You are on page 1of 12

Panuto:

Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Pinaniniwalaan sa teoryang ito na ang wika ay nagmula sa tunog na likha ng mga bagay.

a. Teoryang bow-wow

b. Teoryang pooh-pooh

c. Teoryang ding-dong

2. Bakit mahalagang maitampok ang Wikang Pambansa?

a. Kinikilala nito ang kalayaan ng bansa

b. Kinikilala nito ang edukasyon

c. Kinikilala nito qng lahat

3. Ang Noranian, Rizalista at Sharonian ay anong baryasyon ng wika?

a. Akronim

b. Pag-uulit

c. Paggamit ng pangalan (eponyms)

4. Paano maipapakilala na ang Wika ay buhay?

a. Paglikha ng bagong salita

b. Pagtakda sa limitasyon ng wika

c. Pagpuna sa hangganan nito.

5. Ang kapasidad ng bansa tungo sa multilingwalismo ay dulot ng _________?

a. Variety ng wika

b. Kaunting wika

c. Pagtalikod sa sariling wika

6. Ang pagpapalit at paglilipat-wika ay nagpapatunay sa?

a. Kalayaan sa paggamit ng wika

b. Kapalaran ng wika sa daigdig


c. Kaisahan ng kahulugan

7. Alin sa mga sumusunod ang akronim bilang baryasyon ng wika?

a. Dalubwika ( Dalubhasa sa Wika)

b. FB (Facebook)

c. Sharonian

8. Ito ang tawag sa paggamit ng dalawang magkaibang wika.

a. Bilinggwalismo

b. Lingua Franca

c. Mother Tongue

9. Ano ang ibig sabihin ng MTBLMLE ?

a. Mother Tongue-Based Multilingual Education

b. Mother Tongue-Bilingual and Multilingual Education

c.Mother Tongue-Based Multicultural Education

10. Ang __________ ay naaayon sa lugar ng mga taong nagsasalita at kabilang sa isang heograpikal na
komunidad.

a. Sociolect

b. Regional dialect

c. Ideolect

11. Alin ang hindi kabilang sa mga pangunahing wika ng Pilipinas?

a. Cebuano

b. Waray

c. Gay Lingo

12. Ang teoryang ito ay naglalahad na ang wika ay nagmula sa panggagaya sa tunog na mula sa kalikasan.

a. Teoryang pooh-pooh

b. Teoryang sing-song

c. Teoryang bow-wow
13. Upang ang wika ay magkaroon ng higit na malawakang pagtanggap at paggamit, ito ay
nangangailangang dumaan sa?

a. Pagbabago

b. Estandardisayon

c. Pagtangganp

14. Ano ang ibig sabihin ng KWF?

a. Komisyon ng Wikang Filipino

b. Kagawaran ng Wikang Filipino

c. Kawani ng Wikang Filipino

15. Ang wika ng media ay hindi maaring ipatanggap sa larang akademiko sapagkat________?

a. Malayo ang agwat

b. Magkaiba ang paggamit

c. Hindi nagagamit

16. Ayon sa kanya, ang wika ay isang sistema ng mga tunog na isinaayos sa paraang arbitraryo.

a. Bernales

b. Constantino

c. Gleason

17. Antas ng wika na tinatawag din itong salitang pangkalye o pangkanto.

a. Balbal

b. Panlalawigan

c. Pambansa

18. Ito ay gumagamit ng salita o wika sa pagpapahayg ng kaisipan, damdamin o saloobin sa paraang
pasalita.

a. Di-berbal

b. Berbal

c. Pagguhit
19. Ito ay ang wikang opisyal na ginagamit sa pormal na edukasyon.

a. Wikang Pangturo

b. Wikang Pambansa

c. Wikain

20. Ito ay ang pagkakaiba-iba ng wika.

a. Barayti ng wika

b. Register ng wika

c. Diyalekto

21. Ayon kay Chomsky ang lahat ng indibidwal ay ipinanganak na may likas na salik sa pagtatamo ng
wika.

a. Pananaw-Innativist

b. Pananaw-Interactionist

c. Pananaw-Humanist

22. Ang tuon nito ay tao at ang kalayaan niyang makapagpahayag ng saloobin.

a. Pananaw-Humanist

b. Pananaw-Interactionist

c. Pananaw-Innativist

23. Ito ay ang tiyak na larang o disiplinang gumagamit ng wika ay tinatawag na?

a. Register

b. Estilo

c. Domeyn

24. Alin sa mga sumusunod ang kombinasyon ng mga pantig o salita bilang baryasyon ng Wikang Filipino.

a. Major! Major

b. JaDine (James at Nadine)

c. OL (On-line)

25. Siya ang Punong Komisyoner ng Komisyon ng Wikang Filipino?


a. Vergilio S. Almario

b. Gleason

c. Lope K. Santos

26. Ang proseso ng pagkatuto ng unang wika ay napagtitibay sa _____?

a. Loob ng tahanan

b. Loob ng simbahan

c. Loob ng pamilihan

27. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nakaugnay sa paniniwala ni Chomsky sa pagkatuto ng unang
wika?

a. May taglay nang kakapusan sa wika

b. May taglay nang katalinuhan sa wika

c. May taglay nang kaalaman sa wika

28. Ang wika ay _______ kung tumutugon sa pangangailangan sa isang gawain tulad ng pagsulat ng liham
pangangalakal.

a. Instrumental

b. Regulatory

c. Personal

29. Ito ay tungkulin ng wika bilang pagbubulalas at paghahatid ng damdamin tungkol sa isang kaganapan.

a. Expressives

b. Declaratives

c. Personal

30. Ito ay tungkulin ng wika bilang pagkontrol at paggabay sa kilos o asal ng iba. Ito ay kinabibilangan ng
pagbibigay-panuto, paalala, babala o direksyon.

a. Interactional

b. Regulatory

c. Imaginative

31. Sa anong angkan kasama ang mga wika at wikain sa Pilipinas?


a. Europeo

b. Ingles

c. Malayo- Polinesyo

32.Alin sa mga sumusunod ang hindi kasama sa mga pangkat ng dayuhan na dumako sa pilipinas bago pa
ang pananakop ng mga Kastila?

a. Negrito

b. Malay

c. Hapon

33. Ang pormal na pananakop ng mga Kastila ay inihudyat ng pagpasok ni_____?

a. Ferdinand Magellan

b. Miguel Lopez de Legazpi

c. Datu Sulayman

34. Ano ang naging layunin ng mga Kastila sa pananakop ng Pilipinas?

a. Upang mamasyal

b. Upang masabing sila'y makapangyarihan

c. Upang makatuklas ng mga pampalasa at maipalaganap ang kristyanismo

35. Ano ang naging wikang opisyal ng Katipunan noong panahon ng himagsikan?

a. Ingles

b. Tagalog

c. Cebuano

36. Sa anong panahon naudlot ang pagkakaroon ng bansa ng wikang sarili sa pamamagitan ng Philippine
Commission Batas Blg. 74 ?

a. Panahon ng Kastila

b. Panahon ng Amerikano

c. Panahon ng Hapon

37. Sa anong panahon naging malaya ang paggamit ng Tagalog?


a. Panahon ng Hapon

b. Panahon ng Amerikano

c. Panahon ng Kastila

38. Sino ang Ama ng Balarilang Tagalog?

a. Jose Rizal

b. Jaime C. De Veyra

c. Lope K. Santos

39. Sino ang Ama ng Wikang Pambansa?

a. Manuel L. Quezon

b. Ramon Magsaysay

c. Vergilio Almario

40. Anong Kautusan ang nagtatakda sa Tagalog bilang batayan ng wikang pambansa?

a. Kautusan Tagapagganap Blg. 96

b. Kautusang Tagapagganap Blg. 134

c. Kautusang Tagapagganap Blg. 263

41. Ito ay ang maagham na pag-aaral ng mga makabuluhang tunog.

a. Morpolohiya

b. Ponolohiya

c. Pares Minimal

42. Ano ang tawag sa kambal-katinig na magkasama sa isang pantig sa salita at maaaring matagpuan din
sa una, gitna o huli?

a. Pares Minimal

b. Klaster

c. Ponema

43. Ito ang pag-aaral sa produksiyon ng tunog.

a. Ponetiks
b. Morpema

c. Kataga

44. Ito ay ang tawag sa pag-aaral ng mga morpema.

a. Morpolohiya

b. Ponolohiya

c. Klaster

45. Ito ay isang morpema na iisahing pantig lamang at walang kahulugan kapag nag-iisa lamang.

a. Klaster

b. Pares Minimal

c. Kataga

46. Ito ay tumutukoy sa damdaming namamayani sa pagsasalita.

a. Tono

b. Diin/haba

c. Intonasyon

47. Ito ay nagpapakilala sa pagtigil sa pagsasalita.

a. Diin/haba

b. Tono

c. Hinto/antala

48. Ito ay may kinalaman sa pagtaas-pagbaba ng boses sa pagsasalita.

a. Intonasyon

b. Diin/haba

c. Hinto/antala

49. Ito ay karaniwang dadalawahing pantig at maituturing pinakaina ng salita. Ito ay salitang payak at
walang panlapi.

a. Panlapi

b. Morpemang Salitang-ugat
c. Morpemang Ponema

50. Ano ang tawag sa pagbabago ng anyo ng morpema dahil sa impluwensya ng kaligiran nito?

a. Asimilasyon

b. Pagbabagong morpoponemiko

c. Metatesis

51. Ito ay uri ng pangkalahatang morpema na may sarili o angking kahulugan.

a. Morpema

b. Morpemang may kahulugang leksikal

c. Morpemang may kahulugang pangkayarian

52. Alin ang halimbawa ng salitang pangnilalaman (content words)?

a. Panggalan

b. Pangatnig

c. Pantukoy

53. Ito ay pag-aaral sa pag-uugnay-ugnay ng mga salita para makabuo ng parirala, sugnay at mga
pangungusap.

a. Sintaks o Sintaksis

b. Semantika o Semantiks

c. Leksikon

54. Ano ang tawag sa lipon ng mga salita na walang buong diwa, walang panaguri at paksa.

a. Sugnay

b. Parirala

c. Pangungusap

55. Ito ay ang pinag-uusapan sa pangungusap.

a. Panaguri

b. Sugnay

c. Simuno
56. Ito ay ang pag-aaral sa kahulugan ng salita o anumang pahayag.

a. Semantika

b. Sintaks

c. Ponetiks

57. Ang tawag sa pangungusap na nagpapahayag ng isang kaisipan, maaaring tambalan ang predikatibo
at paksa.

a. Payak

b. Tambalan

c. Hugnayan

58. Binubuo ng isang malayang sugnay at isa o higit sa isang di-malayang sugnay.

a. Hugnayan

b. Tamabalan

c. Payak

59. Ito ay pagpapakahulugang tahas o literal at ibinibigay ang mismong tinutukoy o referent.

a. Konotasyon

b. Denotasyon

c. Leksikon

60. Ito ay uri ng pangkalahatang morpema na walang kahulugan at kailangang mapasama sa


oangungusap upang magkaroon.

a. Morpemang may kahulugang pangkayarian

b. Morpemang may kahulugang leksikal

c. Morpema

61. Ito ay ang ugnayan ng wika at ng taong gumagamit ng wika.

a. Sintaksis

b. Semantiks

c. Pragmatiks
62. Ang ________ ay ang wika o ideyang itinatawid o pinagpapalitan sa diskurso.

a. Diskurso

b. Teksto

c. Konteksto

63. Isinaalang-alang sa kontekstong ito ang lugar, pagkilos ng mga taong nakikipagdiskurso, mga bagay sa
paligid, personal na anyo.

a. Pisikal na konteksto

b. Kultural na konteksto

c. Sosyal na konteksto

64. Isinasaalang-alang dito ang ugnayan ng mga taong kasangkot sa diskurso.

a. Sosyal na konteksto

b. Linggwistik na konteksto

c. Kultural na konteksto

65. __________ ang wika kung pare-parehong magsalita ang gumagamit ng isang wika.

a. Homogenous

b. Heterogenous

c. Multilinggwal

66. Ito ay ang wikang kinagisnan mula sa pagsilang at ungang itinuro sa isang tao.

a. Unang wika

b. Ikalawang wika

c. Ikatlong wika

67. Tumutukoy ito sa mga salita na kadalasang nagmumula sa loob ng bahay.

a. Idyolek

b. Dayalek

c. Ekolek

68. _________ ang wika kung hindi pare-parehong magsalita ang gumagamit ng isang wika.
a. Homogenous

b. Heterogenous

c. Bilinggwal

69. Ano ang tawag sa wikang natutuhan ng isang tao matapos niyang maunawaan at magamit ang
wikang kinagisnang ?

a. Unang wika

b. Ikalawang wika

c. Ikatlong wika

70. Ito ay tangi sa isa o pangkat ng mga tao na may komon na wika.

a. Idyolek

b. Dayalek

c. Ekolek

You might also like