You are on page 1of 5

Petsa ng Pagsagot: Nov.

3-6, 2020

3
Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan – Modyul 1:
Mga Anyong Tubig at Anyong Lupa
sa ating Lalawigan at
Paggawa ng Mapa

Pangalan: _____________________________________________________________
Aralin
Pagkakaugnay-ugnay ng mga Anyong Tubig at Anyong

1 Lupa sa Ating Lalawigan at Rehiyon

Pangkalahatang Ideya
Magandang araw sa iyo! Kumusta na ang iyong pag-aaral?Sa araling ito ikaw ay inaasahang
natutukoy ang pagkakaugnayugnay ng mga anyong tubig at lupa sa mga lalawigan ng sariling rehiyon.

Ang modyul na ito may dalawang paksa:


J Paksa 1 – Pagkakaugnay-ugnay ng mga Anyong Tubig at Anyong Lupa sa Ating Lalawigan at
Rehiyon
J Paksa 2-Paggawa ng Mapa ng Mahahalagang Anyong Tubig At Anyong Lupa sa Sariling Lalawigan
at Rehiyon At mga Karatig Nito

Layunin

Pagkatapos ng modyul na ito, kaya kong:


1. natutukoy ang pagkakaugnayugnay ng mga anyong tubig at lupa sa mga lalawigan ng sariling rehiyon.
2. nakagagawa ng payak na mapa na nagpapakita ng mahahalagang anyong tubig at anyong lupa sa sariling
lalawigan at rehiyon at mga karatig nito.

Panimulang Pagtataya

Panuto: Piliin at salungguhitan ang tamang sagot.

1. Mataas
• Bundok
• Bulubundukin

2. Mababa at patag
• Kapatagan
• Lamba

3. Mataas at patag
• Talampas
• Burol

4. Malaki at maalat
• Karagatan
• Dagat
5. May Kalupaan sa Paligid
• Lawa
• Ilog

Aralin

Iba-iba ngunit magkakaugnay-ugnay ang mga anyong tubig at lupa


sa ating rehiyon. Ang baybaying dagat nito ay umaabot ng 320
km mula sa mga bayan ng Sultan Kudarat patungo sa mga bayan
ng Sarangani hanggang sa Lungsod ng General Santos. Ang mga
kabundukan naman ay matatagpuan sa hilaga at silangang bahagi
ng Cotabato, at sa gitna at timog-kanlurang bahagi ng rehiyon
mula sa Sultan Kudarat, South Cotabato, at Sarangani. Sa
Cotabato, ang Kabundukan ng Tuael ang nagdurugtong sa mga
bayan ng Matalam, President Roxas, at Magpet, samantala ang
Kabundukan ng Kitubod ay bumabaybay sa Banisilan hanggang sa
Carmen. Nagsisilbi namang hangganan ng Cotabato at Davao ang
Bundok Apo. Sa katimugan naman ng rehiyon, matatagpuan ang
Kabundukan ng Daguma kung saan makikita ang lawa at mga
bulkan. Nakalatag ito sa Sultan Kudarat hanggang sa dulong
timog ng South Cotabato. Sa silangan ay nakalatag din ang
Kabundukan ng Roxas, mula sa Sultan Kudarat hanggang South
Cotabato. Sa pagitan nito ay matatagpuan ang Lambak ng 4 Allah.
Sa kabila ng Bulubundukin ng Roxas ay ang Lambak ng Koronadal,
na hinahangganan naman ng bulubundukin ng Quezon. Umaakyat
ito hanggang sa paanan ng Bundok Matutum sa South Cotabato. Ang Lawa ng Holon, na dating tinatawag na
Lawa ng Maughan, ay makikita sa bunganga ng Bundok Parker. Samantalang ang mga Lawa ng Agco at
Venado sa Kidapawan City ay nasa paanan ng Bundok Apo. Ang Ilog Rio Grande de Mindanao naman ng
Lungsod ng Cotabato ay bumabaybay hanggang sa mga karugtong na ilog sa mga lalawigan ng Cotabato at
Sultan Kudarat na pinagkukunan ng patubig sa mga pananim (Amparado et al, 2019).

Ebalwasyon

Panuto: Punan ng tamang sagot ang bawat patlang. Piliin sa kahon ang sagot.

Cotabato at Davao Kidapawan Kapatagan

Baybaying Dagat Kabundukan Silangan

1. Sa mga bayan ng Sultan Kudarat, Sarangani, at General Santos City magkakaugnay ang
__________________. 2. Matatagpuan sa hilaga at silangang bahagi ng Cotabato ang mga
__________________. 3. Ang Bundok Apo ay nagsisilbing hangganan ng __________________. 4.
Sa direksyon ng _______ ng ating rehiyon nakalatag ang Kabundukan ng Roxas, Sultan Kudarat, at
South Cotabato. 5. Kay inam puntahan ang Lawa ng Agco at Venado sa __________________ na nasa
paanan ng Bundok Apo.
Aralin
Paggawa ng Mapa ng Mahahalagang Anyong Tubig At Anyong

2 Lupa sa Sariling Lalawigan at Rehiyon At mga Karatig Nito

Pangkalahatang Ideya
Magandang araw sa iyo! Kumusta na ang iyong pag-aaral?Sa araling ito ikaw ay inaasahang
natutukoy ang pagkakaugnayugnay ng mga anyong tubig at lupa sa mga lalawigan ng sariling rehiyon.

Panimulang Pagtataya

Panuto: Unawain ang mga tanong sa bawat bilang . Piliin ang titik
ng wastong sagot.

1. Ano ang tawag sa isang palapad na representasyon ng mundo at naipapakita nito ang malalawak na lupain
at katubigan ng bansa o buong mundo?
A. aklat B. diksyonaryo C. globo D. mapa
2. Saan matatagpuan ang Rio Grande de Mindanao?
A. Cotabato B.Sarangani C. Lungsod ng Cotabato D.Sultan Kudarat
3. Anong anyong lupa ang makikita sa South Cotabato?
A. Bundok Apo B. Kabundukan ng Daguma C. Bundok Matutum D. Lawa ng Venad
4. Alin sa mga sumusunod ang hindi makikita sa mapa?
A. compass rose B. lapis C. mga guhit D. simbolo
5. Paano ka makagagawa ng pisikal na mapa?
A. Gumuhit ng mga hayop upang maging maganda ang mapa.
B. Maglagay ng maraming compass rose bilang batayan ng
direksyon.
C. Gumamit ng mga simbolo na nagpapakita ng anyong tubig at
anyong lupa.
D. Susukatin lamang ang distansiya ng ibang anyong lupa at
anyong tubig na matatagpuan sa lugar.

Aralin
Mapang Pisikal

Naalala mo ba ang dayuhang pumunta sa ating lalawigan?


Hindi ba ipinakilala natin ang lalawigan sa kanila? Paano
kung hindi nila napuntahan lahat ng mga magagandang
tanawin sa atin? Kailangang bigyan na lang natin sila ng
mapa upang matunton nila ang ating lugar. Halika,
gumawa tayo ng mapa. Paano nga ba gumawa ng mapa?
Ano ang ating kailangan? Narito ang mga dapat nating
gawin. Ang mapa ay isang patag na representasyon ng
isang lugar. Pumili ka ng kaya mong gawin. Mas mainam
na gawin ang pisikal na mapa upang maipakita ang anyong
lupa at anyong tubig sa mga bisita.
Ito ang mga mahahalagang simbolong ating makikita sa mapang pisikal.

Puno Talon

Simbahan Ilog

Paaralan Burol

Pagamutan Bundok

Riles Bulkan

Palayan Dagat

Tulay Daungan

Daan Paliparan

Ebalwasyon

Panuto: Sa long bondpaper gumawa ng mapang pisikal ng inyong sariling Barangay. Lagyan ng simbolo ang
mga anyong lupa at anyong tubig at isulat ang pangalan ng bawat isa.

RUBRIKS

BATAYAN MAHUSAY NA MAHUSAY MAHUSAY HINDI MAHUSAY


(30) 25-15 10-5
Nilalaman Kinapapalooban ng magandang Kinapapalooban ng Malayo ang konsepto sa
konsepto tungkol sa konsepto na malapit sa paksang pangkapaligiran
pangkapaligiran paksang pangkapaligiran

Pagkamalikhain Kinakikitaan ng kulay at Kinakikitaan ng kulay Walang kulay at payak


kakaibang konsepto ngunit payak ang ang konsepto
konsepto

Kalinisan Malinis ang gawa at walang Malinis ang gawa ngunit Marumi ang
burang lapis at lampas ng may kaunting burang pagkakagawa,puro
pangkulay lapis at lampas ng burang lapis at lampas
pangkulay na pangkulay

Magaling! Ikaw ay handang-handa na para sa susunod na Modyul.

-T. Pearl

You might also like