You are on page 1of 3

TASK NO. 1: Basahin at unawain, alamin ang pagsasalin (Journal Article Critique - Pt.

1)

Pangalan Martin, John Kenneth Seksyon: 2.1 BSED-FIL


:

Kritiko sa “Kahulugan sa Pagsasalin, Pagsasalin ng Kahulugan: Ilang Praktikal na


Mungkahi, Upang Mapadali ang Paghuli sa Kadalasa’y Mailap na Salita sa Ibang Salita”
ni Reynaldo T. Candido Jr.

Ayon sa sinasabi ni Reynaldo T. Candido Jr. , kung si Friedrich Schleiermacher ang


paniniwalaan natin, sinasabi nya na ang pagsaalin ay nagagamit sa pang araw-araw na
pamumuhay, pinupunto nya na sa bawat kinikilos naten ay nag sasalin tayo. Sa aking pang
sariling pananaw, ma aaring tama si Reynaldo sa kanyang mga sinasabi na sa araw-araw tayo
ay nag sasalin, ngunit kung ipapasok mo dito ang usaping pagsasalin sa wika ay sa tingin ko
hindi ito nagagamit sa araw-araw. Kung pag-uusapan naten ang pagsasalin ng wika ay hindi
naman ito araw-araw nagagamit, bagamat sa ibang aspeto ay nagagamit ito gaya na lamang ng
kung kakausap tayo ng isang banyaga sa ating bansa kailangan naten magsalita ng ingles para
maintindihan nila, hindi naten madalas magamit ang pag sasalin ng wika sa araw-araw
halimbawa na lamang ay kakausapin mo ang iyong ina, may kailangan ka pabang isalin na wika
upang maintindihan ito ng iyong ina? O gaya na lamang kakausap ka ng kapwa mo kalahi, tulad
na lamang na mag tatanong ka ng direksyon papunta sa kung saan man, kailangan mo paba
mag salin sa ibang wika para lamang maintindihan nila ito?. Sa ibang banda, kung hindi naman
naten pag uusapan ang pagsasalin ng wika, ang pagsasalin ay nagagamit naten sa araw-araw
gaya na lamang ng mga chismis, mayroon tayong mga nakuhang kwento galing sa ibang tao at
ito ay ikinekwento naten sa iba naten kakilala at ito ay masasabi mo ng isang pagsasalin ay
gaya na lamang ng pagtuturo ng isang guro, ang isang guro ay nag-aral upang may maituro ito
sa mga kanyang estudyante ay ito ay matatawag mo narin na isang pagsasalin, at gaya na
lamang din ng ginagawa ko ngayon na kritika sa artikulo sa journal, binabasas ko ang isang
teksto at kumukuha ako ng kaalaman dito at kasabay nito ay kinikritiko ko ang teksto na ito,
bagamat ito ay kinikritiko ko, kumukuha din ako ng aral sa mga binabasa kong teksto na ito, at
ito ay matatawag mo narin na isang pagsasalin.

Nasasabi sa tekstong ito na mayroong pangkalahatang gamit ng wika sa komunikasyon


na kinikilala ni Eugune Nida, una dito ang Ang wika sa loob ng grupo, Ang wika sa labas ng

Page 1 of 3
FIL108 - Introduksiyon sa Pagsasalin
First Semester, SY 2022-2023
TASK NO. 1: Basahin at unawain, alamin ang pagsasalin (Journal Article Critique - Pt. 1)

grupo, at ang Ang wika ng espesyaisadong impormasyon, hindi ako ganon nakumbinsi sa
paniniwala na ito dahil mas naniniwala ako na ang isang tao ay hindi mo mababago ang
pananalita o kung paano ito mag salita ng wika sa labas o sa loob man ng grupo, madami ako
nakasalamuhang tao na kung paano sila mag salita sa labas ng kanilang grupo ay ganon din
sila mag salita sa loob ng grupo, may isang pangyayari na meron nanlilimos saken na
katutubong aeta, kinausap ko ito ng tagalog ata hindi ako naiintindihan nito, sa lahat ng tao ay
napapasok ang paniniwala na ito, mas maganda kung gagawing mas tiyak ang nilalaman ng
teksto. Sa ibang banda ako ay sumasangayon sa paniniwala na ito kung ang isang tao naman
ay kaya makapag salita ng dalawang wika, halimbawa na lamang ang sarili ko, kapag ako ay
nasa probinsya ko sa Pampanga, ako ay nag sasalita lamang ng kapampangan at kung ako
naman ay nasa syudad gaya na lamang dito sa Quezon City, ako ay nag sasalita ng Filipino,
dito nga papasok ang paniniwala ni Eugune Nida na magkaiba ang lenggwahe sa labas at loob
ng grupo ngunit hindi ito magiging angkop sa ibang tao. Nasabi din ni Eugene Nida sa teksto ni
Reynaldo T. Candido Jr. , na may mga antas ng wika gaya na lamang ng konsultatibo, pormal,
kaswal, intimeyt, at frozen, lubos akong humanga sa nalaman ko na ito dahil may mga
kaukulang antas pala ang bawat wika na sinasambit ko, gaya na lamang ng mga frozen na
sinasambit sa simbahan, o kaswal na kung paano ako makipag usap sa mga kakilala, kaibigan
at mga kaklase ko, saka intimeyt na kung paano ako makipag usap sa malalapit na tao sakin,
nakakahiwaga na may natatawag pala na antas ang bawat wika na isinasambit ko.

Sa kabuuan ng teksto na gawa ni Reynaldo T. Candido Jr. ay wala naman ako


masyadong nakitang kailangan punahin, halos lahat naman ng nilalaman nito ay nakapulutan
ko ng aral, madami sya pinag kuhanan ng mga nilalaman at nakatulong ito upang may
maintindihan ng estudyante ang nilalaman ng teksto, tumatak sakin na nilalaman nito ay ang
antas ng wika ni Eugene Nida, lubos ako nahiwagaan sa kanyang antas ng wika dahil hindi ko
lubos maisaip na mayroon palang ganon. Sa kabilang banda naman ay meron akong mga parte
na hindi sinangayunan dahil sa pansarili kong perspektibo, siguro ay sakanilang pananaw ay ito
ang tama ngunit sa aking pananaw ay hindi gaya na lamang na una kong napuna na ang
pagsasalin ay araw araw naten nagagamit, hindi masydo tiniyak kung sa wika ba ito o sa
pangkalahatan dahil kung pag babatayan naten ang asignaturang tinatalakay ko ngayon ay
hindi ito aangkop dahil ito ay pagsasalin ng wika at wala naman tinutukoy na na pagsasalin sa

Page 2 of 3
FIL108 - Introduksiyon sa Pagsasalin
First Semester, SY 2022-2023
TASK NO. 1: Basahin at unawain, alamin ang pagsasalin (Journal Article Critique - Pt. 1)

lahat ng bagay, ngunit namangha din ako dahil hindi kodin namalayan na nakakapag salin pala
ako ng hindi ko alam, at yun lamang salamat.

Page 3 of 3
FIL108 - Introduksiyon sa Pagsasalin
First Semester, SY 2022-2023

You might also like