You are on page 1of 2

John Jerome Carsola

10-Linux
Ang lapida ng kausap ko

Undas na naman at marami na namang nag titinda ng puting kandila,


mga bulaklak na naka lagay sa basket at iba pa, mapapadalas narin ang
trapik dahil sa mga nag titinda ng kung ano ano pa sa tabi, mapapadalas din
ang mga kwentong kababalaghan tungkol sa mga multong wala namang
kasiguraduhang umiiral sa lipunan.

Hapon araw ng undas, ay may isang dalagang tinitirikan ang isang


puntod, habang abala sa pagsindi ng kandila ay may tatlong bata na naka
costume ng nakakatakot. Nag tungo ang mga ito sa dalaga at tinanong. "Ate
nakakita kanaba ng multo?" tanong ng isang batang nakasuot ng witch
costume na may hawak na pumpkin basket, may katangusan ang ilong nito"oo
bakit nyo naman natanong?" Tugon ng dalaga. Sumunod na nag tanong ang
medyo cute na bata na naka zombie costume at sinabing "Ate nakakita kana
saan, kalian, bakit? sa panong paraan? sunod sunod nitong tanong."
Napatawa ang dalaga at sinabing "Ang multo ay parang pag ibig kaya wag
kayong magaalala makakakita rin kayo" nag tanong naman ang isang singkit
na bata na naka costume ng pam bampira" Bakit mo naman nasabi na para
itong pag ibig ate?" Dalaga:" kase ang multo pag nakita mo lulubayan karin
agad at minsan lang silang mag pakita aalis pa mag lalaho agad." Nag salita
ang unang nag tanong na bata at sinabing “Sana makakita na rin tayo ng
multo”. Nag pasalamat ang tatlong bata at masayang nag lakad papaalis.

May isang lalaking binatilyo naman ang lumapit at nag tanong sakanya.
“Miss anong pangalan mo?” napangiti ang dalaga dahilan para mabighani
ang binatilyo “ako si Maria Isabel ikaw anong pangalan mo?” aahhhm…
tawagin mo nalang akong Jake. Muling nag tanong ang lalaki: “ Maria
nakakita kanaba ng multo?” Maria: “oo, bakit ikaw ba?” “ahh… ehhh.. hindi pa
kasi eh” malungkot nitong tugon. “Oo nga pala kaano ano mo yang tinitirikan
mo?”. Sa di inaasahan pag kakataon may tumawag kay jake dahilan para
lingunin ito at nung napansing wala naman ay lumingon ulit ito sa kanyang
kinakausap, nag taka sya pagkat nawala ang kanyang kinakausap na dalaga.
Dahilan ng kanyang kyuryosidad ay tinignan nya ang lapida na tinitirikan ni
Maria na may nakasulat na “RIP Maria Isabel”.
John Jerome Carsola
10-Linux
MINULTO NG MULTO

Huling Lingo na naman Septembre malapit na naman ang


undas, mapapadalas na naman ang trapik, dahilan sa mga
bangketa na nag titinda ng puting kandila at bulaklak na
nakalagay sa basket. Uso na naman ang mga kwentong
kababalaghan tungkol sa multo na wala namang kasiguraduhang
umiiral ang mga ito.
May tatlong batang naka costume ng pambampira, bruha at
zombie lumapit ang mga ito kay Maria at silay nag tanong. “Ate
nakakita kanaba ng multo?” Napatawa si Maria sa tanong ng
tatlong mga bata at sinabing oo naman, wow dibale makakakita rin
tayo ng multo tiwala lang sabi ng batang naka costume ng pang
zombie, umalis ang mga bata at nag pasalamat kay maria. “mga
bata nga naman oo”.
Sa di inaasahan ay mag lumapit sakanyang isang binatilyo na
mukang rakista ang pormahan naka black leather suit ito at black
jeans. “Miss ang ganda ganda mo naman naniniwala kaba sa love
at first sight?” medyo pilyong tanong ng Binatilyo.
Ha? Kuya sorry hindi kasi eh ang pag ibig parang multo
madaming naniniwala pero kakaunti palang ang nakakakita.
Nakangiting tugon ni Maria “ikaw naniniwala kaba sa multo?”
Nagulat na lang ang binatilyo ng biglang nag laho ang
dalaga sa kanyang Harapan.

You might also like