You are on page 1of 10

Republic of the Philippines

Department of Education
Region II – Cagayan Valley
Schools Division of Cagayan
SOLANA SOUTH DISTRICT
NANGALISAN ELEMENTARY SCHOOL

TABLE OF SPECIFICATION
SECOND SUMMATIVE TEST IN EPP V
INDUSTRIAL ARTS

Kasanayang Pagkatuto Bilang ng Cognitive Process Dimension Kinalalagyan ng


Aytem 60% 30% 10% Aytem
Rem. Und. Appl. Ana. Eval. Cre.
1. Nakagagawa ng proyekto 10 5 1 1 2 1 1-10
na ginagamitan ng
elektrisidad.
2. Natatalakay ang mga 6 3 1 2 23-28
kaalaman at kasanayan sa
gawaing elektrisidad.
3. Nakabubuo ng plano ng 24 10 3 2 3 5 1 11-22, 29-40
proyekto mula sa iba’t
ibang materyales na
makikita sa pamayanan
(hal., kahoy, metal,
kawayan, atbp) na
ginagamitan ng
elektrisidad na maaaring
mapapagkakakitaan.
TOTAL 40 18 4 3 6 8 1 40

Address:
Telephone Nos.:
Email Address:
Republic of the Philippines
Department of Education
Region II – Cagayan Valley
Schools Division of Cagayan
SOLANA SOUTH DISTRICT
NANGALISAN ELEMENTARY SCHOOL
SECOND SUMMATIVE TEST IN EPP V
INDUSTRIAL ARTS
S.Y. 2020-2021
PANUTO: Basahin at unawain ang bawat katanungan. Bilugan ang tamang sagot.

1. Alin sa mga sumusunod na mga materyales ang gagamitin sa pagpapakinis ng patungan ng aklat?
A. piraso ng kawayan B. papel de liha C. barnis D. pako

2. Alin sa mga sumusunod na materyales ang ginagamit sa pagpapakintab ng proyekto?


A. pako B. papel de liha C. barnis D. piraso ng kawayan

3. Anong kagamitan ang ginagamit sa pagbutas ng bahagi ng kahoy bago ito ipako?
A. Electric drill B. Bolo C. Lagari D. Martilyo

4. Ano ang kasangkapang ginagamit sa paglilinis ng magagaspang na bahagi ng kahoy?


A. Ruler B. electric drill C. planner D. martilyo

5. Anong kagamitan ang ginagamit sa pagsusukat?


A. Bolo B. martilyo C. eskuwala D. lagari

6. Bakit kailangang sundin ang tamang sukat sa pagbuo ng proyekto?


A. upang madaling matapos C. upang magandang tingnan
B. upang madaling maibenta D. upang maayos ang pagkabuo ng proyekto

7. Bakit kailangang may sapat na kaalaman at kasanayan ang isang batang katulad mo sa gawaing
elektrisidad?
A. Dahil nagsisilbi itong kahandaan upang maisagawa ng maayos at ligtas ang mga gawaing
elektrisidad
B. Upang makagawa ng mga proyekto na ibebenta
C. Upang makakuha ng mataas na marka sa klase
D. Dahil ito ay mapagkakitaaan

Address:
Telephone Nos.:
Email Address:
Republic of the Philippines
Department of Education
Region II – Cagayan Valley
Schools Division of Cagayan
SOLANA SOUTH DISTRICT
NANGALISAN ELEMENTARY SCHOOL
8. Si Jeff ay gagawa ng proyekto sa Industrial Arts na may kinalaman sa elektrisidad. Bumili siya ng mga
kasangkapan at kagamitan sa murang halaga ngunit hindi tiyak sa kalidad ng mga ito. Sang-ayon kaba sa
ginawa ni Jeff? Bakit?
A. Hindi, dahil ang paggamit ng mga ito ay lubhang delikado.
B. Hindi, dahil tiyak na hindi maganda o matibay ang kanyang proyekto.
C. Oo, dahil ang mga ito ay nakatitipid.
D. Oo, dahil maaari naman itong gamitin kahit mura.

9. Paano pinuputol ng elektrisiyan ang wires, kable o maliit na pako?


A. Ginagamitan ito ng pipe cutter
B. Sa pamamagitan ng combination pliers
C. Pinuputol ito gamit ang hand drill
D. Electrician knife ang mabisang pamutol

10. Nakita ni Ralph ang nakalagay na kawad ng kuryente sa kanilang bahay. Ano ang dapat niyang gamitin
upang hindi madaling mahugot o matanggal ang kawad?
A. Electrical Tape B. Connectors C. Clamps D. Pipes

Pag-aralan ang plano sa paggawa ng dust pan sa ibaba upang masagot ang mga katanungan.

Simpleng Proyektong Yari sa Metal na Ginagamitan ng Elektrisidad 12

I. Pangalan ng Proyekto: Dust Pan (yari sa metal at kahoy)


II. Layunin:
• Nakagagawa ng dust pan na yari sa metal.
• Nakagagamit ng angkop na kasangkapan at materyales sa paggawa ng dust pan.
•Nasusunod ang tamang proseso at paraan sa paggawa ng proyekto.
III. Krokis ng Proyekto:

1 ½ pulgada
9 pulgada 30 pulgada

1 pulgada

12 pulgada
10 pulgada
IV. Materyales:

Address:
Telephone Nos.:
Email Address:
Republic of the Philippines
Department of Education
Region II – Cagayan Valley
Schools Division of Cagayan
SOLANA SOUTH DISTRICT
NANGALISAN ELEMENTARY SCHOOL

Bilang ng Yunit Pangalan ng Halaga ng bawat Kabuuang


Materyales/Sukat Materyales materyales Halaga

1/2 piraso plain sheet Php 200.00 Php 200.00


1 piraso kahoy Php 30.00 Php 30.00
1x1 sukat
30 pulgada
10 piraso drill bits Php 2.00 Php 20.00
Kabuuang Halaga Php 250.00

V. Kasangkapang Gagamitin:
• gunting pangyero
• electric drill
• eskuwala/ruler
• kikil/sander

VI. Mga Hakbang sa Pagbuo ng Proyekto


1. Ihanda ang mga kasangkapan at materyales na gagamitin.
2. Sukatin ang materyales na gagamitin ayon sa iyong plano. Tingnan ang krokis.
3. Gupitin ang plain sheets/metal gamit ang gunting pangyero. Sundin ang tamang sukat na nasa
krokis.
4. Kiskisin ng kikil/sander ang matutulis at matatalim na gilid na parte ng metal.
5. Isa-isahing butasan ng electric drill at ilagay ang drill bits.
6. Isaalang-alang ang tamang paraan sa pagbubuo ng proyekto.
7. Ikabit ang kahoy sa metal na magsisilbing hawakan ng dust pan.

11. Base sa krokis, gaano katas ang hawakan ng dust pan?


A. 10 pulgada B. 15 pulgada C. 20 pulgada D. 30 pulgada

12. Ilang pulgada ang pangunahing sukat ng harapang bahagi ng dust pan?
A. 5 pulgada B. 8 pulgada C. 10 pulgada D. 20 pulgada

13. Anong materyales ang ginagamit sa pagkabit ng mga parte ng proyekto?


A. gunting B. drill bits C. papel de liha D. ruler

14. Ano ang kasangkapan na ginagamit sa pagkiskis ng matutulis na gilid ng parte ng metal?
A. bolo B. electric drill C. kikil D. martilyo

Address:
Telephone Nos.:
Email Address:
Republic of the Philippines
Department of Education
Region II – Cagayan Valley
Schools Division of Cagayan
SOLANA SOUTH DISTRICT
NANGALISAN ELEMENTARY SCHOOL
15. Ano ang huling hakbang sa paggawa ng dust pan?
A. Kiskisin ng kikil/sander ang matutulis at matatalim na gilid na parte ng metal.
B. Ihanda ang mga kasangkapan at materyales na gagamitin.
C. Sukatin ang materyales na gagamitin ayon sa iyong plano.
D. Ikabit ang kahoy sa metal na magsisilbing hawakan ng dust pan.

16. Sa iyong palagay, paano maging matibay ang ginawang dust pan?
A. Pukpukin ng maayos gamit ang eskuwala.
B. Huwag gumamit ng pako sa pagbuo ng proyekto.
C. Huwag sundin ang tamang sukat na ayon sa plano.
D. Isaalang-alang ang tamang paraan sa pagbuo ng proyekto.

17. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang HINDI naaayon sa layunin sa paggawa ng dust pan?
A. Nakagagawa ng dust pan na yari sa kahoy at metal.
B. Nakagagawa ng dust pan na yari sa plastic.
C. Nakagagamit ng angkop na kasangkapan at materyales sa paggawa ng dust pan.
D. Nasusunod ang tamang proseso at paraan sa paggawa ng proyekto.

18. Alin sa mga kasangkapan ang gagamitin sa paggawa ng dust pan?


A. gunting pangyero B. electric drill C. eskuwala D. lahat ng nabanggit

19. Alin sa mga sumusunod na hakbang ang pinakaunang gagawin sa paggawa ng dust pan?
A. Kiskisin ng kikil/sander ang matutulis at matatalim na gilid na parte ng metal.
B. Ikabit ang kahoy sa metal na magsisilbing hawakan ng dust pan.
C. Ihanda ang mga kasangkapan at materyales na gagamitin.
D. Sukatin ang materyales na gagamitin ayon sa iyong plano.

20. Pagsunud-sunurin ang mga sumusunod na hakbang sa paggawa ng dust pan.


I. Ikabit ang kahoy sa metal na magsisilbing hawakan ng dust pan.
II. Ihanda ang mga kasangkapan at materyales na gagamitin.
III. Sukatin ang materyales na gagamitin ayon sa iyong plano.
IV. Kiskisin ng kikil/sander ang matutulis at matatalim na gilid na parte ng metal.
A. II, III, I IV B. I, II, III, IV C. II, III, IV, I D. I, II, IV, I

21. Ilang pirasong drill bits ang kailangan sa paggawa ng dust pan?
A. 5 piraso B. 10 piraso C. 15 piraso D. 20 piraso

22. Magkano ang kabuuang halaga ng mga materyales?


A. Php 100.00 B. Php 150.00 C. Php 200.00 D. Php 250.00

Address:
Telephone Nos.:
Email Address:
Republic of the Philippines
Department of Education
Region II – Cagayan Valley
Schools Division of Cagayan
SOLANA SOUTH DISTRICT
NANGALISAN ELEMENTARY SCHOOL
23. Alin sa mga sumusunod na kasangkapan ang HINDI tama ang pangalan?

A. B. C. D.
Bumbilya Baterya Long nose Wire

24. Ito ay isang pangkat ng mga pisikal na pangyayari na nauugnay sa presensya at daloy ng karga ng
kuryente.
A. materyales B. elektrisidad C. plano D. proyekto

25. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang TAMA?


A. Parang gumana ang light bulb, ilagay sa OFF ang switch.
B. Ang long nose ay ginagamit na lagayan ng bulb.
C. Sa isang gadget o proyektong di-kuryente, gagana lamang ito kung meron itong baterya o
kuryente.
D. Ang kagamitang screwdriver ay ginagamit na pamutol ng kable.

26. Alin sa mga sumusunod na kagamitan ang ginagamit na panghawak o pamutol ng maninipis na kable ng
report?
A. long nose pliers B. screwdriver C. switch D. wire

27. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng tamang paggamit ng kagamitang elektrikal?


A. Binalot ni Alex ng electrical tape ang mga wires na nabalatan pati ang mga dugtungan ng wires.
B. Gumamit si Dexter ng pipes upang masiguradong maayos ang pagkakabitan ng mga wire.
C. Gumamit ng fuse si Gilbert upang pangprotekta sa de-kuryenteng kasangkapan na kusang
pinuputol ang daloy ng kuryente tuwing nagkakaroon ng overload o short circuit.
D. Isinaksak ni Alice ang switch sa convenient outlet.

28. Bakit kailangang gumamit ng circuit breaker?


A. Upang dumaloy ang kuryente papunta sa kasangkapang pinapagana ng kuryente
B. Dahil ito ay nagsisilbing bukasan o patayan ng kuryente
C. Upang maprotektahan ang mga de-kuryenteng kasangkapan tuwing nagkakaroon ng overload o
short circuit
D. Dahil sinisigurado nitong maayos ang pagkakakabit ng mga kawad

Address:
Telephone Nos.:
Email Address:
Republic of the Philippines
Department of Education
Region II – Cagayan Valley
Schools Division of Cagayan
SOLANA SOUTH DISTRICT
NANGALISAN ELEMENTARY SCHOOL

29. Bakit kinakailangang itala ang mga kagamitan at materyales na gagamitin sa isang proyekto?
A. Upang maibahagi sa mga kaibigan
B. Upang tumagal ang oras sa paggawa
C. Upang makagawa ng karaniwang proyekto
D. Upang hindi maantala sa pagsasagawa ng proyekto

30. Ito ay tumutukoy sa metodo, iskema o plano para makamit ang isang bagay o gawain?
A. Materyales B. pamamaraan C. proyekto D. elektrisidad

31. Ito ay nagpapakita ng kahandaan upang hindi maantala ang paggawa ng produkto?
A. pagpaplano B. kagamitan C. layunin D. materyales

32. Bakit kinakailangan ang plano sa paggawa ng proyekto bago ito simulant?
A. Upang mas mapabilis ang pagbenta nito sa kapitbahay
B. Upang may maipakita lamang sa kapitbahay
C. Upang maktipid sa oras, pagod at gastusin sa iba’t ibang materyales sa paggawa ng napiling
proyekto
D. Upang mas mapadali ang pagsira nito kung sakaling hindi maganda ang kalalabasan ng proyekto

33. Paano ka makakatulong sa iyong pamilya ngayong panahon na may hinaharap na krisis ang ating bansa?
A. Gumawa ng makabuluhang proyekto na maaaring mapagkakitaan.
B. Makilahok sa gawain ng kapitbahay.
C. Sumununod sa mga alituntunin ng pamahalaan.
D. Gumawa ng kabutihan sa kapwa.

34. Bakit kailangang magkaroon ng dagdag na pagkakakitaan ngayong panahon ng krisis?


A. Upang makatulong sa panggastos ng pamilya
B. Upang masiyahan ang pamilya
C. Upang makaiwas sa pangungutang
D. Upang may pagkakaabalahan

35. Paano ka makakaiwassa aksidente sa oras ng paggawa ng iyong proyekto?


A. Ilagay ang mga kagamitan sa sala.
B. Siguraduhing malinis ang pinaggagawaan.
C. Panatilihing nasa mesa ang mga kagamitan.

Address:
Telephone Nos.:
Email Address:
Republic of the Philippines
Department of Education
Region II – Cagayan Valley
Schools Division of Cagayan
SOLANA SOUTH DISTRICT
NANGALISAN ELEMENTARY SCHOOL
D. Panatilihing nakabukas ang ilaw.
36. Ano ang kailangan upang mapaganda at matapos sa oras ang proyektong gawa sa patapong bagay na
maaaring pagkakakitaan?
A. Malaking halaga sa pera.
B. Mas mahabang oras sa paggawa.
C. Plano ng proyektong binabalak mong gawin.
D. Mamahaling mga kagamitan at materyales.

37. Alin sa mga sumusunod ang dapat gawin sa mga patapong bagay na maaari pang gamitin?
A. Itapon na lamang ang mga ito.
B. Gawing proyekto para mapagkakakitaan.
C. Isunog ang mga ito.
D. Ipamigay na lamang ang mga ito sa iba.

38. Ang mga sumusunod ay mga paalala sa paggawa ng proyektong Series circuit maliban sa isa.
A. Bago bumili ng mga gagamitin ay dapat alamin muna ang kalidad ng materyales upang makaiwas sa
disgrasya.
B. Kung ang wire ay may nakitang sugat o nakalabas ang copper huwag itong lagyan ng electrical tape.
C. Iwasan din ang mga wire na maaring tumalsik habang pinuputol ang mga ito.
D. Kapag ang circuit ay gumagana wag hawakan ang source.

39. Bakit kailangang gumawa ng pagkakakitaang proyekto?


A. malaking tulong ito sa panggastos ng pamilya
B. upang may mapaglibangan
C. nakadudulot ng kasiyahan
D. upang umunlad ang pamayanan

40. Alin sa sumusunod na mga pahayag ang MALI?


A. Matibay at mabisang bagay ang metal sa paghatid ng kuryente.
B. Dapat sundin ang tamang paraan ng paggawa ng extension wire.
C. Magsuot ng sapatos sa paggawa ng extension wire.
D. Kailangang ihanda ang mga kagamitang kakailanganin sa paggawa ng proyekto.

Address:
Telephone Nos.:
Email Address:
Republic of the Philippines
Department of Education
Region II – Cagayan Valley
Schools Division of Cagayan
SOLANA SOUTH DISTRICT
NANGALISAN ELEMENTARY SCHOOL

SANGGUNIAN: 1. www.google.com
2. Grade V LAS -SDO Cagayan LR Portal
3. Kagawaran ng Edukasyon, Edukasyong Pantahan at Pangkabuhayan (V)
Kagamitan ng Mag-aaral. Unang Edisyon, 2015.
4. MELC Grade V

Inihanda ng:
NANGALISAN ELEMENTARY SCHOOL

Edited by:
MARIA RODELLE B. HERRERA
Master Teacher 1

Address:
Telephone Nos.:
Email Address:
Republic of the Philippines
Department of Education
Region II – Cagayan Valley
Schools Division of Cagayan
SOLANA SOUTH DISTRICT
NANGALISAN ELEMENTARY SCHOOL

SECOND SUMMATIVE TEST IN EPP V


INDUSTRIAL ARTS
(SUSI SA PAGWAWASTO)

1. B
2. C
3. A
4. C
5. C
6. D
7. A
8. A
9. B
10. C
11. D
12. C
13. B
14. C
15. D
16. D
17. B
18. D
19. C
20. C
21. B
22. D
23. B
24. B
25. C
26. A
27. A
28. C
29. D
30. B
31. A
32. C
33. A
34. A
35. B
36. C
37. B
38. B
39. A
40. C

Address:
Telephone Nos.:
Email Address:

You might also like