You are on page 1of 10

Aralin 4: Mga Simbolo at Sagisag ng Aking Lalawigan

Panimula

Nararanasan ninyo na bang maglakbay sa ibang lalawigan?


Ano-anong mga napapasin ninyo sa mga daanan. Ang tawag dito
ay mga simbolo o sagisag ng isang lugar o lalawigan.
Sa nakaraang aralin ay masaya mong nilakbay ang mga
makasaysayang pook na matatagpuan sa inyong mga karatig
lalawigan. Dito mo naunawaan ang kaugnayan ng mga lalawigan
na pinag-isa ng kanilang kasaysayan.
Ngayon, ay ating alamin ang mga simbolo o sagisag na
makikita sa bawat lalawigan ng Rehiyon X.
Nilalayon ng araling ito na iyong matatalakay ang kahulugan
ng mga simbolo o sagisag ng iyong lalawigan.

Handa na ba kayo!

Sa aralin na ito, ikaw ay inaasahang:


 natutukoy ang kahulugan ng ilang simbolo at sagisag ng
aking lalawigan at rehiyon.

Alamin Mo Alam mo ba ang ibig


sabihin ng mga
simbolo at sagisag na
Gagawin natin ang isang dula-dulaan. Ang tawag natin dito ay
“Show and Tell”. Bumunot kayo ng isang lalarawan na nasa kahong
dala ko. Bawat isa sa inyo ay bubunot ng tig-isang piraso ng
larawan. Sasabihin mo kung anong larawan ang nabunot mo at
magbigay ka ng mga katangian tungkol dito.

Sagutin mo:
Ano ang ipinahiwatig ng larawan tungkol sa inyong
lalawigan?

Gawin mo

Gawain A
Magpapangkat kayo sa tatlo (3). Ngayon ay bagong pangkat na
naman. Bibigyan ng tig-iisang envelope ang bawat pangkat. Sa
loob ng dalawang minuto ay buuin ninyo ang puzzle na nasa
envelope.

Sagutin ninyo:
 Anong nasa larawan sa una, ikalawa at ikatlo?
 Ano ang kahulugan ng mga simbolong ito?
 Pamilyar ba kayo sa mga simbolong ito?

I-ulat ang inyong mga kasagutan sa klase.

Gawain B
Pagdidikit-dikitin ang puzzle para maging isang larawan. Ilagay
ito sa selyo (seal) ng Ozamiz City katulad nang sa ibaba.(gumamit
ng iba’t-ibang simbolo ng ibang lalawigan.

Talakayin ng bawat pangkat ang mga larawang inyong dinikit


sa selyo (seal).

Sagutin ninyo:

 Ano ang nabuong larawan sa seal?


 Bakit kaya ganito ang simbolo ng ating lalawigan?
 Paano nasasalamin ng seal ang pamumuhay at kultura ng ating
lalawigan?

Gawain C
Paghambingin ang inyong kahulugan ng mga simbolo o
sagisag ng Ozamiz City sa tunay at opisyal na kahulugan ng mga
simbolo nito.
Sagutin mo:

"Moto ng lungsod"
Ibig sabihin, lakas sa
Cotta, Espanyol pananampalataya.
Fort Santiago at
pinakamatandan
g istruktura sa
lungsod; din isang
simbolo ng
pamana at
kapayapaan at
kaayusan sa
lungsod

Sacred Heart of
Jesus Shrine,
Simbolo sa El
Salvador City
Sagutin:
1. Ano-anong mga bagay ang sumasagisag o sumisimbolo sa
Ozamiz?
2. Paano nito ipinakilala ang iyong lungsod o lalawigan?
3. Napapansin mo ba ang mga simbolo ito sa inyong lalawigan?
4. Saan mo kadalasan nakikita ang seal ng lalawigan?
5. Ano ang kahalagahan ng mga simbolo o sagisag ng iyong
lalawigan?

Natutuhan ko

Iguhit ang mga simbolo sa seal ng lalawigan at ipaliwanag


ang kahulugan ng bawat isa.

Aralin 5 : Ilang simbolo at Sagisag ng Nagpapakilala


Iba’t-ibang Lalawigan sa Rehiyon

Panimula
Ang mga lalawigan sa ating rehiyon ay nagtataglay ng
simbolo at sagisag na nagpapakilala rito. Bawat larawan sa simbolo
o sagisag ay nagtataglay ng kahulugan na itinuturing ng lalawigan
na napakahalagang bagay. .
Mahalagang malaman mo ang ilan sa mga simbolo at sagisag
na ito ng iba’t ibang lalawigan sa rehiyon na iyong kinabibilangan.
Sa ganitong paraan, makikilala mo rin ang mga karatig na
lalawigan, ang kanilang mga pinahahalagahan at itinuturing na
yaman.
Sa araling ito, ikaw ay inaasahan na:

 masusuri ang mga simbolo at sagisag ng bawat lalawigan


sa rehiyon;

 maihahambing ang ilang simbolo at sagisag na


nagpapakilala ng iba’t ibang lalawigan sa rehiyon; at

 maipagmamalaki ang katangian ng iba’t ibang


lalawigan sa kinabibilangang rehiyon.

Alamin Mo

Nais mo bang malaman ang iba’t ibang simbolo at sagisag ng


mga lalawigan sa ating rehiyon?

Narito ang larawan ng simbolo at sagisag ng mga lalawigan sa


ating rehiyon. Pagmasdan mo ang mga ito at kilalanin.
Sagutin ang sumusunod na katanungan:
1. Ano-ano ang matatagpuang simbolo at sagisag na
kumakatawan sa iba’t ibang lalawigan ng rehiyon?
2. Anong mga lalawigan ang may nagkakatulad ng simbolo?
Aling sagisag ng ibang lalawigan ang malapit sa katangian ng
sagisag ng iyong sariling lalawigan?
3. Alin-aling lalawigan ang nagpapakita ng mayamang
kasaysayan? Paano pinapakita ito?
4. Alin-aling lalawigan ang nagpapahalaga sa likas na yaman at
produkto nito ?
5. Paano ipinapakita sa simbolo ang kanilang natatanging
pagkakakilanlan bilang lalawigan?
Gawin mo

Gawain A
Panuto:

Iguhit sa malinis na papel ang simbolo ng iyong sariling


lalawigan. Kulayan ito ayon sa kulay ng sagisag.
Itala ang mga simbolo at sagisag na matatagpuan dito.

Gawain B
Panuto:
Pumili ng isa pang simbolo at sagisag ng ibang lalawigan.
Iguhit din ito sa malinis na papel. Kulayan at itala ang mga sagisag
na matatagpuan dito.

Gawain C
Panuto:

Gamit ang Venn Diagram, paghambingin ang sagisag ng


dalawang lalawigan.Ano ang pagkakatulad at pagkakaiba ng
mga sagisag na matatagpuan sa dalawang lalawigan?
Natutuhan ko

Pumili ng dalawang sagisag ng lalawigan. Sumulat ng dalawa


hanggang tatlong pangungusap na nagpapakita ng pagkakaiba
at pagkakatulad ng mga sagisag ng dalawang lalawigang napili.

You might also like