You are on page 1of 25

8

Araling
Panlipunan
Ikaapat na Markahan– Modyul 6:
Mga Pandaigdigang Organisasyon,
Pangkat, at Alyansa
Araling Panlipunan– Ikawalong Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikaapat na Markahan– Modyul 6: Mga Pandaigdigang Organisasyon, Pangkat,
at Alyansa
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyulna ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Nicolas T. Capulong PhD, CESO V
Ronelo Al K. Firmo PhD, CESO V
Librada M. Rubio PhD

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Raymart B. Guinto
Tagasuri ng Nilalaman: Angelica M. Burayag PhD / Salvador B. Lozano
Madonna R. Estacio / Alma G. Pineda
Tagasuri ng Wika: Neil Omar B. Gamos / Madonna R. Estacio
Tagasuri ng ADM Format: Raymart B. Guinto
Tagasuri ng Paglapat
at Pagguhit: Jeremy Daos / Jay Ahr Sison
Tagaguhit: Neil Omar B. Gamos / Rona DC. Dionisio
Tagalapat: Reynaldo B. Pacleta
Tagapamahala: Nicolas T. Capulong PhD, CESO V
Librada M. Rubio, PhD
Angelica M. Burayag PhD / Ma. Editha R. Caparas EdD
Nestor P. Nuesca EdD / Marie Ann C. Ligsay PhD
Fatima M. Punongbayan / Salvador B. Lozano
Arnelia R. Trajano PhD

Inilimbag sa Republika ng Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III


Office Address: Matalino St., Diosdado Macapagal Government Center
Maimpis, City of San Fernando, Pampanga 2000
Telefax: (045) 598-8580 to 89
E-mail Address: region3@deped.gov.ph
8

Araling
Panlipunan
Ikaapat na Markahan– Modyul 6:
Mga Pandaigdigang Organisasyon,
Pangkat, at Alyansa
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan Baitang 8 ng


Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Mga Pandaigdigang
Organisasyon, Pangkat, at Alyansa!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa


mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan,
bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang
mga kasanayang pang-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang


kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan Baitang 8 ng Alternative


Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Mga Pandaigdigang Organisasyon, Pangkat, at
Alyansa!

Sa modyul na ito, inaasahang makabuo ang mga mag-aaral ng “project


proposal” at pagsasabuhay ng mahahalagang bahagi ng proyekto na
kinatatampukan ng aktibong pakikilahok ng iba’t iba o isang partikular na sektor
ng lipunan sa mga gawain, programa, at proyekto sa antas ng komunidad at bansa
na nagsusulong ng rehiyonal at pandaigdigang kapayapaan, pagkakaisa,
pagtutulungan, at kaunlaran.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat


Alamin
mong matutuhan sa modyul.

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na


ang kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung
Subukin
nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%),
maaari mong laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang


Balikan matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang
aralin sa naunang leksyon.

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa


iyo sa maraming paraan tulad ng isang kuwento,
Tuklasin
awitin, tula, pambukas na suliranin, gawain o isang
sitwasyon.

Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong matulungan
Suriin
kang maunawaan ang bagong konsepto at mga
kasanayan.

Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang


pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-
Pagyamanin unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong
iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay gamit ang
susi sa pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

iii
Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang
Isaisip patlang ng pangungusap o talata upang maproseso
kung anong natutuhan mo mula sa aralin.
Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo
Isagawa upang maisalin ang bagong kaalaman o kasanayan
sa tunay na sitwasyon o realidad ng buhay.
Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat
Tayahin ang antas ng pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang
kompetensi.
Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong panibagong
Karagdagang
gawain upang pagyamanin ang iyong kaalaman o
Gawain
kasanayan sa natutuhang aralin.
Susi sa Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng
Pagwawasto mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
Alamin

Ang modyul na ito ay ginawa at isinulat para sa iyong kapakinabangan.


Patungkol sa mga Pandaigdigang Organisasyon, Pangkat at Alyansa na nabuo sa
daigdig. Ito ay upang matulungan kang unawain ang mga araling tinatalakay sa
Araling Panlipunan Baitang 8.

Ang modyul na ito ay nahahati sa tatlong aralin:


• Paksa 1 – Mga Pandaigdigang Organisasyon
• Paksa 2 – Mga Pang-ekonomikong Organisasyon at Trading Blocs
• Paksa 3 – Mga iba pang Organisasyong Pandaigdig

Kapag natapos mo na ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang:


1. nasusuri ang mga programang makatutulong sa pagkamit ng pandaigdigang
pagkakaisa, kapayapaan, at kaunlaran;
2. naipaliliwanag ang bahaging ginampanan ng mga pandaigdigang
organisasyon at alyansa sa pagsulong ng pandaigdigang kapayapaan,
pagkakaisa, pagtutulungan, at kaunlaran;
3. natutukoy ang epekto ng mga pang-ekonomikong organisasyon sa
pandaigdigang ekonomiya.

Mga Tala para sa Guro


Ang daigdig sa panahon ng pagbubuo ng pandaigdigang
organisasyon, pangkat, at alyansa upang naisin ang kapayapaan,
pagkakaisa, pagtutulungan, at kaunlaran. Sa pamamagitan ng iba’t
ibang mga gawain, inaasahang higit na madaragdagan at lalawak ang
iyong kaalaman sa paksa
Gumamit ng mapa sa araling ito upang makita natin kung saang
mga bansa nagsimula ang pagbubuo ng pandaigdigang organisasyon,
pangkat, at alyansa.

1
Subukin

Panuto: Upang masubok ang iyong kaalaman tungkol sa nilalaman ng modyul na


ito, sagutin ang panimulang pagtataya. Isulat ang letra ng wastong sagot sa iyong
sagutang papel. Bigyang pansin ang mga aytem na hindi mo nasagot at subuking
muling sagutan ang nasabing aytem habang ginagamit ang modyul na ito.

1. Isang bagong daigdig ang umusbong pagkalipas ng Ikalawang Digmaang


Pandaigdig. Alin ang hindi kabilang sa mga pangyayari pagkatapos ng
daigmaan?
a. Naitatag ang United Nations c. Nawala ang Fascism at Nazism
b. Nagkaroon ng WW III d. Nagkaroon ng labanan ng
ideolohiya
2. Ang European Union ay isang organisasyon na nakatalaga upang mapatatag
ang pangkabuhayang integrasyon at mapalakas ang kooperasyon ng mga
bansang kasapi. Kailan pormal na naitatag ang European Union?
a. November 1, 1993 c. November 1, 1995
b. November 1, 1994 d. November 1, 1996

3. Ninais ng European Union na mapaunlad ang kanilang ekonomiya kung


kaya’t pinairal ng Economic and Monetary Union (EMU) na gumamit ng
iisang pamalit o currency. Anong uri ng salapi ang kanilang ginamit?
a. Peso ₱ c. Euro €
b. Dollar $ d. Yen ¥

4. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga layunin ng Organization


of American States (OAS)?
a. Kaunlarang Pangkabuhayan c. Kaunlarang Pangkultura
b. Kaunlarang Panlipunan d. Kaunlarang Militar

5. Ano ang organisasyong pinag-isang boses ng mga bansang Muslim upang


iligtas at protektahan ang mga interes nito, tungo sa pandaigdigang
kapayapaan at pagkakasunduan?
a. Association od South East Asian Nations
b. European Union
c. United Nations
d. Organization of Islamic Cooperation

6. Ang Association of South East Asian Nations ay naitatag noong ika-8 ng


Agosto taong 1967, upang pag-isahin ang mga bansa mula sa Timog-
Silangang Asya. Saang bansa ito nabuo?
a. Cambodia c. Indonesia
b. Thailand d. Laos

2
7. Napagkasunduan ng ASEAN Community noong 2003 na hatiin sa tatlong
sangay o haligi ang asosasyon. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang
sa tatlong haligi?
a. ASEAN Political Community c. ASEAN Economic Community
b. ASEAN Security Community d. ASEAN Sociocultural Community

8. Ano ang pandaigdigang institusyon na nagpatupad ng epektibong


patakarangpangkabuhayan na tumutugon sa sistemang pananalapi ng
isang kasaping bansa?
a. International Monetary Fund c. International Economic Fund
b. International Security Fund d. International Political Fund

9. Alin sa mga sumusunod ang hindi kasali sa layunin ng World Trade


Organization?
a. Pangasiwaan ang lahat ng kasunduan tungkol sa kalakalan
b. Pagpapatupad ng mga limitasyon sa pakikipagkalakalan
c. Pagkakaloob ng tulong teknikal at pagsasanay para sa mga papaunlad
na bansa
d. Tagapamagitan sa mga bansang nagtatalong mga kasaping bansa
kaugnay sa mga patakaran

10. Ano ang pandaigdigang institusyon na pinagmumulan ng pondo para sa


tulong-pananalapi at teknikal sa mga bansang papaunlad?
a. International Bank c. Nations Bank
b. World Bank d. Universal Bank

11. Ang organisasyon ay isang uri ng pagbubuklod-buklod ng mga kasapi ayon


sa kanilang mithiing itaas ang antas ng kabuhayan ng mga kasapi at
mabigyan ng seguridad kung kinakailangan.
a. Tama ang pahayag c. Parehas na Tama o Mali
b. Mali ang pahayag d. Walang tamang sagot

12. Isa sa layunin ng World Bank ay makapagpautang sa mga bansang


nagpapakita ng kaunlaran, subalit marami na dito ay baon na sa utang at
wala ng pag-asang mabayaran pa ito.
a. Tama ang pahayag c. Parehas na Tama o Mali
b. Mali ang pahayag d. Walang tamang sagot

13. Alin sa mga sumusunod ang dalawang lupon na nagtataglay ng


mahalagang papel sa APEC?
a. Committee for Trade & Investment / Economic Council
b. Committee for Loan Agreement / Political Council
c. Committee for Industrial Investment / Cultural Council
d. Committee for Land Transportation / LTO Council

3
14. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng positibong pananaw sa
Organisasyon o Alyansa?
a. Walang maibubuting pag-unlad sa isang bansa
b. Ito ay may masamang epekto sa mga tao
c. Nagkakaroon ng interes sa yaman ng ibang bansa
d. Nagkakaroon ng pagtutulungan

15. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa Three Pillars ng APEC?
a. Liberalisasyon ng kalakalan at pamumuhunan
b. Patuloy na pagpapautang sa mga mahihirap na bansa
c. Pagpapabilis at pagpapadali ng pagnenegosyo
d. Pagbibigay tulong pangkabuhayan at pangteknikal

Mahusay! natapos mo na ang panimulang pagtataya. Maaari na nating simulan ang


mga paksang aralin. Para lubos mong maunawaan ang mga katanungan na hindi
mo nasagot mula sa panimulang pagtataya ating itong lilinangin sa mga teksyong
iyong babasahin.

4
Aralin Mga Pandaigdigang

1 Organisasyon, Pangkat,
at Alyansa

Nang matapos ang Ikalawang


Digmaang Pandaigdig, dumanas ng
kahirapan ang mga bansa na nasalanta ng
digmaan. Nagsumikap silang bumangon sa
tulong ng sama-samang pagharap at
pagtugon sa mga suliranin.
Karamihan sa mga pandaigdigang
alyansa ay nabuo matapos ang Ikalawang
Digmaang Pandaigdig na pinangunahan ng
United Nations.

Mahalagang Tanong:
Bakit naging matagumpay ang mga bansa sa pagbuo ng mga alyansa at
organisasyon sa gitna ng pagkakaiba-iba ng paniniwala, ideolohiya, at kultura?

Balikan

Binabati kita dahil natapos na natin ang nakaraang aralin. Bago tayo
tuluyang pumunta sa bagong paksang aralin ay may inihanda akong pagsasanay
para sayo.

Text Twist Tayo! Sagutin ang mga katanungan sa pamamagitan ng pag-


punan ng tamang letra ang bawat patlang at isulat sa sagutang papel ang sagot.

1. Ito ay labis na pagdepende ng tao sa mayayamang bansa lalong-lalo na sa


United States.

O_ _ r D_ _ _ _ d _ _ ce

2. Ito ay isang tahimik na tunggaliang namagitan sa dalawang


makapangyarihang bansa ang US at USSR.

C_ l _ W_ _

5
3. Ang unang satellite na gawa ng tao.

T_ls___

4. Ito ay nangangahulugang bago at ibang anyo ng pananakop.

N _ _ K _ _ _ _ y _ li _ _ _

5. Kaisipang mainam ang mga produktong dayuhan kaysa lokal na produkto.

Co _ _ _ _ al M _ _ _a _ _ t _

6. Nawalan ng pagkakakilanlan dahil sa pagyakap sa mga ideyang dayuhan.

L _ _ _ of I _ _ _ _ _ ty

7. Patakarang pinairal sa Soviet Union na nangangahulugang openness o


“pagiging hayag.”

G______t

8. Isang ambisyong programang pang-ekonomiya ni Gorbachev.

Pe _ _ _ _ _ _ ika

9. Mga bansang papaunlad.

Th _ _ _ W _ _ _ _ C _ _ _ _ _ _ _ _

10. Mga bansang maunlad.

Fi _ _ _ W _ _ _ _ C _ _ _ _ _ _ _ _

Tuklasin

May mahalagang papel na ginampanan ang mga organisasyong pandaigdig sa


mga hakbang tungo sa kapayapaan at kaunlaran ng mga bansang kasapi nito.
Sisimulan mo na ngayong tuklasin ang ginampanang papel ng mga pandaigdigang
organisasyon sa pagtataguyod ng kapayapaan at ang kanilang pagtutulungan upang
makamit ang pag-asenso.

6
Panuto: Sagutin sa sagutang papel ang tanong sa paksa sa pamamagitan ng graphic
organizer.

Paksa: Ano ang bahaging ginampanan ng mga pandaigdigang organisasyon,


pangkat, at alyansa sa pagkamit ng rehiyonal at pandaigdigang kapayapaan,
pagkakaisa, pagtutulungan, at kaunlaran sa daigdig?

_________________
_________________
_________________
_________________
___ _________________
_________________
___

_________________
_________________
_________________
______

Suriin

Pandaigdigang Oraganisasyon

Hindi kaila na walang sinuman o alin mang bansa na uunlad kung nag-iisa
lamang. Kinakailangan niyang makipag-ugnayan sa ibang bansa upang makamit
niya ang wala o kakulangan niya. Gabay ng ganitong pangangailangan ang isang uri
ng pagtutulungan ang naitatag upang matugunan ang mga pangangailangan ng
bawat isa. Iba’t ibang samahang pangrehiyon ang sumibol at patuloy pa rin sa
pagtutulungan sa kasalukuyang panahon.

Sa mabilis na takbo ng pamumuhay, iba’t ibang suliranin at isyu ang


nakakaharap ng mga bansa. Dito kailangan pumasok ang pakikipag-ugnayan ng
mga bansa at itaguyod ang pagtutulungan upang maiwasan ang mga panganib at
mga suliranin at magkaroon ng pagkakataon na umunlad.

7
Mga Tanyag na Pandaigdigang Organisasyon

Bukod sa United Nations marami pang organisasyong pandaigdig na nabuo na may


layuning pagbigkisin ang mga bansa upang matamo ang pandaigdigang kapayapaan
at kaunlaran.

1. European Union (EU) – Ang Unyong Europeo ay isang pang-ekonomiko at


pampolotikal na unyon ng 27 malalayang bansa. Ito ang pinakamalaking
kompederasyon ng mga malalayang estado na itinatag sa ilalim ng pangalang
iyon noong 1992. Ang mga aktibidad ng Unyong Europeo ay sumasakop sa
patakarang publiko, patakarang ekonomiya sa ugnayang panlabas, tanggulan,
pagsasaka, at kalakalan.

2. Organization of American States (OAS) – Ang samahan ng mga Estadong


Amerikano ay isang pandaigdigang samahang nakabase sa Washington D.C.,
Estados Unidos. Mayroon itong tatlumpu’t limang kasaping nagsasariling estado
ng Amerika. Layunin nitong makamit ang kapayapaan at hustisya, itaguyod ang
pagkakaisa ng mga estadong kasapi, patatagin ang kanilang pagtutulungan,
pangalagaan ang kanilang awtonomiya, ang kanilang teritoryo, at ang kanilang
kalayaan.

3. Organization of Islamic Cooperation (OIC) – Ang OIC ay isang internasyunal


na organisasyon ng 57 estado. Ito ay samahan ng mga bansang Muslim na
naglalayong siguruhin at protektahan ang interes mula sa pamamagitan ng
pagsulong ng kapayapaang pandaigdig at pagkakaunawaan.

4. Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) – Ang Kapisanan ng mga


Bansa sa Timog-Silangang Asya o kilala bilang ASEAN ay isang organisasyong
heopolitikal, ekonomikal, at pangkultura ng mga bansa sa Timong-Silangang
Asya. Ang mga layunin ng samahang ito ay maitaguyod ang paglago ng
ekonomiya, kaunlarang panlipunan, pagsulong ng mga kultura ng bawat kasapi,
at pagpapalaganap ng kapayapaang panrehiyon.

Mga Pang-ekonomikong Organisasyon at Trading Blocs

1. World Bank – ay isang pandaigdigang bangko na nagbibigay ng tulong-


pananalapi at teknikal sa mga bansang umuunlad para sa mga programang
pangkaunlaran tulad ng mga tulay, kalsada, paaralan, at iba pa na may layunin
ng pagpapababa ng antas ng kahirapan.
2. International Monetary Fund – ay isang organisasyong internasyunal na
pinagkatiwalaang mamahala sa pandaigdigang sistema sa pananalapi sa
pamamagitan ng pagmasid sa mga halaga ng palitan at banlanse ng mga
kabayaran, gayon din ang pag-alok ng teknikal at pinansiyal na tulong kapag
hihingi.
3. World Trade Organization – ay isang organisasyong pandaigdig na itinatag
upang pamahalaan at magbigay ng Kalayaan sa kalakalang pang-internasyunal.
Ang WTO ay nabuo noong ika-01 ng Enero 1995, kahalili ng Pangkalahatang
Kasunduan sa mga Taripa at Kalakalan (GATT).

8
Iba pang Oraganisasyong Pandaigdig

May mga samahang rehiyonal din na bumubuo ng trade blocs. Ang Trade
Blocs ay isang kasunduan ng mga bansang kadalasan ay magkakaanib sa isang
samahang rehiyonal na naglalayong bawasan, paliitin, o tanggalin ang mga taripa
at mga hadlang sa taripa sa pagitan ng mga miyembrong bansa.

1. ASEAN Free Trade Area – Ang Sonang Malayang Kalakalan ng ASEAN (AFTA) ay
isang kasunduan ng hanap na pangkalakalan ng Kaisipan ng mga Bansa sa
Timog-Silangang Asya na nagtaguyod ng mga pampagawaang pampook (local
manufacturing) sa lahat ng bansa sa ASEAN.
Ang mga tahasang mithiin ng AFTA ay makamit ang sumusunod:
• Palakihin ang hangganan bilang batayang pamproduksiyon sa pandaigdigang
pamilihan sa pamamagitan ng pag-awas, sa loob ng ASEAN, ng mga taripa at
walang taripa; at
• Akitin ang maraming panlabas na tuwirang pamumuhay sa ASEAN.

2. North American Free Trade Agreement (NAFTA) – Ito ay isang kasunduan na


nilagdaan ng Canada, Mexico, at Unites States na lumilikha ng trilateral trade
bloc sa North America. Ito ay nagbigay bias noong 1994 na nagbigay-daan sa
pagkakabuo ng isang trade bloc na maituturing na may pinakamataas na
pinagsama-samang purchasing power parity sa GDP.

3. APEC – Ang Asia-Pacific Economic Cooperation ay isang organisasyong binubuo


ng 20 bansa at isang rehiyong administratibo. Ang mga kasaping bansa ay
nagpupulong upang maiayos ang kanilang ugnayang pagkabuhayan. Isinusulong
din ng organisasyon ang pagkakaroon ng kaunlarang pang-ekonomiya,
kooperasyon, kalakalan, at pamumuhunan sa rehiyon ng Asia-Pacific. Tampok
ang programa ng APEC na tinawag nilang Three Pillars:
• Liberalisasyon ng kalakalan at pamumuhunan
• Pagpapabilis at pagpapadali ng negosyo
• Tulungang pangkabuhayan at pangteknikal

Pagyamanin

A. Subukan mo!
Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na pangungusap. Piliin sa kahon ang
tinutukoy ng bawat pahayag. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
__________1. Isang pang-ekonomiko at pampolotikal na unyon ng 27 malalayang
bansa. Ito ang pinakamalaking kompederasyon ng mga malalayang estado
naitinatag sa ilalim ng pangalang iyon noong 1992.

9
__________ 2. Isang organisasyong heopolitikal, ekonomikal, at pangkultura ng mga
bansa sa Timong-Silangang Asya.

__________ 3. Isang pandaigdigang samahang nakabase sa Washington D.C., Estados


Unidos. Mayroon itong tatlumpu’t limang kasaping nagsasariling estado ng Amerika.

__________ 4. Isang internasyunal na organisasyon ng 57 estado. Ito ay samahan ng


mga bansang Muslim na naglalayong siguruhin at protektahan ang interes mula sa
pamamagitan ng pagsulong ng kapayapaang pandaigdig at pagkakaunawaan.

__________ 5. Isang organisasyong internasyunal na pinagkatiwalaang mamahala sa


pandaigdigang sistema sa pananalapi sa pamamagitan ng pagmasid sa mga halaga
ng palitan at balanse.

__________ 6. Ito ay isang kasunduan na nilagdaan ng Canada, Mexico, at United


States na lumilikha ng trilateral trade bloc sa North America.

__________ 7. Isang kasunduan ng hanap na pangkalakalan ng Kaisipan ng mga


Bansa sa Timog-Silangang Asya na nagtaguyod ng mga pampagawaang pampook sa
lahat ng bansa sa ASEAN.

__________ 8. Isang pandaigdigang bangko na nagbibigay ng tulong-pananalapi at


teknikal sa mga bansang umuunlad para sa mga programang pangkaunlaran tulad
ng mga tulay, kalsada, paaralan, at iba pa namay layunin ng pagpapababa ng antas
ng kahirapan.

__________ 9. Isang organisasyong pandaigdig na itinatag upang pamahalaan at


magbigay ng kalayaan sa kalakalang pang-internasyunal.

__________10. May programa ang organisasyong ito na tinawag nilang Three Pillars
at binubuo ito ng mga sumusunod: a. Liberalisasyon ng kalakalan at
pamumuhunan, b. Pagpapabilis at pagpapadali ng negosyo, at c. Tulungang
pangkabuhayan at pangteknikal

• Organization of American States • Association of Southeast


(OAS) Asian Nations (ASEAN)
• European Union (EU) • Organization of Islamic
• International Monetary Fund Cooperation (OIC)
• World Trade Organization (WTO) • ASEAN Free Trade Area
• World Bank (WB) • North American Free
• Ang Asia-Pacific Economic Trade Agreement (NAFTA)
Cooperation (APEC)

10
B. Gotta Guess the Flag!
Panuto: Kilalanin ang mga watawat ng sumusunod na organisasyong
pandaigdig. Pumili ng sagot mula sa kahon sa baba at isulat sa sagutang
papel ang tamang sagot.

1. _________________________ 4. __________________________

2. _________________________ 5. __________________________

3. _________________________ 6. ___________________________

• United Nations (UN)


• European Union (EU)
• World Bank (WB)
• Organization of Islamic Cooperation (OIC)
• Association of Asian Nation (ASEAN)
• World Trade Organization (WTO)

11
B. Map Reading!

Panuto: Hanapin ang mga sumusunod na bansang kasapi sa ASEAN batay sa


mapa. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. ___________________
2. ___________________
3. ___________________
4. ___________________
5. ___________________
6. ___________________
7. ___________________
8. ___________________
9. ___________________
10. ___________________
11. ___________________

C. Magpaliwanag Tayo!

Panuto: Sagutin ang tanong sa loob ng bilog at magbigay ng halimbawa ng maunlad


na bansa at di-maunlad na bansa. Gawin ito sa sagutang papel.

Maunlad Di-Maunlad
__________________ Bakit may mga __________________
__________________ Bansang
Maunlad at Di- __________________
__________________
Maunlad? __________________
__________________ __________________
__________________ __________________
__________________
__________________
__________________
_________________
__________________
________________
__________________
________________
__________________
____
__________________
__________________
__________________
12
__________________
___________
D. Organisasyon mo… Ipaglaban mo!

Panuto: Dahil nalaman mo na ang ilan sa mga pandaigdigang samahan na


nagsusulong ng kapayapaan at kaunlaran, isa-isahin ngayon ang mga layunin nito.
Pagkatapos ay itala sa sagutang papel ang iyong sagot.

Mga Organisasyon Layunin

1. European Union

2. Organization of American States

3. Organization of Islamic
Cooperation

4. Association of Southeast Asian


Nations

E. Tiyakin mo!
Panuto: Pumili sa mga pandaigdigang organisasyon o samahan na ating natalakay,
gamit ang Venn Diagram ay paghambingin ang iyong napiling organisasyon. Isulat
ang sagot sa sagutang papel.

Pagkakaiba Pagkakaiba
Pagkakatulad

1. __________________ 2. ______________________
Napiling Organisasyon Napiling Organisasyon

13
Isaisip

Pagpapasya!
Isaayos ang sumusunod na pahayag na para sa iyo ay dapat bigyan ng pansin.
Isulat ang bilang 1 para sa nararapat na maging prayoridad, bilang 2 para sa
sumusunod na dapat na maging prayoridad hanggang bilang 3. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.

Layunin ng Samahan

_______ a. Tiyakin ang mabuting kalagayan ng mga bansang nasasakop ng


Association of Southeast Asian Nation (ASEAN) sa kasalukuyan at panghinaharap.
_______ b. Maisaayos at mapangalagaan ang mga patakaran sa produksiyon at mga
kalakal.
_______ c. Maitaguyod ang panrehiyong kapayapaan at katatagan sa mga bansang
kasapi.
Balikan ang layunin na nilagyan mo ng bilang 1. Bakit mo ito naging
prayoridad? Pangatwiranan.
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

Isagawa

Pagbuo ng Samahan!

Kung bibigyan ka ng pagkakataon na magtatag ng samahan kung saan ang mga


nagsasariling bansa ang iyong magiging kasapi, ano ang kalikasan ng iyong itatatag
na samahan? Gawin ang tsart sa sagutang papel.
____________________________________________
Pangalan ng Samahang Pandaigdig
Tungkol saan ang itatatag na samahan?
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
Anu-ano ang layunin ng samahan?
a. ___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
b. ___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

14
Aling bansa ang mga kasapi?
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
Bakit mo pinili ang mga bansang iyon?
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
Mahalaga ba ang iyong itatatag na samahan? Ipaliwanag.
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

Tayahin

A. Panuto: Sagutin ang sumusunod at isulat ang letra ng tamang sagot sa


sagutang papel.

1. Lahat ng sumusunod ay kabilang sa Three Pillars ng APEC maliban sa isa.


a. Pagpapabilis at pagpapadali ng pagnenegosyo
b. Tulungan pangkabuhayan at pangteknikal
c. Liberasyon ng kalakalan at pamumuhunan
d. Pagpapatatag sa politika ng bansa

2. Ang ASEAN ay binubuo ng tatlong haligi. Alin ang hindi kabilang?


a. ASEAN Security Community c. ASEAN Political Community
b. ASEAN Economic Community d. ASEAN Socio-Cultural Community

3. Bakit mahalaga ang oraganisasyong pandaigdig? __________


a. Dahil ito ang nagbibigay ng grasya at pag-asa sa mga kasaping bansa.
b. Dahil ito ang nagbibigay-hudyat kung kailan dapat salakayin ang kaaway
na bansa
c. Dahil pinagbubuklod nito ang mga bansa, pinanatili ang kapayapaan at
pagkakaisa.
d. Dahil, ito ay nagiging paraan ng isang bansang makapangyarihan upang
pamunuan ang mga bansang sakop.

4. Ang taong 1960 ay simula ng pandaigdigang pag-unlad. Lumaganap ang mga


reporma at pagbabagong anyo sa lahat ng bansa dala ng lumalagong
pandaigdigang negosyo. Ang panahong ito ang _______.
a. Tinatayang simula ng pag-unlad ng Asya.
b. Simula ng paglaganap ng masiglang ekonomiya para sa mga umuunlad
na bansa.
c. Simula ng paglaganap ng kalakalan.
d. Simula ng paglaganap ng katahimikan sa daigdig.

15
5. Kinilalang pangalawang pinakamalaking sona ng malayang kalakalan ang
_____.
a. ASEAN c. NAFTA
b. OPEC d. AFTA

B. Panuto: Mula sa kahon, ihanay ang mga bansang kasapi ng bawat


pandaigdigang organisasyon. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Association of Southeast Organization of Islamic


European Union
Asian Nations Cooperation

1._______________________ 5.___________________ 8.____________________


2._______________________ 6.___________________ 9.____________________
3._______________________ 7.___________________ 10.___________________
4._______________________

Philippines France Netherlands Lebanon Vietnam USA


Italy Thailand Iran China Iraq Laos

Karagdagang Gawain

Matapos nating mapag-aralan ang modyul na ito ay narito pa ang panghuling


gawain para sa iyong mas malalim na pagkakaunawa.

Lumikha ng isang collage na nagpapakita sa iyong mga adhikaing


makahikayat na nagmamalasakitan sa kabuhayan ng bansa. Isaalang-alang ang
katanungang sa ibaba habang gumagawa ng collage.

Gabay na Tanong:

Bakit naging matagumpay ang mga bansa sa pagbuo ng mga alyansa at


organisasyon sa gitna ng pagkakaiba-iba ng paniniwala, ideolohiya, at kultura?

Rubrik para sa Paggawa ng Collage

Pamantayan Puntos Nakuhang Puntos

Nilalaman/Larawan 20
Pagkamalikhain 15
Kaangkupan sa Tema 10
Kalinisan 5

KABUUANG PUNTOS 50

16
17
Pagyamanin Tayahin
Subukin
A 1. EU 6. NAFTA A.
1. B 11. A 1. D
2. ASEAN 7. AFTA 2. C
2. A 12. B
3. C 13. A 3. OAS 8. WB 3. C
4. D 14. D 4. B
5. D 15. B 4. OIC 9. WTO 5. D
6. B 5. IMF 10. APEC B.
7. A 1. Philippines
8. A B. 1. ASEAN 2. WB 2. Laos
9. B 3. UN 4.EU 3. Thailand
10. B 4. Vietnam
5. OIC 6. WTO 5. Italy
Balikan
6. France
1. Over Dependence 7. Netherlands
C. 1. EAST TIMOR 8. Iran
2. Cold War
3. Telstar 2. INDONESIA 9. Iraq
4. NeoKolonyalismo 10. Lebanon
3. PHILIPPINES
5. Colonial Mentality
6. Loss if Identity 4. VIETNAM
7. Glasnost 5. LAOS
8. Perestroika
9. Third World 6. MYANMAR
Countries 7. THAILAND
10. First World
Countries 8. CAMBODIA
9. BRUNEI
10. MALAYSIA
11. SINGAPORE
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Blando, Rosemarie C. et al. Modyul ng Mag-aaral Kasaysayan ng Daigdig. Quezon


City, Philippines: Vibal Group, Inc., 2014.

K - 12 Gabay Pangkurikulum Araling Panlipunan Baitang 1-10. Department of


Education, 2016. https://www.deped.gov.ph/wp-content/uploads/
2019/01/AP-CG.pdf.

Most Essential Learning Competencies (MELCs). Learning Resource Management


and Development System, 2020. http://lrmds.deped.
gov.ph/pdfview/1827

Project EASE: Araling Panlipunan III – Kasaysayan ng Daigdig. Learning Resource


Management and Development System,
2014.https://lrmds.deped.gov.ph/pdf-view/6012.

Public Domain Clip Art Image: Embrace the World. “13931651416408.jpg”,


http://www.publicdomainfiles.com/show_file.php?id=13931651416408

Vivar, Teofista L. et al. Batayang Aklat para sa Ikatlong Taon: Kasaysayan ng Daigdig.
Manila City, Philippines: SD Publication, Inc., 2000.

Wikimedia Commons. https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Map_of_Asia.svg

Wikimedia Commons.
https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Infobox_ASEAN_flag.png

Wikimedia Commons.
https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Flag_of_Europe.svg

Wikimedia Commons.
https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Flag_of_the_United_Nations_(1
945-1947).svg

Wikimedia Commons.
https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Logo_The_World_Bank.svg

Wikimedia Commons.
https://commons.wikimedia.org/wiki/File:OIC_Logo_since_2011.jpg

Wikimedia
Commons.https://commons.wikimedia.org/wiki/File:World_Trade_Organi
zation_(log_a nd_wordmark).svg

18
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Region III Learning Resources Management


Section (LRMS)
Matalino St., Government Center, Maimpis,
City of San Fernando, Pampanga
Telefax: (045) 598-8580 to 89
Email Address: region3@deped.gov.ph

You might also like