You are on page 1of 11

1. Mababaw ang luha ni bunso kaya kaunting pang-aasar lamang ay hahagulhol na ito.

 MADALING UMIYAK

2. Dahil pinalaki na di tapat, sanay maglubid ng buhangin si Maria.

 MAGSINUNGALING

3. Masigasig na nagbatak ng buto sa Saudi si Berto dahil upang siya’y agad yumaman.

 NAGTRABAHO

4. Si Diego ay putok sa buho at walang kinikilalang ama.

 ANAK SA PAGKADALAGA

5. Dahil sa hindi nakapagtapos, si kuya ay nagbibilang ng poste ngayon.

 WALANG TRABAHO/ NAGHAHANAP NG TRABAHO

6. Si Lolo ay kayod kalabaw mapag-aral lamang ako.

 WALANG TIGIL SA PAGTATRABAHO

7. Nagtataingang kawali ang aking kasintahan dahil ayaw niyang marinig ang mga

natuklasan ko sa kanya.

 NAGBIBINGI-BINGIHAN

8. Walang tulak kabigin sa mga magagandang binibining kalahok sa Mutya ng Bayan

2017.

 PARE-PAREHO NG KATANGIAN

9. Dahil masama pa rin ang loob ni Carlo sa ina, pabalat-bunga lamang ang imbitasyon

nito sa kanyang kasal.

 HINDI TAPAT SA LOOB NA ANYAYA

10. Parang nilubugan ng araw ang aking pangarap na makapag-aral ng malugi ang aming

negosyo.
 NAWALAN NG PAG-ASA

11. Sinasabing bukas ang palad ni Kyron sa lahat ng taong nangangailangan ng kayang

tulong.

 GALANTE/ HANDANG TUMULONG

12. Ayaw kong maniwala sa sanga-sangang dila ng tsismosa naming kapitbahay.

 SINUNGALING/ KASINUNGALINGAN

13. Matindi ang kuskos balungos ang aming guro bumili lamang kami ng kanyag tindang

kendi.

 HINDI MAKATUWIRANG PAMIMILIT

14. Kapit tuko ang drug lord kay Mayor para di lamang mahuli o makulong.

 MAHIGPIT ANG KAPIT

15. Nagpuputok ang butse ni kuya ng makita niyang basag ang kaniyang mamahaling relo.

 GALIT NA GALIT

16. Ang hapones na napangasawa ni Kasandra ay sinasabing amoy-lupa na ngunit tunay na

napakayaman.

 MALAPIT NG MAMATAY/ MATANDA NA

17. Huwag ka munang makipagrelasyon sapagkat may gatas ka pa sa labi.

 BATA PA

18. Hilong-talilong na si inay kung anong bibilhing damit sapagkat napakarami ng

magagandang pagpipilian.

 LITUNG-LITO

19. Sapagkat ngayon na ang JS Prom hindi kakapitan ng alikabok ang bagong gown ni

Karen.
 BIHIS NA BIHIS/ PUSTURANG PUSTURA

20. Dapat hagisan nang tuwalya si Floyd Mayweather sapagkat alam na kung sino ang

nagwagi.

 TAPOS NA ANG LABANAN DAHIL NATALO NA ANG ISA

21. Sa paggamit niya ng ipinagbabawal na gamut ay para na rin siyang humuhukay ng

sariling libingan.

 LUMIKHA NG SARILING KAPAHAMAKAN

22. Si Patrick at Paul ang nagtulak sa akin sa bangin na dahilan upang ako’y matutong

maglasing at magsugal.

 IBINUYO/ IBINULID SA KAPAHAMAKAN

23. Simula noong ako’y bata pa si Emman ay laman ng lansangan at napakadungis na.

 PALABOY

24. Lagi na lamang umuutang ng pera si Karla nang hindi nagbabayad at tila balat-kalabaw

na ito sapagkat nanghihiram na naman kanina.

 HINDI MARUNONG MAHIYA

25. Naghuhugas kamay sa mga pulis ang janitor kahit na siya naman ang tunay na

nagnakaw ng mga alahas ko.

 NAGMAMALINIS

26. Di maliparang uwak ang mahigit sa isandaang ektaryang lupain ni Donya Ingkay sa

aming lalawigan.

 MALAWAK

27. Parang pinitpit na luya si Dianne ng makita sina James Reid at Daniel Padilla sa mall

kanina.
 HINDI MAKAPAGSALITA

28. Dahil ilang buwan nang walang trabaho, isang patabaing baboy na si itay at tunay na

walang silbi.

 TAMAD

29. Napakagaan ng mga kamay ni Tiya Rita sa akin at ako’y nasasaktan na.

 MADALING MANAKIT

30. Ako’y nagsusunog ng kilay upang makapagtapos sa taong ito.

 NAGSISIKAP SA PAG-AARAL

31. Sa dami ng kanyang kasinungalingan sa akin, basa na ang papel sa akin ni Victoria.

 DI MAPAGKATIWALAAN

32. Ang pagkakatalo ko sa sugal ay isang napakalaking biro ng tadhana.

 KAMALASAN

33. Si Flor ay tunay na dalagang Pilipina sapagkat siya’y di makabasag pinggan.

 MAHINHIN

34. Di mahulugang karayom ang mga taong nanood ng concert ng Ben&Ben sa Philippine

Arena.

 MARAMING TAO

35. Di ako makakabili ng bagong damit ngayon sapgkat butas ang bulsa ni inay.

 WALANG PERA

36. Ayaw ko na siyang pautangin sapagkat lagi ko na lamang inililista sa tubig ang mga

hinihiram niya.

 KINAKALIMUTAN/ DI INAASAHAN

37. Iibigin lamang kita kapag maputi na ang uwak.


 IMPOSIBLENG MAGANAP O MANGYARI

38. Ingatan ninyo ang inyong mga gamit sapagkat alam naman nating lahat na malikot ang

mga kamay ni Iya.

 MAGNANAKAW

39. Ang batang si manuel ay isang mapaglubid ng buhangin.

 Sinungaling

40. Si royce ay tila buto't balat.

 PAYAT NA PAYAT

41. Butas ang bulsa ni lester sa dami ng kanyang pinamili.

 WALANG PERA

42. Dibdiban siyang umamin sa kanyang na titipuhan.

 TOTOHANAN

43. Ang pag mamahal niya ay tila isang kisapmata lamang.

 IGLAP

44. Bumaha ng dugo sa labanan ng dalawang pamilya.

 MADUGONG LABANAN

45. Ang pamilya ni karding ay isang kahig, isang tuka.

 HUSTO LAMANG ANG KINIKITA SA PAGKAIN

46. Si Queene ay isang matandang tinali.

 MATANDANG BINATA/ DALAGA

47. Si Carlo ay bulanggugo.

 SI CARLO AY BULANGGUGO.

48. Bukambibig ko ang kanya pangalan.


 LAGING SINASABI

49. Si kyla ay bukas ang dibdib lalo na sa mga matatanda.

 MAAWAIN

50. Si domeng ay isang buwayang lubog.

 TAKSIL

51. Si Patrick at si Royce ang aking mga kaibigan karnal.

 MATALIK NA KAIBIGAN

52. Ang pamahalaan ay hawak sa leeg ng presidente.

 SUNUD/SUNURAN

53. Si Karnor ay may pusong mammon.

 MABAIT

54. Ang asawa ni aling maria tuyo ang papel.

 GUMAGAWA NG HINDI MAGANDA

55. Si Karding ay humalik sa yapak kay Aling Sileng.

 LABIS NA HUMAHANG

56. Kumukulo ang tiyan ni Royce tuwing madaling araw.

 GUTOM

57. Sa mag babarkada si Visente lamang ang matalim ang dila.

 MASAKIT MAGSALITA

58. Agaw buhay si Juan ng dalahin sa ospital.

 NAGHIHINGALO

59. Si Mica ay angel ng tahanan.

 ANAK
60. Binuksan ang dibdib ni Idrise sa kanyang babaeng gusto.

 IPINAGTAPAT ANG NARARAMDAMAN

61. Si Royce ay aking kabagang.

 KAIBIGAN/ KASUNDO

62. Si Patrick ay aking kabatakan.

 KAIBIGAN/ TROPA

63. Di mahapayang gating si partick sa larong basketball.

 HINDI MAGPATALO

64. Magaling ang aming ilaw ng tahanan pagdating sa pagluluto.

 INA

65. Alog na ng baba na kayo para magbuhat ng mabigat.

 TANDA NA

66. Bakit ba bahag ang buntot ka?

 DUWAG

67. Ikurus sa noo mo na akong bahala sa iyo.

 TANDAAN

68. Ang aking ina ay may kapilas ng buhay.

 ASAWA

69. Napaka basag ang pula mo.

 LUKO-LUKO

70. Huwag mo ako ibaon sa hukay.

 KALIMUTAN

71. Sa kabila ng mga kabutihan niya sa kanyang pamangkin, si Gavina ay isa pa lang ahas.

 TAKSIL;TRAIDOR
72. Magsikap kang mag-aral kahit ikaw ay anak dalita.

 MAHIRAP

73. "Mga anak, huwag kayong masyadong maging masungit sa katulong natin. Alam naman

ninyo na siya ay alilang-kanin lang."

 UTUSANG WALANG BATAD, PAKAIN LANG, PABAHAY AT PAKAIN

NGUNIT WALANG SUWELDO

74. Huwag kayong magalala, hindi basta naniniwala ang Boss namin sa mga balitang-

kutsero.

 BALITANG HINDI TOTOO O HINDI MAPANGHAHAWAKAN

75. Mag-ingat sa mga taong balik-harap. Sila'y hindi magiging mabuting kaibigan.

 MABUTI ANG PAKIKITUNGO SA HARAP NGUNIT TAKSIL SA LIKURAN

76. Sa alinmang uri ng samahan, may mga taong bantay-salakay.

 TAONG NAGBABAIT-BAITAN

77. Maging masinop ka sa buhay, mahirap na ang magipit. Alam mo bang maraming

buwaya sa katihan na lalong magpapahirap kaysa makatulong sa iyo?

 USUSERA, NAGPAPAUTANG NA MALAKI ANG TUBO

78. Bukal sa loob ang anumang tulong na inihahandog ko sa mga nangangailangan.

 TAOS PUSO TAPAT

79. Dahil busilak ang puso ng batang si Arnel, siya ay pinarangalan at binigyan ng medalya

ng pamunuan ng Cebu.

 MALINIS ANG KALOOBAN

80. Sa isang tahanan may pagkakataong isa o dalawang anak ang nagiging itim na tupa.

 MASAMANG ANAK
81. Talagang mahirap ang walang pinag-aralan. Tumanda na sa pagtratrabahoang anak ni

Mang Julio ngunit kakaning-itik pa rin ang kinikita.

 WALANG GAANONG HALAGA, HINDI MAIPAGPAPARANGALAN

82. Ang pag-iisang dibdib nina Adila at Conrado ay gaganapin sa Oktubre 18 sa darating na

taon.

 KASAL

83. Ganyan ba ang sinasabi ninyong relihiyosa at maawain gayong may pusong-bakal

naman at mapagtanim ng galit sa kapwa?

 HINDI MARUNONG MAGPATAWAD

84. Tinik sa lalamunan ang kanyang tiyuhinna lagi nang nakaayon sa kalabang pulitiko.

 HADLANG SA LAYUNIN

85. Huwag mong asahan ang pangakong binitawan ng kongresman... iyun ay tulak ng bibig

lamang, alam mo naman ang mga pulitiko.

 SALITA LAMANG, DI TUNAY SA LOOB

86. Ang anak ni Aling Agnes ay tila maamong kordero kaya laging pinupuri ng kanyang

guro.

 MABAIT NA TAO

87. Mula nang manalo sa Lotto ang dating hardinero ay naging mahangin ang ulo ng mga

anak nitong lalaki.

 MAYABANG

88. Matalas ang ulo ni Cristina kaya nagtapos siya nang may karangalan Valedictorian at

Magnacum Laude.

 MATALINO
89. Malakas ang loob nung pulis na lumaban at nakapatay ng apat na holdaper sa loob ng

pampasaherong dyip.

 MATAPANG

90. Kilalang matagumpay na negosyante ang ama ni Renan kaya hindi nakapagtataka kung si

Renan ay laging makapal ang bulsa.

 MAPERA

91. Makapal ang palad ni Eduardo kaya umunlad ang kanyang buhay. Isa na siyang

milyonaryo.

 MASIPAG

92. Kapit-tuko ang secretarya sa kanyang posisyon kahit na nalulugi ang kompanya at

malapit ng magsara.

 MAHIGPIT ANG HAWAK

93. Ang action star na si Cesar Montano ay kidlat sa bilis kung ang pinag-uusapan ay ang

nga ginagawa niyang action movies.

 NAPAKABILIS

94. Mahuhuli na tayo sa General Meeting kilos pagong ka kasi.

 MAKUPAD, MABAGAL

95. Malaking karangalan ang makausap ang taong malawak ang isip. Marami kang

matututunan, marami kang malalaman.

 MADALING UMUNAWA, MARAMING NALALAMAN

96. Maitim ang budhi ng lalaking iyan kung kaya't labas-masok sa bilibid sa loob ng

sampung taon.

 TUSO, MASAMA ANG UGALI


97. Aywan ko kung bakit mabigat ang dugo ng Lady Boss namin sa baguhang si Norma na

isang probinsiyana.

 DI-MAKAGILIWAN

98. Parang pinagbiyak na bunga ang matalik na magkaibigan na sina Carlo at Lester.

 MAGKAHAWIG O HALOS PAREHO ANG HITSURA

99. Tila lumulutang sa ulap si Miguel nang natanggap niya ang regaling bakasyon sa

patimpalak.

 MASAYANG-MASAYA

100. Kahit anong ingay sa labas ay tulog mantika pa rin si Angeline sa sobrang pagod

sa maghapong pagtatrabaho.

 MAHIMBING NA PAGKATULOG

You might also like