You are on page 1of 2

Ano Ang Pang-Ugnay At Mga Halimbawa Nito

Sa Pangungusap
January 10, 2022 by Jeel Monde in CategoriesEducational

Katanungang: Ano ang pang-ugnay? Ito ang sagot!


ANO ANG PANG-UGNAY – Pagtalakay sa ibig sabihin ng pang-ugnay, ang paggamit
nito, at mga halimbawa nga pang-ugnay sa pangungusap.

Ang pang-ugnay ay isang bahagi ng pananalita na nag-uugnay ng mga salita, sugnay, o


pangungusap. May tatlo itong uri – ang pangatnig, pang-angkop, at pang-ukol.
Pinagdudugtong nito ang mga salita na may kaugnayan.

Ito ang tatlong uri ng pang-ugnay:

 Pangatnig
Ito ang nag-uugnay ng salita sa kapuwa salita, parirala sa kapuwa parirala,
sugnay sa kapuwa sugnay, o pangungusap sa kapuwa pangungusap. Ang
pitong uri nito ay:

 pamukod – gumagamit ng o, ni, maging, at man para sa pagpili,


pagtatakwil, pagbubukod, o pagtatangi 

Halimbawa: Si Christine ay maganda, maging sa Lanie.


 panimbang – gumagamit ng at at saka para sa dalawang salita o
kaisipan na magkasinghalaga

Halimbawa: Ikaw at saka si Ben ay parehong mabait at


magalang.
 panubali – gumagamit ng kung, kapag, tila, at sana para
magsabi ng pag-aalinlangan

Halimbawa: Pupunta ako sa gimik kapag pupunta rin si Kuya


Allan.
 paninsay – gumagamit ng ngunit, subalit, at samantala para sa
mga magkasalungat

Halimbawa: Gusto ko siya ngunit hindi niya ako gusto.


 pananhi – gumagamit ng dahil sa, sanhi ng,
sapagkat, at palibhasa para mangatwiran

Halimbawa: Wala siyang reaksyon palibhasa ay hindi siya ang


nawalan.
 panapos – gumagamit ng sa wakas at sa lahat ng ito para
magpahiwatig ng pagtatapos

Halimbawa: Matapos ang isang awiting, sa wakas ay


makakapagpahinga na rin.
 panlinaw – gumagamit ng kung gayon, samaktwid, at sa
madaling salita para magpaliwanag ng bahagi o kabuuan

Halimbawa: Hindi ko siya gusto kaya sa madaling salita, hindi


kami magkakatuluyan.
 Pang-angkop
Ito ang pagdudugtong ng mga salita sa pamamagitan ng paggamit ng ng,
na, at -g para mas maging madulas ang pagkakasambit.
Halimbawa: magandang dalaga; angking talento, magandang gabi, tanyag
na artista, magaling na pintor
 Pang-ukol
Ito ang mga salita na tumutukoy sa pinagmulan o patutunguhan,
kinaroroonan o pinagkakaroonan, at pinangyayarihan o kinauukulan ng
isang kilos. Gumagamit ng ng, sa, kay, ni, nina, kay, kina, ayon sa, ayon
kay, sa harap, na may, at iba pa.
Halimbawa: Hindi ko gustong lumabas dahil ayon sa balita, mataas na ang
kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.

You might also like