You are on page 1of 10

DETELYADONG BANGHAY-ARALIN SA EPP V

I. Layunin:
Pagkatapos ng talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. Natutukoy ang mga kailangang materyales at kasangkapan sa paggawa ng Extension
cord.
b. Natatalakay ang mga hakbang sa paggawa ng Extension cord.
c. Nasusunod ang mga panuntunang pangkaligtasan sa paggawa ng Extension cord.

II. Paksang Aralin


1. Paksa: Pagbuo ng proyekto sa paggamit ng Pandikit, Turnilyo o pako
2. Sanggunian: C0_EPP5_IA_Modyul 5
3. Kagamitan:
 Kagamitan sa paggawa ng proyekto
 Laptop
 Power Point
 Plaskards

III. Pamamaraan ng Pagtuturo

Gawain ng Guro Gawain ng mga studyante


A. Paghahanda
1. Pag-Darasal  O Dios…………
 Lahat ay tumayo at manalangin,
Sa ngalan ng ama at anak.................... Amen.

2. Pag bati
 Magandang umaga mga bata!  Magandang umaga din po
binibining Santiago!

3. Pagtatala ng lumiban sa klase


 Sekretarya! Sino mga wala ngayon sa klase?”  Wala po ma’am

 Mabuti na walang lumiban sa klase ngayon”

B. Panlinang na Gawain
1. Pagsasanay
(Mag papakita ang guro ng mga larawan sa klase at mag tatawag ito ng
mga studyante upang ilagay sa tamang pangalan ang bawat
materyales at kasangkapan)  Opo, Handa na kami!
 Taas ang kamay ang gusto sumagot at lumapit sa harapan (Mag tataas ng kamay ang mga
kapag tinawag ko ang pangalan. Handa na ba kayo mga bata sa studyante upang mapansin ng
ating Pagsasanay? Guro)

Panuto: Ilalagay ang mga larawan sa tamang pangalan ng bawat (Isa-isa tumayo ang bawat
materyales at kasangkapan. studyante na tinawag ng Guro
upang magsagot sa harapan)
1. Long nose pliers
2. Convenience outlet 1. Long nose
3. Male plug pliers
4. Flat cord
5. Philip screwdriver
2. Convenience
outlet

3. Male plug

4. Flat cord

5. Philip
screwdriver

(Sabay-sabay nag
(Magaling! Mga bata tama ang iyong mga sagot, Bigyan natin sila ng
palakpak ang mga studyante)
amazing clap!

2. Balik-Aral:
(bago tayo mag umpisa sa ating tatalakayin ngayon tayo ay mag
babalik-aral)
 Ano ang ating tinalakay nung nakaraan ________? (Depende sa sagot ng studyante)
(MAGALING!)

 Ano ang kahalagahan ng elektrisidad _______? (Depende sa sagot ng studyante)


(MAHUSAY!)

Mag dadagdag pa po ko ng activity patungkol sa tinalakay sa nakaraang araw


3. Pagganyak:
(Ang guro ay mag papakita ng mga larawan na nakaayon sa kwento na
kanyang babasahin)

Panuto: Makinig ng mabuti sa aking babasahin na kwento at isa isip


ang bawat pangyayari, pagtapos ko basahin ang kwento sasagutin niyo
ang katanungan.

 Ngayon ay tapos ko na basahin ang kwento patungkol sa


pamilyang Cruz, Handa na ba kayo sa aking mga katanungan ?
Itaas lamang ang mga kamay kung nais magsagot .

1) Studyante! Ano ang suliranin ni Mang Alex?


 Wala pong bakanteng
outlet para ma-charge niya
 MAGALING! po ang kanyang cellphone
dahil ito ay lowbat na.
2) Studyante! Ano ang nagging solusyon sa problema ng
pamilyang Cruz?
 Gumawa si Mang Alex ng
 MAHUSAY Studyante!! isang extension cord.

3) Studyante! Ano ang naging papel ng extension cord sa


 Nag karoon na ng mas
paglutas ng suliranin ni Mang Alex?
maraming outlet sa
kanilang tahanan at
makaka pag charge na sila
lahat kahit na marami
silang Gadget.
 NAPAKA GALING NG IYONG SAGOT Studyante!

4) May kaalaman rin ba kayo sa paggawa ng extension cord tulad


ni Mang Alex?
 Wala po!
 Ngayon makinig kayo sa aking pagtuturo upang malaman niyo
kung paano ang paggawa ng isang extension cord
5) Ano kaya sa tingin niyo ang ating tatalakayin ngayong araw?  Patungkol po sa
elektrisidad at sa paggawa
Studyante? ng extension cord?

 TAMA! Tungkol sa elektrisidad at extension cord ang ating


tatalakayin sa araw na ito. Handa na ba kayo making mga
bata?  Opo! Handa na kami

4. Paglalahad:
Ang elektrisidad ay isa sa mga mahahalagang yaman na kailangang
matutunan ng bawat isa sa atin. Sa pamamagitan nito, ang mga
pangunahing kagamitan sa ating tahanan gaya ng radyo, telebisyon,
plantsa, at bentilador ay ating nagagamit. Ang extension cord ay may
isang mahalagang papel upang mapagana ang radyo, telebisyon,
plantsa, at bentilador kahit malayo ito sa main convenience outlet na
nakakabit sa dingding. Upang maging ligtas at maayos ang bawat
gawaing may kinalaman sa elektrisidad, nararapat na alamin ang mga
hakbang at isaalang-alang ang paggamit ng personal na kagamitang
pangkaligtasan.

5. Pagtatalakay:
Ang kaalaman sa mga hakbang sa paggawa ng isang proyekto ay isang
mahalagang paghahanda o katangian na dapat malaman ng bawat isa
sa anumang gagawing proyekto lalo na kung ito ay ginagamitan ng
elektrisidad. Nagsisilbi itong gabay upang matapos ng maayos ang
proyekto. Nakatutulong din ito upang masunod ng tama at higit sa
lahat walang kapahamakang magaganap habang ginagawa ang
napiling proyekto.
a. Mga dapat isaalang-alang bago Gawain ang proyekto na
ginagamitan ng elektrisidad;
1. Tiyaking nakasuot ng angkop na kasuotan sa
paggawa.
2. Ilagay ang mga kagamitan sa matibay, malinis at
ligtas na lalagyan.
3. Tiyaking na nasa maayos na kondisyon ang mga
kagamitan at alam ang tamang paggamit nito.
4. Pumili ng isang maaliwalas, ligtas at malinis na lugar
kung saan isasagawa ang proyekto.
5. Sundin ang panuto sa paggawa ng proyekto.
6. Humingi ng payo sa nakatatanda at guro kung nag
aalangan sa proseso ng paggawa.
7. Iwasan ang pakikipag-usap at ituon ang atensyon sa
ginagawang proyekto.
8. Iwasan ang paglalagay ng matutulis at matatalas na
kagamitan sa bulsa upang maiwasan ang aksidente.
9. Balutin ang matulis at matalas na bahagi ng mga
kasangkapan.
10. Maging maingat sa paggamit ng matutulis at
matatalas ng mga kagamitan.
11. Tiyaking kumain at nakapagpahinga ng maayos bago
gawin ang proyekto.
12. Panatilihing malinis ang lugar na pinaggagawaan ng
proyekto. Iligpit ang mga kalat at ang mga
kasangkapang ginamit.

b. Mga kaggamitan sa paggawa ng extension Cord;


1. Side cutting pliers: Ginagamit pang balat sa dulo ng
flat cord.

2. Philip screwdriver:
Ginagamit tanggal at
pagbalik ng turnilyo sa male plug at

3. Male plug: Isa sa mga mahalagang materyales upang


makabuo ng extension cord.

4. Long nose pliers: Ginagamit pang twist sa copper wire.

5. Flat cord: Ginagamit pang dugtong mula sa male plug


hanggang sa female outlet.

6. Convenience outlet/Female outlet: pinakamadaling


pinagkukunan ng kuryente para sa mga dekuryenteng
kasangkapan.
c. Mga hakbang sa paggawa ng extension Cord;
1. Balatan ng kaunti ang magkabilang dulo na goma ng
Flat Cord conductor gamit ang side cutting plier nang
sa gayon ay makita ang cooper wire.
2. I-twist ang apat na dulo ng mga cooper wires.
3. Gamit ang Philip screwdriver, buksan ang male plug at
ikabit ang magkatabing dalawang cooper wires sa
kabitan ng male plug.
4. I-srew/takpan pabalik ang male plug gamit ang Philip
screwdriver.
5. Buksan ang convenience outlet/female outlet gamit
ang Philip screwdriver at ikabit ang natitirang
magkatabing dalawang cooper wires sa kabitan nito.
6. I-screw/takpan pabalik ang convenience outlet/female
outlet gamit ang Philip screwdriver.
 Naintindihan ba ang ating tinalakay?
 Mayroon ba kayong mga tanong o hindi naunawaan bago tayo
pumunta sa ating aktibidad.

C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat:
(Ang Guro ay mag tatawag ng studyante upang tanungin tungkol sa
kabuuan ng kanyang tinalakay at upang malaman kung tunay na
naintindihan nila)
 Ang mga extension cord ay
 Studyante! Ano ang extension cord? nagbibigay ng tulong para
sa mga aparato na may
mga cable na hindi maabot
ang anumang kalapit na
mga outlet ng kuryente.
 Ito ay mahalaga sa ating
 Studyante! Ano ang kahalagahan ng extension sa ating mga pangangailangan dahil
pangangailangan sa tahanan? makakatulong ito na
madagdagan ang outlet sa
ating tahanan.

 Studyante! Mag bigay ng lima na dapat isaalang-alang bago (Depende sa sagot ng studyante)
gumawa ng extension cord?
 Studyante! Ano-ano ang mga kasankapan at materyales sa (Depende sa sagot ng studyante)
paggawa ng extension cord?
 Studyante! Bakit kailangan sundin ang pagkasunod-sunod na (Depende sa sagot ng studyante)
hakbang sa tuwing gagawa ng extension cord?

“Ang Guro ay mag sasaad ng pangungusap at tutukuyin ng


studyante kung ito ay tama o mali sa pamamagitan ng pagtaas ng (Ibat-iba ang sagot ng studyante sa
plaskards.” bawat isinasaad na pangungusap,
may mga sumasagot ng TAMA
Panuto: Itaas ang plaskard na nakasulat na TAMA kung ang mayroon din naman MALI)
isinasaad ng pangungusap ay tama at itaas ang plaskards na MALI
kung mali ang isinasaad.
1. Balatan ng kaunti ang magkabilang dulo na goma ng  TAMA! MALI!
Flat cord conductor gamit ang Philip screwdriver nang
sa gayon ay Makita ang cooper wire.
2. I-twist ang apat na dulo ng mga cooper wires.  TAMA! MALI!
3. Gamit ang long nose plier, buksan ang male plug at  TAMA! MALI!
ikabit ang magkatabing dalawang cooper wires sa
kabitan ng male plug.
4. I-screw/takpan pabalik ang male plug gamit ang Philip  TAMA! MALI!
screwdriver.
5. Buksan ang convenience outlet gamit ang Philip  TAMA! MALI!
screwdriver at ikabit ang natitirang magkatabing
dalawang cooper wires sa kabitan nito.
2. Paglalapat:
(Ang Guro ay hahatiin ang klase sa tatlong grupo upang gumawa ng
extension cord bilang kanilang proyekto. Sa tulong ng mga kasamahan
ng guro sila ay mag sisilbing gabay at mag tuturo sa bawat grupo sa
klase)
Panuto: Sa gawaing ito, ang bawat grupo ay kinakailangan na gumawa
ng extension cord gamit ang mga kagamitan na kailangan at isaalang-
alang ang tamang pagkasunod-sunod gamit ang mga wastong hakbang
sa paggawa nito.
 ang bawat grupo ay may isang guro na gagabay at tutulong sa
paggawa ng extension cord.
 May tanong ba sa gagawin na aktibidad? (Depende sa sagot ng studyante)
 Naintindihan ba ang gagawin? (Depende sa sagot ng studyante)
 Handa na kayo gumaga ng iyong proyekto?  Opo, Handa na kami!
 Ngayon ay hatiin ko kayo sa tatlong grupo at bawat grupo ay
magsama sama at mag tutulungan sa paggawa ng proyekto,
kayo ay gagawa ng tahimik, mag tutulungan, at susundin ang
bawat proseso sa paggawa. Walang gagawa na mag-isa at
walang magpapasaway o gagawa ng ikapapahamak!  Opo!
Naiintindihan ba?
(ang bawat grupo ay tahimik at nag
Rubric para sa gawaing Proyekto – Extension Cord tutulungan sa paggawa ng
PUNTOS proyekto)

5 4 3 2 1
PAMANTAYAN
Napakahusay Mahusay Mahusay- Hindi Kailangan
husay Gaanong pang
mahusay Paghusayin
1.Pagkamalikhain

2. Pagsisikap at
Pagtitiyaga
3. Kasanayan at
Kaalaman sa
pagbuo
4. Saloobin at
responsibilidad
Pagpapakahulugan:
1-5 – Kailangan pang paghusayan
6-9 – Hindi gaano mahusay
10-12 – Mahusay husay
13-15 – Mahusay
16-20 – Napakahusay
(Matapos ang paggawa ng pryekto ng mga bata ang guro ay pupunta
sa bawat grupo upang masubukan ang gawang extension cord, sa
pamamagitan ng rubrics ay mabibigyan ng guro ang mga grupo ng
grado depende sa kanilang paggawa)

3. Pagtataya
(Ang Guro ay magpapakuha ng kwaderno para sakanilang pagsusulit)
Panuto: pagtambalin ang mga kagamitan sa hanay A sa angkop na
sagot sa hanay B. Isulat ang sagot sa kuwaderno.
 Matapos magawa ang iyong proyekto kumuha lahat ng
kwaderno at panulat para sainyong pagsusulit. Handa na ba  Opo!
kayo mga bata sa inyong pagsusulit?!
(ang bawat studyante ay kumuha
ng kwaderno upang masagutan ang
HANAY A HANAY B kanilang pagsusulit)
1. Philip screwdriver a. Dito pinapadaan ang
kuryente papunta sa
mga kagamitan.
2. Long nose plier b. Ginagamit para
luwagan o higpitan ng
turnilyo na ang dulo
ay hugis krus.
3. Flat cord c. Ginagamit panghawak
o pamputol ng wires,
kable o maliit na pako.
4. Male plug d. Isinasaksak sa
convenience outlet.
5. Electric tape e. Nagsisilbing
pinakamadaling
pinagkukunan ng
kuryente para sa mga
dekuryenteng
kasangkapan.
6. Convenience f. Ginagamit upang
outlet/female outlet balutan ang mga wires
na nabalatan pati ang
mga dugtungan ng
wires.

Susi ng pagwawasto:
1. B
2. C
3. A
4. D
5. F
6. E

IV. TAKDANG-ARALIN
Panuto: Magsaliksik sa pamamagitan ng pagtatanong p sa tulong ng internet tungkol sa
tamang hakbang sa paggawa ng bulb socket extension cord. Isulat sa kwaderno ang iyong
mga kasagutan.

You might also like