You are on page 1of 7

National Christian Life College

Filipino 8
WORKSHEET

PANGALAN:___________________________________________________MARKA:______

BAITANG AT SEKSYON:______ISKEDYUL NG KLASE: ______ PETSA: ______

Panuto: Basahin at unawain Ang Wikang Filipino sa Edukasyong Panteknolohiya: Isang


Teknolingguwal na Pagtalakay at Mga Popular na Babasahin upang masagutan ang mga
sumusunod na gawain.
Gawain 1
Nabibigyan-kahulugan ang mga salita na ginagamit sa mundo ng multimedia.
Bigyang-kahulugan ang mga salitang ginamit sa multimedia. Piliin ang kahulugan sa hanay
B. (8pts)
A
____ 1. dalubhasa ang mga techie
____ 2. Internet na gamit ng marami
____ 3. patok sa multimedia
____ 4. kinagawian ng mga cybernetics
____ 5. e-learning ang gamit ng mga paaralan
____ 6. tungo sa hypermedia
____ 7. kasapi sa global village
____ 8. kawangis nito sa world wide web

B
a. taong eksperto sa teknolohiya
b. uri ng komunidad na nasasaklawan ng buong mundo
c. paggamit ng higit sa isang pamamaraan ng pagpapahayag o komunikasyon
d. isang uri ng pagkatuto at pagtuturo sa pamamagitan ng elektronikong paraan
e. ang pagsasama-sama ng iba’t ibang klase ng teknolohiya katulad ng audio, video,
graphics, plain text, at hyperlinks.
f. isang sistema na magkakakabit na mga dokumento na makukuha sa internet.
g. internasyonal na network na pang-computer na nag-uugnay sa mga indibidwal na nasa
iba’t ibang panig ng mundo.
h. agham ng komunikasyon at ng awtomatikong sistema ng pagkontrol kapwa sa makina at
buhay na nilalang.
Natutukoy ang kahulugan ng salita.
Ayusin ang mga titik upang mabuo ang kahulugan ng salitang nasalungguhitan (5pts)

1. Ang mga eksperto ang nakakaunawa sa mga bagay ng multimedia.

buladahas

2. Kinagawian na nating gamitin ang mga banyagang wika sa ating


pakikipagtalastasan.
hayunad

3. Namamalas natin ang pagsulong ng ating social media

gopagal

4. Adhikain kong matuto ng paggamit ng iba’t ibang wika.

nulayin
5. Ang mga kabataan ngayon ay nagpapakita ng kani-kanilang pekulyaridad sa
paraan ng pagkatuto.

bikanaha

Gawain 2
Nailalahad nang maayos at mabisa ang nalikom na datos sa pananaliksik. (10pts)

Sa ating panahon, hindi maitatatwa ang katotohanang hindi na mapigilan ang paglago ng
teknolohiya at kasabay nito ang mabilis na pagkatuto ng tao lalo na ng mga kabataan sa paggamit
ng iba’t ibang uri nito gaya ng computer, multimedia gadgets, internet at iba pa. Dahilan sa
mabilis na access nito ay naging madali ang pagkalap ng mga impormasyong kailangan. Subalit
sa matinding pagkahilig sa paggamit ng teknolohiya ay napipinto ang mga negatibong epekto
nito sa buhay ng mga kabataan lalo na kung mali ang paggamit nila nito. Sa pamamagitan ng
pagkalap ng mga datos sa internet o aklat ay iyong alamin ang mga negatibo at positibong epekto
ng paggamit ng media o teknolohiya. Isulat ang iyong sagot sa graphic organizer sa ibaba.

Pagkatapos mong punan ang graphic organizer, sagutin ang mga kaugnay na tanong sa
susunod na pahina.

MGA POSITIBONG MGA NEGATIBONG


EPEKTO EPEKTO

TEKNOLOHIYA

_____________________ _____________________
_____________________ _____________________
_____________________ _____________________
__________________ __________________

Mabuti ang teknolohiya kung gagamitin lamang ng tama. Bilang kabataan, paano
mo mapaglalabanan ang masamang epekto ng maling paggamit ng makabagong
teknolohiya?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
_____________________________________

Paano mo gagamitin ang teknolohiya sa pagkamit ng iyong mithiin at pangarap


sa buhay?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
Gawain 3
_____________________________________
Naihahambing ang tekstong binasa sa iba pang teksto batay sa: - paksa - layon - tono - pananaw -
paraan ng pagkakasulat - pagbuo ng salita - pagbuo ng talata - pagbuo ng pangungusap.
Magbasa ng isang panitikang popular na natalakay sa Ating Suriin at ihambing ito sa teksto ng
araling ito ang “Ang Wikang Pilipino sa Edukasyong Panteknolohiya” batay sa katangiang
nakatala sa graphic organizer. (10pts)

Ang
Wikang Pantikang
Pilipino sa Popular na
Edukasyong Binasa
Panteknolohiya
Batay sa Paksa

Batay sa Layon

Batay sa Tono

Batay sa Pananaw

Batay sa
Pagkakasulat

Batay sa Pagbuo ng
Salita

Batay sa Pagbuo ng
Talata

Batay sa Pagbuo ng
Pangungusap

Gawain 4
Nagagamit sa iba’t ibang sitwasyon ang mga salitang ginagamit sa impormal na komunikasyon
(balbal, kolokyal, banyaga).
Tukuyin kung lalawiganin, kolokyal, balbal o banyaga ang mga salitang may salungguhit sa
bawat pangungusap. Isulat sa patlang ang iyong sagot. (7pts)

___________ 1. Tinawag ni Joyce ang kanyang Manang Selya sa hardin.

___________ 2. Nasan ang mamahaling relo ni Samantha?

___________ 3. Nagagamit ni Nathaniel ang internet sa pangangalap ng datos.

___________ 4. Magalang ngunit mapanuri ang sikyo sa Newman Goldliner.

___________ 5. Mahal ni James ang kanyang erpat.

___________ 6. Ang tsikot na ginamit ni Dr. Rodel Aquino ay bagong modelo.

___________ 7. High–tech na ang pagtuturo sa Maranatha Christian Academy.

PERFORMANCE TASK
Nagagamit ang iba’t ibang estratehiya sa pangangalap ng mga ideya sa pagsulat ng balita,
komentaryo, at iba pa.
Ikaw ay isang manunulat sa inyong school paper, nahilingan kang sumulat ng isang
komentaryo o balita tungkol sa kalagayan ng information technology sa inyong lugar sa
napapanahong isyu tungkol sa epekto ng social media network sa buhay ng isang kabataan.
Gamit ang balangkas na makikita sa ibaba, itala ang pamagat, magtala ng mga
kinakailangang impormasyon upang mabuo ang paksang susulatin. Itala rin ang mga
pamamaraan o estratehiyang iyong gagamitin upang epektibong makalap ang mga datos na iyong
inilahad.

Mga Estratehiya ng Pangangalap ng mga Datos o


Impormasyon sa Pagsusulat

1. Pagbabasa at Pananaliksik
2. Obserbasyon
3. Pagtatanong
4. Brainstorming
5. Pagsasarbey
6. Sounding-out Friends
7. Imersyon
8. Pag-eeksperimento

Pamagat

Mga Kakailanganing Datos o Impormasyon

Paraang Ginamit sa Pangangalap ng Impormasyon


Ang iyong susulatin ay dapat makasunod sa rubrik sa ibaba.
Mga Pamantayan Puntos Aking Puntos
Ang nabuong komentaryo, balita, dagli ay nakasunod sa 20
paksa
Nakagamit ng iba’t ibang estratehiya sa pangangalap ng 20
impormasyon
Nailalahad ng maayos at mabisa ang nalikom na datos o 10
ideya sa pagsulat
Malinaw, makatotohanan at kahika-hikayat ang naisulat 10
Kabuoang Puntos 60 puntos

You might also like