You are on page 1of 44

YUNIT III

Pagpapahayag ng Ideya sa
Matalinhagang Istilo
Sinasabing ang retorika ay ang masining ng pagpapahayag
ng mga layunin sa pasulat at pasalitang kapamaraanan. Sa
larangan ng pagiging masining gamit ang mga salita, hindi
mawawala ang ideya ng paggamit ng mayabong na mga
talinhagang nag-ugat pa sa ating mga ninuno.
Ang mga ito ay naisalin sa atin at gamit ito ay lalo nating
nabibigyang empasis ang ating mga ideya sa pamamagitan ng mayamang
mga salitang hinabi ng mabubulaklak na labi at matatalas na isipan.
Kaya’t kung tunay na masining na pamamahayag ang paguusapan,
marapat lamang na maging kabahagi ang talakayang pumupunto sa
paglalahad ng mga nosyon sa matalinhagang istilo.
Layunin
1. Malalaman ang mga idyoma at kahulugan nito;
2. Maiisa-isa ang mga tayutay at alusyon; at
3. Magamit at masuri ang idyoma, tayutay at alusyon
sa malikhaing presentasyon.
Napakahalaga ng pagpapahayag ng ideya gamit
ang mga matatalinghagang pahayag o salita sa
iyong kapwa.
 May napakaraming dahilan sa pakikipagtalastasan natin sa ating
kapwa, nariyan ang nagbabahagi tayo ng kaalaman sa mga
bagay-bagay, nahuhubog nito ang intektuwal ng isang tao, at
mas mahuhubog ito kung gagamit tayo ng matatalinghagang
salita o pahayag sa ating kapwa upang magamit niya ang
kanyang isip.
Hindi lamang mahalaga na maunawaan kundi
mas mahalaga na di mo direktang sasabihin ang
mga ideya mo sa kaniya
AKSYON KO,
HULAAN MO !
Ang wikang Filipino ay puno ng mga matatalinghagang
pahayag. Ang mga matatalinhagang pahayag ay may malalim o
hindi tiyak na kahulugan. Sinasalamin ng paggamit nito ang
kagandahan at pagkamalikhain ng wikang Filipino
Ang isang sawikain o idyoma ay isang pagpapahayag na
ang kahulugan ay hindi komposisyunal — sa ibang salita, hindi
binubuo ng tumpak na kahulugan ang mga kanya-kanyang salita
na nabuo. Ito ay di-tuwirang pagbibigay kahulugan at pagpapakita
ng kaisipan at kaugalian ng isang lugar
Ang sawikain ay maaaring tumukoy sa:
1. idyoma, isang pagpapahayag na ang kahulugan ay hindi
komposisyunal.
2. Moto, parirala na nagpapahiwatig ng sentimiento ng isang
grupo ng mga tao.
3. Salawikain, mga kasabihan o kawikaan.
Mga halimbawa ng
Idyoma o Sawikain
BUTAS ANG BULSA

WALANG PERA
Maiikawing sa mga online shop ang pagiging butas
ng bulsa ko.
ILAW NG TAHANAN

INA
Napakaresponsable ng aming ilaw ng tahanan.
ALOG NA ANG BABA

MATANDA NA
Alog na ang baba nang lalaking yaon sa tatawid ng
kalsada.
KUSANG PALO

SARILING SIPAG
Ang puhunan ng mga nagtatagumpay ay kusang
palo sa lahat ng kanilang ginagawa.
BAHAG ANG BUNTOT

DUWAG
Hindi maaaring maging kasapi ang hukbo ang mga
bahag ang buntot.
IKURUS SA NOO

TANDAAN
Nakakurus sa noo ko ang mga taong naniwala at
tumulong sa akin sa panahong walang wala ako.
BUKAS ANG PALAD

MATULUNGIN
Lumabas ang mga tunay na bukas ang palad sa
panahon ng kagipitan
KAPILAS NG BUHAY

ASAWA
Mahirap pumili ng magiging tamang kapilas ng
buhay.
NAGBIBILANG NG POSTE

WALANG TRABAHO
Dahil sa pandemya ay lalong dumami ang mga
nagbibilang ng poste.
BASAG ANG PULA

LUKO-LUKO
Basag ang pula ng mamang nanlilimahid sa kanto.
IBAON SA HUKAY

KALIMUTAN
Bago ka magmahal muli ay ibaon mo muna sa
hukay ang iyong nakaraan.
AHAS

TAKSIL; TRAIDOR
Siguradong ang dahilan nang pagbagsak ng
kompanya ay ang mga ahas sa opisina.
ANAK-DALITA

MAHIRAP
Anak dalita mang ituring ay nangarap pa rin si
Sarah.
ALILANG-KANIN
UTUSANG WALANG
BAYAD KUNDI
PAGKAIN O PABAHAY

Maraming mga estudyante ang pumapasok sa pagiging


alilang-kanin habang nag-aaral.
BALITANG-KUTSERO
BALITANG HINDI TOTOO
O HINDI
MAPANGHAHAWAKAN
Mga balitang-kutsero ang nagmimitsa ng kaguluhan sa isang
pamayanan.
BALIK-HARAP
MABUTI ANG PAKIKITUNGO SA
HARAP NGUNIT TAKSIL SA
LIKURAN.
Nakalulungkot isipin na may mga tao pa ring balik-harap sa
kabila ng kabutihang binibigay sa kanila.
BANTAY-SALAKAY
TAONG NAGBABAIT-
BAITAN
Sana ay mali ang paratang ng iba na maraming bantay-
salakay sa kaban ng bayan.
BASA ANG PAPEL

BISTADO NA

Hindi matatabunan ng mga suhol niya sa komite ang kanyang


basang papel.
BUWAYA SA KATIHAN
USUSERA,
NAGPAPAUTANG NA
MALAKI ANG TUBO
Maraming buwaya sa katihan na naghihintay sa iyong
pagkakamali at paghihirap.
BUKAL SA LOOB

TAOS PUSO, TAPAT


Bukal sa loob ang pagtulong ng mga taong walang hawak na
kamera habang nag-aabot ng relief goods.
BUSILAK ANG PUSO
MALINIS ANG
KALOOBAN
Pansin kong busilak ang puso ng manliligaw ni Alyana na si
Cardo.
DI MADAPUANG LANGAW
MAGANDA ANG BIHIS

Di madapuang langaw ang mga kabataang dadalo sa kanilang


JS Promenade.
DI MAKABASAG- PINGGAN

MAHINHIN
Mabibilang na sa daliri ang mga babaeng di makabasag-
pinggan sa lungsod.
HAMPASLUPA
LAGALAG, BUSABOS
Sa halip na hamakin ay mas mainam na tulungan na lamang
ang mga hampaslupa.
ISANG KAHIG, ISANG TUKA

KAKARAMPOT NA KITA NA HINDI


MAKASAPAT SA IBANG
PANGANGAILANGAN
Maraming mamamayan ang nakararanas ng isang kahig,
isang tuka ngayong may pandemya.
ITAGA SA BATO
TANDAAN
Nararapat lamang na itaga sa bato ang mga paghihirap ng
magulang para sa kanilang mga anak.
ITIM NA TUPA
MASAMANG ANAK
Hindi porket nagkasala si Marga ay tatawagin na siyang itim
na tupa.
KALAPATING MABABA ANG
LIPAD
BABAING NAGBIBILI NG
ALIW
May pa ilan-ilan na kumapit na sa pagiging kalapating
mababa ang lipad dahil sa kahirapan.
KAKANING-ITIK
Walang gaanong halaga, hindi
maipagpaparangalan

Ang kakarampot na kita ni Mang Jose ay tila kakaning-itik


lalo na sa panahon ngayon.
PAGSUBOK BLG. 1

You might also like