You are on page 1of 37

EPP 4-Industrial Arts

Week 6
Nakagagawa ng sariling disenyo sa pagbuo o pagbabago ng
produktong gawa sa ceramics. EPP4IA-0f-6
Balikan
Isulat ang (/) kung ang sumusunod ay tumutukoy
sa mga kasangkapan na ginagamit sa paggawa
ng sariling disenyo sa pagbuo o pagbabago ng
produktong gawa sa kahoy at (x) kung hindi. Isulat
sa sagutang papel.
_____________1.martilyo
_____________2.liha
_____________3.lapis
_____________4.luwad
_____________5.kahoy
Subukin
Piliin ang mga ceramics na
kagamitan Isulat ang titik ng
tamang sagot sa sagutang
papel.
B D
A

C E
Suriin
Mga Kagamitan at Kasangkapan
sa Paggawa ng Produktong
Gawa sa Ceramics
Luwad – ito ang ginagamit upang
makagawa ng hulma at sariling disenyong
nais na gawin sa proyektong ceramics
Tubig – ginagamit ito bilang pambasa at
hinahalo sa luwad upang maging malambot
at maaari nang masahin.
Dahon – ito ay ginagamit upang magkaroon
ng karagdagang disenyo ang proyektong
gagawin. Maaari itong idikit sa luwad.
Siyanse – ito ay ginagamit bilang
pangporma upang mapadali ang nais na
disenyo.
Espongha – ito ay ginagamit bilang
pamahid sa proyektong ginagawa upang
maging malinis.
Pamutol – ito ay ginagamit na pamputol
kung may sobrang luwad o may bahaging
nais na putulin.
.Rondilyo – ito ay ginagamit na pangmasa
upang maging manipis ang luwad.
Papel – ito ay ginagamit na patungan kung
natapos na ang proyektong ginawa upang
hindi dumikit sa kanyang kinalalagyan.
Pintura – ito ay ginagamit bilang pangkulay sa
proyektong ginawa upang magkaroon ng kaaya-ayang
disenyo
Brotsa – ito ay ginagamit na pampahid kung lalagyan na
ng pintura ang proyektong natapos.
Mga Kasanayan sa Paggawa ng
Proyekto
1.Pagpaplano – Sa paggawa ng proyekto ang plano ang pinakaunang dapat isaalang-alang. Sa pagpaplano
ginagawa ang paglalagay ng pangalan ng proyekto, mga kagamitan, pamamaraang gagawin, bilang at halaga.
2.Pagsusukat – Sa paggawa ng proyekto mahalaga na tama ang sukat ng proyektong gagawin upang maging
maayos at maganda ang produkto.
Pagpuputol – Kinakailangan na tama ang kasangkapang gagamitin sa pagputol.
Paghuhulma – Kinakailangan na tama ang paraan na gagawin sa paghuhulma upang makuha ang ng tama
disenyong gagawin.
.Pagpapakinis – kinakailangang gawin ang paraan ng pagpapakinis upang mas maging malinis, maayos at
kaaya-aya sa paningin ang proyekto.
.Pagkukulay – Matapos na magawa ang lahat ng paraan sa pagbuo o pagbabago ng proyektong gawa sa ceramics,
lagyan ng tamang kapal at pantay na pagkakapahid na pintura upang mas higit na maging kaaya-aya sa paningin.
Isagawa
Pagsunud-sunurin ang mga
hakbang sa paggawa ng
proyektong gawa sa ceramics
sa pamamagitan ng bilang
1,2,3,4,5,6. Isulat ang sagot
sa sagutang papel.
___Mahalaga na may tamang sukat ang proyekto upang
maging maganda ang proyekto.
____Gumagamit ng pintura upang makulayan at malagayan ng
disenyo ang produktong ginawa.
____Ginagawa ang paglalagay ng pangalan ng proyekto.
____Kailangan masunod ang kasanayan sa paghuhulma upang
makuha ang disenyo na nais.
____Ito ang hakbang na ginagawa kung nais na putulan at
mabago ang disenyo ng ginagawang proyekto.
____Ang hakbang na pagpapakinis ay ginagawa upang mas
maging malinis at kaaya-aya ang proyekto.
Pagyamanin
Tukuyin ang mga kasanayan sa paggawa ng proyekto na isinasaad sa mga pangungusap. Piliin ang sagot sa
loob ng kahon. Isulat ang titik ng iyong sagot sa sagutang papel
A. Pagpaplano D. Paghuhulma B. Pagsusukat
E. Pagpapakinis C. Pagpuputol F. Pagkukulay

1.Ito ang kasanayan na kung saan ginagawa ang


paglalagay ng pangalan ng proyekto, mga
kagamitan, pamamaraang gagawin, bilang at
halaga.
2.Ito ang kasanayang ginagawa upang maging
makinis at malinis ang proyektong ginawa.
A. Pagpaplano D. Paghuhulma B. Pagsusukat
E. Pagpapakinis C. Pagpuputol F. Pagkukulay

3.Ito ang kasanayan na kinakailangan na may tama


ang sukat.
4.Ito ang kasanayan na ginagawa sa isang proyekto
gamit ang pintura.
\5.Ito ang kasanayan na ginagawa upang makuha
ang disenyong nais na gawin sa proyekto.
Sagutin
Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ang sagot sa
iyong sagutang papel.

1. Ano ang tawag sa produktong mula sa luwad?


A. Ceramics
B. Kahoy
C. Karton
D. Lata
2. Ang mga sumusunod ay mga kagamitang ginagamit
sa pagbuo ng proyektong gawa sa ceramics maliban
sa _________________.
A. Brotsa
B. Espongha
C. Martilyo
D. Papel
3. . Alin ang kasangkapang ginagamit upang
malagyan ng disenyo at kulay ang natapos na
proyektong gawa sa ceramics?

A. Dahon C. Papel
B. Espongha D. Pintura
4. Sa mga kasanayan sa paggawa ng proyektong gawa
sa ceramics alin ang nagsasaad ng pangalan ng
proyekto, mga kagamitan, pamamaraang gagawin,
bilang at halaga?

A. Pagkukulay C. Pagpaplano
B. Pagpapakinis D. Pagpuputol
5. Anong kasanayan ang ginagawa upang magkaroon
ng disenyo at maging makulay ang proyektong nagawa?

A. Pagkukulay C. Pagpaplano
B. Pagpapakinis D. Pagpuputol

You might also like