You are on page 1of 5

Mithiin ng Pamantasan Hangarin ng Pamantasan

Ang nangungunang Republika ng Pilipinas Ang estadong Pamantasan ng Kabite ay


Pamantasan sa makasaysayang CAVITE STATE UNIVERSITY magbibigay ng mahusay, pantay at
Kabite na kinikilala sa kahusayan Don Severino de las Alas Campus makabuluhang edukasyon sa sining, agham at
teknolohiya sa pamamagitan ng may kalidad
sa paghubog ng mga indibidwal Indang, Kabite, Pilipinas
na pagtuturo at tumutugon sa
na may pandaigdigang (046) 8620- 290/ (046) 4150-013 loc 221 pangangailangang pananaliksik at mga
kakayahan at kagandahang-asal. www.cvsu.edu.ph gawaing pangkaunlaran.
Makakalikha ito ng mga indibidwal na
dalubhasa, may kasanayan at kagandahang-
asal para sa pandaigdigang kakayahan

PINAL NA KAHINGIAN
GNED 11: KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO
MIDYEAR | T.A. 2019-2020

Pangalan ng mga Miyembro: Christian Paul Garcia, Aila Jamila Vertudez, Petsa: Enero
22,2021 Janmilson Dinglasan, Aira Mae Misola
Programa at Seksyon: BSECE 1-1

I. Rasyonal/Kaligiran ng Pinal na Kahingian


Ang pandemya ay isang malaking disrapsyon sa kasalukuyang pamumuhay ng mga Pilipino at maging ng iba pang mga lahi
sa iba’t ibang panig ng mundo. Sa katunayan, patuloy na sinusubok nito ang maraming sektor at mga industriya – mula sa sistema
ng edukasyon at pamamahala hanggang sa pagnenegosyo at pakikipagkapwa. Bagamat naipairal ang physical distancing o pisikal
na paglalayo-layo, naisiwalat din naman ng pandemya ang kakulangan o kawalan ng kakayahan ng awtoridad para malutas ang
lumolobong bilang ng mga nagiging apektado ng coronavirus disease. Kaakibat nito ang mga isyu gaya ng mabagal na pagbibigay
ng ayuda, militarisasyon imbis na solusyong medikal, kalituhan at pagsisisihan ng mismong mga nakaupong opisyal, mabagal na
pagtugon sa pangangailangan ng mga ospital, delayed mass testing, at suliranin para maitawid online ang pagtuturo at pagkatuto sa
mga paaralan. Idagdag pa rito ang matagal nang mga isyung lokal at nasyonal bago pa man ang pandemya tulad ng korapsyon,
kahirapan, pagkasira ng kapaligiran, pagsupil sa mga kritikal sa gobyerno, at iba pa.
Layunin ng pinal na kahingiang ito na maisapraktika ng mga mag-aaral ang kanilang pagiging mulat at maalam sa mga
matagal nang suliranin o isyu sa kanilang komunidad o sa bansa sa pangkalahatan. Bukod dito, nilalayon ng gawaing ito na
maisagawa nila ang angkop na pagsusuri ng mga reputableng hanguan o batis ng impormasyon, pagbubuod at pag-uugnay-ugnay
ng mga impormasyon, at pagbuo ng mga tiyak na midyum ng komunikasyon – infographic at isa hanggang tatlong minutong
video presentation (kagaya ng Nas Daily vlogs). Ito ay pagkakataon para sa mga mag-aaral na epektibong maipahatid ang
kanilang iniisip at niloloob bilang mga aktibong kabahagi sa pag-iisip ng mga solusyon sa maliliit hanggang malalaking suliranin,
gamit ang intelektwalisadong paggamit ng wikang Filipino tungo sa isang mabisang komunikasyon.
II. Mahahalagang Paalala
1. Dapat may aspekto pa rin ng komunikasyon sa pagpili ng paksa, pagbuo ng konsepto, at pag-iisip ng solusyon sa
napagkasunduang isyung lokal o nasyonal ng grupo.
2. Hindi kinakailangang magkita-kita nang personal sa paggagawa ng awtput. Gamitin ang mga online na pamamaraan
upang makabuo ng awtput (group chat, video call, text messaging, call).
3. Ang infographic at video presentation ay dapat na magtaglay ng mabisang kombinasyon ng awdyo at biswal na elemento.
Dapat ay maglaman ito ng sumusunod na puntos:
a. Pagtalakay sa isyu (pagsasaliksik ng estadistika, pagpapakahulugan, pagtalakay sa problema, rasyonal, kaligiran)
b. Pag-iisip ng solusyon (Saan papasok ang komunikasyon para malutas ang problema? Ano pa ang ibang interbensyon?
Kailangan ba ng tulong mula sa pamahalaan o iba pang organisasyon?)
c. Pagsacite ng mga hanguan o batis ng impormasyon
4. Lagyan ng pamagat ang infographic at ang video presentation.
5. Ang infographic at video presentation ay magkatuwang na mga kasangkapan o midyum para maipaliwanag nang mas
ekstensib ang napiling isyung lokal o nasyonal. Bagamat pareho lang dapat ang paksang kanilang tinatalakay, sikaping
huwag maging paulit-ulit ang nilalaman ng dalawa. Ang nabanggit na sa infographic ay maaaring palalimin pa sa video
presentation o vice versa.
6. Ilagay sa dulo ng vidyo ang pangalan ng mga kasapi o miyembro pati ang bilang ng inyong pangkat at sabdyek natin. Sa
infographic, ilagay lang ang bilang ng inyong pangkat sa bandang ibaba.

Pangkat 1
(Mga Pangalan)
BSC 1-3

GNED 11: Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino

7. Kapag ipinasa ang pinal na kahingian, sikaping ilagay ang mga ito sa isang folder. I-upload ang inyong folder sa ating Google
Drive.
8. Magbibigay ang guro ng mga halimbawa ng infographic at video presentation bilang gabay.
III. Rubrik
Infographic
Pamantayan sa Paghuhusga

Pamantayan Napakahusay Mahusay Kailangan pa ng Pagpapabuti Puntos


Paksa Ang paksang napili ay Ang paksang napili ay Ang paksang napili ay
(20 puntos) napapanahon, espesipiko, at napapanahon, espesipiko masyadong malawak ang
may malinaw na anggulo o bagamat palasak na ang pokus. sakop at karaniwan na lang ang
pokus. (16-20) (11-15) pokus. (6-10)
Nilalaman Gumamit ng mabisang at Nagbanggit ng mga estadistika, Iilan o bihira lamang ang
(30 puntos) episyenteng kombinasyon ng facts, eksperto, at pag-aaral. Ang nabanggit na estadistika, facts,
 Paggamit ng mga estadistika, facts, ilang argumentong ibinigay ay eksperto, at pag-aaral. Ang
estadistika eksperto, at pag-aaral. Ang nakasandig sa mga tiyak na mga argumento ay kailangan
 Pagbanggit ng argumentong ibinigay ay ebidensya. Samantala, ang pang masuportahan ng mga
facts, eksperto, o nakasandig sa mga tiyak na balangkas naman ay naorganisa tiyak na patunay. Samantala,
pag-aaral, at patunay. Samantala, ang subalit mas mapag-iigi pa para ang balangkas naman ay
sariling argumento balangkas ay lohikal at makinis maging epektibo. (21-25) kiinamalasan ng pagiging hindi
 Pagkakabalangkas ang daloy kung babasahin. (26- tiyak ang direksyon. (16-20)
30)
Presentasyon Nagpamalas ng pagiging Gumamit ng mga tulong-biswal Napakadala ang pagkakagamit
(25 puntos) malikhain sa pagpepresenta ng kagaya ng mga graphic organizer sa mga graphic organizer o
 Paggamit ng mga mga impormasyon gamit ang at larawan. Kaya lang, may piling larawan. Kung kaya naman,
angkop na graphic mga graphic organizer at pagkakataong nagging mahirap mai-visualize
organizer, larawan, larawan. Kung kaya naman, nasobrahan/kinulang sa paggamit ang mahahalagang
talahanayan nakapupukaw ng atensyon ang ng mga ito. Nakapupukaw pa rin impormasyon. Mapagbubuti pa
 Biswal na dating ginawang infographic. (21-25) ng atensyon ang infographic. ang infographic. (15-19)
 Pagkamalikhain (20-24)
Matapat na Pag-cite ng Gumamit ng mga sanggunian at Gumamit ng mga sanggunian Hindi nai-cite ang mga
mga Sanggunian matapat na nai-cite ang mga pero may ilang hindi nai-cite. sanggunian o mali ang
(15 puntos) ito. (6-10) pagkakacite. (0-5)
(11-15)
Mekaniks Ang mga salitang ginamit ay May ilang piling pagkakataon lang Kapansin-pansin ang mga
(10 puntos) tama ang pagkakagamit at na hindi tumpak ang kamalian sa mekaniks kung
 Tamang gamit ng pagkakabaybay. Wasto rin ang pagkakagamit ng bantas, kaya naapektuhan din nang
bantas, mga bantas at kapitalisasyon. kapitalisasyon, at baybay. malaki ang dating ng
kapitalisasyon, Kung kaya naman, mas Gayunpaman, maayos pa rin ang infographic.
pagbabaybay, madaling unawain ang dating ng infographic. (0-2)
gamit ng mga salita infographic. (3-6)
atbp. (7-10)
KABUUANG PUNTOS (100 puntos)
Isa hanggang tatlong minutong video presentation
Pamantayan sa Paghuhusga

Pamantayan Napakahusay Mahusay Kailangan pa ng Pagpapabuti Puntos


Konsepto May malinaw na plano at May malinaw na plano at Nakitaan ng kalituhan sa kung
(20 puntos) direksyon ang awtput kung direksyon bagamat nagkulang sa ano ang nais na matamo o
kaya’t nakapukaw ng atensyon. ilang piling bahagi ng awtput. (11- maikomunika ng awtput. (6-10)
(16-20) 15)
Iskrip Ang iskrip ay kinabakasan ng Ang iskrip ay maayos na Ang iskrip ay nangangailangan
(30 puntos) epektibo at atraktibong nasalamin sa video presentation pa ng lohikal na pagsasaayos
 Pagbanggit ng balangkas na tumutuloy sa bagamat may pili lang na at pagdaragdag o pagtatama
estadistika, facts, manonood. Komprehensibo pagkakataong karaniwan na ang ng mahahalagang
eksperto, o pag- ang pagkakalatag ng mga ibinahaging impormasyon at ang impormasyon upang mas
aaral, at sariling eksena, estadistika, facts, binuong balangkas. (21-25) tumima sa mga manonood.
argumento eksperto, pag-aaral, at (16-20)
 Balangkas argumento. (26-30)
Teknikal na Elemento Nakitaan ang awtput ng May piling pagkakataon na Karamihan sa mga bahagi ng
(25 puntos) katangi-tanging galaw at nagkaroon ng pagkukulang sa video presentation ay
 Paggamit ng mga anggulo ng kamera, transisyon, epektibong pagsasaalang-alang nangangailangan pa ng
larawan o tunog, musika, voice over, at ng ilan sa mga teknikal na pagsasaayos. Halimbawa,
dayagram editing. Gumamit din ng mga aspekto ng isang video malikot ang kamera, malabo
 Galaw/anggulo ng kaugnay na larawan at presentation. Gayunpaman, ang kuha ng sabdyek o obdyek,
kamera, transisyon dayagram. Natugunan ang mga madali pa ring nasundan ang mahina o hindi naririnig ang
at editing rekisitos ng isang video daloy nito. awdyo. (15-19)
 Paglalapat ng presentation. (20-24)
tunog/musika/voice (21-25)
over
Matapat na Pag-cite ng Gumamit ng mga sanggunian at Gumamit ng mga sanggunian Hindi nai-cite ang mga
mga Sanggunian matapat na nai-cite ang mga pero may ilang hindi nai-cite. sanggunian o mali ang
(15 puntos) ito. (6-10) pagkakacite. (0-5)
(11-15)
Mekaniks Ang mga salitang ginamit ay May ilang piling pagkakataon lang Kapansin-pansin ang mga
(10 puntos) tama ang pagkakagamit at na hindi tumpak ang kamalian sa mekaniks kung
pagkakabaybay. Wasto rin ang pagkakagamit ng bantas, kaya naapektuhan din nang
mga bantas at kapitalisasyon. kapitalisasyon, at baybay. malaki ang dating ng vidyo.
Kung kaya naman, mas Gayunpaman, maayos pa rin ang (0-2)
madaling unawain ang vidyo. dating ng vidyo.
(7-10) (3-6)
KABUUANG PUNTOS (100 puntos)

You might also like