Professional Documents
Culture Documents
*SFX IBON*
Ang kaharian ng Kembayat ay naliligalig dahil sa isang dambuhalang ibon. Ang ibong ito ay
mapaminsala sa mga pananim at maging sa buhay ng tao. Ang ibong ito ay ang ibong garuda.
Isang Taganayon: Paparating na ang garuda! Magsitago na kayo! Masitago na hangga't may
oras pa!
*SFX SIGAW NG TAO*
Lahat ng tao ay natakot at nagkagulo, walang isang tao hindi sumisigaw. Sa pagtatakbuhan ng
mga tao, nagkahiwalay sa pagtakbo ang sultan at sultana ng Kembayat. Ang sultana ng
Kembayat ay nagdadalantao noon.
Sa laki ng takot ay naisilang niya ang sanggol na babae sa may tabi ng ilog...
Sultana: Nasaan na ang iba? Kailangan kong makatakas! K-kailangan kong makaalis!
May makapulot naman ng sanggol. Siya ay si Diyuhara, isang mangangalakal mula sa kabilang
kaharian.
Diyuhara: Huh? Ano iyon? S-sanggol! Ika'y kaawa-awa naman! Nasaan ang iyong magulang?
Kanyang pinagyaman at iniuwi sa bahay ang sanggol. Pinangalanan nila ang sanggol na
Bidasari. Habang lumalaki si Bidasari ay lalo pang gumaganda. Maligaya si Bidasari sa piling ng
kanyang nakikilalang magulang.
Sa kaharian ng Indrapura, ang Sultang Mongindra ay dalawang taon pa lamang kasal kay Lila
Sari. Mapanibughuin si Lila Sari. Natatakot siyang umibig pa sa ibang babae ang sultan.
Lila Sari: O mahal na sultan, hindi mo kaya ako malimutan kung may makita kang higit na
maganda kaysa akin?
Sultan: Kung higit na maganda pa sa iyo, ngunit ikaw ang pinakamaganda sa lahat.
Nag-alala ang Sultana kaya't karakarakang inutusan niya ang matapat niyang mga kabig na
saliksikin ang kaharian upang malaman kung may babaeng higit na maganda sa sultana.
Lila Sari: Hanapin niyo kung sino man ang mas lalamang sa aking angking ganda! Gawin niyo,
kahit halughigin niyo pa ang buong kaharian!
Nakita ng mga tauhan ni Lila Sari si Bidasari at siya ay higit na maganda kaysa kay Lila Sari.
Nang hindi na matiis ni Bidasari ang mga pagpaparusa sa kanya,sinabi niyang kunin ang isdang
ginto sa halamanan ng kanyang ama. Kapag araw, isusuot ni Lila Sari ang isdang ginto na parang
kwintas.At kapag gabi na,ibabalik niya sa tubig at hindi maglalaon si Bidasari at mamamatay.
Ginawa ni Lila Sari ang sinabi sa kanya ni Bidasari kaya si Bidasari ay nakaburol tuwing umaga
at muling bumabangon kapag gabi na. Pero si Diyuhara ay nag-alala na patuloy na patuloy lang
papatayin si Bidasari.
Kaya siya ay nagpagawa ng isang malaking palasyo at doon mag-isa nakatira si Bidasari
Si Sultan Mongindra ay nagulat nang may makita siyang isang mahiwagang palasyo na
nakapwesto sa gubat habang siya ay nangangaso. Nakasara ang pinto nito kaya pinilit niyang
buksan ito at pinasukan niya ang palasyo.
Doon sa loob ng isa sa mga silid ng palasyo, nakita niya si Bidasari,natutulog ng mahimbing.
Sultan Mongindra: Sino itong magandang binibini at parang hindi ko siya magising kahit ano
ang gawin ko?
Bumalik siya kinabukasan at naghintay siya hanggang gabi. At nang sumapit ang gabi,doon na
gumising si Bidasari.
*SFX CRICKETS*
Sultan Mongindra: Magandang binibini,kay tagal ako naghintay na gumising ka. Maari bang
malaman pangalan mo?
Bidasari: Kaya nangyayari ito sa akin ay dahil sa inyong asawa na si Lila Sari.
Nagalit ang Sultan sa narinig niya kaya agad-agad niya iniwan si Lila Sari sa palasyo.
Pinakasalan niya si Bidasari at siya na ang naging reyna.
Samantala, pagkaraan ng mga ilang taon,ang tunay na magulang ni Bidasari ay muli nang
naninirahan ng tahimik sa Kembayat. Nagkaroon pa ng isang supling at ipinangalan na Sinapati.