You are on page 1of 2

CENETA, JOHNRICK C. BSED SCIENCE. 2B.

SOSLIT

Alamat ng Bahaghari
NI JOHNRICK
CENETA

Makikinang na mata, Mala kutis porselana, Matangos na


ilong, At mapulang mga labi ganyang kung ilarawan ng
isang dalagang nagngangalang Meria. Si Meria ay
nagkakaisang anak ng mag asawang si Luciano at Marivica
sila ay naninirahan sa bundok niasna. “Maari ba kitang
ligawan” sambit ng binatang pumaruon sa kanilang
tahanan upang ligawan si meria. “Ayoko!” sagot ng dalaga.
Malungkot na umalis ang binata . “Pang ilang lalaki
nabayan na tinagihan mo anak?” Tanong ng ina nito.
“Ma ayoko po sakanila, hindi sila ang para saakin, hindi magbabago ang buhay ko sa mga tulad
nila at isa pa hindi sila gwapo para maging asawa ko”. Sagot ng dalaga. “Oo nga naman marivica,
at tsaka masyado pang maaga para magkaroon ng kasintahan ang anak natin” sagot ng ama ng
dalaga sa kanyang asawa. Patuloy na dumarating ang mga lalaking gustong manligaw sa dalaga
ngunit sadyang mapili ang dalagang ito at walang magustuhan sapagkat hindi sapat ang mga
lalaking ito para umangat siya. Simula bata pa ay makakakitaan na kay meria ang pagkatuso
ngunit hindi ito alintana sa kaniyang mga magulang sapagkat tinatangi at nagiisang anak lamang
si meria na hiniling pa nila sa diyos ng buhay.
Isang araw habang nakaupo ang dalaga sa tapat ng kanilang bahay ay umakit ang
kaniyang kagandahan ng biglang magliwanag ang kanyang mga balat, nakakasilaw at walang
kasing ganda maraming nahumaling sa ganda ng dalaga at isa na rito ang diyos ng araw.
Nahumali ang diyos ng araw kay meria sapagkat siya lamang ang tanging babaeng nakita nito sa
buong buhay niya na ubod ng ganda. Agad na pinuntahan ng hari ng araw ang dalagang sa meria
upang maging asawa. “Oh napakagandang binibini, Ako ay nabihag ng itong kagandahan maari
bang ikay maging aking asawa?” Sambit ng hai ng araw sa dalaga. “Ayoko, sino kaba? Ngayon
lanang kita nakita rito.” Sagot ni meria. “Ako ang hari ng araw at walang sinuman ang maaaring
tumangi saakin” sigaw ng diyos ng araw. “Ngunit ayaw ko saiyo, ngayon lamang kita nakita”.
Sagot ni meria sabay na tumakbo papasok sa kanilang bahay. Umalis na galit ang hari ng araw
ngunit magkagoon man ay hindi parin maalis sa isip nito si meria at gusto gusto niya itong
maging asawa. Makalipas ang ilang araw ay nagplano ng maigi ang hari ng araw kung papaano
mapapasakanya ang dalaga hanngang sa dumating ang araw na iyon. Habang naglalakad sa
harden si meria ay biglang lumitaw ang hari ng araw sa oras na iyon ay walang kung ano anong
dinakip ang dalagang si meria at dinala ng diyos ng araw sa kalangitan kung saan ito nakatira.
Ginawang asawa ng diyos ng araw si meria at inibig ng totoo magkaganoon ay salungat naman
ang pagtingin ni meria sa hari ng araw walang inisip si meria kundi ang kanyang pamilya na
naiwan sa lupa. Hindi nagtatagal ay nagdalang tao si meria at nagsilang ng sanggol na
pinagalanang Inca. Nagtagal ang ilang taon ay nadagdagan pa ng 2 anak sina meria at ang hari ng
araw pinangalanang josefa at maya.
Sa labis na binibigay ng pagmamahal ng araw ay natututunan ni meria na mahalin
pabalik ang hari ngunit hindi parin maalis sa isip at puso ni meria ang kanyang
pamilyang gustong gusto niya nang makita at makasama. Isang araw nang umalis
ang hari ng araw ay nainip si meria naglinis ito sa kanilang kaharian sa bawat sulok
sulok nito. Sa paglilinis ni meria ay nakita niya ang isang bahag na punong puno ng
kulay ito ay binubuo ng kulay na Pula, Kahel, Luntian, Bughaw, Indigo, at Lila. Ang
bahag na iyon ang isa sa kasuotan ng hari ng araw. Bilang isang diyos alam ni meria
na ang bahag na iyon ay makapangyarihan hindi nagdalawang isip si meria na ihulog
ang bahag mula sa kaharian patungo sa daigdig kung saan siya nagmula laking gulat
ni meria nang maging isang malaking arko na puno at matitingkad nitong kulay agad
na nagmadali si meria at tatlong anak nito upang tumakas bagamat naroon na ang
pagdadalawang isip ay tumakas parin sila ng kaniyang mga anak. Ginamit ni meria
ang bahag na iyon upang maging tulay pauwi sa kanilang tahanan. Nagulantang ang
lahat ng tao sa nakitang makulay at napakagandang arko na nakakaakit sa paningin.
Tagumpay na nakauwi si meria sa kaniyang pamilya at nagsama sama ito, sa kabilang
banda ay natuklasan naman ng hari ang ginawang pagtakas ng kangyang asawa at
mga anak labis itong nalungkot sa nangyari binalikan ng hari ng araw ang kaniyang
pamilya para ibalik ngunit hindi pumayag si meria humiling ito ng kasunduan na
babalik lamang sila sa kaharian kung papayag na dadalawin niya at ang kaniyang
mga anak ang kaniyang pamilya. Hindi na tumangi pa ang diyos ng araw at
napapayag ito. Sa tuwing bababa ng kalupaan si meria ay ginagamit nila ang bahag
ng hari na napakakulay kung kaya’t lumipas ang panahon tinawag ito ng mga taong
bahag ng hari dahil sa magandang kulay nito at pagmamay ari ito ng hari ng diyos di
nagtagal mula sa bahag ng hari ay naging bahaghari na ito. Hanngang sa
kasalukuyan ay kapag nagkakaroon ng bahaghari sa kalangitan ay ibig sabihin ay
dumadalaw si meria at ang kanyang mga anak sa magulang nito.

You might also like