You are on page 1of 5

A.P.

Multiculturalism at Diskriminasyon
Multiculturalism- Ito ay tumutukoy sa pilosopiyang nagtuturo
ng angkop na pagtanggap at paggalang sa pagkakaiba-iba ng
mga tao.
Indigenous People- Ang mga pangkat indigenous ay mga
organisadong pangkat na matagal na panahon nang nakatira sa
isang lugar at may katutubong mga paniniwala at kulturang
hindi naiimpluwensyahan ng mga dayuhan o iba pang mga
pangkat.
Ancestral Domain- Ang ancestral domain ay hindi lamang
tumutukoy sa mga lupang tinitirahan ng mga pangkat
indigenous ngunit kasama rin ang mga nakapalibot na anyong-
tubig, banal na lugar at mga lugar na nangangaso at
nangingisda.
Certificate of Title- Ang Certificate of Ancestral Domain Title
(CADT) ay legal na titulo ng mga pangkat ng indigenous na
nagpapatunay ng kanilang pagmamay-ari sa kanilang mga
lupain o ancestral domain. Ito ay dapat kilalanin at igalang ng
sinuman.
Unlawful Intrusion- Hindi maaarin g basta-basta pasukin,
pakinabangan, o angkinin ng sinumang hindi kabilang sa
pangkat indigenous ang naitalagang ancestral
Domain nila. Ang sinumang lumabag dito ay maparurusahan ng
batas.
Ang multiculturalism ay konseptong ginagamit tuwing tinatakay
ang mga karapatan ng mga minoryang pangkat tulad ng:
 Indigenous Groups (IP)
 African American
 Netive American
 Muslim at iba pang religion
Ang layunin ng multiculturalism ay magkaroon ng pantay-
pantay na karapatan at oportunidad na pang-ekonomiya at
pampolitika ang mga pangkat minorya at iba pang mga
mamamayan.
Mga Pangkat-etniko (Indigenous Group)
Iba't ibang pangkat ng mga Pipino ang bumubuo sa ating bansa.
Ang bawat pangkat ay may sariling wika, pag-uugali at tradisyon
na naiiba sa ibang pangkat. Nagkakaiba man tayo, lisa ang ating
bansa, at tayong lahat ay Pilipino. Ayon sa Philippine Statistics
Authority, may 87 wika sa Pilipinas Ngunit iba-iba ang ulat ng
mga mananaliksik sa kung ilan ang tunay na mga pangkat-
etniko sa bansa. Inilalarawan sa Chapter II, Section 3.
Indigenous Peoples' Rights Act (IPRA), Republic Act No. 8371 o
The Indigenous Peoples Rights Act of 1997 kung sino ang mga
pangkat-etniko.
ng sumusunod ay ilan sa naibang katangian ng mga pangkat-
etniko
 pagpapanatili ng kanilang diyalekto, tradisyonal na sosyo-
ekonomikong institusyon, at nakagawiang kultura at
relihiyon.
 sariling identidad o pagkakakilanlan bilang natatanging
lipunan
 ekonomiyang subsistence-oriented at
 natatanging relasyon sa lupaing kanilang pinagmulan
Natatangi ang mga pangkat-etniko sa iba pang populasyon ng
ating bansa. Ang pagkakaibang ito ay dala ng kanilang
paniniwala sa konseptong ang lupain ay ipinagkaloob at
ipinagkatiwala ng Poong Maykapal upang pangalagaan,
linangin, panatilihin, a panirahan. Bunga ng konseptong to. ang
mga pangkat-etniko ay hindi naniniwala sa pagkakaroon ng
sarding pag-aari ng lupain (private ownership). Dahil dito, ang
usapin sa lupain ang pangunahing isyu kapag pinag-usapan ang
mga pangkat-etniko Tinatayang may 14 hanggang 17 milyon
ang kabilang sa mga pangkat- etniko sa ating bansa. Karamihan
sa kanila ay nananahanan sa hilagang Luzon (33%), Mindanao
(61%), at iba pang pangkat sa Visayas. Sila ay matatagpuan sa
pitong territoryong binubuo ng Region 1 at CAR, Regions 2, 3, 4,
at 5, at mga pulo sa Mindanao.
Mga Karapatan ng Minority Groups
Ang konsepto ng multiculturalism ay kaugnay ng pagkakaloob
ng tinatawag na group-differentiated rights.
Ang ilan sa mga halimbawa ng mga karapatang ito ay:
 Religious exemptions
 Paggamit ng multilingual na balota sa halalan Pagkakaloob
ng pondo para sa mga asosasyong pang-etniko
Representasyon sa pamahalaan para sa mga pangkat
minorya
 Pagkilala sa mga tradisyonal na legal code
 Pagkakaloob ng limitadong karapatan para pamahalaan
ang sari (self-govemment o political autonomy)
 Nilikha ang sumusunod na probisyon ng Republic Act No.
8371, National Commission on Indigenous Peoples (NCIP).
Layunin nito na igal at mapanatili ang mga paniniwala,
kaugalian, tradisyon, at institusyon ng m pangkat-etniko.
Isyu Ukol sa Pangkat-etniko
Sa kabila ng mga batas na inilabas upang matulungan ang mga
pangkat- aniko, ang mga ito ay sinasabing kabilang pa rin sa
pinakamahihirap at aping pangkat ng populasyon na hindi
nakatatanggap ng pantay na paglingap a pagkalinga ng
pamahalaan sa larangan ng kalusugan, edukasyon, at
karapatang pantao. Nagiging biktima ng pagkamkam o pag-
angkin ng lupain, pagkawala ng identidad at kultura ang mga
pangkat-etniko. Sa ilang sitwasyon. ang bagay na ito ay
karaniwang nauuwi sa madugong labanan.
Ang sumusunod ay ilan lamang sa mga isyung kinahaharap ng
mga pangkat- etniko:
 Pagsakop sa malawak na lupain ng mga pangkat-etniko.
Ginawa itong base militar regular na pagsasagawa ng
pagsasanay na pangmilitar: kasama na ang hindi
makatarungang pagsisiyasat ng mga tahanan; pagharang
sa pagkaing dapat sana ay makatulong sa pangkat, curfew
at iba pang restriksiyon.
 Paglabag sa karapatan sa kalayaan at katahimikan, Patuloy
silang nakararanas ng pananakot, pagkamatay ng mga
lider at miyembro ng mga pamayanang indigenous na
patuloy na nakikipaglaban para sa kanilang minang lupain
(collective rights)
Pagpapatupad ng malawakang proyekto ng pamahalaan tulad
ng pagmimina, konstruksiyon ng mga dam, proyektong pang-
enerhiya at agrinegosyo, at ecotourism sa lupain ng mga
pangkat-etniko na hindi isinasaalang-alang ang katahimikan,
kaligtasan, at paglilinang ng pamayanang indigenous. Ang mga
proyektong ito ay karaniwang nauuwi sa pagtatalaga ng mga
militar sa lupain ng mga pangkat- etniko sa paligid ng mga
proyektong isinasagawa.

You might also like