You are on page 1of 3

Schools Division Office

School District XX
PLACIDO DEL MUNDO ELEMENTARY SCHOOL
Quezon City, 6th District, Metro Manila
Telefax: 936-3404
Email address: pdelmundo_es@yahoo.com

Banghay Aralin sa EPP 5

Industrial Arts
Date: June 8, 2022
Day: Thursday
Section: Argon
Time:

I. Layunin
1. Natatalakay ang mga kagamitan at materyales sa gawaing elektrisidad.
2. Naisaisa ang mga kagamitan sa gawaing elektrisidad.
3. Naipapamalas ang pagpapahalaga sa mga kagamitan sa gawaing elektrisidad.

II. Paksang Aralin

Paksa: Mga Kagamitan o Kasangkapan sa Gawaing Elektrisidad

Sanggunian: K to 12 CG p 543. -EPP5HE-EPP5IA-0c3,

MELCs Industrial Arts 1.3


Batayang Aklat – Kaalaman at Kasanayan Tungo sa Kaunlaran p.193

Kagamitan: Tarpapel, aklat, larawan

Integrasyon: Edukasyon sa Pagpapakatao

Pagpapahalaga: Tamang Pangangalaga sa Kagamitang


Pangelektrisidad

III. Pamamaraan
1. Panimulang gawain
1. Balik- Aral
Ano-ano ang mga kasangkapan na ginagamit sa gawaing metal, kahoy at
kawayan?
2. Pagsasanay
Panuto: Buuin ang mga jumbled letters upang makabuo ng mga salita na may
kinalaman sa gawaing elektrisidad.
1. dadsitrikele 4.witchs
2. dawak 5.sreipl
3. syantrielek
Schools Division Office
School District XX
PLACIDO DEL MUNDO ELEMENTARY SCHOOL
Quezon City, 6th District, Metro Manila
Telefax: 936-3404
Email address: pdelmundo_es@yahoo.com

3. Gawaing Pagganap
1. Pagganyak
Ano-ano ang mga kasangkapan na ginagamitan ng elektrisidad na makikita
ninyo sa loob ng inyong mga tahanan?

4. Paraan ng Pagganap:

1. Pagpapalalim
Pagtalakay sa ibat-ibang materyales o kagamitan sa gawaing pang-
elektrisidad.
1. Switch nagsisilbing bukasan o patayan ng kuryente
2. Flat Cord/ Kawad dito pinapadaan ang kuryente papunta sa mga
kasangkapan
3. Electrical tape ginagamit upang maiwasan ang makoryente ,binabalutan
4. Pliers ginagamit na panghawak o pamputol ng manipis na kable ng
kuryente
5. Male plug sinasaksak sa convenience outlet para makakuha ng kuryente.
2. Paglalahat(Pangkatang Gawain)
Ano-ano ang ibat-ibang kagamitan sa gawaing pang-elektrisidad at ano ang
mga gamit nito. Bilang mag-aaral sa ikalimang-baitang, anu-ano ang iyong
gagawin upang maipamalas mo ang iyong pagpapahalaga sa mga kagamitang
pang-elektrisidad.

3. Paglalapat
Panuto: Lagyan ng tsek kung ito ay kagamitan na ginagamit sa gawaing pang-
elektrisidad at ekis naman kung hindi.
_____1. lagari
_____2. female outlet
_____3. flat cord
_____4.maso
_____5. kikil
IV. Pagtataya

Panuto: Tukuyin kung anong kagamitang pang-elektrisidad ang tinutukoy sa bawat


bilang.Piliin ang iyong sagot sa kahon.

electrical tape screw driver


long nose pliers switch
flat cord wire
Schools Division Office
School District XX
PLACIDO DEL MUNDO ELEMENTARY SCHOOL
Quezon City, 6th District, Metro Manila
Telefax: 936-3404
Email address: pdelmundo_es@yahoo.com

____1. Dito sinasaksak ang male plug at kadalasan ay kinakabit sa pader o extension
cord.
____2. Pinapadaan dito ang kuryente papunta sa kagamitan.
____3. Kagamitang panaghawak o pamputol.
____4. Pambalot sa nabalatang kable ng kuryente.
____5. Bubuksan at papatayin dito ang kuryente.

V. Karagdagang Gawain
Gumawa ng listahan ng mga kagamitang pang-elektrisidad na nasa loob ng bahay.

Inihanda ni:

ROSE BENNY RIZA P. VILLAR


EPP TEACHER

You might also like