You are on page 1of 1

Pagsunod at paggalang sa mga magulang,

nakakatanda atmay awtoridad!

Ang paggalang o pagrespeto ay ang pagbibigay ng halaga sa isang tao o bagay.


Mga kabataan tulad ko, ginagalang ang mga nakakatanda sapagkat ito ay isang
paraan ng pagpapakita na pinapahalagahan natin sila. May mga paraan ng
pagsunod at paggalang sa magulang, nakakatanda at may awtoridad.

Ang mga magulang ay ang tunay na dahilan ng ating pag-iral dito sa mundo kaya
kailangan natin silang sundin at respetuhin. Respetuhin natin ang kanilang mga
desisyon, kautusan, patakaran at alituntunin sa loob ng tahanan. Maaaring may
ilang desisyon ang ating mga magulang na hindi natin sinasang-ayunan. Maaari
natin subukang sabihin sa kanila ang ating mga saloobin tungkol sa mga iyon ngunit
kung hindi nila tinatanggap ang ating mga ideya, tanggapin at respetuhin lamang
natin sila.

Maraming paraan ang pagbibigay galang sa mas nakakatanda sa atin. Subalit,


mas importanteng gamitin ang pagmamano, "po" at "opo" sa paggalang sa mga
matatanda. Ang simpleng paggamit ng "po" at "opo" ay nagpapakita ng respeto
dahil kung hindi ito ginamit maaaring tawagin tayong bastos ng mga nakakatanda
sa atin. Ang pagmamano naman ay isang nakagawian ng mga Pilipino upang ipakita
ang respeto sa mga nakakatanda. Naisasagawa ito sa pamamagitan ng pagtapik
ng palad ng matanda sa ating noo.

Paano naman natin ipakita ang ating paggalang sa mga taong may awtoridad?
Kinakailangan mahinahon ang ating pagkilos o pagsasalita. Dapat nating isipin
muna kung ang mga salitang sinasabi natin at ang ating kinikilos ay maaaring
makasakit sa kanila. Kailangan din natin sundin ang kanilang pamamahala sapagkat
ito ay para sa ikabubuti ng lahat.

Ang paggalang at pagsunod sa mga nakatatanda ay isa sa pinakamagandang


aspeto ng kulturang Pilipino. Dapat alam nating lahat kung paano ipakita sa kanila
ang karangalan, dignidad, at apresasyon nararapat sa kanila. Alam natin na ang
kanilang mga karanasan ay nagbibigay sa kanila ng napakaraming karunungan
upang pagkalooban natin. Marami tayong matututunan sa kanila kung handa
tayong makinig.

You might also like