You are on page 1of 3

Pagsunod at Paggalang sa mga Magulang, Nakatatanda, at may Awtoridad

GAWAING PAMPAGKATUTO SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATO 8

Pagsunod sa Paggalang sa mga Magulang, Nakatatanda, at May Awtoridad

I. Kasanayang Pampagkatuto at Koda

Nasusuri ang mga umiiral na paglabag sa paggalang sa magulang, nakatatanda, at may awtoridad. (ESP8PBIllc-10.2)

II. Panimula (Susing Konsepto)

“Without feelings of respect, what is there to distinguish men from beasts?” Ito ang sabi ni Confucius tungkol sa
paggalang. Ayon sa kanya, kapag ang isang tao ay walang nararamdamang paggalang sa kanyang kapwa, paano pa siya
makikilala o maiiba sa mga hayop.

Sa panahon ngayon hindi natin maikakaila na may mga tao talaga na salat sa birtud ng paggalang. Marami na sa mga
kabataan ngayon ang sumasagot sa magulang o nakatatanda ng walang pakundangan. Nagrerebelde ang mga ilan dahil
hindi nila kinikilala ang mga hangganan o limitasyon na itinakda ng kanilang magulang. Isang halimbawa nito ay kapag
hindi tumupad ang isang anak sa kasunduan na umuwi nang maaga.

Maliban sa kawalan ng paggalang sa mga magulang at nakatatanda, nawawala na rin ang paggalang sa mga taong may
awtoridad. Ayon kay Bognot, et al. (2014), ang sinumang tao na napagkalooban ng awtoridad ay may kapangyarihang
magtalaga at magpatupad ng panuntunan. Isang halimbawa ng taong binigyan ng awtoridad ay ang mga guro. Sa loob ng
silid-aralan, may kapangyarihan, karapatan at tungkulin ang isang guro na disiplinahin ang kaniyang mga mag-aaral at
turuan ng magandang pag-uugali.. Binigyan din siya ng kapangyarihang mapanatili ang kapayapaan, pagkakaisa at
kapakanan ng lahat ng kanyang mag-aaral habang nasa kanyang pamamahala. Ngunit may iilang mag-aaral na hindi
kinikilala ang awtoridad ng isang guro na siyang nagiging sanhi ng kawalan nito ng paggalang.

Bakit kaya may mga tao na patuloy pa rin ang paglabag sa paggalang sa mga magulang, nakatatanda at taong may
awtoridad?

Umiiral ang paglabag sa paggalang sa mga magulang, nakatatanda at taong may awtoridad dahil sa hindi pagkilala sa
halaga ng tao o isang bagay. Kapag binibigyan ng halaga ang isang tao, ito ay nangangahulugan na dapat bigyan din siya
ng paggalang na angkop sa kanya bilang taong may dignidad at karapatan. Tandaan natin na ang pagkilala ng
pagpapahalagang ito ay nagsisimula sa pamilya.

III. Mga Sanggunian

Bognot, R.C., et al. (2014). Edukasyon sa Pagpagpapakatao 8: Modyul para sa Mag-aaral. Pasig City, Philippines:
Department of Education. pp256 – 280

https://www.wisesayings.com/respect-quotes/#ixzz6kFBVGzC6

IV. Mga Pagsasanay

Pagsasanay 1: Wala o Mayroon Panuto:

Basahin ang bawat pangungusap at suriin kung may umiiral na paglabag sa paggalang sa mga magulang, nakatatanda, at
taong may awtoridad. Sa iyong sagutang papel, isulat ang WALA kung walang may nakitang paglabag at MAYROON
naman kung may umiiral na paglabag sa paggalang.

1. Pagdating ni Mona sa bahay, agad niyang hinanap


ang kanyang mga magulang upang magmano.

2. Mababa ang nakuhang marka ni Ramon sa kanilang

pagsusulit. Agad niyang kinausap ang kanyang guro at minura ito dahil hindi siya makapaniwala na ganoon ang kanyang
iskor.

3. Hiningi ni Lisa ang payo ng kanyang lola tungkol sa

masugid nitong manliligaw.

4. Hindi makalabas si Ana sa kanilang bahay dahil sa

pandemya dulot ng Covid19 at sa batas na bawal lumabas ang mga menor de edad. Isang araw, hinimok niya ang
kanyang kaibigan na lumabas at gumala sa plasa dahil talagang nababagot na siya.

5. Nakita ni Jose na naiwan ng kanyang kapatid ang cellphone

nito sa ibabaw ng mesa. Dahil alam niya ang password nito, binuksan niya ito at naglaro ng paborito niyang Mobile
Legends ng hindi nagpapaalam.

Pagsasanay 2: Sarili Ko, Susuriin Ko!

Panuto:

Balikan ang sariling mga karanasan at suriin kung may nagawang paglabag sa paggalang sa mga magulang, nakatatanda,
at taong may awtoridad. Pagkatapos, isulat sa Hanay A ang sariling karanasan na nagpapakita ng kawalan ng paggalang.
Isulat naman sa Hanay B ang mga tamang kilos na dapat mong gawin upang maipakita ang paggalang sa mga magulang,
nakatatanda, at taong may awtoridad.

Hanay A

Hanay B

Mga Sariling Karanasan sa Kawalan ng Paggalang

Tamang Kilos na Dapat Gawin

Halimbawa:

Mga Magulang

Ilang beses akong nagbingi-bingihan sa mga utos ni nanay.

Naipapakita ko ang paggalang sa pamamagitan ng pakikinig at pagsunod sa kanilang sinasabi o pinapayo.

Ikaw naman:

Mga Magulang

Nakatatanda

Taong may Awtoridad

Batayang Tanong:

Ano ang iyong natuklasan o napagtanto pagkatapos mong masuri ang iyong sariling karanasan at matukoy ang tamang
kilos upang maipakita ang paggalang sa mga magulang, nakatatanda, at taong may awtoridad?
4

You might also like