin sa Filipino.


machine = makina
scholar = iskolar
chemical = kemikal
*Maging konsistent sa paggamit ng alinman sa tatlong paraan.
d.3. Mga salitang may sh.
d.3.1 Panatilihin ang orihinal na anyo.
shower
shop
showcase
shuttle
sheikh
d.3.2 Palitan ng sy ang sh at baybayin sa Filipino.
workshop = worksyap
shooting = syuting
censorship = syuting
Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya 1-Estruktura at Gamit ng Wikang Filipino- FIL 301 Pahina 6 | 9
scholarship = iskolarship

E. Mga salitang hiram na nagsisismula sa letrang "s" ay maaaring baybayın sl dalawang paraan.
e.1. Panatilihin ang orihinal na anyo.
scart slogan spark script spa

e.2. Lagyan ng "i” kapag sa unahan binaybay sa Filipino.


Schedule = iskedyul
sport = isport
scout = iskawt
scholar = iskolar

F. Mga salitang may dalawang magkasunod na parehong kainig.


Kinakaltas ang isa sa dalawang magkasunod na parehong katinig.
bulletin = buletin
grammar = gramar
pattern = patern
transmitter = transmiter

G. Mga salitang may, kambal-patinig.


Sa mga salitang hiram sa Español na may kambal-patinig
1. Nanatili ang a+ (e, i, o, u) at e + (a,i,o,u)
a+ (e, i, o, u) = maestro, oarta, bailarina, baul, laurel
e + (a, i, o, u) = teatro, oleo, beinte, neutral, neurosis
2. Kinakaltas ang unang patinig at pinapalitan ito ng y.
i + (a, e, 0) = barberya (barberia), akasya (acacia)
= Disyembre (Diciembre), serye (serje)
= bisyo (vicio), ambisyon (ambicion)
3. Sinisingitan ngyowsa mga sumusunod na posisyon.
a. Kung ang kambal patinig ay nasa unang pantig ng salita.
ia = diyabetes ( diabetes), biyahe (viaje), piyano (piano)
ie = Biyernes (biernes), piyesta, (piesta), siyete (siete), piyesa (piesa)
io Diyos (Dios), piyorea (piorrea)
ua - awto (auto), guwapo (guapo)
ue = kuwenta (cuenta), kuwerdas (Cuerdas)
b. Kung ang kambal-katinig ay sumusunod sa dalawa o mahigit pang mga katinig.
ia = diperensiya (diferencia), impluwensiya (influencia), menudensiya (menudencia)
ie =impiyerno (infierno), gobyerno (gobierno)
io albolaryo (albolario), edipisyo ( edificio)
ua - awto (auto), guwapo (guapo), karuwahe (caruaje), aguwador (aguador)
ue = sarsuwela (zarzuela)
ui = buwitre (buitre)
uo = oblikwo (oblique)
C. Kung ang kambal-patinig ay sumusunod sa h.
lohiya (logia)
kolehiyal (collegial)
rehiyon (region)
kolehiyo (colegio)
perwisyo (perjuicio)

V. Aktibidad ( Learning Activities)


Panuto: Tumbasan ng kasalukuyang leksikon sa Filipino ang mga salitang hiram sa banyaga.
1. banquet
2. silence
3. confidence
4. ability
5. sympathy
6. reconciliation
7. suspect
8. bail
9. narrative
10. tranquil

Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya 1-Estruktura at Gamit ng Wikang Filipino- FIL 301 Pahina 7 | 9
VI. Pandagdag sa Nilalaman (Supplemental Content)

https://mlephil.files.wordpress.com/2013/04/binagong-ortograpiya-sa-wikang-filipino.pdf

VII. Pagtatasa/Ebalwasyon (Assessment)

Panuto: Ibigay ang kahulugan sa Filipino at Ingles ng mga katutubong salita.

Katutubong Salita Filipino Ingles


1. imam
2. sirmata
3. pagwadang
4. talugading
5. mukat
6. napusaksak
7. tumang
8. naemma
9. barayubuy
10. kimmat
11. timid
12. dapan
13. dakulap
14. abaga
15. teltel

Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya 1-Estruktura at Gamit ng Wikang Filipino- FIL 301 Pahina 8 | 9

You might also like