You are on page 1of 25

Mga pakinabang sa pagtatanim ng

halamang gulay sa sarili, pamilya, at


pamayanan
ALAMIN NATIN:
Bakit tayo nagtatanim ng mga halamang gulay?
May makukuha ba tayong pakinabang mula
dito? Ano ang maitutulong ng pagtatanim ng
halamang gulay sa sarili, pamilya at
pamayanan?
Ang pagtatanim ng mga halamang gulay ay isang
gawaing nakalilibang at kapaki-pakinabang. Malaki ang
naitutulong nito sa pagpapaunlad ng pamumuhay.
Nakatitipid ang mag-anak na may halamang-gulay sa
bakuran sapagkat hindi na nila kailangang bumili pa ng
mga gulay na gagamitin sa pang-araw-araw na
pagluluto. Maaaring makadagdag din ito sa kinikita ng
mag-anak kung ipagbibili ang sobrang ani.
Linangin Natin:
Bumuo ng tatlong pangkat, pag-usapan ang kahalagahan ng
pagtatanim ng halamang-gulay sa sarili, pamilya, at pamayanan.
Maaaring gamitin ang table sa ibaba sa paggawa ng ulat.
Group 1-Gumuhit ng isang larawan na nagpapakita ng
kahalagahan ng pagtatanim ng halamang-gulay sa sarili.
Group 2- gumawa ng dula-dulaan na nagpapakita ng kahalagahan
ng pagtatanim ng ng halamang-gulay sa pamilya
Group 3- Maglista ng mga kahalagahan ng pagtatanim ng
halamang gulay sa pamayanan.
Tandaan Natin:
Mga kapakinabangan sa pagtatanim ng halamang-gulay
Sa sarili
• Nakapagbibigay ng kailangan ng katawan tulad ng bitamina at
mineral .
• Ang pagtatanim ng halamang gulay ay kawiliwili at nakalilibang.
• Nakapag-aalis ng tensyon at suliranin.
• Ehersisyo sa katawan.
Sa pamilya
• Pagkakaroon ng sapat na panustos sa pang-araw-araw na
pangangailangan ng pamilya.
• Nakatitipid ang mag-anak na may halamang gulay.
Tandaan Natin:

• Maaaring makadagdag sa kita ng mag-anak kapag


ipinagbili ang sobrang ani.
Sa pamayanan
• Nagpapaganda ng kapaligiran .
• Nakakatulong sa pagsugpo ng polusyon.
Isulat ang Sarili , kung ito ay kapakinabangan ng pagtatanim ng
halamang gulay sa sarili, Pamilya kung sa pamilya at Pamayanan
kung sa pamayanan.
______1. Nakatitipid ang mag-anak na may halamang gulay.
______2. Nagpapaganda ng kapaligiran .
______3. Ang pagtatanim ng halamang gulay ay kawili-wili at
nakalilibang.
______4. Maaaring magkadagdag kita ang mag-anak kapag
ipinagbili ang sobrang ani.
______5. Ehersisyo sa katawan.
Kapanayamin ang isang tao sa inyong
komunidad na mahilig sa pagtatanim ng
halamang-gulay at alamin ang kapakinabangan
nito sa kaniyang sarili, pamilya at pamayanan.
Isulat ang inyong sagot sa inyong kuwaderno.
Agrikultura
Aralin 2

SURVEY SA MGA
HALAMANG GULAY NA
MAAARING ITANIM
Sa makabagong pamamaraan ng
pagtatanim ng mga halamang gulay ay
nangangailangan ng pag-survey upang ang mga
bagay na dapat alamin,
maaaring gumamit ng Internet upang
makapagsaliksik ng mga kaalaman sa
pagtatanim ng mga gulay. Kaya dapat unang
gawin ang pagsa-survey upang makakalap ng
mga impormasyon tungkol sa pagpapatubo ng
gulay .
Sagutin ang mga tanong:
1. Karamihan sa mga halamang gulay
ay napapatubo sa pamamagitan ng
_______

a.buto c. usbong
b.sanga d. ugat
Sagutin ang mga tanong:
2. Ang butong pipiliin upang mapa-
tubo muli ang panibagong halaman
ay dapat na _________.

a. magulang c. walang ugat


b. mura d. bagong usbong
Alamin Natin:
Ayusin ang mga letra upang mabuo ang salita. Isulat ang
nabuong salita sa bakanteng guhit upang mabuo ang
pangungusap.
(VEYSUR) 1. Ginagamitan ng _______ bilang paraan ng
pananaliksik upang malaman kung anong halamang gulay
ang maaaring itanim.
(TERINNET) 2. Ang pag-survey ay ginagawa sa
pamamagitan ng pakikipanayam at pag-surf sa
__________ gamit ang computer.
(LAKAT) 3. Ang _______ ay isang babasahin na maaari
ding gamitin sa pagsa-survey ng mga halamang gulay na
itatanim.
PAGHAWAN NG BALAKID

Teknolohiya – ay ang
maka-bagong
pamamaraan na
nakapagpapabilis ng
isang gawain.
PAGHAWAN NG BALAKID
Internet – ay isang kagamitang
mekanikal na ginagamit ng
buong mundo upang madaling
maipadala ang anumang
impormasyon sa pamamagitan
ng computer.
PAGHAWAN NG BALAKID

Pananaliksik – ay ang pag-


tuklas upang malutas ang
isang suliranin na
nanganga- ilangang
bigyan kalutasan.
PAGHAWAN NG BALAKID

Survey – ay isang
pamamaraan kung saan
ginagamit ang sukat ng
pangkaisipan, opinyon, at
pandamdam.
Linangin Natin:
Mga Pamamaraan sa Pagsasagawa ng Survey
1. Computer at Internet Connecton
2. Pakikipanayam gamit ang lapis, papel o ballpen
3. Pagbabasa ng aklat at magazines na may kinalaman
sa halamang gulay na nais itanim

Mga Bagay na Dapat Isaalang alang sa Pagsasagawa ng Survey


1. Budget o Salapi
2. Facilidad
3. Oras
4. Manpower o Yamang Tao
5. handa na ang mga gagamiting tanong kung makikipanayam
Tandaan Natin:
Mga dapat isaa-alang sa gagawing survey
ng mga
halamang-gulay na itatanim.
A. Lugar at Panahon – alamin ang halamang
gulay
na angkop sa inyong lugar at panahon.
Mga Halamang Gulay na tumutubo kapag
tag-araw
Ampalaya,kamote,talong, patola, sili, sigarilyas
at okra
Mga Halamang Gulay na tumutubo kapag
tag-ulan.
Tandaan Natin:
(Maaaring sumangguni sa
kalendaryo ng pagtatanim para sa
kumpletong listahan)

B. Pangangailangan at gusto ng
mamimili- mahalagang malaman
ang mga halamang gulay na
kailangan sa inyong komunidad at
madalas bilhin ng mamimili sa
inyong lugar.
Gawin Natin:
• Magsurvey sa mga guro sa paaralan sa
pamamagitan ng pakikipanayam upang
malaman ang mga halamang gulay na maaaring
itanim.

• Maghanda ng mga tanong bago ang


pakikipanayam.
• Mungkahing survey sheet para sa
pakikipanayam.
Pangalan ng Gulay na angkop sa Gulay na kailangan Gulay na gusto ng
Kapapanayamin lugar at ng mamimili
panahon mamimili
Pagyamanin Natin:
Magsurvey ng mga
halamang gulay na
maaaring itanim sa pa-
mamagitan ng pag-sesearch
Thank you for listening!

Mam Maylen

You might also like