You are on page 1of 1

Jay Mark F.

Lastra BSED-III
FILIPINO 18- PAGBASA NG MGA OBRA-MAESTRONG FILIPINO
G. Roberto T. Tagose

Ikalawang Pagsusulit

1. Sino sa mga tauhan sa Florante at Laura ang maituturing mong bayani?

-Ang maituturing kong bayani sa tula ay si Florante dahil sa kanyang kagitingang


ginawa para sa bayan. Nang dahil sa kanya ay nailigtas niya ang Albanya laban
sa mga kaaway na Moro. Katulad ni Rizal ipinaglaban niya ang ating kalayaan
mula sa mga Kastila. Ginamit niya ang kanyang pluma at tinta bilang sandata
upang labanan ang mga mananakop. Hindi matatawarang ang kagitingan na
ipinamalas ng ating mga bayani upang tayo ay mabigyan ng kalayaan. Ang
pagiging bayani ay handang ibuwis ang buhay para sa ikabubuti nga ating
bayan.

2. Anong aral o mga aral ang nais ipahiwatig ng tula sa kabuuan?

-Ang aral na nais ipahiwatig ng tula ay ang pagiging matapat sa pinaglilingkurang


bayan at maging sa taong minamahal. Ang pagiging makabayan ay handang
isugal ang lahat pati ang kanyang kapakanan upang ipagtanggol ang minamahal
na bayan. Huwag mawalan ng pag-asa dahil ang katotohan at kabutihan ng
bawat isa ang siyang magwawagi sa bandang huli. At higit sa lahat ang
pagkakaroon ng respito at pag-unawa sa bawat lahi, mapa Kristiano man o
Muslim ay may karapatang mamuhay ng malaya at masaya na walang
panghihimasok. Ito ay nagdudulot ng katiwasayan ng bawat bansa at pagkakaisa
ng bawat lahi.

3. Sa iyong palagay, anong katangian ng pangunahing tauhan ang dahilan ng


kanyang pagwawagi?

-Ang katangian na dahilan ng pagwawagi ni Florante ay ang pagiging matapang


at may pagmamahal sa bayan dahil sa kabila ng lahat ng kaniyang dinanas na
paghihirap at pagsubok ay napagtagumpayan niya ito. Dahil magiging
matagumpay ka kung ikaw ay may lakas ng loob at paniniwala sa iyong sarili at
higit sa lahat ang paniniwala sa Diyos. Ang kabutihan ni Florante ang nagdala sa
kanya sa tagumpay. Dahil ang may mabuting hangarin para sa bayan at sa
lipunan ay pinagkakalooban ng Diyos.

You might also like