You are on page 1of 2

MAY 30, 2023

FILIPINO SA PILING LARANG: TALUMPATI

“Pamilyang Pilipino Patatagin: Susi sa Paghubog ng Maka-Diyos, Makatao,


Makakalikasan at Makabansa”

“Sa tahanan naguumpisa ang lahat” Iyan ang madalas nating sabihin, ngunit iyan ang
katotohanan. Sa loob ng tirahan dito naguumpisa ang lahat. Nariyan si mama, si papa, si ate,
si kuya at ang kapatid. Minsan ba’y sumagi na ba sa isip niyo kung gaano kahalaga ang
pagkakaroon ng isang pamilya? Naiisip niyo ba kung paano mabuhay ng walang kinagisnan
at kinalakihang magulang o maulila nang maaga sakanila? Sa panahon ngayon malamang ay
hindi, hindi niyo na naiisip yan dahil sa simpleng “po” at “opo” man lang ay siyang di niyo
na magawa. Aking mga kamagaral malaking sakripisyo ang iginugol ng ating mga magulang
para satin. Ang ating "ina" ang siyang naghirap upang mailuwal tayo sa mundong
kinakatayuan natin ngayon. Ang ating "ama" naman ang siyang nagpapakahirap sa
pagtatrabaho upang may ipang tustos saatin. Napapansin niyo ba? Hindi man lang natin
naiisip ang hirap na pinagdaanan nila.

“Pamilyang Pilipino Patatagin” Sa simpleng mga nakagawian ay maari natin itong maabot.
Paano? “po “ at “opo” , “mano po” at “bless po” at syempre hindi mawawala ang mga
salitang “salamat po” at “mahal ko po kayo”. Napakasimple ngunit bakit hindi magawang
ibigkas ng labi niyo. Sa paggalang sa ating magulang ating pinapatibay ang pundasyon ng
pagmamahalan sa loob ng tirahan. Ito’y tumatatag pagkat sa loob ng pamilya dito tayo
natututo kung paano maging maka diyos. May kasabihang, “Ang pamilyang sabay na
nagsasamba ay, laging magsasama” isa lamang sa patunay na sa pagkakaroon ng matatag
na pagsasama ng isang pamilya ay napapalapit tayo sa diyos. Pamilya, ito ay siyang
naghuhubog saatin upang maging makatao, makakalikasan at makabansa. Sa kanila tayo
natututo ng magagandang asal at mga dapat na tamang gawain.
Aking mga kamagaral, ating igaling ang ating mga magulang at ating patatagin ang ating
pagsasama. Ang buhay ay puno ng sorpresa, hindi natin alam kung mayroon pa nga bang
bukas. Dapat ay sulitin natin ang mga oras nakasama natin sila, hangga’t narito sila ay ating
ipadama ang pagmamahal natin. Maari ang iba sainyo ay may hindi maayos na relasyon sa
mga magulang, ngunit magulang parin natin at ito’y hindi matatwaran ng iba. “PAMILYA”
pitong letra, isang salita, dito mararanasan ang magmamahalan, ang huhubog sayo bilang
ikaw at siyang kayamanan na kailaman man hindi basta’bastang mapapalitan o mahahanap
sa kung saan-saan. Pamilyang Pilipino Patatagin: Susi sa Paghubog ng Maka-Diyos,
Makatao, Makakalikasan at Makabansa.

You might also like