You are on page 1of 6

Gawain 1-4: Mga Grupo ng Pilipinas sa Natatanging Kultura

Pangalan: Shyna Marie E. Tampus Taon/Seksyon: BSED-FI_EVE_2-4


Petsa: November 20,2022 Marka: ______________________

Gawain: Isahang Pananaliksik


A. Bawat isa ay naatasan na magsaliksik sa mga iba’t ibang lugar ng Pilipinas. Nararapat na
tukuyin kung anong lugar ang nais pag-aralan sa gawaing ito.
1. Itala at ilakip ang mga pinagkunan nito.
2. Nararapat na tukuyin kung anong lugar ang nais pag-aralan sa gawaing ito.
3. Ipinagbabawal ang pag-uulit sa mga makuhang lugar. Sikaping makipag-koordineyt sa
mga kasamahan sa klase.
1. Unang hahahanapin ang ang KULTURA NG TAO SA LUGAR

Upi, Maguindanao
"tri-people " (Teduray, Muslim, Christians)

Ang mga larawan ay kuha/pag-aari ni Erika Rose Bacalan

 Pamumuhay
Ang Upi ay isang probinsya ng Mindanao at katulad ng ibang probinsya sa Pilipinas simple
lamang ang kanilang pamumuhay tulad ng pagsasaka o pagtatanim ng kape, palay, mais, prutas
at gulay at pamimingwit ng isda sa mga sapa o fishpond.
 pag-uugali
Iba't iba ang mga pag-uugali ng mga naninirahan sa Upi sapagkat ito ay tri-people. Isa na rito
ang normal na pag-uugali ng mga Pilipino katulad ng mapagpatuloy (hospitable) at iba pa. Ang
kanilang pananalita naman ay ang mga Ilongo ay malumanay magsalita, ang Teduray ay mabilis
magsalita samantalang ang mga muslim naman ay matigas ang pananalita.
 Pangkabuhayan
Ang Upi, Maguindanao ay isang probinsya kung kaya ang kanilang pangunahing pangkabuhayan
ay agrikultura katulad ng pagsasaka at pagtatanim ng kape, mais, prutas at gulay.

 Paniniwala at kaugalian
Itinuturing na "tri-people culture" ang Upi, Maguindanao kung saan mayroong Teduray ,Muslim
at Christians. Mayroong silang iba't ibang paniniwala o relihiyon tulad ng Islam, Katoliko at
Alliance. Isa sa kanilang kaugalian ay ang kanduli o thanksgiving banquet ito ay paghingi ng
pagpapala sa pamamagitan ng paghahanda ng pagkain sa mga bisita. Tuwing biyernes naman ay
nagkakaroon sila ng sambayang o panalangin kung saan hindi sila humahawak o tumatanggap ng
pera lalo na sa mga Muslim.
 Tradisyon
Isa sa kanilang tradisyon ay tuwing buwan ng Disyembre ay mayroong pagdiriwang suot ang
kanilag makukulay na tradisyonal na kasuotan, ang Meguyaya Festival. Sa seremonyang
pagpapakasal naman ay nagkakaroon ng pagpululong ang kanya kanyang kefedewan o
tagapagsalita sa panig ng babae at lalaki upang magkasundo sa darating na kasal. Kapag ang
Teduray ay ikinasal, ang ibang handang pagkain ay kailangang bayaran o ginagawang business
ang kasal. Halimbawa, ang pagkain ay mayroong presyong nakalagay at kapag gustong kumain
ng bisita sa pagkain na iyon ay kailangan munang magbayad. Sa kasal naman ng Muslim ay
ginagawa ang kanduli kung saan ang ikinasal ang siyang nagbibigay ng regalo tulad ng pera sa
kanilang mga bisita.

 Batas
ARTIKULO IV MGA PANGKALAHATANG PRINSIPYO AT PATAKARAN
• SEC. 9. Mga Karapatan ng mga Katutubong Hindi Moro. – Ang Gobyernong Bangsamoro ay
dapat kilalanin at itaguyod ang karapatan ng mga di-Moro na katutubo sa loob ng balangkas ng
Konstitusyon at mga pambansang batas.
• SEC. 10. Kalayaan sa Pagpili
-Ang kalayaan sa pagpili ng lahat ng mga tao sa loob ng Bangsamoro Ang Autonomous na
Rehiyon ay dapat igalang. Ang mga katutubo ay magkakaroon ang kalayaan upang mapanatili
ang kanilang natatanging katutubo at etnikong pagkakakilanlan sa karagdagan sa kanilang
Bangsamoro political identity. Hindi dapat magkaroon ng diskriminasyon batay sa
pagkakakilanlan, relihiyon, at etnisidad.
•SEC. 3. Karapatan ng mga Katutubo
-Ang Gobyernong Bangsamoro kinikilala ang mga karapatan ng mga katutubo at dapat
magpatibay ng mga hakbang para sa ang. pagtataguyod at proteksyon ng mga sumusunod na
karapatan:
• (a) Mga katutubong pamagat o fusaka na ginamit;
• (b) mga katutubong kaugalian at tradisyon;
• (c) Mga sistema ng hustisya at katutubong istrukturang pampulitika;
• (d) Pantay na bahagi sa mga kita mula sa paggamit ng
• mga mapagkukunan sa kanilang mga lupaing ninuno;
• (e) Libre, nauna at may kaalamang pahintulot;
• (f) Pampulitikang pakikilahok sa Gobyernong Bangsamoro
• kabilang ang mga nakareserbang upuan para sa mga di-Moro na mga katutubo sa
• ang Parlamento;
• (g) Mga pangunahing serbisyo; at
• (h) Kalayaan sa pagpili tungkol sa kanilang pagkakakilanlan

•Karapatan ng mga Katutubo ( Republic Act No.8371 Indigenous People's Rights Act of 1997)
-Anumang panukalang-batas na pinagtibay ng Parlamento ay hindi makakabawas sa anumang
paraan karapatan at pribilehiyong ipinagkaloob sa mga katutubo sa bisa ng United Nations
Declaration of the Rights of Indigenous Peoples at ang United Nations Declaration on Human
Rights, at iba pang mga batas na nauukol sa mga katutubo sa Bangsamoro Autonomous Region.
Ito Ang Organikong Batas ay hindi dapat bawasan sa anumang paraan ang mga karapatan at
benepisyo ng ang mga di-Moro na katutubo sa Bangsamoro Autonomous Rehiyon sa ilalim ng
Konstitusyon, mga pambansang batas, partikular ang Republic Act No. 8371, kung hindi man ay
kilala bilang "Indigenous People's Rights Act of 1997.
• SEC. 4. Mga Karapatan at Tradisyon sa kaugalian
- Ang mga paniniwala sa kaugalian, at tradisyon ng mga taong Bangsamoro ay narito kinikilala,
pinoprotektahan, at ginagarantiyahan. Ang Parlamento ay dapat magpatibay mga hakbang
upang matiyak ang paggalang sa isa't isa at proteksyon ng mga natatanging paniniwala,
kaugalian, at tradisyon ng mga Bangsamoro at iba pa mga naninirahan sa Bangsamoro
Autonomous Region. Walang tao sa Ang Bangsamoro Autonomous Region ay sasailalim sa
anumang anyo ng diskriminasyon dahil sa paniniwala, relihiyon, etnikong pinagmulan,
magulang, o kasarian
•Sining at Kultura
-SEC. 24.Pagpapanatili ng Cultural Heritage ng Bangsamoro na mga tao. - Ang Gobyernong
Bangsamoro ay dapat panatilihin ang kasaysayan, kultura, sining, tradisyon, at ang mayamang
pamana ng kultura ng Mga taong Bangsamoro at kanilang mga Sultanato, tulad ng mga taga-
Sulu, Maguindanao, Kabuntalan, Buayan, the Royal Houses of Ranao and of ang Iranun, at ang
mga di-Moro na katutubong mamamayan ng Bangsamoro Autonomous na Rehiyon. Para sa
layuning ito, lilikha ito ng Bangsamoro Commission for the Preservation of Cultural Heritage in
coordination kasama ang angkop at may-katuturang mga ahensya ng pambansang pamahalaan.
•SEC. 17. Tradisyonal o Tribal Justice System
-Ang Parlamento ay dapat magpatibay ng mga batas upang itaguyod at suportahan ang mga
tradisyonal o tribal na sistema ng hustisya na angkop para sa mga katutubo. Ang mga katutubo
ay dapat may karapatang gamitin ang kanilang karaniwang tinatanggap na hustisya mga sistema,
mga institusyon sa pagresolba ng salungatan, pagbuo ng kapayapaan mga proseso o
mekanismo, at iba pang mga kaugaliang batas at gawi sa loob ng kani-kanilang komunidad at
hangga't maaari maging tugma sa pambansang sistemang legal at sa mga karapatang pantao na
kinikilala sa buong mundo.

 Pamihiin
Isa sa pamahiin ng mga naninirahan sa Upi ay kapag nais mong pumunta sa bukidnon ay
kailangang magpaalam sa mga naninirahan doon lalo na sa mga Teduray dahil sila raw ang
inutusan ng mga diwata sa pagbabantay sa bundok. Dagdag pa rito ay isang haram o
ipanagbabawal, illegal at nakakapinsala sa lahat ang pagpunta sa mga bukidnon at halal naman
kung ito ay mayroong pahintulot o legal at nakabubuti sa lahat.

2. Ikalawa ay ang kanilang mga SINING sa LUGAR


 kailan
Maisan Na! at Meguyaya Festival - Desyembre 16-22
1901 -1910 -tumuntong ang pwersang Amerikano sa Pronbinsya ng Cotabato.
Agosto 19,1919 -itinatag ang Upi Agricultural School.
Hunyo 10, 1995 - Ang Upi ay dating baryo ng Dinaig at nahiwalay sa bisa ng Republic Act
No.1248.
Desyembre 16, 1995 - Ang Upi ay nagkaroon ng 42 baryo.
1956 - naganap ang unang halalan , unang nahalal si Mayor Ignacio Tenorio
Labina,pinuno ng Teduray.
2006 -nawalan ng higgit -kumulang 147 kilometro kuwadrado (57 sq mi) nang mga baybaying
barangay dahil lumikha ng bagong munisiipalidad.

 kasaysayan
Ang Upi ay nagmula sa terminong "Ufi". Ito ay isang "Teduray" na pangalan para sa isang
partikular na puno na tumutubo sagana sa lugar. Ang balat ng "Ufi" ay ginagamit kasama ng
betel nuts para sa pagnguya o "mama" sa Diyalekto ng Teduray. Ang mga Teduray ay ang mga
unang katutubong naninirahan sa lugar.
Ang simula ng Upi bilang isang distritong heograpikal at politikal na entidad ay nagsimula sa
unang bahagi ng 1901 hanggang 1910, nang tumuntong ang mga pwersang Amerikano sa
Probinsya ng Cotabato noon.
Isang American Army Officer, Captain Irving Bryant Edwards, ang nakatalaga sa Awang.
Nagpakita ng malaking interes si Edwards na ilapit ang pamahalaan sa mga tao sa pamamagitan
ng pagtatatag ng mga paaralan sa malalayong lugar. Narating niya ang matabang lambak ng Upi
at itinatag ang Upi Agricultural School noong Agosto 19, 1919. Mula sa isang sundalo ng USAFFE,
si Capt. Irving Bryant Edwards ay naging tagapagturo.
Ang Upi ay dating baryo ng Dinaig. Ito ay nahiwalay sa Dinaig sa bisa ng Republic Act No. 1248,
na inaprubahan noong Hunyo 10, 1955. Noong Disyembre 16 ng parehong taon, nilagdaan ni
Pangulong Elpidio Quirino ang Executive Order No. 142, na lumikha ng 42 baryo ng Upi.
Ang unang municipal mayor, vice mayor at mga konsehal ng Upi ay hinirang ng pangulo ng
Pilipinas. Si Maria Badoy ay itinalaga bilang unang alkalde ng munisipyo. Noong 1956, hinimok
ang mga residente ng bayan na lumahok sa mga gawaing pampulitika ng lokal na pamahalaan, at
doon naganap ang unang halalan kung saan si Mayor Ignacio Tenorio Labina, isang pinuno ng
Teduray, ang unang nahalal na alkalde ng Upi at humawak ng kanyang katungkulan sa loob ng
apat na taon.
Noong 2006, nawala ang Upi ng humigit-kumulang 147 kilometro kuwadrado (57 sq mi) nang
mga baybaying barangay na Kinimi, Laguitan, Lapaken, Matuber, Meti, Nalkan, Penansaran,
Sedem, Sinipak, Resa, Tambak at Tubuan ay ihiwalay sa munisipalidad upang lumikha ng bagong
munisipalidad ng Datu Blah T. Sinsuat.

 Piyesta
Meguyaya Festival (Disyembre ) - isang pagdiriwang ng kasaganaan, kapayapaan at pagkakaisa
sa Upi.
Maisan Na! -Isa sa mga pinakaaabangang aktibidad bawat taon kung saan ang mga residente ng
Upi kasama ang kanilang mga bisita ay nagtitipon-tipon sa plaza ng bayan at nasisiyahan sa pag-
ihaw ng mais (ang pangunahing ani ng mga bayan).

 Wika
Teduray, Ilocano, Ilonggo, Filipino, Bisaya, Maguindanaon, Maranao
 kagamitan
Agong o Agung at Kulintang (instrumentong pangmusika)

https://images.app.goo.gl/whhrd13c7hJmYeA36
Basket na gawa sa kawayan (lalagyan ng isda,prutas, bigas, takip sa ulam at iba pa)

 pagkain
Pastil o pastel, Dodol (muslim delicacy), Arroz Valenciana

 pagtuturo
Sa makabagong panahon at henerasyon, marami na ang mga taong naeenganyo sa mga bagong
gadgets, pag-ibig, karahasan, at iba pang bagay na nagaganap sa ating bansa sa mga panahong
nagdaan.
Sa makabagong panahon at henerasyon na ito’y karamihan na sa ating mga kababayang Pilipino
na ang tila ‘nakakalimot’ na sa kaugaliang ating nakasanayan pamula sa ating mga ninuno,
ngunit meron pa ring mga Pilipino ang hindi pa nakakalimot at magpahanggang-ngayo’y
sinsasanay rin nila ang kanilang mga kamag-anakan sa kaugalian at kultura nakasanayan na.

3. Ikatlo ay ang kanilang Henerasyon at Lahi


Karamihan sa Upi, Maguindanao ay mayroong lahing Teduray at Muslim.
4. Ikaapat ay ang paggamit o pagtanggap ng Teknolohiya sa lipunan
Base sa aking nakausap na naninirahan sa Upi, Maguindanao ay tinatanggap nila ang teknolohiya at
ginagamit at nakakatulong lalo na sa panahon ng Covid19 at sa edukasyon tulad ng online class. Ngunit,
mayroon lamang pagkakaiba ang ating lugar kumpara sa kanila pagdating sa mga teknolohiya dahil hindi
sila kaagad nakakasabay sa mga makabagong teknohiya o modernasyon. Sa madaling salita, ay mga
karaniwang teknolohiya pa lamang ang ginagamit o nasa lugar nila at hindi ganoon ka advance.
Halimbawa, kung sa atin ay mayroon ng E jeepney sa kanila ay wala pa. Kung sa agrikultura naman ang
ating pag-uusapan, ang kanilang pamamaraan ng pagtatanim o pagsasaka at pag-aani ay tradisyonal na
pamamaraan katulad ng paggamit ng kalabaw sa pag-araro at hindi sila gumagamit ng " tractor" na
siyang ginagamit karamihan ng mga magsasaka sa ibang lugar.

Mga pinagkukunan:
https://www.mymindanao.com/2019/01/maisan-na-at-meguyaya-festival-of-upi.html?m=1
https://www.maguindanao.gov.ph/images/municipalities/1stdistrict/UPI.pdf
Ang ibang impormasyon ay kay Erika Rose Bacalan sa pamamagitan ng interbyu ng manaliksik.

B. Ihanda para sa presentasyon gamit ang Docs file o ppt slides na may 2 minuto – 3 minuto lamang
ang haba ng paglalahad.
______________________________________________-
Schedule: sa Paglalahad
#1 – Nov 21 & 23, 2022
#2 – Nov 28 & 30, 2022
#3 – 4 – Dec 7, 2022

You might also like