You are on page 1of 1

KWENTONG BAYAN

Ang Kwentong Bayan (Folklore) ay isang uring panitikan na ang bawat salaysay ay pawang mga
likhang isip at ginagampanan ito ng mga tauhang karaniwan ay kumakatawan sa isang pamayanan,
bansa, at saloobin. Ang mga kwentong ito ay galing sa ating bayan at nagpatuloy ang paglaganap
nito sa pamamagitan ng pagsasalin sa ibat-ibat konteksto at panahon. Ang mga ganitong uring
panitikan ay karaniwang nagmumula sa ating mga ninuno at nakatatanda hanggang ito ay napasalin
sa maraming henerasyon. Naipapalaganap ang ganitong uring panitikan sa tinatawag nating oral
tradition kung saan naililipat ang bawat konsepto at istorya sa ibang mga tao at henerasyon at sa
ibang lugar.

May Apat na Katangian ang isang Kwentong Bayan:

1.         Ito ay lumaganap at nagpasalin-salin sa iba’t-ibang henerasyon sa pamamagitan ng


pagsalindila o oral tradition.

2.         Ito ay hindi patula kung kaya’t ang bawat konsepto at nilalaman ng kwento ay naisasalin sa
tuluyang pamamaraan.

3.         Ang bawat istorya ay naglalaman ng mga bagay na hindi karaniwan sa buhay ng isang tao
tulad ng isang bibeng nangingitlog ng ginto, mga Aswang, mga element at iba pa.

4.         Ang bawat kwentong Bayan ay naglalahad ng isang gintong aral na humihimok sa bawat
mambabasa na pagmunihan at isabuhay ito.

Kadalasan, umiikot ang kwentong bayan sa mga ritwal na may kinalaman sa mga pangangailangan
ng mga sinaunang tao; ang mga saloobing hindi maitatatwa; sagot sa mga problema; kung papaano
nilikha ang mundo; magkakaaway na tribo at grupo; paglilibing ng patay at pagpapasalamat sa
buhay na puno ng tuwa at kaligayahan.

You might also like