You are on page 1of 18

MGA KONSEPTONG

PANGWIKA
Wika

Mga Wikang
Pambansa
Konseptong
Pangwika Wikang Panturo

Wikang Opisyal
WIKA
KAHULUGAN NG WIKA MULA SA
IBA’T IBANG EKSPERTO
AYON SA MGA DALUBWIKA

Ang wika ay sistema ng tunog


o sagisag na ginagamit ng tao
sa komunikasyon.
OTANES (1996)

Ang wika ay isang


napakasalimuot na
kasangkapan sa
pakikipagtalastasan.
GLEASON

Ang wika ay masisitemang


balangkas ng mga sinasalitang tunog
sa paraang arbitraryo na ginagamit
sa pakikipagkomunikasyon ng mga
taong kabilang sa isang kultura.
SAPIRO
Ang wika ay isang likas at
makataong pamamaraan ng
paghahatid ng mga kaisipan,
damdamin, at mga hangarin sa
pamamagitan ng isang kusang-loob
na kaparaanan na lumikha ng tunog.
HEMPHILL
Ang wika ay isang masistemang kabuuan
ng mga sagisag na sinasalita o binibigkas
na panagkaisahan o kinaugalian ng isang
pangkat ng mga tao at sa pamamagitan
nito’y nagkakaugnay, nagkakaunawaan
at nagkakaisa ang mga tao.
WIKANG PAMBANSA
WIKANG PAMBANSA
wikang pinagtibay ng pambansang
pamahalaan
Wikang Pambansa ang magiging tulay na
wika sa pakikipag-ugnayan ng iba’t ibang
pangkat sa kapuluan na may kani-kanilang
katutubong wikang ginagamit
WIKANG PAMBANSA

ito ang pambansang daluyan ng


komunikasying tulad ng telebisyon,
radio at mga pahayagan
WIKANG PANTURO
WIKANG PANTURO
gamit ang wikang panturo upang
magtamo ng mataas na antas ng
edukasyon.
bumabagal ang pang-unawa kung ang
wikang panturo ay hindi kontrolado ng
mag-aaral
AYON SA PROBISYONG PANGWIKA NG ARTIKULO XIV
NG SALIGANG-BATAS NG 1987, SEK.6
Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino.
Samantalang nililinang, ito ay dapat payabungin at
pagyamanin pa salig sa mga umiiral na wika ng
Pilipinas at iba pang mga wika. Dapat magsagawa
ng mga hakbangin ang pamahalaan upang ilunsad
at puspusang itaguyod ang Filipino bilang midyum
ng opisyal na komunikasyon at bilang wika ng
pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon.
WIKANG OPISYAL
WIKANG OPISYAL

tinatawag na wikang opisyal ang


principal na wikang ginagamit sa
edukasyon, sa pamahalaan at sa
politika, sa komersyo at industriya.
INIHAYAG SA SEK. 7 NG ARTIKULO
XIV NG SALIGANG-BATAS NG 1987
Ukol sa mga layunin ng
komunikasyon at pagtuturo, ang
mga wikang opisyal ng Pilipinas ay
Filipino at hangga’t walang
itinatadhana ang batas, Ingles.

You might also like