Professional Documents
Culture Documents
Project 2 Infographic About Mental Health Guidelines
Project 2 Infographic About Mental Health Guidelines
PANUTO:
1. Mag-explore online para makita ang iba't ibang halimbawa ng infographics. Maging pamilyar sa kung ano ang
infographic at kung ano ang mga mahahalagang bagay na dapat makita dito.
a. Maaari mong malaman ang basic overview at history ng infographics sa pag-click sa sumusunod na
link: http://en.wikipedia.org/wiki/Information_graphics
b. Maghanap ng mga halimbawa ng infographic na “mahusay” at “hindi mahusay”.
2. Alamin at unawain ng mabuti ang iyong topic. Maaari kang mag-research sa iba’t-ibang mapagkakatiwalang
websites sa internet tungkol sa mental health. May kalayaan ka na pumili kung anong mahalagang
impormasyon ang ilalagay mo sa infographic.
3. Planuhin mo ang "Kuwento" na sasabihin ng iyong Infographic. Maari kang gumuhit ng sketch kung ano ang
magiging itsura ng iyong infographic. Ang infographic ay dapat may simula, gitna, at wakas. (Tignan ang table
para malaman kung ano ang mga dapat na mahahalagang ilagay sa infographic)
TITLE
BAR GRAPH
BULLET POINTS: A, B, C, D
PIE CHART
ILLUSTRATED TIMELINE
SOURCES LOGO
4. Mag-isip ng Biswal:
a. Tukuyin ang mga paraan upang i-convert ang text o salita sa mga pictures o imahe. Subukang i-
convert ang iyong datos at text sa visual, sa pamamagitan ng paggamit ng mga chart, graph, diagram,
maps, flowchart, at iba pang elemento.
b. Sa paggawa ng magandang infographic, alamin kung anong font style, color palette, at font size ang
gagamitin. Panatilihing simple ang paggawa sa paggamit ng dalawa hanggang tatlong font, size, at
kulay.
5. Maaari mong gamitin ang website na ito sa paggawa mo ng infographic:
a. Piktochart.com Canva.com Visme.com Infogram.com
6. I-proofread at i-review ulit ang gawa bago ipasa.
7. Ilagay sa infographic ang mga sites o sources na ginamit sa paggawa nito. Mga reputable o
mapagkakatiwalaang website lamang ang gagamitin sa paggawa ng infographic, lalo na sa mga
impormasyon na nilalagay.
8. Ang mag-aaral na makakakuha ng 100 na puntos sa proyektong ito ay magkakaroon ng plus one na direct sa
EsP 3RD QR final grade. Sa hindi naman makakakuha ng 100 points, ay magkakaroon pa rin ng mataas na
score sa performance task.
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 9
PROJECT 2 – INFOGRAPHICS ABOUT MENTAL HEALTH
,,,
9. Tignan ang rubrik sa ibaba na gagamitin ng guro para bigyan ng marka ang ginawang infographic ng mag-
aaral.
10. Submission date: March 11, 2024 (Tuesday).