You are on page 1of 2

Pangalan: Josh Nicole E.

Pepito Petsa: 2 Nobyembre 2021


Guro: Ma’am Love Batoon Seksyon: FIL123-I12.2

1. Mga katangian na dapat taglayin ng isang tagapag-salin.

- Ang pagsasalin ay hindi isang madaling trabaho, kaya naman ang tagapag-
salin ay nararapat lamang na isa siyang dalubwika, mayroong sapat na pag-unawa at
kaalaman kung ano talaga ang buong konsepto ng paksang tinatalakay. Kailangan
ring magtaglay ng katangiang magsulat at bumuo ng mga pangungusap na madaling
mauunawaan ng mga mambabasa. Sa madaling salita, kailangang maalam ang isang
tagapag-salin.

2. Bakit mahalaga ang pagsasalin?

- Mahalaga ang pagsasalin dahil, bilang isang tao mayroon tayong mga bagay
na hindi naiintindihan, katulad na lamang ng mga komplekadong terminolohiya sa
isang libro, o hindi kaya sa isang babasahin sa internet. Ang pagsasalin ang
pinakamabisang paraan upang maintindihan ng tao ang nakasaad na katumbas nito sa
isang texto, sa pamamagitan nito ay mas makakapag bigay nang mga sariling
interpretasyon at ideya kung ano ang tinutukoy ng konteksto.

3. Ano ang kahalagahan ng pagsasalin sa iyo at sa iyong magiging propesyon?

-Mahalaga ang pagsasalin sa akin, dahil ito ang naging isang mabisang paraan
upang mapag-aralan ko ang isang bagay ng mas may malalim na pag-unawa dahil ang
mga nasalin na salita ay naiintindihan ko at kabisado ko na. Ang kahalagahan naman
ng pagsasalin sa aking magiging propesyon bilang guro ay, ito rin ang tutulogn sa
akin upang makapagbuo ng Teacher-Student relationship na kung saan, mas
matutulungan ko silang matutunan ang paksa at kung may mga hindi man
maintindihan ay aking pagsisikapan na maisalin ito sa mas madaling pormat na
maiintindihan ng mga estudyante para sa mas mabisang pag-aaral.
4. Ano ang kahalagahan ng pagsasalin sa sitwasyon ngayon?

- Isa sa mga bagay na aking nakitaan ng potensyal na kailangan talaga natin at


dapat nating pahalagahan ang pagsasalin ay ang sitwasyon ngayon sa pandemya
partikular sa vaccine. Maraming Pilipino ang hindi sang-ayon sa pagtuturok ng
vaccine sa kadahilanang nakakamatay daw ito at kahit ikaw ay naturukan ay
magkakasakit ka pa rin daw. Sa kawalang alam ng ibang tao ay madali silang
naniniwala sa mga mensaheng ipinapasa sa social media platforms tungkol sa hindi
pagka epektibo ng vaccine. Kaya masasabi ko naang pagsasalin ay hindi lamang
mahalaga sa pag-aaral at pagtuturo ito rin ay nagagamit natin sa pang- araw-araw
nating pamumuhay upang maiwasan ang mga di pagkakaunawaan, at upang mas
maintindihan at malaman ng mabuti kung ano ang totoo at hindi.

You might also like