You are on page 1of 1

Ang Pambansang Awit ng Pilipinas

Binuo ni Julian Felipe ang himig noong 1898 at ang mga titik ng awit naman ay inangkop mula sa tulang
Filipinas na isinulat ni Jose Palma sa wikang Kastila noong 1899.

Nagsimula ito bilang isang martsang pang-instrumental na ipinag-atas ni Emilio Aguinaldo na gamitin sa
pagpapahayag ng kalayaan ng Pilipinas mula sa Espanya. "Marcha Filipina Magdalo" ang unang pangalan
nito ngunit binago at naging "Marcha Nacional Filipina" matapos hirangin ito bilang pambansang awit ng
Unang Republika ng Pilipinas. Una itong tinugtog ng bandang San Francisco De Malabon sa araw ng
pagpapahayag ng kalayaan noong Hunyo 12, 1898. Ang mga titik ng awit ay idinagdag na lamang
matapos isulat ni Jose Palma ang tulang Filipinas noong Agosto 1899.

Naisipan ng pamahalaang kolonyal ng Estados Unidos noong dekada 1920 na isalin ang pambansang
awit sa Ingles mula sa Kastila matapos na mapawalang bisa ang Flag Law. Ang pinaka-tanyag na
pagsasalin ay ang Philippine Hymn na ginawa nina Senador Camilo Osias at isang Amerikano na si Mary
A. Lane. Ito ang ginawang opisyal na pagsasalin ng Kapulungan ng Pilipinas noong 1938.

Ang mga pagsasalin ng pambansang awit sa Tagalog ay ginawa noong dekada 1940. Ang pinaka-tanyag
sa mga salin na ito ay ang "O Sintang Lupa" na sinulat ni Julian Cruz Balmaceda, Ildefonso Santos at
Francisco Caballo. Ito ang naging pambansang awit noong 1948.

Nagbuo naman ng komisyon ang Kalihim ng Edukasyon na si Gregorio Hernandez upang baguhin ang
mga salitang Tagalog ng pambansang awit noong panunungkulan ni Pangulong Ramon Magsaysay.
Naging bunga nito ang pambansang awit na "Lupang Hinirang" na unang inawit noong Mayo 26, 1956.
May mga kaunti pang mga pagbabago ang idinagdag noong 1962 na ginagamit hanggang sa
kasalukuyan.

Like: Ang Supremo

You might also like