You are on page 1of 1

Pangkat 4 - Isyung kinakaharap ng mga nasa Pangkat Minorya o Marhinalisado

Ano ba ang pagkakakilanlan natin sa mga pangkat minorya? Ang iba’t-ibang mga grupo na
bumbuo sa katutubo ng Pilipinas. Sila lang naman ang kauna-unahang nakadiskubre o
nagsimula ng ating panitikan at kultura. Ngunit, bakit maliit ang tingin natin sa kanila? Dahil ba
sa kanilang kasuotan, kutis ng balat, at paraan ng pamumuhay? Makikita natin ang mga
pangkat na ito na naninirahan sa iba’t-ibang sulok ng bansa at nagsama-sama ito dahil sa mga
suliraning umudyok sa kanila. Sa kadahilanang hindi sila sanay sa kabihasnan ng pangkat
mayorya, nagkakaroon ng diskriminasyon lalo na sa benepisyong pampubliko at
pangkalusugan. Ang ilan sa mga ito ang nagkaroon ng pang-aabuso dala ng mga polisiya ng
pambansang gobyerno na nagnanais kuhain ang likas na yaman ng kanilang rehiyon at
paglabag sa kanilang karapatang pantao.

You might also like