You are on page 1of 28

MGA

KONSEPTONG
PANGWIKA
Inihanda ni: Lychelle A. Cadenas
Mga Konseptong
Pangwika:
1. Wika 9. Homogenous
2. Wikang Pambansa 10. Heterogenous
3. Wikang Panturo 11. Linggwistikong
4. Wikang Opisyal Komunidad
5. Bilingguwalismo 12. Unang wika
6. 13. Pangalawang wika
Multilingguwalismo at
7. Register iba pa
8. Barayti ng Wika
MGA KONSEPTONG
PANGWIKA:
WIKA, WIKANG PAMBANSA,
WIKANG PANTURO,
WIKANG OPISYAL
KONSEPTONG
PANGWIKA:

Wika
WIKA: ANO NGA
BA ANG
PALIWANAG
TUNGKOL SA
WIKA?
Hutch, 1991: “Ang wika ay isang sistema ng tunog,
arbitraryo na ginagamit sa komunikasyong pantao.”
 
Bouman, 2014: “Isang paraan ang komunikasyon sa
pagitan ng mga tao, sa isang tiyak na lugar para sa isang
partikualr na layunin na ginagamitan ng berbal at biswal na
signal para makapagpaliwanag.”
 
Salazar, 1996: “Kung ang kultura an gang kabuuan ng
isip, gawi, kaalaman, at karanasan na nagtatakda ng
maaangking kakayahan ng isang kalipunan ng tao, ang wika
ay di lamang daluyan kundi higit pa rito, tagapagpahayag at
umpukan-imbakan ng alinanmang kultura.”
 
Ang Wika ay
“Arbitraryo”
Ang wika ay arbitraryo dahil ito ay ang mga salitang pinagkasunduan
lang ng mga tao para gamitin nila sa pang araw-araw na pamumuhay.  
 
Halimbawa ng mga salitang nauugnay sa Arbitraryo:
 
“charot”
“amats”
“humuhugot ka na naman”
“gg”
“besh”
“beshiewaps”
“beshie”
“bae”
“geh”
“TOTGA”
Dahil sa pagiging arbitraryo ng ating wika, nakabubuo ang mga
tao ng iba’t ibang salita na sila lamang ang nagkakaunawaan at
nagkakaintindihan. Hindi mo naman pwedeng sabihin sa isang
dayuhan na “humuhugot lang ako” dahil hindi niya agad
maiintindihan kung anong pakahulugan mo sa “humuhugot”.

Ibig sabihin, nagkasundo-sundo tayo - yung mga taong


nagtatalaga ng mga kahulugan ng mga salita - sa mga kahulugan
ng mga iyan at patuloy pa rin natin silang ginagamit kahit na hindi
pa sila nakalagay sa ating diksyonaryo. At dahil sa mga salitang
napagkakasunduan natin, unti-unti silang nakikilala at pormal o
opisyal ding tatanggapin ng ating bokabularyo gaya ng mga
salitang “bongga” at “astig”.
Tandaan na ang wika ay arbitraryong simbulo at tunog. Bilang
ang salitang arbitraryo nga ulit ay nangangahulugang walang
tiyak na batayan o walang sistemang sinusunod. Ibig sabihin ang
pagbuo ng mga simbulo at tunog na kumakatawan sa kahulugan
ng mga bagay, ideya at kaisipan ay walang tiyak na tuntunin,
sistema, batayan, o batas na sinusunod.

At dahil dito, ito nga ay tinatawag na malupit, mabangis, at


hindi napipigilan.  Walang tiyak o eksaktong teorya na
makapagpapatunay kung paano nagsimula 't pinauso ang
pagiging arbitraryo ng wika o kung paano nagkaroon ng wika
ang bawat lahi sa buong mundo.  
EBALWASYON:
GUMAWA NG BIDYU NA KAPAREHAS
SA…

BIDYU 1: INVESTIGATIVE DOCUMENT


BIDYU 2: TBATS
MARAMING
SALAMAT…

KONSEPTONG
PANGWIKA:
Wikang Pambansa
ANO ANG IBIG
SABIHIN NG
WIKANG
PAMBANSA?
WIKANG PAMBANSA

Sinasabing wikang pinagtibay ng pambansang pamahalaan ang


wikang pambansa na ginagamit sa pamamahala at pakikipag-
ugnayan sa mamamayang kaniyang sakop.

Kung ang bansa ay multilingguwal na tulad ng Pilipinas, dapat


lamang asahan na ang wikang pambansa ang magiging tulay
na wika sa pag-uugnayan ng iba’t ibang pangkat sa kapuluan
na may kani-kanilang katutubong wikang ginagamit.
WIKANG PAMBANSA

Bukod dito, ito rin ang pambansang daluyan ng komunikasyong tulad ng


telebisyon, radio, at mga pahayagan, gayon din naman ang mga kilalang
politiko, komentarista, mga manunulat at makatang gusting maabot
ang buong bansa.
WIKANG PAMBANSA

Nagsimula ipagamit ang Wikang Pambansa


bilang wikang panturo sa panahong
Komonwelt at para sa edukasyon ng mga
magiging guro ng Wikang Pambansa. Bago
sumiklab ang ikalawang Digmaang
Pandaigdig ay may mga guro nang nagtuturo
ng Wikang Pambansa.
WIKANG PAMBANSA

Sa isang sirkular noong 3 Mayo 1940, iniatas ni


Direktor Celedonio Salvador ng Kawanihan ng
Edukasyon ang pagtuturo ng Wikang Pambansa
bilang regular na asignatura sa ikaapat na taon sa
paaralang sekundarya.
Pagkaraan ng digma, unti-unting binuksan ang
mga asignatura sa elementarya at sekundarya na
nagtuturo ng wika at panitikan at gumagamit ng
Wikang Pambansa bilang wikang panturo.
KONSEPTONG
PANGWIKA:
Wikang Panturo
ANO ANG IBIG
SABIHIN NG
WIKANG
PANTURO?
WIKANG PANTURO

Ang wikang pambansa na itinadhana ng batas ay


gagamitin bilang wikang panturo. Gagamitin ito upang
makatulong sa pagtatamo ng mataas na antas ng
edukasyon.
Mahalaga ang mabilis na pag-unawa sa tulong ng
wikang panturo upang makaagapay sa akademikong
pag-unlad. Magiging makahulugan ang pagkatuto gamit
ang wikang panturo. Gaya ng isinasaad sa Probisyong
Pangwika ng Artikulo XIV ng Saligang-batas ng 1987, Sek.
6 kaugnay ng wikang panturo na:
WIKANG PANTURO

Probisyong Pangwika ng Artikulo XIV ng Saligang-batas ng


1987, Sek. 6 kaugnay ng wikang panturo na:
Sek. 6—Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino.
Samantalang nililinang ito ay dapat payabungin at
pagyamanin pa salig sa mga umiiral na wika sa Pilipinas
at iba pang mga wika. Dapat magsagawa ng mga
hakbangin ang pamahalaan upang ilunsad at puspusang
itaguyod ang Filipino bilang midyum ng opisyal na
komuniksyon at bilang wika ng pagtuturo sa sa
sistemang pang-edukasyon.
KONSEPTONG
PANGWIKA:
Wikang Opisyal
WIKANG
OPISYAL
WIKANG OPISYAL

Tinatawag na wikang opisyal ang principal na


wikang gingamit sa edukasyon, sa pamahalaan, sa
politika, sa komersiyo, at industriya.
Ipinahayag naman sa Sek. 7 ng Artikulo XIV ng
Saligang-batas ng 1987 na: “Ukol sa mga layunin
ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang
opisiyal ng Pilipinas ay Filipino at hangga’t walang
itinatadhana ang batas, Ingles.”
PAGTAPOS…

Sa ating bansa ay maraming lenggwahe na ginagamit


sa iba’t ibang lugar dito sa PIlipinas. Bagamat ito ay
importante dahil ito ay magagamit natin sa
pakikipag-ugnayan sa kapwa. Ngayon ay ang Ingles
na ang International Language na ang gagamitin dito
sa Pilipinas.

Kahit Ingles na ang ginagamit sa iba, dapat pa rin


natin ipaubaya ang ating lenggwahe na Filipino dahil
nga tayo ay Pilipinong lahi kaya gagamitin natin ito.
MARAMING
SALAMAT…

You might also like