PANGKAT SIYAM BUOD NG RIHAWANI Ang kwento ay nagpapakita ng isang mitolohiyang lokal mula sa isang liblib na pook kung saan ang mga naninirahan ay may paniniwalang may diyosang o diwata ng puting usa na tinatawag na Rihawani. Ipinakita sa kwento kung paano ang mga tao sa lugar na iyon ay may malalim na takot at respeto sa diyosang ito. Isinalaysay ang kwento ng isang dayuhan na hindi sumunod sa babala na huwag pumasok sa gubat na tinitirhan ni Rihawani at sa huli, naging biktima ng isang sumpa na ginawa ng diwata. ANO ANG TEMA NG KWENTONG RIHAWANI? Ang tema ng Rihawani ay tungkol sa kung gaano kahalaga ang pagsunod sa mga tagubilin o payo na ibinigay sa iyo. Dapat din tayong magtiwala sa ating kapwa dahil walang ibang tutulong sa iyo maliban na ang yong sarili at kapwa. Pangalawa ay dapat pagkatiwalaan ang kapwa. Tulad ng nangyari sa kwento kung saan sinuway ng mangangaso ang payo ng matanda na nagdulot ng malaking kababalaghang nangyari.Ang Tema na nailalahad sa mitolohiya ang ugaling hindi dapat at iwasang taglayin ng isang tao na maaaring magdulot sa kanya ng kapahamakan. Ipinakita sa katauhan ni Rihawani na ang lahat ng ating mga ginagawa ay sinusubaybayan ng panginoon.Nais tayong bigyang linaw ng akda na dapat tayo ay sumunod sa ano mang payo o tagubilin sa atin para tayo ay mailayo sa ano mang masamang dulot nito o kapahamakan. MARAMING SALAMAT SA PAKIKINIG!