You are on page 1of 4

EUPEMISMO O

EUPEMISTIKONG PAHAYAG  
 Ang Eupemismo o Eupemistikong Pahayag ay mga
salita o pahayag na sadyang pampalubag-loob o
pampalumanay para hindi masakit o masama
pakinggan o basahin.
 Kapalit ang mga ito sa mga salitang matatalim,
masyadong bulgar, o malaswa.

 Halimbawa ng eupemismo tungkol pagkamatay o


patay:
 Sumakabilang-buhay
 Pantay na ang mga paa
 Kinuha ng Diyos
 Yumao
 Pumanaw
  
 Ito rin ay tumutukoy sa paggamit ng mga salitang
nagpapagaan sa bigat ng realidad ang mga
ganitong pahayag.
 Nangangailangan gamitin minsan ang mga pahayag
para hindi lubos na makasakit ng damdamin,
makapagpalungkot, o makapagpagalit.
 Ginagamit din ito para alisin ang mga halay sa
usaping nauugnay sa seks o kaya para bawasan
ang rimarim sa mga malalagim na usapan, paksa
gaya ng mga karahasan at mga patayan o
pagkamatay.
 Ang ilan sa mga ito ay mga idyoma o idyomatikong
ekspresyon (idiomatic expression) dahil ang mga
ganitong pahayag ay nakatatago rin ng masasakit,
bulgar, at mahahalay na salita.
  HALIMBAWA NG  EUPEMISTIKONG PAHAYAG
 Hikahos sa Buhay =  Mahirap
 Magulang = Madaya
 Lumulusog = Tumataba
 Balingkinitan = Payat
 Tawag ng Kalikasan = Nadudumi
 Sumakabilang Bahay = may kabit
 Kasambahay = Katulong
 Mapili = Maarte o Pihikan
 Malikot ang isip = Masyadong maraming imahinasyon
 May amoy = mabaho
 Ibaon sa Hukay = Kalimutan na
 Balat Sibuyas = Pikon, Sensitibo, Madaling mapaiyak
 Butas ang Bulsa = Wala ng Pera
 Halang ang Bituka = Masamang Tao
 Mabilis/Makati ang Kamay = Magnanakaw

You might also like