You are on page 1of 3

1.Kung kailan mo pinatay, saka pa humaba ang buhay.

SAGOT: KANDILA
2. Baboy ko sa pulo, ang balahibo'y pako.
SAGOT: LANGKA
3. Nang sumipot sa maliwanag, kulubot na ang balat.
SAGOT: AMPALAYA
4.Tinaga ko ang puno, sa dulo nagdurugo.
SAGOT: GUMAMELA
5. Naabot na ng kamay, ipinagawa pa sa tulay.
SAGOT: KUBYERTOS
6. Malaking supot ni Mang Jacob, kung sisidlan ay pataob.
SAGOT: KULAMBO
7. Maliit pa si kumare, marunong ng humuni.
SAGOT: KULIGLIG
8. Dumaan ang hari, nagkagatan ang mga pari.
SAGOT: SIPER
9. Munting hayop na pangahas, aaligid-aligid sa ningas.
SAGOT: GAMU-GAMO
10. Magandang prinsesa, nakaupo sa tasa.
SAGOT: KASOY
11. Ano ang makikita mo sa gitna ng dagat?
SAGOT: TITIK G
12. Mayroong tandang sa ibabaw ng bubong na piramido ang hugis. Nagtatalo-talo ang mga
kapitbahay kung saan babagsak ang itlog ng tandang. Saan babagsak ang itlog ng tandang?
SAGOT: WALA. DAHIL HINDI NAMAN NANGINGITLOG ANG TANDANG
13. May isang hari na gustong lituhin ang manliligaw ng kaniyang prinsesa. Kapag nabunot daw
ng lalaki ang itim na bato mula sa sisidlan, papaya siyang ipakasal ang anak sa lalaki. Dalawa
lamang ang bato sa sisidlan, ngunit ang hindi alam ng lalaki na parehong puti ito. Paano
maiisahan ng lalaki ang hari?
SAGOT: ITAPON NIYA SA MALAYO O ANG BATO. KUNG PUTI ANG MATIRA SA
SISIDLAN, IBIG SABIHIN AY ITIM NA BATO ANG NAKUHA NIYA
14. Mayroong limang magkakapatid sa silid. Si Ria ay nagbabasa. Si Mara ay nagluluto. Si KC
ay naglalaro ng chess. Habang si Maria naman ay nagsusulat. Ano ang ginagawa ng ikalimang
anak?
SAGOT: NAGLALARO NG CHESS KASAMA NI KC
15. Ano ang makikita mo ng isang beses sa isang minuto, dalawa sa walong siglo, pero hindi sa
habambuhay?
SAGOT: TITIK O
16. May tatlong pinto na kailangan mong daanan para makalabas. Kaya lang, sa likod nito ay
may mga panganib. Sa isang pinto, may napakalaking apoy sa dadaanan palabas. Sa ikalawa
naman ay mayroong babaril sa iyong dalawang lalaki. Habang sa huli naman ay may isang leon
na tatlong taon nang di kumakain. Saan ka dadaan?
SAGOT: SA IKATLO DAHIL KAPAG DI KUMAIN NG TATLONG TAON ANG LEON,
PATAY NA ITO.
17. Nasa isang karera ka. Ikaw ay nasa ikaapat na puwesto. Nahabol mo ngayon ang nasa
ikatlong puwesto. Anong pwesto mo na ngayon?
SAGOT: IKATLO
18. Ano ang laging parating pero hindi naman talaga dumarating?
SAGOT: BUKAS (TOMORROW)
19. May mga buwan na mayroong 31 araw habang mayroon namang may 30 araw. Ilan naman
ang mayroong 28 araw?
SAGOT: LAHAT NG BUWAN AY MAY 28 ARAW
20. Kapag tumalon ka sa ikatlong palapag na gusali, saan ang bagsak mo?
SAGOT: SA OSPITAL
21. Bakit tayo umiinom ng tubig?
SAGOT: KASI HINDI NAMAN NATIN MAAARING NGUYAIN
22. Anong bagay ang bibilhin mo ng kulay itim, gagamitin mo ng kulay pula, at itatapon mo na
kulay puti?
SAGOT: ULING
23. Mayroong isang babae na mayroong dalawang anak na babaeng ipinanganak nang parehong
oras, parehong araw, at parehong taon. Pero hindi sila kambal. Paano nangyari iyon?
SAGOT: TRIPLETS SILA, LALAKI LANG YUNG ISA SA KANILA
24. Anong bagay ang hindi naman bote o pitsel, na mayroon ding maraming butas, pero kayang
mag-imbak ng tubig?
SAGOT: ISPONGHA O SPONGE
25. Bago matuklasan na ang Mt. Everest ang pinakamataas na bundok sa buong mundo, ano ang
pinakamataas na bundok sa mundo?
SAGOT: MT. EVEREST PA RIN, HINDI NGA LANG ITO NATUTUKLASAN PA
26. Ang nanay ni Junior ay mayroong apat na anak. Ang unang anak ay pinangalanang April.
Ang ikalawa naman ay May. Ang ikatlo ay tinawag na si June. Ano ang pangalan ng ikaapat?
SAGOT: JUNIOR
27. Anong bagay ang nasisira na, hindi pa man naisasakatuparan?
SAGOT: PANGAKO
28. Anong salita sa diksiyonaryo ang laging binabaybay nang mali?
SAGOT: MALI
29. Anong bagay ang kapag pinakain mo ay tumitindi, kapag pinaiinom naman ay namamatay?
SAGOT: APOY
30. Anong bagay ang ginagawa ng manggagawa pero di niya ginagamit? Na siyang binibili rin
ng bumili pero di niya rin gagamit? Na siyang gagamitin ng gumamit pero di niya nakikita?
SAGOT: KABAONG
31. Heto na ang magkapatid, nag-uunahang pumanhik.
SAGOT: MGA PAA
32. Kung tawagin nila’y “santo” hindi naman milagroso.
SAGOT: SANTOL
33. Tatlong bundok ang tinibag, bago narating ang dagat.
SAGOT: NIYOG
34. Nakatalikod na ang prinsesa, ang mukha’y nakaharap pa.
SAGOT: BALIMBING
35. Isang pamalu-palo, libot na libot ng ginto.
SAGOT: MAIS
36. Isang bahay ni Gomez, punung-puno ng perdigones.
SAGOT: PAPAYA
37. Puno ko sa probinsiya, puno’t dulo ay may bunga.
SAGOT: PUNO NG KAMYAS
38. Gulay na granate ang kulay, matigas pa sa binti ni Aruray, pag nilaga ay lantang katuray.
SAGOT: TALONG
39. Sa maling kalabit, may buhay na kapalit.
SAGOT: BARIL
40. Maliit na bahay, puno ng mga patay.
SAGOT: POSPORO
41. Dumaan ang hari, nagkagatan ang mga pari.
SAGOT: ZIPPER
42. Bumili ako ng alipin, mataas pa sa akin.
SAGOT: SUMBRERO
43. Tanong: Bakit binubuksan ang bintana tuwing umaga?
Sagot: Kasi nakasara,bakit bubuksan mo pa ba kung bukas na.
44. Anong isda ang lumalaki pa?
SAGOT: YUNG BATA PA.
45. Ano ang tinapay na hindi kinakain ang gitna?
SAGOT: DONUT NA MAY BUTAS SA GITNA
46. Hindi hayop, hindi rin tao ngunit tinatawag niya ako
SAGOT: TELEPONO/CELLPHONE
47. Dalawang kuwebang naglalabas ng tubig pagkaraan nama’y agad binabalik
SAGOT: ILONG (SIPON SA ILONG ANG TINUTUKOY NA TUBIG)
48. Dala-dala ko siya, ngunit ako rin ay dala niya
SAGOT: TSINELAS/SAPATOS
49. Anong meron sa jeep, tricycle, at bus, pero wala sa eroplano?
SAGOT: SIDE MIRROR
50. May puno walang bunga, may dahon walang sanga.
SAGOT: SANDOK

You might also like