You are on page 1of 1

Pagsasanay para sa tayutay

A. Isulat sa sagutang papel ang mga salitang pinaghahambing sa bawat pangungusap.


1. Ang kalusugan ay kayamanan.
2. Ang mahabang buhok ni Kristina ay sinlambot ng seda.
3. Kawangis ng makahiya ang magugulating matanda.
4. Lason sa iyong mga baga ang sigarilyo.
5. Ang buhay ay parang laro minsan talo, minsa panalo.
6. Kasing-init ng pugon ang mga lansangan ngayong tag-init.
7. Tambakan ng basura ang silid-tulugan ni Mike.
8. Animo’y gatas sa kaputian ang mga ngipin ni Diana.
9. Ang mga ina ay ilaw ng kanilang mga tahanan.
10. Ang yakap nina Nanay at Tatay ay aking kumot sa gabi.

B. Isulat sa sagutang papel ang SMILE kung simili ang isinasaad ng bawat pangungusap at METAFOUR naman kung
Metapora.
11. Mala-porselana ang kutis ng mga dalaga.
12. Higante si Marlon kapag itinabi mo siya kay Marco.
13. Parang palaka kung tumalon ang batang malusog at maliksi.
14. Ang mga manggagawa sa pabrika ay kasinsipag ng mga langgam.
15. Simbilis ng hangin kung kumalat ang tsismis sa bayan natin.
16. Ang mga anak ni Grace ang mga anghel sa kanyang buhay.
17. Ang pag-aalboroto ng pilyong bata ay tulad ng malakas na ipo-ipo.
18. Ang mga pangako mo ay tila mga sulat sa buhangin.
19. Siya ay langit na di kayang abutin ng sinoman.
20. Ang kanyang kagandahan ay mistulang bituin na nagniningning.

You might also like