You are on page 1of 18

Mga Akdang Pampanitikan: Salamin

ng Mindanao

Kuwentong-Bayan: Ang
Pilosopo(Kuwentong Maranao)
Kuwentong-Bayan
Ang mga kuwentong bayan o folklore ay
mga kuwentong nagmula sa bawat pook na
naglalahad ng katangi-tanging salaysay ng
kanilang lugar. Kadalasang ito ay
nagpapakita ng katutubong kulay (local
color) tulad ng pagbabanggit ng mga bagay,
lugar, hayop, o pangyayari na doon lamang
nakikita o nangyayari. Masasalamin sa mga
kuwentong bayan ang kultura ng bayan na
pinagmulan nito.
Ang mga kuwentong-bayan ay bahagi na
ng panitikan ng mga Pilipino bago pa man
dumating ang mga Kastila. Ito’y lumaganap
at nagpasalin-salin sa iba’t ibang
henerasyon sa paraang pasalindila o
pasalita. Nasa anyong tuluyan ang mga
kuwentong bayan at karaniwang
naglalahad ng kaugalian at tradisyon ng
lugar kung saan ito nagsimula at
lumaganap.
Maraming kuwentong bayan ang pumapaksa sa mga hindi
pangkaraniwang pangyayari tulad ng nangingitlog ng ginto,
o kaya’y mga nilalang na may pambihirang kapangyarihan
tulad ng mga diyos at diyosa, mga anito, diwata,
engkantada, sirena, siyokoy atbp. Masasalamin sa
kuwentong bayan ang mga kaugalian, pananampalataya at
mga suliraning panlipunan sa panahon kung kailan ito
nasulat.
May mga kuwentong bayang ang pangunahing
layunin ay makapanlibang ng mga mambabasa o
tagapakining subalit ang karamihan sa mga ito ay
kapupulutan ng mahahalagang aral sa buhay.
May mga tampok o kilalang kuwentong-
bayan ang bawat rehiyon sa Pilipinas.
Nagkaroon na nga lang ng iba’t ibang
bersiyon ang mga ito dahil sa lumaganap ito
nang pasalita, kaya’t minsay binabago ng
tagapagkuwento ang mga detalye na
nagdudulot ng ibang bersyon dahil sa
pagbabago sa banghay o pagdaragdag ng
mga tauhan bagamat nananatili ang mga
pangungahing tauhan gayundin ang tagpuan
kung saan naganap ang kuwentong-bayan.
Mga Kuwentong-Bayang Tagalog

• Si Maria Makiling
• Si Malakas at Maganda
• Mga Kuwento ni Juan Tamad
Mga Kuwentong-Bayan sa Bisaya

• Ang Bundok ng Kanlaon


• Ang Batik ng Buwan
Mga Kuwentong-Bayan sa Mindanao

Si Manik Buangsi
Si Monki, si Makil at ang mga Unggoy
Si Lokes a Babay, si Lokes a Mama, at
ang Munting Ibon
Si Usman, Ang Alipin
Si Usman, Ang Alipin
 kuwentong-bayan ng Maguindanao na tinatawag ding Maguindanaon,
Maguindanau, o Magindanaw. Ang kanilang wika ay may pareho ring
katawagan.
 Ang mga taga-Maguindanao na nangangahulugang mga taong
tagakapatagan o people of the food plains ay itinuturing na
pinakamalaking pangkat etniko ng mga Pilipinong Muslim.
 Matatagpuan sila sa gitna ng katimugang bahagi ng Mindanao at ang
kanilang rehiyon ay kilala bilang Cotabato, isang lambak na napaliligiran
ng mataas na kabundukan maliban sa bahaging kanluran.
 Isang ilog, ang Ilog Mindanao ang dumadaloy rito na nagdadala ng tubig
at baha lalo na sa panahon ng tag-ulan kung saan ang malaking bahagi ng
lambak ay nagmimistulang mababaw na lawak.

You might also like