You are on page 1of 7

FIL125: FILDIS

Studen Activity Sheet/Aralin #3

Pangalan: ________________________________________________________
Numero sa Klase: ____
Seksyon: ____________ Iskedyul: ____________________________________
Petsa: ______________

Paksang Aralin: 2. Maigawan ng balangkas ang nilalaman ng isang


Pagsasagagawa ng mga Kasanayan sa Iba’t ibang diskurso..
Disiplina :Pagbabalangkas Kagamitan: Activity Sheet Sanggunian
Layunin: https://thesilentlearner2014.blogsp
1. Maipaliwanag ang kahalagahan ng pagbabalangkas. ot.com/2014/06/filipino-2-ang pagbabalangkas.html

Makabuluhang Payo

Ang grado ay hindi basehan ng talino. Ang mahalaga ay ang naiwan sa ulo.

A. Pahapyaw sa Aralin /Rebyu


1) Panimula (2 minuto)
Magandang buhay sa iyo! Ang ibig sabihin ng makabuluhang payo ay hindi lang basa ng basa,
dapat kapag mag-aaral ka, intindihin mo ito hindi lang sa utak kundi pati sa iyong puso. Kapag
ginawa mo ito, ang pinag-aralan mo ay mananatili sa iyo habang buhay.
Bago mo tuluyang pag-aralan ang mga ito, sagutin mo muna ang unang aktibiti nang may katapatan.

2) Aktibiti 1: Tsart para sa Aking Nalalaman Part 1 (3 minuto)


Panuto: Sa gawaing ito, sagutin mo muna ang unang kolum ng tsart. Sasagutin ang ikatlong kolum
kapag nakarating ka na sa Aktibiti 4.
Ano ang Aking Nalalaman Mga Tanong Ano ang Aking
Natutunan (Activity 4)

1.Ano ang kinaibhan ng


pagbubuod sa pagbabalangkas?

2. Ano ang mga iba’t ibang


bahagi ng balangkas?

3.Bakit itinuturing na
kasanayang dapat malinang
ang
pagbabalangkas?
B. PANGUNAHING ARALIN

Ang dokumentong ito ay pagmamay-ari ng PHINMA Education.


Page 1 of 6
FIL125: FILDIS
Studen Activity Sheet/Aralin #3

Pangalan: ________________________________________________________
Numero sa Klase: ____
Seksyon: ____________ Iskedyul: ____________________________________
Petsa: ______________

Aktibiti 2: Araling Pangnilalaman (13 minuto)

Narito ang konseptong aralin na kailangan mong basahin. Ito ang magiging gabay mo sa mga susunod
pang aktibiti

Ang balangkas ay isang naksulat na plano ng mahahalagang bahagi ng isang sulatin na nakaayos ayon sa
pagkakasunod-sunod ng mga ito. Mahalagang bahagi lamang ang nakapaloob dito upang magsilbing
patnubay sa gagamitin ukol sa magiging nilalaman ng isang sulatin. Ang balangkas ay nauuri sa tatlo:

1.Pamaksang Balangkas
Ito ay binubuo ng salita o parirala lamang dahil matipid ito sa pananalita o pahayag. Madalas ginagamitan ito
ng mga pangngalang-diwa
2.Pangungusap na Balangkas
Ito ay binubuo ng mga buong pangungusap na naglalaman ng pangunahing ideya at maynor na
ideya. 3.Patalatang Balangkas
Ito ay binubuo ng mga pangungusap na naglalahad ng nilalaman ng buong mga talata ng sulatin.Ito ay hindi
malimit na gamitin sa pagbabalangkas

Mga Dapat Isaalang-alang sa Paggawa ng Balangkas

►Basahin muna nang pahapyaw ang isang teksto bago magtala ng mga paksa o detalye. · ►Suriin ang
pagkakaayos ng mga ideya sa binasang teksto. Ito ba ay nasa ayos na kronolohikal, mula sa simple
patungo sa kumplikadong mga ideya, sanhi at bunga, malawak na paksa patungo sa mga tiyak na ideya,
mga tiyak na ideya patungo sa malawak na paksa o lohikal na ayos at iba pa.
· ►Pag-aralan kung ano-ano ang mahahalaga o pangunahing ideya at ang mga pantulong na ideya. ·
►Tiyakin kung anong uri ng balangkas ang angkop na gamitin sa paksa.
· ►Sundin ang halimbawa ng pormat ng balangkas na nakalarawan sa teksto.
· ►Gumamit ng wastong bantas.
· ►Tandaan na ang balangkas ay maaaring baguhin o palitan kung kinakailangan.

Mga Tuntunin sa Pagsulat ng Balangkas

1. ►Piliin ang mga pangunahing paksa. Gamitin ang bilang Romano tulad ng I, II, III, o IV. Ayusin ang mga
bilang nang magkakapantay.
2. ►Isulat ang maliliit na paksa tungkol sa pangunahing paksa. Gamitin ang malalaking titik tulad ng A, B, C, o D.
Lagyan ng tuldok ang malaking titik at isulat nang may kaunting pasok ang maliit na paksa. 3. ►Para sa mga
detalye ng bawat maliit na paksa, gamitin ang mga bilang na 1,2,3,4 at iba pa. 4. ►Gamitin ang malaking titik sa
simula ng pangunahing paksa, maliliit na paksa at mga detalye.

Ang dokumentong ito ay pagmamay-ari ng PHINMA Education.


Page 2 of 6
FIL125: FILDIS
Studen Activity Sheet/Aralin #3

Pangalan: ________________________________________________________
Numero sa Klase: ____
Seksyon: ____________ Iskedyul: ____________________________________
Petsa: ______________

Mga Pormat sa Pagbabalangkas

Aktibiti 3: Pagbubuo ng Kasanayang Aktibiti (18 minuto sa pagsagot+ 2 minuto sa pagwaswasto)

Panuto : Isulat ang kung anong bahagi ng balangkas ang tinutukoy ng bawat kahon.Isulat ang sagot sa
bawat kahon.
Gumagamit ng Gumagamit ng letra Kategorya na gumagamit
karakter na Roman sa pagpapahayag ng numero (1, 2, 3, 4, at
Numeral katulad ng ng iba pa)
I, II, III, IV, V kaisipan Hal.-A, B, C,
D, at iba pa
1.________________ 2___________________
_ _
3.______________________
_

1) Aktibiti 4:Tsart para sa Aking Nalalaman part 2 (2 minuto)

Sa bahaging ito, balikan mo ang “Tsart para sa Aking Nalalaman” na sinagutan mo sa Aktibiti 1. Pero sa
pagkakataong ito, punan mo ang hinihingi ng ikatlong kolum sa tsart.
Ang dokumentong ito ay pagmamay-ari ng PHINMA Education.
Page 3 of 6
FIL125: FILDIS
Studen Activity Sheet/Aralin #3

Pangalan: ________________________________________________________
Numero sa Klase: ____
Seksyon: ____________ Iskedyul: ____________________________________
Petsa: ______________

2) Aktibiti 5: Pagwawasto ng Pang-unawa (5 minuto)


Panuto: Gumawa ng sariling Balangkas ng sumusunod na paksa,punan ang mga
patlang. PAKSA: POLUSYON
I. ____________________________
II.PINANGGALINGAN NG POLUSYON
1.________________
2.________________
3.________________
4.________________
III.MGA KAPARAANAN UPANG MASUGPO ANG POLUSYON
1._____________________________________
2._____________________________________
3._______________________________________
IV. PAGLALAHAT

C. WRAP-UP SA ARALIN

1) Aktibiti 6: Pag-iisip tungkol sa Natutunan (5 minuto)


Ngayon, markahan mo iyong kinalalagyan ng iyong natutunan sa “word tracker” para mamonitor mo
ang iyong napagtagumpayan at natutunan sa bawat aralin at kung ano ang mga kailangan mong
gawin.
Emoji Exit Ticket. Bilugan ang emoji na iyong naramdaman matapos ang aralin.

�� �� �� ��
1. Bakit ganito ang iyong naramdaman?
__________________________________________________________________
Ang dokumentong ito ay pagmamay-ari ng PHINMA Education.
Page 4 of 6
FIL125: FILDIS
Studen Activity Sheet/Aralin #3

Pangalan: ________________________________________________________
Numero sa Klase: ____
Seksyon: ____________ Iskedyul: ____________________________________
Petsa: ______________

2. Ano ang nais mong itanong sa guro tungkol sa paksang aralin?

__________________________________________________________________

FAQs
1. Bakit mahalaga ang pagbabalangkas?

Sagot : Mahalaga ang paggawa ng balangkas sa paghahanda ng ulat o anumang sulatin katulad ng
pag-uulat, pananaliksik, at pagsasaayos ng mga impormasyon. Matapos makuha ang mga
impormasyong kailangan sa iyong ulat ang susunod mong iisipini ay kung alin sa maraming
impormasyon mong nakuha ang iyong isasama sa ulat.

2. Makakatulong ba ang pagbabalangkas upang makagawa ng isang artikulo?


Sagot : Makakatulong ang pagbabalangkas sa paggawa ng artikulo o teksto sapagkat ito ang
magiging gabay sa pagpapahayag ng isang ideya

Pagwawasto ng mga Sagot

Aktibiti 3 1. Dibisyon 2. Seksyon 3. Sub dibisyon


Aktibiti 5 PAKSA: POLUSYON
I.PAMBUNGAD (katuturan ng pulusyon)
II.PINANGGALINGAN NG POLUSYON
1. Makinarya
2.Pabrika
3.Usok ng sasakyan
4.Dumi at basura sa paligid
III.MGA KAPARAANAN UPANG MASUGPO ANG POLUSYON
1.Paggamit sa mga makabagong kaparaanan.
2.Kampanya sa kalinisan laban sa polusyon.
3.Pagpapatupad ng batas laban sa polusyon.
IV. PAGLALAHAT (Kasamaang maidudulot ng polusyon kapag hindi nasugpo.)

Pangunahing Aktibiti ng Guro


A. Kung ang sesyon na ito ay mangyayari sa loob ng klasrum, gagawin ang mga sumusunod:

Ang dokumentong ito ay pagmamay-ari ng PHINMA Education.


Page 5 of 6
FIL125: FILDIS
Studen Activity Sheet/Aralin #3

Pangalan: ________________________________________________________
Numero sa Klase: ____
Seksyon: ____________ Iskedyul: ____________________________________
Petsa: ______________

1) Kolektahin ang natapos na SAS.


2) Maglaan ng oras para sa pagtuturo, monitoring at kulsultasyon para sa estudyante o mga
estudyante.
3) Maaari kang magbigay ng pagsusulit, demonstrasyon, graded recitation, presentasyon, performance task
sa harapang sesyon.
4) Maaari ring magbigay ng mga pampalawak na gawain na lilinang ng kolaborasyon sa bawat isa
basta isaalang-alang ang social distancing.
5) Maaari ring magpanood ng mga videos bilang suplimentaryong gawain.

Mahalagang tandaan, kapag ang estudyante ay hindi nakapasok gawa ng kalusugan at kaligtasang mga
dahilan, hindi dapat bigyan ng mababang marka ang estudyante bagkus magbigay ng alternatibong
summative tests.

B. Kung ang sesyon na ito ay mangyayari sa bahay, dapat gawin ang mga sumusunod:
1) Iwasto at bigyan ng iskor ang SAS at iba pang gawain ng estudyante.
2) Mag-iskedyul ng pagtawag sa anumang paraan (phone calls/virtual calls/virtual chats) sa bawat
estudyante o sa maliit ng grupo ng estudyante para i-monitor ang gawain, magbigay ng payo, sumagot sa
mga tanong at alamin ang antas ng kanilang pang-unawa sa aralin.
Ang dokumentong ito ay pagmamay-ari ng PHINMA Education.
Page 6 of 6

You might also like