You are on page 1of 20

LOCALIZATION

FILIPINO VIII

MGA GURO SA IKAWALONG


BAITANG
A. Bago Bumasa
1.Pamukaw Kaalaman
Tanong:
1.1 Saan maraming makikita na puno
ng Tipulo?
1.2 Paano mo mailalarawan ang anyo
ng puno ng Tipulo?
B. Habang Bumabasa
1. Babasahin muna ang pamagat bago
simulan ang pagbasa ng kuwento.

ALAMAT NG TIPULO
(Alamat ng Antipolo)
2. Dugtungang Pagbasa

ALAMAT NG
TIPULO
3. Gabay na Tanong:

1. Saan natagpuan ang Mahal


na Birhen?
2. Kailan madalas dayuhin ng
mga tao ang Antipolo?
INPUT NG GURO

Tungkol sa Pang-abay na
Pamanahon at Panlunan
( Pluma 8 p. 25-43, Curriculum Guide 73-74)
DALAWANG URI NG PANG-ABAY

Pang-abay na Pamanahon ay nagsasaad kung


kailan naganap o magaganap ang kilos na taglay
ng pandiwa. Napapangkat ang ganitong uri ng
pang-abay: (a) May Pananda at (b) Walang
Pananda.

Pang-abay na Pamanahon na May Pananda ay


gumagamit ng: nang, sa, noong, kapag, kung,
tuwing, buhat, mula, umpisa at hanggang.

Mga Halimbawa:

Kailangan ka bang pumasok nang araw-


araw?
Inaasahan tayo roon sa gabi, hindi sa
araw.
Noong Lunes siya nagsimula sa kaniyang
bagong trabaho.
Pang-abay na Pamanahon na
Walang Pananda ay gumagamit
ng: kahapon, bukas, kanina,
mamaya, ngayon, sandali at iba
pa.
Mga Halimbawa:
Pitong pangunahing alagad ng sining ang
tumanggap kahapon ng award.
Manonood kami bukas ng pambansang
pagtatanghal ng dulang Pilipino sa CCP.
Panauhing pandangal ang bagong pangulo
kanina sa pagbubukas ng pagtatanghal.
Pang-abay na Panlunan ay tumutukoy sa
pook na pinangyarihan, pinangyayarihan o
pangyayarihan ng kilos ng pandiwa.
Karaniwang ginagamitan ng pariralang: (a) sa
at (b) kay ang ganitong pang-abay.

Pang-abay na Panlunan na sa ay ginagamit


kapag ang kasunod ay pangngalan
(pambalana o pantangi) at panghalip (panao,
pamatlig, panaklaw at pananong).
Mga Halimbawa:
1. sa + pangngalang pambalana
Maraming masasarap na ulam ang itinitinda sa
kantina.
2. sa + pangngalang pantangi
Kakaunti lang ang paninda sa Magsaysay
Canteen.
3. sa + panghalip na panao
Nanawagan sa amin ang mga nasalanta ng bagyo.
Mga Halimbawa:
4. sa + panghalip na pamatlig
Nagluto sa ganitong oras ang kanyang ina.
5. sa + panghalip na panaklaw
Ipakita mo sa madla ang iyong talento.
6. sa + panghalip na pananong
Kahit sa anong paraan ay gagawin ko ang
lahat.
Pang-abay na Panlunan na kay (o
ang maramihan nitong kina) ay
ginagamit kapag ang kasunod ay
pangngalang pantanging ngalan
ng tao.
Mga Halimbawa:
1. kay + pangngalang pantanging ngalan ng tao
Tumawag siya kay Cora upang ipagbigay-alam
ang nangyari.
Tumawag siya kina Jeffrey at Michael upang
ipagbigay-alam ang nangyari.
Panuto: Tukuyin ang mga Pang-abay
na ginamit sa pangungusap .
1. Noong Mayo 23, 2017 idiniklara ni
Pangulong Duterte ang Martial Law sa
Mindanao.
2. Ang Maute Group ang pinaghihinalaan ng
kaguluhang nangyari sa Quiapo kamakailan
lang.
Pagtataya
Gawan ng sariling wakas ang alamat ng
kasoy gamit ang sumusunod na pang-
abay na pamanahon at panlunan
Noon
Kabundukan
Kasalukuyan
PAMANTAYAN
Nagamit ang 3 pang-abay na ibinigay (5
puntos)
Malinaw na nailahad ang wakas ng kwento
(3 puntos)
Naging makatotohanan ang paglalahad sa
pamamagitan ng pagbibigay ng sariling
pananaw ukol sa alamat. (2 puntos)
TAKDANG-ARALIN
Maghanap ng mga larawan
na may kaugnayan sa
bayan ng Antipolo

You might also like