You are on page 1of 1

ANG MABUTING SAMARITANO

Banghay-Aralin

I. Layunin:

1. Malalaman ng mga mag-aaral ang mga pangyayari sa parabula ng mabuting Samaritano.


2. Mauunawaan ng mga mag-aaral ang halaga ng pagtulong sa kapwa at ang „di pagtatangi ng
tao.
3. Gagamitin ng mga mag-aaral ang natutunan sa pamamagitan ng pagkakaroon ng hangarin na
tumulong sa kapwa.

II. Paksang Aralin


A. Titulo: Ang Mabuting Samaritano

B. Kagamitan
1. Litrato ng Mabuting Samaritano na Tumutulong
2. Gawaing Upuan

C. Sanggunian: Lucas 10:30-37

D. Talatang Kakabisaduhin: Mateo 5:16 (Ingles)

III. Pamamaraan
1. Panimulang Gawain: Bagong Awit – “This Little Light of Mine”

2. Paglalahad ng Aralin
a. Ano ang kahulugan ng parabula? Sino ang may-akda ng mga parabula?
b. Ano ang nangyari sa taong mula sa Jerusalem papunta sa Jerico?

c. Sino ang unang napadaan sa taong ito? Ang ikalawa? Ano ang kanilang ginawa sa
taong sugatan?

d. Sino ang ikatlong napadaan sa taong sugatan? Ano ang Samaritano? Ano ang
kaniyang ginawa?

e. Sino sa tatlo ang naging mabuting kapwa ng taong sugatan?

f. Bakit hindi tayo dapat magtangi ng tao?

g. Bakit mahalagang tumulong sa kapwa?

IV. Ebalwasyon: Sagutan ang Gawaing Upuan

V. Takdang Aralin: Sa isang malinis na papel, gumuhit ng isang pagkakataon kung saan ikaw ay
makakatulong sa iyong kapwa. Kulayan ang iyong guhit at ipasa sa susunod na pagkikita.

You might also like