You are on page 1of 2

Likhain Natin

Imbestigador Ng Bayan… Infographics

Mailarawan at Maipagmalaki ang Heograpiyang Pantao ng Lungsod


Layunin (Goal)
ng Parañaque sa pamamagitan ng INFOGRAPHIC POSTER
Isang taga-gawa ng Infographic Poster na natutukoy mula sa
Gampanin (Role) seleksyon ng mga angkop na impormasyon na maglalarawan sa
heograpiyang pantao ng Lungsod ng Parañaque
Mga Manunuod (Audience) Ang mga mag-aaral ng Lungsod ng Parañaque
Maraming Natatanging Kultura ang Parañaque na hindi lubusang
Sitwasyon (Situation)
batid o alam ng mga mag-aaral dito.
Isang malikhaing INFOGRAPHIC POSTER na naglalarawan ng
Produkto (Product) Heograpiyang Pantao ng Lungsod ng Parañaque na ipo-post sa
messenger classroom para sa pagwawasto at pagmamarka ng guro.
Pagsasaliksik , paglalahad, pagsusuri, pagkamaparaan,
Pamantayan (Standard)
pagkamalikhain

PANUTO SA PAGLIKHA NG INFOGRAPHIC POSTER:


1. Basahin ang seleksyon ukol sa Heograpiyang Pantao ng Lungsod ng Parañaque sa ibaba ng pahina.
2. Mula sa binasa lumikha ng isang INFOGRAPHIC POSTER na maglalarawan sa Heograpiyang Pantao ng lungsod.
3. Gawing patnubay ang FORMAT ng INFOGRAPHIC POSTER TEMPLATE sa susunod na pahina
4. Itala sa angkop na kolum ng SAKLAW NG HEOGRAPIYA ang mga sumusunod na impormasyong nakapaloob sa
seleksyon tungkol sa lungsod ng Parañaque.
a. Mga WIKA na ginagamit ng mga mamamayan (Hal. Waray, Bisaya, Tagalog)
b. Mga Relihiyon kinabibilangan ng mga mamamayan (Hal. Katoliko, Islam, Iglesia ni Cristo)
c. Mga PANGKAT o LAHI ng mga mamamayan. (Hal. Ilokano, Pangasinese, Bikolano)
5. Maging mapanuri at tiyak sa mga detalye na ilalagay sa INFORGRAPHIC POSTER
6. Gumamit ng LONG BOND PAPER sa kaayusang PORTRAIT sa paglikha ng INFOGRAPHIC POSTER.
7. Lagyan ang INFOGRAPHIC POSTER ng larawan (maaring ginuhit o ginupit) at disenyo na angkop sa mga datos sa
bawat hanay na saklaw ng heograpiyang itatala dito.
8. Matapos mo itong gawin, kunan ito ng larawan (picture) at i-send sa iyong guro sa Araling Panlipunan 8. Hintayin ang
pahintulot ng guro kung kailan ito maaaring ibahagi sa klase. Ilagay ang iyong Pangalan, Baitang at Seksyon sa
paskil (post).
9. Gawing gabay ang RUBRIC sa pagmamarka sa paglikha ng iyong INFOGRAPHIC POSTER.

SURING TEKSTO
KILALANIN ANG LUNGSOD NG PARAÑAQUE

Ang Lungsod ng Parañaque ay isa sa mga urbanisadong lungsod sa kalakhang Maynila na hinirang bilang
urbanisadong lungsod ni dating Pangulong Fidel V. Ramos noong 15 Pebrero 1998.
Ito ay naliligiran ng Lungsod ng Pasay (hilaga), ng Lungsod ng Taguig (hilagang-silangan) Lungsod ng Muntinlupa
(timog- silangan), Lungsod ng Las Piñas (timog-kanluran), at ng Look ng Maynila (kanluran).
Maraming nalinang na kultura sa lungsod tulad ng paggawa ng asin, pangingisda, at pagtatanim. Ngunit sa
kasalukuyan ang Parañaque ay isa na sa mga sentro ng komersyo patunay ang mga mall at pampublikong pamilihan
dito.
Batay sa 2015 Census ito ay may kabuuang populasyon na 665,822 katao. Ang ilan sa mga mamamayan nito ay
nagmula sa mga lahi o pangkat-etnikong Tagalog, Cebuano, Davaeño, Ilonggo at Marañao. Dala ng mga nabanggit
na pangkat ang kanilang mga wika sa paglipat nila sa Lungsod ng Parañaque Dahil dito maraming wika ang maririnig
sa lungsod ngunit ang Wikang Tagalog ang siyang pangunahing ginagamit dito.
Halos kasing yaman ng wika ng lungsod ang relihiyon dito. Maraming tagasunod ng mga relihiyong Ingelsia ni
Kristo, Dating Daan, El Shaddai at Islam (mayroong dalawang mosque sa Parañaque) ang naninirahan dito . Sa kabila
nito, ang Katolisismo pa rin ang nangungunang pananampalataya sa lungsod. Mayroong dalawang pangunahing
dambana ng Katolisismo sa Parañaque, ang Baclaran Church at ang St. Andrew Cathedral.
Maraming natatangi at makulay na tradisyon ang Parañaque. Nandyan ang Araw ng Palanyag, Komedya,
Sunduan at Caracol na ipinagdiriwang tuwing buwan ng Pebrero at Mayo.
Tunay na napakayaman ng Heograpiyang Pantao ng Lungsod ng Parañaque kaya nararapat lamang natin itong
ipagmalaki bilang mga mamamayan nito.

INFOGRAPHIC POSTER TEMPLATE


KOLUM NG MGA SAKLAW NG HEOGRAPIYANA MATATAGPUAN SA LUNGSOD NG PARAÑAQUE

WIKA RELIHIYON LAHI/PANGKAT


(IMPORMASYON) (IMPORMASYON) (IMPORMASYON)
Hal. Hal. Hal.
Tagalog Katoliko Maranao

HALIMBAWA HALIMBAWA HALIMBAWA


LARAWAN NG WIKA

Rubrik sa INFROGRAPHIC POSTER


Di-Gaanong
Napakahusay Mahusay-husay
PAMANTAYAN (5) (3)
Mahusay Puntos
(1)
Nakapagtala ng 3 o Nakapagtala ng 2 Nakapagtala ng 1
higit pang datos o datos o datos o
impormasyon na impormasyon na impormasyon na
Nilalamang
akma, tiyak at wasto akma, tiyak at wasto akma, tiyak at wasto
IMPORMASYON
sa paksa ng sa paksa ng sa paksa ng
INFROGRAPHIC INFROGRAPHIC INFROGRAPHIC
POSTER POSTER POSTER
Gumamit ng 3 Gumamit ng 2 Gumamit ng 1
Mga Larawan angkop na larawan angkop na larawan angkop na larawan
Bilang bilang biswal na bilang biswal na bilang biswal na
Karagdagang suporta sa mga suporta sa mga suporta sa mga
Biswal datos o datos o datos o
impormasyon impormasyon impormasyon
KABUOAN

You might also like