You are on page 1of 4

ARALIN 2.

KAKAYAHANG SOSYOLINGGUWISTIKO Upang makamit ang kakayahang ito, may mga bagay at kaugnay na
Ayon kay Bourdieu (1982), sa aklat na Language and Symbolic Power, tanong ang kailangang isaalang-alang ng isang gumagamit ng wika.
mabibigo ang pag-aaral ng anumang wika kung nakapokus lamang ito
sa kahusayang gramatikal at pag-unawa sa estruktura, samantalang
binabalewala ang panlipunang papel ng wika. Ang produksyon ng 1. Tagpuan - Saan magaganap ang komunikatibong proseso? Sa
kahulugan ay isang sosyo-ekonomikong pangyayari. Ibig sabihin, hindi bahay ba, paaralan, opisina, o kalsada? Sa anong tiyak na pangyayari
lamang object of study ang wika kundi instrumento ito ng o uri ng eksena nakapaloob ang komunikasyon?
kapangyarihang nakapaloob sa bawat lingguwistikong interaksyon
upang epektibong magamit ng isang tao ang wika. 2. Paksa - Tungkol saan ang pag-uusapan? Seryoso ba ito o hindi?
Sensitibo ba ang paksa at mangangailangan ng maingat na pagpili ng
Kung kaya bilang isa sa mga kakayahang komunikatibo, tumutukoy ang mga salita?
sosyolingguwistikong kakayahan sa kapasidad ng isang taong
nakapaloob sa komunikatibong proseso na alamin at unawain kung 3. Ugnayan - Ano ang ugnayan ng nag-uusap? Personal bang kakilala
paanong gagamitin ang wika sa tiyak na pagkakataon at iba't ibang ang kausap o kaya'y isang taong mas mataas ang posisyon sa
kontekstong panlipunan. Para sa isang taal o katutubong tagapagsalita paaaralan o trabaho? Paanong ipahahayag ang paggalang, awtoridad,
ng isang wika, hindi gaanong nagiging suliranin ang kakayahang ito pakikipagkaibigan o respeto nang naaayon sa ugnayan sa kausap?
sapagkat likas na rin ang pagkaunawa sa mga kultural at institusyonal
na konteksto ng wika. Bagamat hindi aktibong pinag-iisipan ng isang 4. Layunin - Ano ang layunin o inaasahang magiging bunga ng
tagapagsalita ang prosesong ito, mahalagang bahagi pa rin ito ng pakikipag-usap? Nais bang makipagkaibigan, humingi ng pabor,
epektibong komunikasyon. paumanhin, o kaya ay pahintulot? Ano ang angkop na saloobin sa
pakikipag-usap upang makamit ang layon ng komunikasyon?
Pangunahing layunin ng isang taong gumagamit ng kakayahang
sosyolingguwistiko sa isang komunikatibong proseso ang makagamit Kailangan ding isaalang-alang na kapag ang isang tao ay nagsalita na
at makaunawa ng wika sa iba't ibang sosyolinguwistikong konteksto, ng ibang wika lagpas sa kanyang unang wika, maaaring mag- iba ang
nang may pagsasaalang-alang sa istatus ng mga kalahok sa mga salik na nabanggit sa ibang sitwasyon. Mahalaga ang
komunikasyon, proseso ng interaksyon at sa mga nakagawiang sociolinguistic relativity para sa mga taong nag-aaral ng ikalawang
kaugalian at kumbensyon sa interaksyon (Freeman at Freeman, 2004). wika. Ibig sabihin, kailangang maunawaan na ang bawat lipunan ay
Nakapaloob din sa kakayahang ito ang tamang pagpapahayag ng may iba't ibang kultura kung kaya't may iba't ibang kalipunan ng
emosyon at angkop na ugali sa pakikipag-usap, pag-unawa sa antas kumbensyon, patakaran, paniniwala, kaugalian, at pamamaraan sa
ng pormalidad ng wika at pagkilala sa mga idyomatikong ekspresyon. komunikasyon (Wolfson, 1989).
Isinasaalang-alang din ng maalam sa kakayahang ito ang layunin ng
komunikasyon. Halimbawa, mula sa isinagawang aktibidad bago
magsimula ang aralin, kapansin-pansing iba ang magiging
pamamaraan ng pakikipag-usap sa guro, sa prinsipal, at sa isang
kaklase. Ito ay dahil sa magkakaiba ang istatus o posisyon nila sa
lipunan at iba't iba rin ang layunin ng komunikasyon.
ARALIN 3. KAKAYAHANG PRAGMATIK Kakayahang Pragmatik
(Pagtukoy sa mga Kahulugang Komunikatibo) Si Noam Chomsky (1980) ang pinakaunang nagpakilala terminong
pragmatic competence (kakayahang pragmatiko). Ayon kanya,
Ipagpalagay na ikaw ang indibidwal na tinutukoy sa sumusunod na mga nagmula ang pangangailangang unawain ito mula sa likas na
sitwasyon. Ano kaya ang iyong magiging reaksyon sa mga pangyayari? pagkakaroon ng layunin sa paggamit ng wika. Ang kakayahang
pragmatiko ay kaalaman at kakayahan ng tao na iugnay ang gamit ng
1. Naging madalas ang pagliban mo sa klase sa Environmental Science wika sa sitwasyon kung saan at kailan ito ginagamit. Dagdag pa niya,
sa buong semestre. Umpisa pa lamang ng klase, sinabi na ng guro mo walang punto ang pagkatuto ng estruktura ng wika kung hindi malinaw
na hindi na siya magbibigay ng anumang espesyal na proyekto sa kung paano itong gagamitin.
sinumang magpapabaya sa klase. Gayunpaman, hindi naiwasan ang
mga pagkakasakit mo kung kaya lumiban ka at hindi nakagawa ng Sa pagpapalawig ni Barron (2003), tinukoy niyang ang kakayahang
ibang aktibidad sa klase. Natatakot kang bumagsak kung kaya sa pragmatiko ay kaalaman sa kakayahang lingguwistiko ng isang tao at
kabila ng pagiging istrikta niya ay naglakas-loob kang lumapit. Paano kung paano itong magagamit upang makamit ang partikular na
ka magpapaliwanag sa iyong guro? illocution (intensiyon o sadya), gamit ang kaalaman sa angkop na
konteksto. Nangangahulugan ito na ang isang taong may kakayahang
2. Bata pa lamang kayo ay binibigyang-diin na ng mga magulang mo pragmatiko sa wika ay may kapasidad na ipaabot ang intensyon ng
ang halaga ng pagtitipid at simpleng pamumuhay. Dahil sa tuloy-tuloy mensahe sa anumang sosyo-kultural na konteksto at pagkakataong
na pagtaas ng pamasahe at bilihin, nahihirapan ka nang pagkasyahin tinutukoy, ayon sa:
ang baon mo sa araw-araw. Madalas na pagod ang iyong Nanay mula
sa buong maghapong pagtuturo sa elementarya at ang Tatay mo 1. Layunin - gamit ng komunikasyon gaya ng paghingi ng paumanhin,
naman, mula sa pamamasada ng taxi. Gayunpaman, magbabaka- panghihikayat, imbitasyon o kaya ay pag-uutos.
sakali kang lumapit sa kanila upang hilingin na dagdagan ang baon mo. 2. Katayuan - posisyon o istatus ng mga kahalubilo sa interaksyon.
Paano ka magsasabi sa iyong mga magulang? 3. Paksa - kung ano ang pinag-uusapan; halimbawa ay negosyo,
personal na usapin, o kaya ay pag- aaral.
4. Sitwasyon - pisikal na lokasyon gaya ng restaurant, classroom,
Gabay sa Talakayan kalsada, at iba pa.

1. Naging mahirap ba para sa iyo ang pagbuo ng tamang pahayag Isinasaalang-alang ng isang tagapagsalita ang lahat ng ito upang
upang makamit mo ang layunin ng komunikasyon? makamit ang layunin ng komunikasyon. Hindi basta matutukoy ang
gamit o layunin ng komunikasyon sa pamamagitan lamang ng
2. Anu-ano ang mga kinakailangan mong isaalang-alang upang gramatikal na estruktura nito.
mapagbigyan ang iyong layunin sa bawat sitwasyon?
Makikita sa ss. ang imperatibong gamit ng pandiwa ngunit kakikitaan ARALIN 4. KAKAYAHANG DISKORSAL
ng iba’t ibang gamit o layunin ang pahayag. (Pagtiyak sa Kahulugan ng Teksto at Konteksto)
(UTOS) 1. Ipasa na ang papel, tapos o hindi tapos.
(PAKIUSAP) 2. Pakibigay mo nga ito kay Mr. Santos Pag-usapan natin ang ilang napapanahong isyu sa kasalukuyan.
(INSTRUKSYON o REKOMENDASYON) 3. Pumila kayo upang Magbigay ng inisyal na pahayag sa sumusunod na isyu.
mapabilis ang pagkuha ng papel 1. Pabor ka ba sa pagtakbo ni Manny Pacquiao sa pagka-senador?
(SUHESTIYON) 4. Isukat mo nga ito.
(IMBITASYON) 5. Dumaan ka rito pagkatapos ng trabaho 2. Sa tingin mo ba ay nagkaroon ng pagkukulang ang gobyerno sa
rehabilitasyon ng pamumuhay ng mga tao sa Tacloban na sinalanta ng
Samantala, maaaring iba’t iba ang paraan ng pagpapahayag ngunit iisa bagyong Yolanda noong 2013?
lang ang gamit o layunin. Halimbawa, kung nais ng guro na tumahimik
ang klase, maaari niyang tahasang sabihin na: 3. Sapat na kaya ang kahandaan ng Kagawaran ng Edukasyon sa
pagpapatupad ng K-12? Pabor ka ba sa implementasyon nito?
- “Manahimik kayo!” nador?
gobyerno loban na
O maaari rin namang sabihin na Gabay sa Talakayan
1. Sa tingin mo ba ay sapat ang kaalaman mo sa mga tiyak na isyung
- “Mas mauunawaan ninyo kung tatahimik kayo.” nabanggit?
2. Madali ba para sa iyo na pangatuwiranan ang posisyon mo sa isyu?
- “Maaari bang tumahimik kayo?” Bakit?

- “Nasa palengke ba ako?” Kakayahang Diskorsal


Kung uugatin ang etimolohiya ng salitang diskurso, makikita na
Makikita sa halimbawa na ang pagpili ng pamamaraan sa nagmula ito sa Middle English na discours na nangangahulugang
pagpapahayag ay kaugnay ng kung ano ang angkop sa iba’t ibang 'argumento' at 'kumbersasyon' (Garcia, 2008). Ayon sa UP
pagkakataon. Diksiyonaryong Filipino (2010), ang diskurso ay nangangahulugang
"pag-uusap at palitan ng kuro."

Mula sa mga pagpapakahulugang ito, maaaring ipagpalagay na ang


kakayahang diskorsal ay tumutukoy sa kaalaman sa interpretasyon ng
teksto batay sa mas malaking konteksto at kung paanong makalilikha
ng mga pahayag na magkakaugnay at may kaisahan.
Ang taong may kahusayang diskorsal ay may kapasidad na pagsama- - Ang relasyon ay tumutukoy sa kaugnayan ng sinasabi sa
samahin ang mga salita at isaayos ito sa isang pangungusap upang paksang tinatalakay. Angkop, napapanahon, at mehalaga ba ito
makabuo ng mga epektibong pahayag na susuporta sa kaniyang sa pinag-uusapan?
posisyon, pananaw o argumentasyon sa iba't ibang usapin. Bukod sa - Ang kaparaanan naman ay tumutukoy sa paraan ng
kahusayang pangwika, inaasahan din sa mahusay na diskurso ang pagpapahayag. Maayos at malinaw ba ang paraan ng
lalim ng pagkaunawa sa iba't ibang aspekto ng konteksto ng isyu ang pagpapahayag?
isang taong nagdidiskurso. Sa pamamagitan nito, mas napalalalim at
napalalawak ang pagtalakay sa isang tiyak na paksa.

May dalawang uri ng diskurso ang pasulat na diskurso o kung minsan


ay tinatawag ding diskursong tekstuwal ay tumutukoy sa kakayahan
ng isang tao na umunawa ng iba't ibang tekstong nakasulat, sa
pamamagitan ng pagbasa at pagsulat nito. Ang pasalitang diskurso o
kung minsan ay tinatawag ding diskursong retorikal ay tumutukoy
naman sa kakayahang maghabi ng mga salita sa isang kumbersasyon.
Kasama rin dito ang kakayahang magpaliwanag ng opinyon o pananaw
hinggil sa isang tiyak na paksa.

Binubuo ng teksto at konteksto ang diskurso. Tumutukoy ang teksto


sa anumang paksa na magiging sentro ng kumbersasyon, habang ang
konteksto ang kaligiran ng teksto na magiging instrument sa
interpretasyon ng teksto. Ang konteksto ay maaaring institusyonal,
kultural o kaya’y sitwasyonal.

Ayon kay Grice (1975; sa pagbanggit ni Petras, 2015), may apat na


panuntunan sa isang mahusay na kumbersasyon na kinasasangkutan
ng kantidad, kalidad, relasyon, at kaparaanan.

- Tinutukoy ng kantidad ang dami ng impormasyong ibinibigay


ng tagapagsalita. Hindi katanggap-tanggap ang masyadong
mahaba o kaya naman ay maiksi. Kailangang sapat lamang ang
paliwanag batay sa hinihingi ng paksa at pagkakataon.
- Tinutukoy naman ng kalidad ang katumpakan ng mga datos na
ibinibigay. Nakabatay ba ite sa mga tiyak na pananaliksik o
purong haka-haka lamang? Makatotohanan ba ito?

You might also like