You are on page 1of 11

TEKSTONG

EKSPOSITORI
Ano ang ekspositori?
Ang ekspositori ay pagpapaliwanag. Ito ay isang uri
ng teksto na nagpapahayag ng mga ideya, kaisipan
at impormasyon na sakop ng kaalaman ng tao na
inihanay sa isang maayos at malinaw na pamaraan
upang maging daan sa pagkakaroon ng bago at/o
dagdag na kaalaman ng ibang tao.
KAHALAGAHAN AT
LAYUNIN
Mahalagang teksto ang ekspositori dahil ito ay nagiging daan
sa pagkakaroon ng bago at/o karagdagang kaalaman ng tao
kaugnay ng mga bagay na nagaganap sa kanyang kapaligiran.
Ang mga kaalamang ito naman ay nagiging daan sa
pagpapabuti ng kanyang pagkatao at nagpapaangat ng antas
ng pamumuhay ng ibang tao. Ang tao ay lagging may mga
katanungan na kanyang ninanais na matugunan kung kaya’t
madalas siyang naghahanap ng paraan upang mabigyan ng
sagot ang mga ito.
Ang pangunahing layunin ng tekstong ekspositori ay upang
makapagbigay ng impormasyon. Nilalayon ng tekstong ito na
maragdagan ang kaalaman ng tao tungkol sa mga bagay na nagaganap
sa kanyang kapaligiran. Ang kasalukuyang antas ng pamumuhay ng tao
ay bunga ng mga pag-aaral na isinagawa ng mga tao noong unang
panahon at sa pamamgitan ng pagpapaliwanag, naging daan ito upang
maisalin sa mga sumusunod na henerasyon upang patuloy na
mapakinabangan ng susunod na henerasyon at mapaunlad ang antas ng
kanilang buhay. Ayon kina Bernales,et al. (2006), layunin ng eksposisyon
na gumawa ng isang malinaw, sapat at walang pagkiling na
pagpapaliwanag sa ano mang bagay na nasasaklaw ng kaalaman ng tao.
Sa patuloy na pagsasaliksik ng mga tao, ang
mga katanungang nabuo sa kanilang isipan
ay isa-isa ring nabibigyan ng katugunan at
sa pagpapaliwanag sa mga tao, ang mga
kaalaman ay napapakinabangan.
MGA KATANGIAN NG
MABUTING
TEKSTONG
EKSPOSITORI
1. MALINAW. Maituturing na malinaw ang eksposisyon kung ito ay
agad na mauunawaan ng mambabasa o tagapakinig at kanyang
maikakapit ang kaalaman sa anumang bagay na ito ay magiging kapaki-
pakinabang. Mahalagang gumamit ng mga salitang tiyak at tuwirang
maghahatid ng mensahe at isasaayos ito sa pmamaraang madaling
masusundan ng mambabasa o tagapakinig.

2. TIYAK. Nararapat na ang mismong tagapagpahayag ay


magagawang mapanindigan ang kanyang pahayag. Kailangang ituon
lamang niya ang kanyang atensyon sa paksang kanyang tinatalakay at
iwasan ang ano mang bagay na hindi tuwirang kaugnay ng paksa upang
kanyang magawang panindigan ang kanyang paliwanag.
3. MAY KOHIRENS. Sa ano mang pagpapahayag, mahalaga ang
maayos na daloy ng kaisipan. Hindi magkakaroon ng halaga ang
nilalaman ang akda kung ito ay hindi naihanay sa maayos na
pamamaraan. Ang magulong pagpapaliwanag ay nagreresulta
lamang sa kalituhan ng mambabasa o tagapakinig.

4. EMPASIS. Kailangang hindi malunod sa mga ideya ang mga


mambabasa o tagapakinig. Bagama’t mahalaga ang mga
karagdagang paliwanag, hindi naman dapat na matakpan ang
pangunahing ideya na siyang ipinapaliwanag kung kaya’t dapat na
mabigyang emphasis o diin ang pangunahing kaisipan na binibigyan
ng eksposisyon.

You might also like