You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Department of Education
NATIONAL CAPITAL REGION
DIVISION OF CITY SCHOOLS PARANAQUE CITY
PARANAQUE NATIONAL HIGH SCHOOL MAIN
Kay Talise Street, Dr. A. Santos Avenue, Brgy. San Dionisio, Paranaque City

Name: _________________________________________ Year & Section: _______________________ Date: ______________

SCRIPT FOR RADIO-BASED INSTRUCTION


Araling Panlipunan Module Series:
AP8 Quarter 1 – Module 3 – Heograpiyang Pantao (Part 2)

Activity 3 Pakikinig ng Podcast. Panuto: Makinig nang mabuti sa podcast episode. Bilugan ang letra ng
tamang sagot upang masagot ang mga katanungan o makumpleto ang mga pahayag na mapakikinggan.

INTRO Welcome to Sir Enrique’s Podcast! Kung saan matutuhan mo ang mga lessons in history and
SPIEL everything in between! It’s module time na naman mga Gen Z learners natin diyan at alam kong
0:00-0:42 excited na po kayo! Introducing the Araling Panlipunan Module Series. Gagamitin po nating
batayan ang mga modyul na sinulat ng magagaling na teacher-writers mula po sa Division of
Paranaque. I’m your teacher-podcaster, Sir E, at sasamahan ko po kayo para madali ang
pagkatuto! Ilabas na rin po ang inyong self-learning module at magsimula na tayo!
BALIKAN Pero bago tayo tumungo sa ating paksa. Balikan po muna natin ang mga natutuhan mo sa
NATIN nakaraang episode tungkol sa “Mga Saklaw ng Heograpiyang Pantao”. Magbabanggit ako ng mga
(REVIEW): katanungan. Bibigyan ko kayo ng tatlong segundo para piliin ang letra ng tamang sagot. Oh
0:43-2:46 ready na ba kayo?

Unang bilang. Ano ang tawag sa pag-aaral sa mga aspektong kultural na matatagpuan sa
daigdig? A. Heograpiyang Pantao B. Pangkat Etniko C. Relihiyon D. Wika
*AFTER 3 SECONDS. Kung ang sagot mo ay 1. ( A, B, C, D ), mahusay dahil tama ka!
Ikalawang bilang. Alin sa mga sumusunod ang nagbibigay ng pagkakakilanlan sa mga taong
kabilang sa isang pangkat? A. Heograpiyang Pantao B. Pangkat Etniko C. Relihiyon D. Wika
*AFTER 3 SECONDS. Ikaw ay tama kung ang pinili mong sagot mo ay 2. ( A, B, C, D ).
Ikatlong bilang. Ano ang tawag sa pangkat na pinag-uugnay ng magkakatulad na kultura,
pinagmulan, wika at relihiyon?
A. Heograpiyang Pantao B. Pangkat Etniko C. Relihiyon D. Wika
*AFTER 3 SECONDS. Kung ang sagot mo ay 3. ( A, B, C, D ), you’ve got it right!
Nahirapan ka ba? Mababa ba ang score mo? Huwag kang mag-alala! Gagabayan kita para
matutuhan ang paksa sa modyul na ito. Alam kong marami kang natutuhan tungkol sa “Mga
Saklaw ng Heograpiyang Pantao”! Kaya for sure, ready ka na sa ating paksa ngayong araw!
INTRODUC And for today’s episode, tatalakayin po natin ang ikalawang bahagi ng paksa tungkol sa
TION OF “Heograpiyang Pantao” na nakapaloob sa kasanayang: “Napahahalagahan ang natatanging
NEW kultura ng mga rehiyon, bansa, at mamamayan sa daigdig (lahi, pangkat-etnolingguwistiko, at
LESSON relihiyon sa daigdig) o MELC 2. At para sa episode na ito, bibigyan natin ng focus ang mga
2:47-3:54 sumusunod na kasanayang may kinalaman sa MELC 2: 1. Nasusuri ang Heograpiyang Pantao
(wika, lahi, pangkat etnolingguwistiko, relihiyon) ng mga sumusunod na kontinente sa daigdig:
Timog Amerika, Hilagang Amerika, Europa, Asya, Africa at Australia. 2. Napahahalagahan ang
kultura ng mga nabanggit na kontinente ng daigdig bilang pagkakakilanlan nito. Simulan na
natin ang talakayan!
LESSON Ang pag-aaral ng mga tao sa Daigdig—kung paano sila namumuhay at kung paanong ang
PROPER: kanilang mga aktibidad ay nag-iiba-iba mula sa isang lugar tungo sa ibang lugar—ay tinatawag
3:55-4:38 na heograpiyang pantao o kultural na heograpriya– isa sa mga sangay ng heograpiya.
Pangunahing sinusuri dito ang 4. ( A. interaksyon, B. pag-iwas) ng tao sa kanyang kapaligiran
kung saan pinakikibagayan at binabago niya ang kapaligiran ayon sa pagtugon sa kanyang
pangangailangan. Inaalam ng mga human geographer o cultural geographer ang mga dahilan
kung bakit ito nangyayari.

4:39-5:34 Sa pag-aaral ng heograpiyang pantao, isang aspekto na mahalagang bigyan ng pansin ay ang
Page 1
5. ( A. pangkat-etniko, B. kultura). Iba't iba ang kahulugan ng kultura para sa maraming tao.
Nagmula ang terminong kultura sa salitang Latin na 6. ( A. ethnos, B. cultus) na ang ibig
sabihin ay 7. ( A. “to care about", B. “citizen”). Sa ngayon, ang kultura ay tumutukoy sa lahat
ng kabuoang paraan ng pamumuhay ng isang pangkat ng tao na may iisa at magkakabahagi sa
magkatulad na paniniwala at kaugalian (shared beliefs and customs). Nabubuo ang kultura sa
pakikiangkop (adaptation) ng tao sa kanyang kapaligiran dahil matindi ang pagkakaiba-iba ng
napakaraming iba't ibang kultura, na patuloy na nagbabago at umuunlad sa tuwing nagbabago
ang kapaligiran.

5:35-6:59 Nauuri ang kultura sa 8. ( A. biotic at abiotic, B. materyal at di materyal). Tinatawag na


artifacts ang materyal na aspekto ng kultura, at kasama rito ang mga kasuotan, kagamitan (o
tools), arkitektura, at likhang-sining. Kabilang naman sa di materyal na kultura ang mga
paniniwala, kaugalian, tradisyon, kagawian, wika, diyalekto, at relihiyon. Ang kaugalian
(customs) ay ang mga kagawian na sinusunod ng mga tao na kabilang sa isang partikular na
grupo. Halimbawa, sa mga kaugalian, may pagkakaiba-iba ng paraan ng pagkain sa iba't ibang
lipunan. Sa United States, karamihan ng mga Amerikano ay gumagamit ng kutsara, tinidor, at
kutsilyo, ang marami sa mga Pilipino naman ay gumagamit din ng kutsara at tinidor
samantalang may iba pa ring gumagamit ng kamay, ang mga Chinese ay gumagamit ng
chopsticks, at ang mga 9. ( A. Ethiopian, B. Sudanese) ay gumagamit ng kanilang mga daliri at
isang tinapay para salukin ang kanilang pagkain. Samantala, tinatawag namang tradisyon ang
kohesibong koleksiyon (o cohesive collection) ng mga kaugalian.

7:00-7:58 Sa pag-aaral ng kultura ng lipunan, ginagamit na batayan ang mga katangiang kultural o
10. ( A. cultural traits, B. cultural differences). Ang mga katangiang kultural ay mga
elemento ng kultura na binubuo ng mga espesipikong kaugalian na bahagi ng pang-araw-araw
na buhay. Kabilang sa mga elemento ng kultura ang wika, relihiyon, etnisidad, institusyong
panlipunan gaya ng pamilya, paaralan, simbahan, institusyong pampolitika, at mga aspekto ng
kulturang popular (o pop culture). Ang lahat ng kultura ay may lugar na pinagmulan, subalit,
maaari din itong lumawak at lumaganap sa mas malaking lugar sa pamamagitan ng diffusion,
acculturation, at assimilation. Ang tatlong paraang ito ay kolektibong tinatawag na
11. ( A. transmigration, B. transculturation).

7:59-9:00 Ang diffusion ng kultura o 12. ( A. cultural flow, B. cultural diffusion) ay ang paglaganap ng
mga elemento ng kultura gaya ng mga artifact at ideya mula sa isang lipunan patungo sa iba.
Nagsisimulang magkaroon lamang ng diffusion kapag nagkaroon na ng contact ang dalawang
kultura. Ang diffusion ay maaaring kapwa mangyayari sa dalawang nagtatagpong kultura at
hindi lamang sa isa. Tuluyang nangyayari ang diffusion kapag ang isang ideya o inobasyon ay
lumaganap mula sa isang lugar o pangkat patungo sa iba at ito ay ginamit at itinuring na sarili
(o adoption). Halimbawa, ang musikang jazz ay nagsimula lamang sa siyudad ng 13. ( A. New
Orleans, B. New York). Samakatuwid, ang New Orleans ang lugar na pinagmulan ng jazz.
Kalaunan, lumaganap na rin ang jazz sa iba pang estado ng United States at sa buong daigdig.

9:01-10:11 Nangyayari naman ang 14. ( A. acculturation, B. assimilation) kapag inangkin ng isang
indibidwal o pangkat ang ilan sa mga katangian (traits) ng ibang kultura. Nangungunang
halimbawa ng acculturation ang mga imigrante sa United States, nag-aral sila ng bagong wika at
inari bilang sarili ang isang bagong paraan ng pamumuhay sa kanyang bagong bansang
tinitirahan. Sa acculturation, isang bagong kultura ang nabubuo mula sa paghahalo ng dating
kultura, at sa tinanggap at inaring sarili na mga elemento ng kultura na mula sa nilipatang
lugar. Subalit sa paglipas ng panahon, kapag ang imigrante ay buong-buo nang tinanggap ang
isang bagong kultura, at inangkin bilang sarili ang lahat ng katangian ng kultura ng kanyang
nilipatang bansa (o main culture), ang prosesong ito ay tinatawag nang 15. ( A. acculturation,
B. assimilation). Sa assimilation, tuluyan nang napangibabawan ng malakas na bagong
kultura ang dating kultura hanggang sa ganap na itong maglaho.

10:12- Sa buong kasaysayan, nangyayari ang paglaganap at paglipat ng kultura mula sa isang lugar
11:25 patungo sa ibang lugar sa pamamagitan ng migrasyon, digmaan, kalakalan, at ilang
pandaigdigang pangyayari tulad ng kolonyalismo at imperyalismo. Inilalantad ng mga proseso at
pangyayaring ito ang mga pangkat kultural sa mga bagong paraan ng pamumuhay, kasama ang

Page 2
bagong wika, relihiyon, pinagkukunang-yaman, at teknolohiya. Halimbawa, nang sakupin ng
Spain ang mga bansa sa kontinente ng America, dinala ng mga dayong Español ang kanilang
mga kabayo. Bago ang kolonyalismong Español, ang mga katutubong American Indian ay
walang ganitong hayop. Kalaunan, ang mga katutubong American Indian ay nagkaroon na rin
ng mga kabayo na nagbigay-daan upang ang mga kabayo ay maging bahagi na rin ng kanilang
kultura. Maraming pangkat ng mga katutubong American Indian ay naging bihasang
mangangabayo at kanilang ginamit ang kabayo sa pangangaso at digmaan.

11:26- At iyan ang konsepto ng kultura na mahalaga sa pag-aaral ng heograpiyang pantao. Tumungo
13:54 naman tayo sa mga natatanging kultura ng iba’t ibang kontinente sa daigdig at uunahin natin
ang Timog Amerika. Ang kultura ng Timog Amerika ay bunga ng interaksyon ng mga
mamamayang nanirahan sa kontinente. Ang kultura ng mga English, French, Indian at African
ay mababakas sa maraming lugar dito. Sa kabila nito, ang wika, relihiyon at sining ng mga
Espanyol at Portuges ang higit na namamayagpag sa rehiyon dahil sa kolonyalismo. Sa aspekto
ng wika, dalawang pamilya ng wika ang kilala sa Timog Amerika. Ang una ay ang 16. ( A. Indo-
European, B. Austronesia) at ang ikalawa ay ang 17. ( A. Bahasa, B. Quechuan). Kabilang sa
Indo-European ang wikang Spanish na opisyal na wika ng mahigit sa kalahati ng mga bansa sa
Timog Amerika maliban sa Brazil na prominente ang wikang 18. ( A. Portuguese, B. Italian).
Ang Quechuan naman ay pamilya ng wika na sinasalita sa ilang mga bahagi ng Peru, Bolivia,
Chile, Colombia, at Ecuador. Pagdating naman sa relihiyon, 19. ( A. 50%-60%, B. 89%-90%) ng
mga tao sa Timog Amerika ay tagasunod ng relihiyong Kristiyanismo – isang relihiyong dinala ng
mga Europeo noong Panahon ng Kolonyalismo. Mayaman ang etnisidad sa Timog Amerika
bagamat mahirap bigyan ng isang pangkalahatang depinisyon ang populasyon nito sa
pamamagitan lamang ng lahi o etnisidad. Ang populasyon nito ay nanggaling sa iba’t ibang lugar
gaya ng Spain, Portugal, Kanlurang Africa, Japan, at Kanlurang Asya. Ngunit tatandaan na ang
Timog Amerika ay pinanirahan na ng mga katutubong Amerindian gaya ng mga Inca, bago pa
man dumating ang mga taga ibang lugar. Nabuo rin ang mga termino gaya ng mestizo at
mulatto. Ang 20. ( A. mestizo, B. mulatto) ay tumutukoy sa pinaghalong Espanyol at
katutubong lahi habang ang 21. ( A. mestizo, B. mulatto) naman ay pinaghalong Europeo at
African na nanirahan sa Timog Amerika.

13:55- Tumungo naman tayo sa kultural na heograpiya ng Hilagang Amerika. Ang kultura sa
16:05 kontinenteng ito ay pinangingibabawan ng mga kultura ng 22. ( A. Mexico at Cuba, B. United
States at Canada). Ang kultura ng United States ay kombinasyon ng orihinal na katutubong
kulturang Europeo na sa kalaunan ay naging isang natatangi at tanyag na kulturang
“Amerikano”. At sa kasalukuyan, malaki ang impluwensiya ng United States sa mundo
pagdating sa sining, arkitektura, musika, panitikan, at pelikula. Sa aspekto ng wika, prominente
sa Hilagang Amerika ang mga wika gaya ng English, French, at Spanish na nasa ilalim ng
pamilyang Indo-European. Pagdating naman sa relihiyon, gaya ng Timog Amerika, malaking
porsyento ng mga tao sa Hilagang Amerika ay tagasunod ng relihiyong 23. ( A. Kristiyanismo,
B. Islam) na umaabot sa halos 75% ng populasyong ng kontinente. Ang 20% naman ng
populasyon dito ay walang kinabibilangang relihiyon. Lubos na diverse o napakayaman ng
etnisidad sa Hilagang Amerika. Kinaklasipika ng US Bureau of the Census ang mga tao sa
United States bilang: White, Black o African American, Hispanic o Latino, American Indian o
Alaska Native, Asian, at Native Hawaiian o Pacific Islander. Sa mga nabanggit, ang tatlong
etnisidad na may pinakamaraming bilang ay ang: 24. (A. Black American, B. Hispanic
American), na sinusundan ng African American, at Asian American. Ngunit tatandaan na ang
Hilagang Amerika, gaya ng Timog Amerika ay pinanirahan na rin ng mga katutubong
25. ( A. Amerindian, B. Inca) bago pa man dumating ang mga Kanluranin sa kontinenteng ito
gaya ng mga Cherokee sa United States, Inuit sa Canada, at mga Aztec sa Mexico.

16:06- Tumungo naman tayo sa kultural na heograpiya ng Europa. Ang kultura ng Europa ay
18:01 pinaghalu-halong mga kultura na umiiral sa loob at labas ng kontinente. Sa aspekto ng wika,
may mahigit na 26. ( A. 140, B. 120) na wika ang ginagamit sa Europe kung saan prominente
ang English, French, Spanish, Portuguese, Italian, Russian, at German na nasa ilalim ng
pamilyang 27. ( A. Indo-European, B. Nilo-Saharan). Sa mga bansang Finland at Hungary
naman, prominente ang pamilya ng wika na Uralic-Altaic. Pagdating naman sa relihiyon, ang
may pinakamaraming bilang ng tagasunod ay ang Kristiyanismo na umaabot sa halos

Page 3
28. ( A. 84%, B. 73%) ng populasyon sa kontinente. Ang halos 20 percent naman ng populasyon
ay walang kinabibilangang relihiyon habang may halos 7% ng mga Muslim lalo sa katimugang
Europa. Sa mga rehiyon sa Europe, ang 29. ( A. Timog Europe, B. Silangang Europe) ang
maituturing na pinakamarami ang magkakaibang pangkat-etniko. Ang mga Slavs ang
pinakamarami sa mga pangkat-etniko sa rehiyon na nasa mahigit 100 milyon. Kabilang sa mas
maliliit na pangkat-etniko na nagmula sa 30. ( A. Celtics, B. Slavs) ang Great Russians,
Belarussians, Ukrainians, Poles, Serbians, Croatians, Bulgarians, Slovenes, Slovaks, at Czechs.
Ang iba pang mga pangkat-etniko ay ang Magyars o Hungarians, Romanians, Albanians, Greeks,
Germans, Turks, at Gypsies.

18:02- Talakayin naman natin ang mayamang kultura ng Africa na bunga ng pakikiayon ng mga
21:02 Africans sa kanilang kapaligiran. Sila ay bahagi ng daang-daang pangkat etniko na nagtataglay
ng sariling tradisyon, relihiyon, at kasaysayan. Sa kabila ng malawak na impluwensiya ng
kolonyalismo, ang kakaibang kultura ng kontinenteng ito ay nananatiling matatag. Sa aspekto
ng wika, 31. ( A. limang, B. tatlong) pangunahing wika ang kilala sa Africa: Afro-Asiatic,
Niger-Congo, Nilo-Saharan, Indo-European, at Austronesian. Afro-Asiatic ang pangunahing
pamilya ng wika na sinasalita sa Hilagang Africa gaya ng Arabic at Hebreo. 32. ( A.
Austronesian, B. Niger-Congo) naman ang pamilya ng wika sa Africa na may pinakamaraming
taong gumagamit. Ang mga wikang ginagamit naman sa ilang hilagang bahagi at gitnang bahagi
ng Africa ay kabilang sa pamilyang Nilo-Saharan. Sa katimugang Africa naman sinasalita ang
ilang mga wikang Indo-European gaya ng English. At tanging sa Madagascar lamang sinasalita
ang mga wikang nasa ilalim ng pamilyang Austronesian. Gaya ng Asya, napakayaman o diverse
ng Africa pagdating sa relihiyon. Prominente sa hilagang Africa ang relihiyong 33. ( A. Islam, B.
Kristiyanismo). Sa Sub-Saharan Africa naman, halos 2/3 ng mga tao ay Kristiyano at 1/3 ay
mga Muslim. Mas marami ang bilang ng mga Kristiyano sa katimugan kaysa sa mga Muslim sa
hilaga. Sa kabila ng pagiging dominante ng Islam at Kristiyanismo sa Africa ay may maliit pa
ring porsyento para sa mga tagasunod ng katutubong relihiyon. Singyaman ng kanilang wika at
relihiyon, ang etnisidad sa Africa ay napakamakulay. Sa halip na nasyonalidad, 34. ( A. wika,
B. etnisidad) ang mas mahalagang elemento ng pagkakakilanlang kultural sa Africa. Binubuo
ang Africa ng libo-libong etnisidad na may iba-ibang wika, relihiyon, at mga tradisyon. Imposible
na matukoy ang tiyak na bilang ng mga pangkat etniko dito dahil sa masalimuot na mga
hangganan na naghihiwa-hiwalay sa kanila. Kaya mahirap matukoy kung ang isang pangkat ba
ay natatangi o bahagi lamang ng iba pang pangkat. Isa ito sa dahilan kung bakit laganap sa
Africa ang mga away sa pagitan ng pangkat-etniko. Karamihan din sa mga bansa sa Africa ay
binubuo ng maraming pangkat-etniko o 35. ( A. cultural diversity, B. multiethnic) gaya ng
Nigeria, Rwanda, Somalia, South Africa, Sudan, at Eritrea.

21:02- Sa punto namang ito ay tumungo na tayo sa natatanging kulturang Asyano na bunga ng
25:15 masalimuot na kasaysayan nito. Mula sa pagsilang ng mga sinaunang kabihasnan dito, pagsibol
ng kolonyalismo, imperyalismo, hanggang sa panahon ng Neo-kolonyalismo. Dahil nahahati sa
limang rehiyon ang Asya, nagkaroon ng iba’t ibang pamamaraan ng pag-angkop at paglinang ng
kultura ang mga mamamayan dito. Sa aspekto ng wika, pinakamayaman o linguistically diverse
ang Asya pagdating sa dami ng pamilya ng wika na matatapuan sa isang kontinente. Sa Timog
Asya, sinasalita ang mga wika gaya ng Urdu, Lahnda, Bengali, at Hindi na nasa ilalim ng
pamilyang 36. ( A. Indo-European, B. Austronesian). Ang mga wikang Afro-Asiatic gaya ng
Arabic at Hebreo at wikang Indo-European na Farsi ay sinasalita naman sa 37. ( A. Silangang
Asya, B. Timog-kanlurang Asya). Sa Turkey at malaking bahagi ng Gitnang Asya prominente
naman ang pamilya ng wika na Turkic. Dravidian naman ang pamilya ng wika na sinasalita sa
katimugang India at hilagang Sri Lanka. Sa Silangang Asya naman, prominente ang mga
pamilya ng wika gaya ng Sino-Tibetan, Mongolic, Korean, at Japanese. Sa Timog-silangang Asya,
kilala naman ang mga pamilya ng wika gaya ng Austronesian at Austro-Asiatic. Mahalaga ang
kontinente ng Asya dahil dito isinilang ang mga pangunahing relihiyon sa daigdig: ang Islam,
Kristiyanismo, Judaismo, Hinduismo, Budismo, at Jainismo. At mga pangunahing sistemang
etikal gaya ng Confucianismo at Taoismo. Prominente sa Timog-kanlurang Asya at Hilagang
Asya ang 38. ( A. Islam, B. Kristiyanismo). Sa Timog Asya naman, halos 2/3 ng mga tao ay
mga Hindu at 1/3 ay mga Muslim. Ngunit, ang bilang ng mga tagasunod ay hinahati pa rin sa
kada bansa. Sa India, halos 80% ay mga Hindus habang ang Bangladesh at Pakistan naman ay
binubuo ng higit sa 90% na mga Muslim. Sa East Asia naman, higit sa 50 percent ng

Page 4
populasyon sa rehiyon ang walang kinabibilangang relihiyon. Sa Timog-Silangang Asya naman,
halos 39. ( A. 40%, B. 10%) ay mga Muslim, 23% ay mga Kristiyano at 23% ay mga Buddhist.
Ang Indonesia ay halos may 87% na mga Muslim, ang Cambodia at Thailand ay may higit sa
90% na mga Buddhist, at Pilipinas na may higit sa 90% na mga Kristiyano. Lubos din ang
pagka-diverse ng etnisidad sa Asya. Kilala sa Kanlurang Asya ang mga Turk, Syrian, Persian,
Kurd, Arab, Georgian, Azerbaijani, Armenian at iba pa. Matatagpuan naman sa 40. ( A. Gitnang
Asya, B. Timog Asya) ang mga Uzbek, Tajik, Turkmen, Kazakh, Russian at iba pa. Sa Timog
Asya, kilala ang mga Punjabi, Pashtun, Tamil, Bengali at iba pa. Sa Silangang Asya, tanyag ang
mga pangkat-etniko gaya ng Han Chinese, Mongol, Ainu, Tibetan, Korean, at iba pa.
Matatagpuan naman sa Timog-silangang Asya ang mga Khmer, Malay, Burmese, Tai, Hmong
Mien, Lumad, Mangyan, Igorot, Rohingya at iba pa.

25:16- Talakayin naman natin ang huling kontinente sa ating listahan - ang Australia o Oceania. Sa
26:43 aspekto ng wika, 41. ( A. Spanish, B. English) ang pinakaprominente sa Australia na nasa
ilalim ng pamilyang Indo-European habang Austronesian naman ang sinasalita sa mga pulo ng
42. ( A. Pacific, B. Atlantic). Pagdating naman sa relihiyon, nananatili ang tradisyunal na
paniniwala sa maraming bahagi ng Australia at Pacific Islands bagama’t ang 43. ( A.
Kristiyanismo, B. Islam) ang may pinakamaraming tagasunod na umaabot sa halos 70% ng
populasyon ng kontinente. May halos 24% naman ang walang relihiyong kinabibilangan. Ang
Oceania ay nakahiwalay o isolated ngunit hindi naging hadlang ang lokasyon nito upang
makabuo ang mga pangkat-etniko. Sa Australia pa lang, mahigit 44. ( A. 350, B. 270) na ang
mga pangkat-etniko gaya ng mga Anglo-Celtic at Australian Aborigine. Tanyag din sa Oceania
ang mga Maori, Fijian, Chamorro, Palauan, Samoan, Tongan, at iba pang pangkat-etniko na
dumating sa Oceania bunsod ng imigrasyon gaya ng mga Chinese, Vietnamese, at mga Pilipino.
ILAPAT At iyan ang ating aralin sa araw na ito. Alam kong marami ka nang natutuhan. Kaya para
NATIN mapagtibay ang iyong pang-unawa sa paksa, sagutan naman natin ang gawaing ito.
26:44- Magbabanggit ako ng mga senaryo na makikita sa ating komunidad. Tukuyin kung anong
28:19 saklaw ng heograpiyang pantao nabibilang ang mga nabanggit na senaryo. Bibigyan kita ng
tatlong segundo para piliin ang letra ng tamang sagot. Oh ready ka na ba?

Unang bilang. Sunduan Festival sa Paranaque tuwing Pebrero


A. Kultura B. Relihiyon C. Pangkat Etniko D. Wika
*AFTER 3 SECONDS. Kung ang pinili mo ay letrang 45. ( A, B, C, D ), tama ang sagot mo!

Ikalawang bilang. Banal na misa sa simbahan ng St. Andrew’s Cathedral.


A. Kultura B. Relihiyon C. Pangkat Etniko D. Wika
*AFTER 3 SECONDS. Kung ang pinili mo ay letrang 46. ( A, B, C, D ), you’ve got it right.

Huling bilang. Mga Maranao


A. Kultura B. Relihiyon C. Pangkat Etniko D. Wika
*AFTER 3 SECONDS. Kung ang sagot mo ay letrang 47. ( A, B, C, D ), tama ka diyan!
SURIIN Pagyamanin pa natin ang iyong mga natutuhan sa pamamagitan naman ng gawaing ito.
NATIN Magbabanggit ako ng mga pahayag. Piliin ang “fact” kung ang pahayag ay tama at piliin ang
28:20- “bluff” kung ang pahayag ay mali. Bibigyan kita ng tatlong segundo para pag-isipan ang tamang
29:48 sagot. Oh ready na ba kayo?

Unang bilang. Naging hadlang ang lokasyon ng Australya sa pagkakaroon nito ng mayamang
pangkat-etniko.

*AFTER 3 SECONDS. Kung ang pinili mo ay 48. ( A. Fact, B. Bluff), tama ang sagot mo!
Bagama’t totoo na isolated o nakahiwalay ang Australia, hindi ito naging hadlang upang hindi
makapagtatag ang mga Aboriginal Australian ng natatangi at kakaiba nilang kultura.

Ikalawang bilang. Sa kabila ng malawak na kolonisasyon sa kontinente ng Africa, napanatili pa


rin nito ang kanyang kakaibang kultura.
*AFTER 3 SECONDS. Kung ang pinili mo ay 49. ( A. Fact, B. Bluff), tama ka!

Ikatlong bilang. Ang heograpiyang pantao ay isa sa mga sangay ng heograpiya na kilala rin

Page 5
bilang kultural na heograpiya.
*AFTER 3 SECONDS. Kung ang pinili mo ay 50. ( A. Fact, B. Bluff), you’ve got it right!
TAYAIN Tapos na ang ating talakayan! Pero bago kita iwan, subukan mo muna ang iyong natutuhan sa
29:49- paksang tinalakay natin! Magbabanggit ako ng mga katanungan. Bibigyan kita ng limang
35:14 segundo para piliin ang tamang sagot. Oh, ready ka na ba?

Unang katanungan. Paano mo mapapahalagahan at maipagmamalaki ang sariling kultura?


A. Hadlangan ang pagpasok ng ibang lahi sa aking bansa.
B. Ipakikilala at ibabahagi ang aking kultura sa ibang bansa
C. Tanging ang kultura ng aking bansa lamang ang tatangkilikin
D. Ipagmamalaki na mas nakahihigit ang kultura ng aking bansa.
*AFTER 5 SECONDS. Kung ang sagot mo ay letrang 51. ( A, B, C, D ), tama ang sagot mo!

Para sa ikalawang bilang, magbabanggit muna ng mga relihiyon.


I. Islam II. Kristiyanismo III. Hindusimo IV. Protestanismo
Alin sa mga nabanggit na relihiyon ang sumibol sa Asya?
A. I at III B. II at III C. I, II at III D. I, II, III at IV
*AFTER 5 SECONDS. Kung ang sagot mo ay letrang 52. ( A, B, C, D ), tama ka!

Para sa ikatlong bilang, magbabanggit muna ako ng mga pahayag.


I. Mapayayaman nito ang ating kaalaman
II. Magkakaroon tayo ng maraming kaibigang bansa
III. Mahahadlangan nito ang mga sigalot sa hinaharap
IV. Magiging daan upang mapaunlad ang ating ekonomiya sa pamamagitan ng malawak na
pakikipag-ugnayan.
Alin sa mga nabanggit na pahayag ang nagpapaliwanag kung bakit mahalaga na kilalanin ang
iba’t ibang kultural na heograpiya sa daigdig?
A. I at II B. I, II at III C. III at IV D. I, II, III at IV
*AFTER 5 SECONDS. Kung ang sagot mo ay letrang 53. ( A, B, C, D ), you’ve got it right!

Para sa ikaapat na bilang, magbabanggit muna ako ng mga pahayag.


I. Pag-iwas sa mga turo at gawain ng ibang relihiyon
II. Pakikipagkaibigan sa kapwa na may ibang paniniwala
III. Paggalang sa kanilang paniniwala at pamamaraan ng pagsamba
IV. Pagkakaroon ng bukas na isipan at respeto sa kanilang paniniwala.
Alin sa mga nabanggit na pahayag ang nagpapakita ng pagpapahalaga sa mga ito sa kabila ng
pagkakaiba?
A. I at II B. I, II at III C. II, III, at IV D. I, II, III, at IV
*AFTER 5 SECONDS. Kung ang sagot mo ay letrang 54. ( A, B, C, D ), tama ang sagot mo!

Para sa huling bilang, magbabanggit muna ako ng mga pahayag.


I. Iwasan ang mapanakit na pagpuna.
II. Paunlarin ang kaalaman at pag-unawa sa iba’t ibang kultura
III. Magpakita ng magalang na pagkilala sa kultura ng sinumang bansa
IV. Magpahayag ng opinyon at saloobin ukol sa kultura ng iba ng may respeto
Alin sa mga nabanggit na pahayag ang nagpapakita ng mga hakbang upang maiwasan na
maging daan ng sigalot sa daigdig ang pagkakaiba sa kultural na heograpiya ng daigdig?
A. I at II B. I, II at III C. II, III, at IV D. I, II, III, at IV
*AFTER 5 SECONDS. Kung ang sagot mo ay letrang 55. ( A, B, C, D ) pa rin, mahusay dahil
tama ka!
EXTRO Naka perfect 5 points ka ba? Kung hindi ok lang yan! Tandaan na hindi masusukat ang talino sa
SPIEL score lang. Basta’t sinubukan mo at may natutuhan ka sa lesson, ikaw ang winner! Basahin na
35:15- rin po ang panuto sa paggawa ng infographic poster na maglalarawan sa heograpiyang kultural
36:08 ng Paranaque at ipasa sa iyong guro ng Araling Panlipunan 8. Hanggang sa muli at maraming
salamat po sa pakikinig mga Gen Z learners! Lesson mo bukas ngayon ang podcast! I’m your
teacher-podcaster, Sir E! See you next time sa isa sa namang episode ng Araling Panlipunan
Module Series! Bye!
***END***

Page 6

You might also like